Mabilis lumipas ang isang linggo. At sa mga panahong iyon, nagawa nga nila- namin, ang mga aktibidades na hinanda ni Reu. Mostly, we spent our time on the ranch. Sa gabi naman ay kumakain sa iba’t ibang maliliit na restaurant ng bayan. Kapag may kakaunting oras, pumapasyal din kami sa mga magagandang tanawin, na si Merelle lang ang nakakaalam sa aming lahat.“It seems like you are very familiar with this place, Merelle.” Puna ni Reu, isang araw habang pumapasok kami sa isang pribadong lupain, malakas ang loob na nag tetrespass dahil ayon kay Merelle, nasa ibang bansa ang may-ari at ang ibang mga tao ay ginagawa rin naman daw ito, para lang puntahan ang sinasabing falls.Huminto at namewang si Merelle. “Dati kaming nakatira ng mama ko sa kabilang lungsod, hindi kalayuan dito. Nakakaabot ako dito kapag sumobra ako sa paglalayas.” Sinamahan niya ito ng pagtawa.Napaisip tuloy ako.Matagal ko nang kilala si Merelle,
Last Updated : 2022-01-08 Read more