Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 941 - Kabanata 950

3080 Kabanata

Kabanata 941

Gustong tumanggi ni Jude sa mungkahi ni Luna. Ngunit…Bago pa niya buksan ang bibig niya para tumanggi, nilabas ni Luna ang phone niya at pinindot niya ang button at nilagay niya ito sa loudspeaker.Tumunog ang masiglang boses ni Nigel sa phone. “Mommy, kung hindi po pumayag si Uncle Jude, ibubunyag ko po sa publiko ang mga sikreto sa phone niya! Tungkol po sa pagkakakilanlan ng isang diyosa na gusto niya ng sampung taon na, at kung paano po siya natalo sa laro at nireport niya ang kalaban niya para matanggal ang kalaban niya… alam ko po ang lahat!”Habang nakikinig sa pambata tono ng pananakot ni Nigel, kumunot ang noo ni Jude. “Nigel, mali para gawin mo ito! Kapag nagalit ako, kakasuhan kita!”“Ah.” Ngumuso si Nigel at sinabi niya, “Pero Uncle Jude, kapag kinasuhan niyo ako, kakausapin ka ng masinsinan ni Daddy. ‘Wag kayong mag alala, hindi niya matitiis na mabulok sa kulungan ang mahal niyang anak.”Walang masabi si Jude. “...”Matagal na tumahimik ang opisina. Sa huli, walang
Magbasa pa

Kabanata 942

Simula sa sandali na sinabi ni Jude na gusto niyang magtago sa loob ng tagong pinto, inaasahan na ito ni Joshua. Ito ang rason kung bakit agad niyang hinack ang surveillance system sa kumpanya ni Jude at nahanap ang CCTV camera sa opisina ni Jude.Nakita niya ang tagong pag asa sa mga mata ni Luna noong naghinala ito na siya ang nagsend kay Bonnie ng mga email. Sa loob loob ni Luna, may umaasa pa rin siya kay Joshua, at umaasa pa rin siya na ang isasagot ni Joshua ay mahal pa rin siya nito. Kung hindi, bakit siya pupunta sa opisina ni Jude para magtanong at pinilit niya pa na tawagan ni Jude si Joshua?Pero…Tumawa ng mapait si Joshua. Naghiwalay sila dahil sa buhay ng dalawang anak nila. Kahit na alam ni Luna na may damdamin pa rin si Joshua para sa kanya, at tinulungan siya nito ng palihim…Makakalimutan niya ba ang pagkamatay ng mga anak nila at piliing makasama si Joshua? Masasaktan pa rin siya, maguguluhan pa rin siya. Ang pagdurusa ni Joshua ay mas mabuti na kaysa sa pagdurus
Magbasa pa

Kabanata 943

“Kung ayaw kong mas marami kaming oras ni Fiona, bakit ko isesend ang mga email kay Bonnie? Para kay Luna? Kalokohan. Hindi mo ba alam? Ayaw ko siya sa simula pa lang, sa loob ng anim na taon. Walang nagbago!”…Paulit ulit na tumunog sa tainga ni Luna ang mga sinabi ni Joshua. Pagkatapos umalis ng opisina ni Jude, sinakyan niya ang unang bus na nakita niya. Ang maraming tao ang sumakay at bumaba ng bus ay tila walang kinalaman sa kanya. Noong dumating na ang bus sa terminal, doon lang bumaba si Luan ng tulala.Pagbaba niya ng bus, tumingin siya sa kapaligiran at hindi niya inaasahan na dumating siya sa bahay ni Anne.Araw at oras ng trabaho ngayon, nasa hospital dapat ngayon si Anne, hindi ba? Ngunit busy si Anne nitong mga nakaraan dahil sa engagement niya kay John Young, baka nagleave siya at nasa bahay siya ngayon.Habang iniisip ito, umakyat siya ng hagdan at pinindot niya ang doorbell ni Anne. Sa hindi inaasahan, nasa bahay si Anne. Hindi lang siya ang nasa bahay, pati ang b
Magbasa pa

Kabanata 944

Tumawa si John sa itsura ng girlfriend niya. Pumasok siya sa loob at binaba niya ang pagkain sa mesa habang tumingin siya kay Anne.“Ikaw ang unang tao na nakita ko na umiyak habang pinapagaan ang loob ng kaibigan niya.”Pinunasan ni Anne ang mga luha niya at gumulong ang mga mata niya. “Hindi ako nagiging emosyonal, sumosobra na si Joshua Lynch! Alam mo ba? Kahit na nanalo si Luna sa kompetisyon kahapon, set up lang pala ‘yun ni Joshua! Sinadya niyang magsend ng dalawang email sa kaibigan ni Luna, at inutusan niya ‘yun na pumasok sa mahalagang punto para ibunyag ang pagpapanggap ni Fiona, para matalo si Fiona ay para marami na silang oras na magkasama! Nararapat sumpain ang lalaking ‘yun, hindi ba!”Bahagyang sumimangot si John. Yumuko siya at inayos ang mesa para sa kanilang tatlo at sinabi niya, “May mali sa rason niya kung sinuri ito ng mabuti.”Nabigla si Anne. “Anong ibig mong sabihin?”Habang nakaupo sa sofa, tumaas ang kilay ni Luna at tumingin siya ng tahimik kay John.N
Magbasa pa

Kabanata 945

Dahil sa sagot ni John, walang masabi si Anne. Sa huli, nilapag niya ng malakas ang tinidor sa mesa at sinigaw niya, “John Young, kanino ka ba kumakampi? Bakit mo ba pinagtatanggol si Joshua?”Nagbuntong hininga si John at sinabi niya, “Sinabi ko lang sayo ang lahat ng ito dahil ayaw ko na maloko ang kaibigan mo.” Tumingin siya sa problemadong ekspresyon ni Luna at nagdalawang isip siya bago niya binuka ang bibig niya at sinabi, “Sigurado ako na ginawa ni Joshua ang lahat ng isa sa araw na naging chief designer si Fiona dahil… dahil sa babaeng ‘yun, si Charmaine Ross. Pinsan niya ang katrabaho ko, siya ang tanging pamilya niya dito sa Banyan City.“Dalawang araw na ang nakalipas, noong sinisante si Charmaine, hindi siya nakatanggap ng pera na hinihiling niya para umalis ng bayan. Noon, hiniling ng katrabaho ko na dalhin siya palabas ng bayan.”Nang marinig ang mga sinabi ni John, tumingala si Luna. Kinagat niya ang labi niya. “Ano pala ang nangyari?”“Pagkatapos…” Nagbuntong hining
Magbasa pa

Kabanata 946

Hindi matanggihan ni Luna si Shannon. Bukod pa dito… dapat niyang samahan sa pagdiriwang ang mga teammates niya. Kaya humikab siya at sinabi niya, “Isend mo sa akin ang address, pupunta na ako dyan.”“Mabuti po!” Pagkatapos makuha ang pag-apruba ni luna, sabik na binaba ni Shannon ang phone. Hindi nagtagal, ang address kung saan gaganapin ang party ay sinend sa phone ni Luna.“Sasamahan mo ba silang magdiwang?” Sa tabi niya, nagising din si Anne sa pagring ng phone ni Luna, humikab siya at humiga ng mas komportable bago siya nagpatuloy sa idlip niya. PInaalala niya ng may mababang boses. “Pangit ang ugali mo kapag lasing ka, pati bad mood ka ngayong araw, ‘wag ka na lang uminom pagdating mo doon… Bukod pa dito, natatakot ako na ikwento mo sa lahat ang mga pinagdaanan niyo ni Joshua.”Inayos ni Luna ang buhok at damit habang nakangiti. “Sige.” Wala rin naman siyang balak uminom. Nasisira ang mga bagay kapag uminom siya, madalas niya na itong nararanasan. Ngayong gabi, gusto niya lang
Magbasa pa

Kabanata 947

Nang marinig ang mga sinabi ni Joshua, agad na tumigas ang katawan ni Luna habang nagpapanggap na lasing.Bakit sasabihin ni Joshua ang mga ganitong bagay kay Luna… ng may malambing at mapagmahal na tono? Bakit niya sasabihin na nasaktan niya ng sobra si Luna dahil sa mga sinabi niya?So… Tama si John?Alam ni Joshua na katabi ni Luna si Jude, ito ang rason kung bakit sinabi niya ang masasamang bagay na ‘yun sa phone, ganun ba?Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Luna at nagpatuloy siya sa pagiging lasing habang nakatitig siya sa maganda at matikas na panga ni Joshua.Naalala niya na ang unang beses siyang hinawakan ni Joshua ng ganito ay noong dinala siya ni Joshua para makita ang pamilya nito. Noon, para tanggihan ang kasal na hinanda ng pamilya niya para kay Joshua, para hindi pakasalan si Hailey Walter, pumayag siya na magpakasal kay Luna.Dinala niya si Luna sa Banyan City, sa bahay ng pamilya Lynch, at inannounce niya sa harap ng lola at tatay niya, si Adrian Lync
Magbasa pa

Kabanata 948

“Magmaneho ka na lang.”Umubo ng mahina si Lucas at agad niyang niliko ang rearview mirror at binuksan niya na ang makina.Pagkatapos kumilos ng kotse, huminga ng malalim si Joshua at hinawakan niya ang kamay ni Luna na nakahawak sa tie niya, at napigilan niya na rin sa pag galaw ang babaeng nasa yakap niya.“‘Wag kang gumalaw.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Hindi siya kumikilos ng ganito kapag lasing siya dati.”Tahimik na ngumuso si Luna at tumigil na ang pag galaw ng mga kamay niya.Si Lucas, na busy sa pag drive, ay tumawa rin ng mahina, “Baka po may nainom siyang kakaibang uri ng wine ngayong gabi.”“Naalala ko na madaldal siya kapag lasing siya, pero hindi ko inaasahan na ngayon ay hindi siya masyado madaldal, sa halip ay malikot naman siya.” Tumingin sa baba si Joshua sa babaeng yakap niya.Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumingin sa bintana ng kotse, medyo namamaos ang boses niya habang sinabi niya, “Baka ayaw niya akong kausapin.”Ngayong araw, ang gusto
Magbasa pa

Kabanata 949

Habang nakikinig sa pag uusap nila Joshua at FIona sa phone habang yakap siya ni Joshua, pumikit si Luna.Sa katotohanan, sa mga sandaling ito, ang gusto niya gawin ay tulakin ng malamig si Joshua, utusan si Lucas na itigil ang kotse at umalis, isara ang pinto sa likod niya habang paalis.Ngunit hindi niya ito magawa.Kung sabagay, sinabi ni Joshua ang lahat ng ito sa harap ni Luna na hindi niya sasabihin kung matino si Luna. Kung bumangon siya ngayon, malalaman ni Joshua na nagpapanggap lang si Luna na lasing…Mas magiging awkward lang lalo ang relasyon nila kumpara sa dati. Hindi na maipapakita ni Joshua ang malamig at malupit na pagpapanggap niya at wala nang magagawa si Luna kundi harapin ang mababaw na damdamin ni Joshua para sa kanya.Ito ang rason kung bakit nagdesisyon siya na magpanggap na lasing, kailangan niyang magpanggap hangggang sa dulo.“Umuwi ka ng mas maaga kung pwede.” Sa kabilang linya ng phone, ang boses ni Fiona ay malambing at maamo. “Nagluto ako ng masarap
Magbasa pa

Kabanata 950

“Kapag gumising po si Ms. Luna, sasabihin ko po ba sa kanya na kayo ang naghatid sa kanya pauwi?”Yumuko si Joshua at tumingin siya sa babaeng pula ang mukha na nakahiga sa sofa. “Hindi. Sabihin mo lang sa kanya na hinatid siya ng mga katrabaho niya.”Muli siyang tumingin ng malalim kay Luna. “Sasakit ang ulo niya kapag hungover siya, maghanda ka ng sabaw para matulungan siya.”Pagkatapos, para bang may naalala siya, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Ako na pala.”Pagkatapos, inalis niya ang tie niya, tinanggal niya ang dalawang pinakataas na butones sa shift niya at pumasok na siya sa kusina.Hindi pa siya gumawa ng sabaw para kay Luna dati. Noong gumawa siya ng sabaw para kay Fiona, palihim pang nirecord ni Fiona sa phone ni Joshua at sinend ito kay Luna para ipagmalaki.Naisip niya kung ano ang naramdaman ni Luna nang mapanood ang video.Sa katotohanan, sa gabi na gumawa siya ng sabaw ay dahil naalala niya na laging may hangover kinabukasan si Luna. Noong una, plano ni
Magbasa pa
PREV
1
...
9394959697
...
308
DMCA.com Protection Status