“Do not forget to drink your vitamins, Gregore.” Pinakita ko sa kanya ang kulay pink na pinaglagyan ko ng mga kinakailangan niyang inumin. “You also need to drink a lot of water. Bring a tumblr with you always.”
Tinignan niya lang ako habang sinusuri sa huling beses ang kanyang luggage, baka mayroon akong nakalimutan.
“I will email you the things that you must buy. Please, don’t neglect it. Mr. Fernan strictly commanded that your maid should not always be with you. Kaya malamang, ikaw ang gagawa sa mga bagay-bagay. I created a schedule in which you must follow, if you want to survive, that is.”
Wala pa rin itong imik.
“I already contacted your maid and told her your routine and the information she needs to k
"Aabutin ilang oras ang byahe patungong Hacienda. Dalawang beses lang tayo hihinto para makarating tayo roon ng mas maaga. Malubak at mahirap ang daan patungo roon, kaya delikado kapag gabihin tayo." Sabi ng driver."Isang hinto natin ay sa gasoline station. Kaya sana ang gustong umihi at bumili ng makakain, gawin niyo na roon." Dagdag niya pa.Tahimik namang nag sitanguan ang aking kasamahan, tahimik na iniintindi ang aming sitwasyon."Pinabibigay pala ito ng iyong ama," Napaangat ako ng tingin kay Huby na nakaupo sa aking harapan. Nakatagilid ito ngayon habang mayroong maamong ekspresyon. Tahimik kong kinuhaang kanyang inabot na subre. Probably an allowance. I smirked at that thought. May paki rin pala Ang ama ko sa akin, huh.&n
Tulad ng napag-usapan, dalawang beses lamang kaming huminto sa buong byahe. At ngayon, ang siyang huling hinto namin, sa mismong bayan na malapit sa Hacienda."Tandaan mo ang pasikot sikot dito dahil ang isa sa trabaho mo ay ang mamamalengke." Malamig na sabi ni Nena.Tumanago ako sa kanya at nilibot ang tingin sa buong paligid. Alas quatro na na hapon at dagsa pa rin ang tao sa bayan. Sari-sari ang mga paninda at ang buong tao, hindi man kami kilala, ay binabati o hindi kaya'y binibigyan kami ng ngiti."Sa kwadra ng kabayo ka maglilinis at ikaw din ang nakatoka sa pagpapakain ng mga inahin at ng mga alagang kabayo. Kaya maglibot ka sa buong bayan at bilhin mo itong lahat. Mag tanong tanong ka."
Malaki ang Hacienda. Madadaanan muna ang ilang hektaryang plantasyon bago makarating sa mismong lugar. Malaki, ngunit hindi kasing laki ng Mansion nila sa Manila."Maganda talagang pumili ang mga Maurus sa mga properties." Bulong ni Huby.Tumango ako, sang ayon sa sinabi niya. Walang mga salita ang makakapagsabi kung gaano ka ganda ang Hacienda. Halos lahat, antique ang mga kagamitan. Ang buong hacienda ay napapalibutan din ng mga abstract na pintura, at mga antique base. Hindi lang ito basta bastang mga kagamitan. Isang tingin at malalaman mong pwede kang makulong kapag nabasag o ninakaw mo ang mga ito. At hindi lang nasa labas ang mga magagandang tanawin, dahil sa loob mismo, puno ng mga sari-sari at kakaibang bulaklak. The house is classic but it has a touch of modernity. Very unique, tama lang na pumasa sa
"Hindi ka pa pwedeng mag drive, young master."Hindi lang dahil wala siyang lisensya, kundi dahil hindi ko kailanman nakitang nag drive siya. I didn't even know he could drive! Akala ko habang buhay siyang pagsisilbihan at hindi na kailangang malaman ang mga ganitong gawain.Ngumisi lang siya sa akin at tamad na pinaandar ang engine ng sasakyan."Seatbelt, please."I licked my lips and nodded. "Where are we going?"He shook his head and unbuckled his seatbelt. Nagtaka ako sa kanyang ginawa ngunit agad din namang naliwanagan nang inayos niya ang akin at siniguradong nakakabit ito ng mabuti."Are you hungry?" He asked, so close to my personal space. I avoided his eyes and shook my head.May kinuha siya sa likod at inilapag ang isang paper bag sa aking kandungan. I looked up and he gave me a taunting smile."Snack.""Why are you doing this?""No thank you?" Sumimangot siya.I licked my lips. Mabilis naman akon
Ang masamang tingin ni Nena ang sumalubong sa akin pag tapak ko palang sa lupa."Young master!"Hindi nagka undaugagang dinaluhan ng mga tauhan ang young master at inulan nila ito ng mga tanong tungkol sa sa kanyang kalusugan at seguridad.Paminsan minsan silang napapatingin sa akin, binibigyan din ako ng nakakamatay at mga matang namumuhi, ngunit kapag sa lalaki nakatuon, mabilis itong nawawala at napapalitan ng pag-alala at respeto.Umiling ako at nilampasan ang kumusyon, dumiretso sa loob ng hacienda.“Sir Gualin,” yumuko ng kaunti ang lalaki ngunit ang mga mata ay nasa akin.
“You need to go back as soon as possible, Gualin. Ilang araw na lang at magtatapos na ang Semestral break. Alam kong maraming gagawin ang Student Council.”At hindi maganda na ang Presidente at bise Presidente ay nandito, nagbabakasyon kasama ang mga kabayo at tupa."Nah. We're not that busy." Umiling siya. "Reu isn't busy, especially when it's you."Huminto ako, ganoon din siya. Binuksan ko ang pintuan na kanyang tutuluyan bago siya iritadong tinignan. “Ganoon ka rin kung si Merelle?”Tumawa siya na tila nahihibang na ako. “Ah. I will never spend a tiny bit of my time with that girl. Maghihirap ako pag nagkataon.”
Kaunting panahon, nagpahinga kami bago tumulak sa rancho. Kakasikat lamang ng araw at ang lamig ay hindi pa rin nawawala. Sinamahan pa ng mumunting simoy ng hangin na nag patingkayad ng kagandahan ng buhay probinsya.“Anong sinakyan mo papunta rito, Merelle?” I asked.Tulad ng sinabi ko, malayo ang Hacienda at kukunti lang ang sasakyan na makakapasok dito dahil hindi kagandahan ang daan, hindi pa na aayos ng Maurus.“Si Thesaurus.” Nilapitan niya ang isang kabayo na nakatali sa isang kahoy at hinimas ito.May katamtaman ang laki at sobrang itim, halatang malakas kahit na mukhang wala pa itong katandaan. Halata ring mahirap itong paamohin, mahirap sakyan dahil isang tingin mo palang, mukha
Pumunta agad ako sa barn house at inasikaso ang dapat na asikasuhin. Humilaway si Gualin sa amin, si Merelle naman ay sumama sa ilang trabahador. Habang si Reu naman ay tahimik na nakasunod sa akin.“Ikaw lang ang nagtatrabaho sa parteng ito?” Nilibot niya ang tingin sa paligid, ang ang mga nakahilerang mga hayop.Tumango ako ng hindi siya tinitignan at inaayos ang ventilation system ng lugar."Why are you fixing that? We should call people to-"Umiling ako. “Kaya ko naman.”Ramdam ko ang pag-angal niya.Hindi pa tuluyang naaayos ang lahat d
You are at the final chapter. Sorry, I did not proofread some of the published chapters (The reason why this story has so many grammatical and typographical errors, misspelled words, etc., etc.). Nevertheless, I would like to thank you for reaching this far. Thank you for allowing me to share my thoughts through this. It means a lot to me. I hope you like my first story. God bless! – Pumayag ako na manatili sa loob ng kwarto, pero siya ang lumabas para tumulong sa paghahanap kay Roel. Hindi pa nakalipas ang sampong minuto, agad kong narinig ang pag galaw ng doorknob. Agad akong tumayo at lumapit sa pintuan. Bakit siya agad na bumalik? "May nakalimutan ka ba-" Agad akong napahinto at na estatwa sa kinatatayuan. Hindi si Reu ang bumalik kundi ang kanyang panganay na kapatid. “Can you prepare tea for me?” He scanned the whole room before finally setting his eyes on me. “I’m a guest.” "M-Master Rei..." I stuttered. Agad siyang pumasok, sumunod ang apat na lalaking naka uniporm
After we calmed down, Reu decided to get a room at the nearest motel. We were in a remote area, so he really had no choice but to sleep in a cheap room. His bodyguards were outside and roaming around, of course. Naging tahimik kaming dalawa matapos ang eksena sa terminal. Tanging mumunting pagmasid lang ang nakuha ko mula sa kanya, habang ako ay umaaktong hindi napapansin ang parati niyang pagbaling sa aking direksyon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa maliit na sofa. Siya na nakatayo sa bintana habang may katawagan ay mabilis na pinagmasdan ako. Binaba niya ng kaunti ang cellphone niya hanggang sa pinatay niya na ito. Sinundan ko ang kamay niya nang pinasok nito ang gadget sa kanyang bulsa. Nangunot ang noo ko. Sigurado akong hindi pa tapos ang usapan ng kanyang kausap. “Where are you going?” Inangat ko ang tingin sa kanya. Lumapit siya sa akin. Umiwas ako ng tingin at tumikhim. “G-Gusto kong pumunta ng banyo para maligo.” Natigilan siya at tumango ng dahan dahan, para bang n
“Liyan,” Mabilis akong nilingon ng dalaga. Namula ang mga pisngi niya at mabilis na iniwas ang mga mata sa akin. “B-Bakit, Ken…” Mahina ang boses nito, tila nahihiya sa akin. Apat na taon. Apat na taong pagtatago ang ginawa ko simula nang araw na iyon. At sa apat na taong nagdaan, hindi ako kailanman tinantanan ng mga tauhan ng mga Maurus. Rason kung bakit sa apat na taong iyon, natuto akong mabuhay sa kabundukan para lang hindi mabilis na matagpuan ng mga Maurus. Mahirap mataguan ang lugar, mahirap ang pasikot sikot- tama lang na pinili kong manatili sa kabundukan para mabuhay lang. I made sure I didn’t stay long in one location, I jumped from one place to another. I also frequently change my name for my safety. Nanatili ring lalaki ang identidad ko sa mga tao, pero minsan, nahihirapan din ako dahil sa mga sitwasyong…tulad nito. “Hindi pa ba nakabalik ang kuya mo mula sa bayan?” Mataman kong tanong sa kanya, isinawalang bahala na ang reaksyon niya. Umiling ito ng ilang beses.
Hindi ako makapaniwala. Patay na ang ama ko at ako ang dahilan. Gusto ko nang mamatay at hindi na umahon mula sa tubig na kinabagsakan ko. Pero ang boses niya na nagpapaalala sa akin na maging malaya ay siyang nag patigil sa akin mula sa pagkalunod. Umahon ako at nag baluktot sa lupa dahil sa sobrang pagod, umubo ng paulit ulit dahil sa nainom na tubig. Masakit ang buo kong katawan mula sa pagkakabagsak at sa ilang oras din na pagtakbo. Nanghihina pa ako pero pinilit kong tumayo dahil namataan ko ang nagkukumpulang mga trabahador sa itaas ng tulay, tinitignan ako at nag uusap na sa isa’t isa. Probably talking about how to get down the bridge and capture me. Mabigat pa rin ang loob at nagdadalamhati sa nangyari sa ama, tumakbo ako habana bumubuhos ang panibagong batalyon na luha. Tumakbo ako sa mga damuhan, hindi alintana ang mga nadadaanang mga putik, ang ilang beses kong pagkadapa dahil sa mga bato, ang mga paa kong maraming sugat dahil sa naaapakan na mga matutulis na kahoy- tuma
Isang iglap, namalayan ko nalang ang sarili na nakasakay sa sasakyan. “Lock the door.” Matigas niyang utos sa driver.“P-Paolo, hindi ako ang may gawa! Nakita ko si Consi, kakaalis lang sa villa ni Gregore-”Nakita kong nandilim ang paningin niya. “Kasama ko si Consi kanina pa, Ery. Hindi siya nagtagal sa villa ni Gregore.”“Pero…” Mas lalong lumakas ang tambol ng dibdib ko, hindi na alam ang totoo. “N-Nakita ko talaga siya-” “Don’t let her out.” Putol niya at pinalo niya ang sasakyan, takda na dapat na kaming umalis. “Paolo!” Galit na sigaw ko habang tumatakbo na ang sasakyan. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Galit, pighati, pagsisisi…parang buong mundo na ang pasan ko at sobrang bigat na, wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa, nagbabakasakaling matawagan si Consi at humingi ng saklolo para maligtas si Gregore. Pero kahit anong hanap ko, wala akong may makapa. Hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan
I read somewhere that the price of wisdom is beyond rubies. Neither gold nor crystal can compare with it, nor can it be had for jewels and gold. Even corals and jasper are not worthy of mention. Wisdom is more precious than anything else. Without wisdom, you will never be happy…satisfied…and be complete. Ang karunungan ang siyang gabay mo sa lahat ng desisyon mo. Dahil kung wala ito, hindi mo alam ang patutunguhan mo. Kung wala ito, hindi mo alam kung ano ang magiging magandang desisyon para sa ikabubuti mo.Tulad na lang ng sitwasyon ko ngayon. Alam kong wala na. Hindi na dapat. Pero…Fool. I’m such a fool.Malalim akong bumuntong hininga at tinignan ko ng matagal ang screen ng cellphone ko at ang binuo kong mensahe. I groaned when I realized I couldn't find the courage to hit the send button. I wanted to greet him a happy birthday. I know I already wished him a happy birthday last week, but it's... different today. Ito ang araw ng kaarawan niya talaga. Gusto kong batiin siya, dah
Nakatulogan na lamang ni Gregore ang pag iyak sa kotse. Hanggang sa makarating kami sa resort at kahit na sinalubong kami nila Consi, ang disposisyon ni Gregore ay hindi pa rin nagbabago.Wala pa rin ito sa mood at walang gana sa lahat ng bagay. Ang excitement niya kaninang umaga ay napalitan ng madilim na aura. Nakahawak sa likod ng aking upuan, inilapit ni Paolo ang bibig niya sa aking tenga kahit sobrang lapit na ng aming posisyon. “Do you want lemonade or tea?” Tinignan ko si Gregore sa aking harapan na walang ganang nakikipag-usap kay Consi na siyang katabi niya rin. Hindi pa siya kumakain, wala ring laman ang tiyan niya ng kahit na ano. She must be thirsty. “Lemonade sweet tea. How about that?” Sabay baling ko sa kanya. Agad kong nahuli ang pagbaba niya ng tingin sa aking labi at ang pagbalik ng mga mata sa akin. He licked his lips. It instantly became red. “That’s…a nice choice.” He said hoarsely. Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa pinagkainan. Nakarinig naman ako ng
Sa oras na aalis na sana kami, gano’n din ang oras ng pagdating ni Colan sa Mansion. Huminto ang sasakyan niya sa daan mismo, kaya wala kaming nagawa ni Gregore kundi ang bumaba sa sasakyan at salubungin siya. Yumakap si Gregore sa kanya, habang ako at si Harold ay na nasa likod lang ni Gregore. Yumuko kami at binati siya. “Where are you going?” Ang walang ekspresyong mga mata ni Colan ay napasulyap sa amin ni Harold, huling binalingan si Gregore. Magsasalita na sana ako ngunit agad akong tinignan ni Gregore gamit ang nanlilisik na mga mata. Napatikom ako ng bibig. “Consi’s beach resort.” Ngumiti ng matamis ang dalaga. Nangunot naman ang noo ni Colan. “You know it’s kuya’s birthday today.”“And you know our grandparents hate to see me.” Umikot ang mata niya. “At isa pa, dadalo ang pamilya ni Papa.”“Genoughver will not touch you, Gregore.” “Hindi lang naman si Genoughver, ah! Kasama na rin ang kapatid niya-”“Na kapatid mo rin-”“I don’t want to address them as my brothers and si
Tahimik ang naging byahe namin pabalik sa paaralan. Walang sino man sa kanilang dalawa ang nangahas na mag salita at magtanong sa akin tungkol sa nangyari kanina. At iyon ang pinasasalamatan ko.Lumipas ang mga minuto at bumaba kami sa isang park, malapit din sa paaralan. Nag-usap ng sandali si Merelle at Gualin, bago tuluyang umalis si Gualin at iniwan kaming dalawa sa bleacher. Inabutan ako ni Merelle ng tubig na agad ko namang tinanggap. Umupo siya sa aking gilid, sinamahan ako sa pagtanaw sa mga batang naglalaro at naghahabulan. Tinabihan niya lang ako, hindi siya nagsalita…gustong ipaalam sa akin na nandiyan lang siya. Ngumiti ako. I thought I was lonely, I forgot…I still have someone. I didn’t acknowledge Merelle as my friend…pero hindi ko nalang namamalayan, naging kaibigan ko na pala siya…at ang presensya niya ngayon ay isang malaking bagay na sa akin- kahit hindi ko man aminin.“I wish I was like them.” Uminom ako ng tubig. “Ang alin, ang madapa sa lupa dahil sa katangahan