Home / Romance / Marriage For Convenience (Taglish) / Chapter 91 - Chapter 100

All Chapters of Marriage For Convenience (Taglish): Chapter 91 - Chapter 100

104 Chapters

Chapter 91

“K—asi kinausap ko si lolo tung-kol sa’yo—” Hindi pa man tapos magpaliwanag si Brenda ay nag-alburuto na agad sa galit ang kanyang pinsan at binigyan siya ng isang malakas na sampal sa pisngi. “Hindi ko lubos akalain na dahil lang sa inggit mo sa akin ay aabot sa ganitong sitwasyon at IKAW,” idinuro ni Steph ang pinsan, “ikaw ang dahilan ng pagkawala ng ating lolo.” Humagulgol ng iyak sina Steph at Brenda, sinubukan ni Brenda na lapitan ang pinsan at hinaplos ang likod nito. “Nag-aalala lamang ako sa kalagayan mo and I tried to explain it to him ang sitwasyon mo but you know what, he didn’t get mad at you instead he told me to take care and guide you,” nagsisisi niyang pag-amin sa pinsan. Lalong tumindi ang pag-iyak ni Steph dahil sa kanyang nalaman, bigla siyang nakaramdam ng pagsisisi sa kanyang maling desisyon sa pagpapakasal
Read more

Chapter 92 - Ang pag-alis ni Steph

Limang araw ang lumipas mula ng mailibing ng matiwasay ang lolo nila Steph, nagbalik na sila sa kani-kanilang buhay. Napagpasiyahan na ni Steph na ipagpatuloy ang pagtulong sa kaniyang mga pinsan sa proyekto nila sa kumpanya ngunit hindi pa rin niya binitawan ang nais ng kanyang puso at yun ay ang pagmomodelo! Sariwa pa at masakit ang sugat na dulot sa kanya ng nakaraan ngunit kailangan niyang mabuhay at magpatuloy kaya nagmadali siyang simulan ang pagtulong para hindi tuluyang bumagsak ang negosyo ng kanilang pamilya. At sa pagtutulungan nila sa loob ng dalawang linggo ay muling umangat ang kanilang negosyo matapos magpa-fund raising ang mga magpipinsan. Sa kabilang banda naman ay patuloy pa rin si Caspian sa pag-aabang sa kanya para makausap siya ngunit hindi niya nilalabas ang lalaki. Isang hapon ay kinatok ang kwarto ni Steph ng kanyang ina, “Steph! Anak! Nasa baba ang mister mo!” Nar
Read more

Chapter 93 - Hihintayin ko ang muli mong pagbabalik

Kinahapunan ng araw din na umalis si Steph ay siya namang dating muli ni Caspian para hanapin ang kanyang misis. Pinindot niya ang doorbell, makalipas ang limang minuto ay pinagbuksan siya agad ng gate at bumungad sa kanyang harapan ang galit na si Don Mijares. “Ma-magandang hapon po, Pa,” kinakabahang bati niya. “H’wag mo akong tawaging papa! Wala kang karapatang tawagin akong ganun matapos mong saktan ang unica hija ko!” Bulyaw nito sa kanya. “H—hindi ko po sinasadyang saktan siya…” Pagdadahilan niya, umakyat ang init ng dugo ng Don sa kanyang ulo at binigyan ng isang malakas na suntok ito sa mukha na ikinasandal niya sa tabi ng kanyang kotse ngunit hindi siya lumaban, muli siyang sinapak ng Don ng isa pa. “Honey! Anong ginagawa mo?!” Tili ni Belinda nang masaksihan niya ang pananakit na ginagawa ng kanyang asaw
Read more

Chapter 94 - Mali ng lalaking minahal

 Makalipas ang anim na buwan ay nakapagtapos na ang mga trainees na hawak nila Caspian. Nag-angat ng ulo si Caspian sa loob ng kanyang opisina nang marinig niya ang katok na nagmumula sa pintuan. "Anong kailangan mo?" walang ganang tanong ni Caspian nang bumungad sa kanya ang pinsan ng kanyang asawa na si Mike. Mike showed the magazines that he carry at ipinatong sa ibabaw ng desk ng kernel, "take it. Baka namimiss mo na siya," sabi nito. Tikom ang bibig ni Caspian at nagsawalang kibo na para bang walang pakialam sa sinasabi ni Mike but deep inside his heart ay sabik na sabik siyang tingnan ang mga larawan ng kanyang misis sa bawat pahina ng magasin ngunit pinipigil lamang niya ang kanyang sarili. "Kung wala namang halaga ang pagpunta mo sa opisina ko, makakaalis ka na," malamig niyang sabi. Napamangha si Mike sa nakitang ekspresyon ng mukha nito
Read more

Chapter 95 - Ang pag-uusap sa kantina

Bumalik ng wala sa sarili si Ivan, pulang-pula ang mga mata, lugmok at malungkot ang awra na parang ayaw man lang bumati ng kahit sinong madaanan. Sinalubong siya ng kanyang mga kaibigan sa gate, “bok, anong meron sa inyo ni Beatriz?” usyoso ni Jerome. Tahimik lamang si Ivan at walang kibo, nilagpasan niya ang kanyang mga kaibigan at nagpatuloy sa paglakad. “Anong problema nun?” tanong ni Jerome sa kaniyang mga kaibigan. Nagkibit balikat lang si Brent sa kanya, nagtinginan sila sa isa’t-isa na parang nagkakaintindihan ng usap ng nila. Ilang sandali pa ay hinabol nila ang kaibigan at umakbay si Lawrence ng maabutan si Ivan. “Bok, anong problema natin? Bakit parang malungkot ka?” tanong nito, nilingon lamang siya nito at hindi kinibo. Sinenyasan ni Lawrence ang dalawa na wala pa rin siyang nakukuhang response mula rito. 
Read more

Chapter 96 – She's back!

“Steph, we need to go back to the Philippines na,” pagpupumilit ni Vi sa kanya. Nakaharap pa rin sa malaking salamin si Stephanie at abala sa pagsusuklay ng kanyang buhok at pagpopostura ng mukha. “Hindi ba’t sinabi mo sakin na iikutin natin ang buong mundo, paanong babalik na tayo sa Pilipinas agad? Iilang buwan pa lang tayong umiikot sa piling bansa,” reklamo niya. “My goodness, Steph! Hindi tayo pwedeng umikot ng umikot lang ng bansa ng hindi ka nagtatrabaho, malaking offer ito ni Mr. Cruz at gusto niyang sa Pilipinas ito i-shoot.” Paliwanag ni Vi sa kanya. “Bakit pa kasi sa Pilipinas niya gustong i-shoot ang commercial na yun? Marami namang mas magagandang bansa na pwedeng puntahan, bakit doon pa?” muli niyang reklamo, kinuha niya ang pula niyang lipstick at sinimulang maglagay nito sa kanyang labi. “H’wag mong sabihin saking haban
Read more

Chapter 97 - Divorce paper

Tipid ang ngiting binigay ni Steph sa harap ni Caspian, “where’s the paper?” tanong niya. Magkahalong emosyon ang naramdaman ni Steph ng iabot sa kanya nito ang isang brown envelope halot hindi niya maiangat ang kanyang kamay para tanggapin ito. Nilingon niya ang kanyang manager na noon ay nakatayo lamang sa kanyang likod at hindi alam ang gagawin, “d-do you have a pen?” pinilit niyang ituwid ang kanyang salita dahil ayaw niyang magmukhang iiyak sa harap nila. “Wala akong dala, dear,” tugon ni Vi sa kanya. “Do you have—” “Wala rin akong dala,” putol niya sa tanong nito. “Then I have no choice but to take that, my manger will send it to you once I am done signing it,” hinawakan ni Steph ang envelope ngunit parang ayaw bitiwan nito ang pagkakahawak sa sobre. 
Read more

Chapter 98 - Unexpected confession

“Steph’s POV”Hindi ko alam kung bakit biglang tumulo ang aking mga luha habang kinakain ang dalang pagkain sakin ni Caspian. Hindi ko alam kung nasisiraan na ba ako dahil mas pinili kong kainin ang pagkaing dala niya kaysa sa binili ko. Habang natitikman ko ang lasa ng pagkaing ito ay parang binabalik ako sa nakaraan, ang mga araw na pinagluluto niya ako, ang kulitan naming at ang lahat. Marahil ito na siguro ang dahilan ng aking pagluha, dapat ay maging masaya na lang ako dahil nahanap na niya ang babaeng para sa kanya kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi ako ang babaeng nakalaan sa kanya. Nagpatuloy ako sa pagnamnam ng pagkaing dala niya sa akin kasabay ng tuloy-tuloy na hikbi ko dahil sa labis na pag-iyak kahit ganun, dire-diretso pa rin ako sa pagsubo ng pagkain sa aking bibig. “Steph, Steph. Anong nangyayari sayo? Bakit ka umiiyak?” Hindi ko namalayan na kanina pa
Read more

Chapter 99 - We're not on the same page

Binitiwan ni Steph ang kamay ng kanyang kaibigan ng makalayo na sila sa maraming tao saka huminto, hinabol niya ang kanyang hininga at pinaypayan ang sarili. Nang makapahinga na siya ay hinarap niya si Luigi at tiningnan ng seryoso, nababasa niya sa mukha nito na nais niyang malaman ang kanyang isasagot. “Let’s take a sit over there,” tinuro ni Steph ang bakanteng bench sa tabi ng isang shop. She bought two cold drinks at ibinigay ang isa sa kanyang kaibigan saka naupo kalapit nito. Uminom muna siya ng malamig bago harapin si Luigi, “you are always a good friend to me and I really appreciate you,” nakangiti niyang sabi saka muling sumipsip ng kanyang inumin. Napatigil sa pag-inom ng drinks niya si Steph ng ipatong ni Luigi ang kamay niya sa ibabaw ng kamay ng dalaga, “maghihintay ako sa isasagot mo sakin, I will not pressure you.” Ibinaba
Read more

Chapter 100 - Kasal na siya

“Beatriz’s POV”Hindi ko alam kung saan ko napulot ang lakas ng loob na umattend sa misa ng kasal ng lalaking aking pinag-alayan ng pag-ibig pero heto ako nakaupo sa hanay ng mga guest sa loob ng simbahan. Siguro ay pinagtatawanan ako ngayon ng mga bisitang nakakaalam ng relasyon namin noon ni Ivan dahil sa pagpapakita ko sa araw ng kasal ng taong minamahal ko. I did not intend to attend their wedding today but I have no choice kundi ang ipamukha sa sarili ko na I don’t deserve this man at para na rin gisingin ang sarili ko na itigil na ang katangahang umasa pa sa kanya. Ayoko ng maghintay at maniwala sa mga pangako niya sakin dahil nasa harap ko na ang masakit na katotohanan. Nararamdaman ko ang mainit na tingin sakin ni Ivan mula sa kanyang kinatatayuan, ayoko sanang tingnan siya pero ito na lang ang aking huling pagkakataon na tumingin sa kaniya. Pinilit kong ngumiti sa kanya pero ang na
Read more
PREV
1
...
67891011
DMCA.com Protection Status