ISLA’S POV
“Sige po, tita. Alis na po ako,” paalam ko sa kapatid ni Papa. Pagkatapos kasi ng klase ay dito na ako sa hospital dumiretso, nagbabakasakali na baka gising na sila. Kaso nga, hindi pa pero hindi naman ako mawawalan ng pag-asa. Magiging okay din sila, magigising din sila at magiging kumpleto ulit kami.
Hindi naman na nagsalita si tita kaya lumabas na ako sa kwarto. Hindi naman kami close ni tita kaya ayos lang.
Habang naghihintay ng sasakyan ay tumunog na naman cellphone ko. Nang makita ko kung sino ay agad kong pinatay. Balak ko nang tapusin at hindi ituloy ‘yong kontrata namin kaya lang hindi ko alam kung kailan at paano, wala pa akong trabaho ulit. Mas lalong hindi ko alam kung saan ako pupulutin pagkatapos.
Matagal kong pinag-isipan ‘to. Kaya lang hindi ko maiwasang matakot para sa mga magulang at mga kapatid ko. Kasi kung
ISLA’S POV“What? Amiah? How did you know that name?”Sa tagal niyang nakatulala ay ‘yan lang ang sasabihin niya? Hindi niya siguro inaasahan na malalaman ko agad na may girlfriend siya. Buti nga at mabait pa ‘yong girlfriend niya dahil hindi ako inaway. Pero kung alam siguro no’n mga ginagawa ni Mr. Martin ay baka mapatay niya na ako.“Mahalaga pa ba ‘yon, Sir?” Tinignan niya ako mula paa hanggang ulo. Lumapit siya at hinawakan ang mga kamay ko at mukha ko.Para akong nakuryente sa hawak niya. Ano bang ginagawa niya?“Did she hurt you? May ginawa ba siya sa ‘yo?” tanong niya habang ine-examine pa rin ‘tong iba’t-ibang parte ng katawan ko.Itinulak ko ulit siya nang tumagal ang hawak niya sa pisngi ko. Hindi niya ba ako narinig kanina o talaga
ISLA’S POV Nakasakay pa rin kami sa Bangka habang minamaneho niya. Bumubukas-bukas ‘yong butones sa may bandang d*bdib niya kaya nag-iiwas ako ng tingin kapag lumilingon siya sa gawi ko. Kahit napakaganda ng lugar ay hindi ko naman ma-appreciate kasi ang dagat, mas lamang ‘yong takot ko na baka mahulog kami dahil hindi ako marunong lumangoy. Actually ngayon lang ako nakapunta sa dagat. Hindi ako mahilig mag-travel o sumama sa mga outing sa school o kapag nag-aaya si Sasa. Mas gusto ko pang kumayod na lang nang kumayod kaysa magsaya knowing na may pamilya akong mas kailangan ng tulong ko. Pero looking at the small waves, the blue, cold and transparent water of the ocean makes me think na pwede namang magpahinga… na sa kabila ng lahat ng kaguluhan at kadiliman sa buhay mo ay may lugar ka pa ring mapupuntahan para magpahinga at para huwag i-pressure ang sarili mo sa mga nangyayari sa
ISLA’S POV“Ayoko nga! Isa! Aalis ako dito, sige.”“Just try it, Isla.”“Ayaw! Ayaw! Ayoko!” parang baka kong tanggi.“Come on,” he pleaded.Kahit ang cute niya hindi pa rin ako papayag. Hindi nga ako marunong lumangoy! Bakit ba niya kasi ako pinipilit? Paano kung mamatay ako dyan? O kaya tangayin ako bigla ng agos? Hay nako! Bahala siya dyan!“Hindi kita pababayaan. Don’t you trust me?” Aba! Ginamitan pa ako ng gano’n! “Don’t you trust your boyfriend?”Mabilis na uminit ang mga pisngi ko sa sinabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin at nag-iwas ng tingin. Kanina pa niya ako inaasar dyan na boyfriend-girlfriend na daw kami.“What? You are not a kabit anymore, babe. Ikaw lang ang girl
ISLA’S POV“G-girlfriend?”Sabay-sabay na nanlaki ang aming mga mata sa taong nagsalita. Ang boses na ‘yon…Hindi ako pwedeng magkamali, kilalang-kilala ko ang boses na ‘yon. Hindi ko naman mapigilan ang aking bugso ng damdamin at napatakbo at napalapit sa kama. Nanginginig ang aking mga kamay.“P-papa!” Tawag ko at nanlalabo ang aking mga mata, napatakip ako sa aking bibig. Hindi ako makapaniwala.Mabilis na lumapit si Doc at inilawan ang mga mata ni Papa. Hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Chineck niya din ang paghinga ni Papa.“T-tubig,” hirap na hirap na sabi ni Papa nang matapos siyang i-check ni Doc Rafael.“Papa!” tawag ko ulit sa kaniya. Kahit nangangatog ang aking mga paa ay niyakap ko siya. Sabay-sabay sa pagtulo ang ak
THIRD PERSON’S POV“Nakauwi na ba ang Sir mo?” Nagulat si Elmar nang may biglang magsalita sa likod niya. Kausap niya kasi ang ibang bodyguards ng amo niya. Gusto kasi ng ama nito na padagdagan ang security ng anak dahil siya ang pinagkakatiwalaan ay siya rin ang inutusan sa bagay na ito.“Ma’am Amiah!” At dahil siya din ang laging kasama ng amo niya, sa kaniya din lagi nagtatanong ang mga tao, siya ang laging hinahanap kapag wala ang amo.“What? I am asking you, you id*ot!” bulyaw sa kaniya ni Amiah na pinsan ng amo niya. Hindi na bago ito sa kaniya. Sanay na siya sa ugali ng pinsan ng amo niya, sa tagal na niyang nagta-trabaho sa M&M Company ay nakita na niya lahat ng masamang ugali ni Amiah.Hindi siya nakasagot dahil nagsalita ang amo niya sa earpods na suot niya. Kanina pa sila magkausap dahil sa mga bilin ng D
ISLA’S POV“Good morning class! So, by this time I hope mayro’n na kayong napiling kompanya or firm for your incoming on the job training. Write the company or firm that you want on that piece of paper na hawak niyo para bukas ay maipasa na namin ang mga names niyo, so that, by Wednesday magsisimula na kayo. Naiintindihan niyo ba?”Lahat ay naghiyawan, sumipol naman ang ibang lalaki dito sa classroom. Lahat ay excited sa on the job training namin. Usually sa ibang school, third year ang internship or on the job training ng mga estudyante kaso dito sa school namin, gusto nila ‘yong malapit na graduation para daw pagka-graduate namin ay fresh pa mga natutunan namin sa on the job training. Which is okay naman sa amin ‘yong idea na ‘yon kasi may point naman sila.I heard ibang-iba na ang buhay sa actual.“Alright! Pag-isipan niyong mabut
ISLA’S POVNapasinghap silang lahat.Napaangat ako ng ulo nang maramdaman ko ang mga mata nilang nakatingin na sa amin o mas mabuting sabihin na nakatingin sa akin.Lahat sila ay nagulat, lalo na ako! Hindi ko inaakala na ganito siya kalala!Napapakamot na lang ako sa noo ko habang nakatingin sa bulaklak na iniaabot ni Mr. Martin.“Good morning, Isla,” bati niya ulit sa akin.Hindi ko alam kung tatanggapin ko. Kaso parang mas nakakahiya kung hindi ko tatanggapin.Dahan-dahan akong lumingon sa mga kasama ko, lahat sila ay naghihintay sa kung anong susunod kong gagawin. Ang awkward! Pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko sa hiya.Napahinto ang tingin ko kay Gabreel, nakakunot noo siya at nagtatakang nakatitig kay Mr. Martin. Sh*t! Hindi man lang niya ako pinaghan
ISLA’S POVNapahinto si Gabreel, nanatili siyang hindi nakatingin sa akin. Hindi mapakali ‘tong mga daliri ko. Kinakabahan ako pero gusto ko lang naman malaman kung anong nagawa ko o may nagawa ba ako na hindi ko alam.Pero sabi ni Sasa ay napapansin niya rin ‘yong mga galaw ni Gabreel so ibig sabihin hindi lang ako nag-o-overthink. Hindi lang ako ‘yong nag-iisip na may mali.Maya-maya ay lumingon na siya sa akin at ngumiti. Hindi umabot ito sa mga mata niya.“Nothing, why?” maikling sagot niya. Humarap na siya nang maayos sa akin at mariin na nakatitig.Nakakahiya. Hin