ISLA’S POV “Hatid na kita, Isla. Kung ayos lang sa ‘yo?” Napahinto ako saglit sa pag-ayos ng mga notebooks at pens ko na nagkalat sa arm chair ko. Nakatayo na sa harap ko si Gabreel at hinihintay ako, napansin ko na halos wala nang tao sa classroom. Nalipat naman ang tingin ko kay Sasa na abala sa pagtipa sa cellphone niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ‘yong sinabi ni Gabreel sa akin. “Hmm, k-kasi sasabay ako kay Sasa, Gabreel… pero ano, salamat ulit sa alok,” nahihiya kong tanggi sa kaniya. Napapansin niya na rin kaya na lagi ko siyang tinatanggihan? Hindi kasi ako komportable eh, napapaisip na rin ako sa mga pinapakita niya. “Isla, Friday pala ngayon! Nako, pasensiya na hindi kita maihahatid, may pinapagawa si Mama sa akin. Kainis naman! Inuutusan niya na naman akong pumunta sa ano, alam mo na ‘yon,” sabi niya at
Read more