Isinandal ko ang ulo sa sandalan ng kotse. Nakita kong tiningnan pa ako ni Cadrus mula sa front mirror. Nabapuga ako ng hangin. Buwisit kasing Marcus ‘yon. Natatakot na tuloy ako baka mamaya multuhin ako ng asawa niya na kamukha ko raw. Parang natatakot na tuloy akong tumingin sa salamin, paano na ‘ko makakapag foundation nito.“Psst,” sitsit ko sa demonyong seryoso sa pagmamaneho, “Boss. P’wede pakitabi muna?” Gaya ng inaasahan ay hindi niya ako sinagot bagkus nagpatuloy lang sa pagmamaneho.“Dali na. Puputok na ang panubigan ko,” biro ko Umaasang makukuha ko ang atensyon niya pero tanging pagismid lamang ang natanggap ko. Nang hindi niya pa rin ako pansinin ay padabog akong naupo, naiihi na talaga ako. Grabe ang lalaking ito, walang konsiderasyon. Paano ko ba mapapatigil ang sasakyan na ‘to?Lumapit ako sa tainga niya, “Cadrus, babangga tayo!&r
Last Updated : 2021-11-22 Read more