Binigyan ko ang sarili ng palugit.Sige, pwede akong sumasaya kahit isang gabi lang.At dahil sinabi ko iyon sa aking sarili, ginawa ko nga. Isang matamis na gabi…na mabilis din naman napawi. Masakit, oo, pero mas masakit kapag mamuhay sa isang kasinungalingan. Nasaktan ako, pero wala akong dapat na sisihin kundi ang sarili ko dahil ako naman ang rason kung bakit nangyayari ito sa buhay ko.Hindi ako nakatulog kakaisip sa nangyari kagabi. Marami akong katanungan na ako rin ang gumagawa ng kasagutan. Pero isa lang ang paulit ulit na tumatak sa isip ko- sobra akong nasaktan kasi somobra ako sa pagnanais na maging masaya. Somobra ako sa paghahangad na maging malaya. “Hindi ka pa rin ba naniniwala?”Huminto ako sa paglagay ng mga damit ni Gregore sa laundry at tinignan si Colan na nakasandal sa pintuan.Malamig niya akong tinitigan. “Kuya is just playing with you.”“Natatandaan ko ang sinabi mo, Señorito.”“So…tell me, why did you still kiss him last night?”Muntik ko na mabitawan ang t
Last Updated : 2022-05-14 Read more