“I was informed you got kicked out by Gregore?” Umalis sa pagkakasandal sa pader si Merelle at hinarap ako ng mabuti. Tumingin ako sa aking likuran. Hindi pa ako nakakalayo sa aming classroom, pero kumalat na agad ang balita…at umabot agad ito sa tainga ni Merelle?“Why are you here?” I coldly asked her. Ilang araw na itong hindi pumapasok sa aming klase. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita sa paaralan.She chuckled. “I am still a student here, Ery. Hindi pa naman ako pinaalis ng paaralan.” “Likewise.” Nagpasiya akong magpatuloy sa paglalakad. Sinabayan niya naman ako. “Bakit hindi ka pumapasok sa klase kung umaaligid ka lang naman pala sa campus?”Mas lalong lumakas ang halakhak niya. “Bakit ka muna na kick out ng maarte mong alaga?”Umismid ako. Ngumisi naman siya sa naging reaksyon ko. “Don’t answer that. Wala naman akong paki, eh.” Inakbayan niya ako. Mabilis namang tumalim ang titig ko sa kanya, ngunit dahil si Merelle ito, hindi niya man lang inaalis ang kamay at mas l
“What’s up with you both?” Inakbayan ako ni Merelle at sumunod kay Gualin. Kinindatan niya ako. “Nadala sa kamandag ko.”“Kaya ba nag cucutting classes ka para makipagdate lang kay Gualin?”Tinakpan ni Merelle ang bibig gamit ang palad. “Grabe siya, oh.”Sumimangot ako. Wala talaga akong makukuhang matinong sagot sa babaeng’to. “May nangyari lang. Hindi sa amin ni Anderson, ah. SPG na iyon.” Ngumiti siya. “At hindi kami nag d-date ni Gualin.”“Ano lang? Naghaharutan?”Tinakpan niya na naman ang bibig. “Pwedeng getting to know each other?” Bumungisngis siya. Umiling ako at inalis ang pagkakaakbay niya. “Hindi ako naniniwala. Sino ang naglalaro at sino ang nagpapalaro sa inyong dalawa?”Hindi ako naniniwalang mayrelasyon sila at seryoso sila sa isa’t isa. Alam ko kung paano nag simula silang dalawa, kilala ko rin ang personalidad nilang dalawa. Ang hindi ko lang siguro alam ay ang rason kung bakit…magkasama sila at tila malalim na ang ugnayan nila sa isa’t isa.Humagalpak siya ng ta
Tahimik ang naging byahe namin pabalik sa paaralan. Walang sino man sa kanilang dalawa ang nangahas na mag salita at magtanong sa akin tungkol sa nangyari kanina. At iyon ang pinasasalamatan ko.Lumipas ang mga minuto at bumaba kami sa isang park, malapit din sa paaralan. Nag-usap ng sandali si Merelle at Gualin, bago tuluyang umalis si Gualin at iniwan kaming dalawa sa bleacher. Inabutan ako ni Merelle ng tubig na agad ko namang tinanggap. Umupo siya sa aking gilid, sinamahan ako sa pagtanaw sa mga batang naglalaro at naghahabulan. Tinabihan niya lang ako, hindi siya nagsalita…gustong ipaalam sa akin na nandiyan lang siya. Ngumiti ako. I thought I was lonely, I forgot…I still have someone. I didn’t acknowledge Merelle as my friend…pero hindi ko nalang namamalayan, naging kaibigan ko na pala siya…at ang presensya niya ngayon ay isang malaking bagay na sa akin- kahit hindi ko man aminin.“I wish I was like them.” Uminom ako ng tubig. “Ang alin, ang madapa sa lupa dahil sa katangahan
Sa oras na aalis na sana kami, gano’n din ang oras ng pagdating ni Colan sa Mansion. Huminto ang sasakyan niya sa daan mismo, kaya wala kaming nagawa ni Gregore kundi ang bumaba sa sasakyan at salubungin siya. Yumakap si Gregore sa kanya, habang ako at si Harold ay na nasa likod lang ni Gregore. Yumuko kami at binati siya. “Where are you going?” Ang walang ekspresyong mga mata ni Colan ay napasulyap sa amin ni Harold, huling binalingan si Gregore. Magsasalita na sana ako ngunit agad akong tinignan ni Gregore gamit ang nanlilisik na mga mata. Napatikom ako ng bibig. “Consi’s beach resort.” Ngumiti ng matamis ang dalaga. Nangunot naman ang noo ni Colan. “You know it’s kuya’s birthday today.”“And you know our grandparents hate to see me.” Umikot ang mata niya. “At isa pa, dadalo ang pamilya ni Papa.”“Genoughver will not touch you, Gregore.” “Hindi lang naman si Genoughver, ah! Kasama na rin ang kapatid niya-”“Na kapatid mo rin-”“I don’t want to address them as my brothers and si
Nakatulogan na lamang ni Gregore ang pag iyak sa kotse. Hanggang sa makarating kami sa resort at kahit na sinalubong kami nila Consi, ang disposisyon ni Gregore ay hindi pa rin nagbabago.Wala pa rin ito sa mood at walang gana sa lahat ng bagay. Ang excitement niya kaninang umaga ay napalitan ng madilim na aura. Nakahawak sa likod ng aking upuan, inilapit ni Paolo ang bibig niya sa aking tenga kahit sobrang lapit na ng aming posisyon. “Do you want lemonade or tea?” Tinignan ko si Gregore sa aking harapan na walang ganang nakikipag-usap kay Consi na siyang katabi niya rin. Hindi pa siya kumakain, wala ring laman ang tiyan niya ng kahit na ano. She must be thirsty. “Lemonade sweet tea. How about that?” Sabay baling ko sa kanya. Agad kong nahuli ang pagbaba niya ng tingin sa aking labi at ang pagbalik ng mga mata sa akin. He licked his lips. It instantly became red. “That’s…a nice choice.” He said hoarsely. Tumango ako at ibinalik ang mga mata sa pinagkainan. Nakarinig naman ako ng
I read somewhere that the price of wisdom is beyond rubies. Neither gold nor crystal can compare with it, nor can it be had for jewels and gold. Even corals and jasper are not worthy of mention. Wisdom is more precious than anything else. Without wisdom, you will never be happy…satisfied…and be complete. Ang karunungan ang siyang gabay mo sa lahat ng desisyon mo. Dahil kung wala ito, hindi mo alam ang patutunguhan mo. Kung wala ito, hindi mo alam kung ano ang magiging magandang desisyon para sa ikabubuti mo.Tulad na lang ng sitwasyon ko ngayon. Alam kong wala na. Hindi na dapat. Pero…Fool. I’m such a fool.Malalim akong bumuntong hininga at tinignan ko ng matagal ang screen ng cellphone ko at ang binuo kong mensahe. I groaned when I realized I couldn't find the courage to hit the send button. I wanted to greet him a happy birthday. I know I already wished him a happy birthday last week, but it's... different today. Ito ang araw ng kaarawan niya talaga. Gusto kong batiin siya, dah
Isang iglap, namalayan ko nalang ang sarili na nakasakay sa sasakyan. “Lock the door.” Matigas niyang utos sa driver.“P-Paolo, hindi ako ang may gawa! Nakita ko si Consi, kakaalis lang sa villa ni Gregore-”Nakita kong nandilim ang paningin niya. “Kasama ko si Consi kanina pa, Ery. Hindi siya nagtagal sa villa ni Gregore.”“Pero…” Mas lalong lumakas ang tambol ng dibdib ko, hindi na alam ang totoo. “N-Nakita ko talaga siya-” “Don’t let her out.” Putol niya at pinalo niya ang sasakyan, takda na dapat na kaming umalis. “Paolo!” Galit na sigaw ko habang tumatakbo na ang sasakyan. Halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Galit, pighati, pagsisisi…parang buong mundo na ang pasan ko at sobrang bigat na, wala na akong magawa kundi ang umiyak ng umiyak. Kinapa ko ang cellphone ko sa aking bulsa, nagbabakasakaling matawagan si Consi at humingi ng saklolo para maligtas si Gregore. Pero kahit anong hanap ko, wala akong may makapa. Hanggang sa naramdaman ko nalang na huminto ang sasakyan
Hindi ako makapaniwala. Patay na ang ama ko at ako ang dahilan. Gusto ko nang mamatay at hindi na umahon mula sa tubig na kinabagsakan ko. Pero ang boses niya na nagpapaalala sa akin na maging malaya ay siyang nag patigil sa akin mula sa pagkalunod. Umahon ako at nag baluktot sa lupa dahil sa sobrang pagod, umubo ng paulit ulit dahil sa nainom na tubig. Masakit ang buo kong katawan mula sa pagkakabagsak at sa ilang oras din na pagtakbo. Nanghihina pa ako pero pinilit kong tumayo dahil namataan ko ang nagkukumpulang mga trabahador sa itaas ng tulay, tinitignan ako at nag uusap na sa isa’t isa. Probably talking about how to get down the bridge and capture me. Mabigat pa rin ang loob at nagdadalamhati sa nangyari sa ama, tumakbo ako habana bumubuhos ang panibagong batalyon na luha. Tumakbo ako sa mga damuhan, hindi alintana ang mga nadadaanang mga putik, ang ilang beses kong pagkadapa dahil sa mga bato, ang mga paa kong maraming sugat dahil sa naaapakan na mga matutulis na kahoy- tuma