Malaki ang Hacienda. Madadaanan muna ang ilang hektaryang plantasyon bago makarating sa mismong lugar. Malaki, ngunit hindi kasing laki ng Mansion nila sa Manila. "Maganda talagang pumili ang mga Maurus sa mga properties." Bulong ni Huby. Tumango ako, sang ayon sa sinabi niya. Walang mga salita ang makakapagsabi kung gaano ka ganda ang Hacienda. Halos lahat, antique ang mga kagamitan. Ang buong hacienda ay napapalibutan din ng mga abstract na pintura, at mga antique base. Hindi lang ito basta bastang mga kagamitan. Isang tingin at malalaman mong pwede kang makulong kapag nabasag o ninakaw mo ang mga ito. At hindi lang nasa labas ang mga magagandang tanawin, dahil sa loob mismo, puno ng mga sari-sari at kakaibang bulaklak. The house is classic but it has a touch of modernity. Very unique, tama lang na pumasa sa
Last Updated : 2021-12-28 Read more