ISLA’S POV “Sige po, tita. Alis na po ako,” paalam ko sa kapatid ni Papa. Pagkatapos kasi ng klase ay dito na ako sa hospital dumiretso, nagbabakasakali na baka gising na sila. Kaso nga, hindi pa pero hindi naman ako mawawalan ng pag-asa. Magiging okay din sila, magigising din sila at magiging kumpleto ulit kami. Hindi naman na nagsalita si tita kaya lumabas na ako sa kwarto. Hindi naman kami close ni tita kaya ayos lang. Habang naghihintay ng sasakyan ay tumunog na naman cellphone ko. Nang makita ko kung sino ay agad kong pinatay. Balak ko nang tapusin at hindi ituloy ‘yong kontrata namin kaya lang hindi ko alam kung kailan at paano, wala pa akong trabaho ulit. Mas lalong hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos. Matagal kong pinag-isipan ‘to. Kaya lang hindi ko maiwasang matakot para sa mga magulang at mga kapatid ko. Kasi kung
Read more