Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 921 - Kabanata 930

3080 Kabanata

Kabanata 921

Kumunot ang noo ni Luna dahil sa mga sinabi ni Jude.Tumingin siya kay Jude at ngumiti siya ng kakaiba.“May nakakamatay na sakit si Fiona?”Anong pagpapanggap na naman ang ginagawa ni Fiona?Dati pa sinabi ni Fiona na pinaso siya ni Luna ng mainit na tubig. At ngayon, hindi pa ito sapat, gumawa pa siya ng dahilan tulad ng nakakamatay na sakit?“Hindi ako nagsisinungaling sayo!”Nagbuntong hininga si Jude at sinabi niya, “Luna, sa mga sandaling ito, walang rason para magsinungaling ako sa iyo. May nakakamatay na sakit si Fiona, pati malubha talaga ito. Sinabi ng mga doktor na kulang sa isang taon na lang ang buhay niya.”Pagkatapos, nagbuntong hininga si Jude.“Luna, wala akong dahilan para magsinungaling sayo. Sinabi sa akin ni Joshua na itago sayo ang tungkol dito, pero sa tingin ko ay kailangan mong malaman…”Tumingin si Jude kay Luna at sinabi niya ng seryoso, “Baka sa tingin mo ay pinapamihasa ni Joshua si Fiona, pero may rason siya para dito. Simula pa nang magkasama sin
Magbasa pa

Kabanata 922

Gayunpaman, kahit na hindi masyadong masaya si Luna, kailangan pa rin ng pagdiriwang. Kung sabagay, trabaho at pagsisikap ito ng lahat. Nanalo na sila. May rason para magdiwang sila.Tulad ng dati, nagbook si Luna ng private room sa hotel ni Bonnie. May simpleng kainan siya kasama ang team bago sila umalis ng hotel.Alam nila Zayne, Samson, at Shannon na bad mood si Luna, kaya’t hindi nila pinigilan si Luna sa pag alis.Pag alis ng hotel, nakatayo si Luna sa tabi ng kalsada. Tumingin siya sa malaking LED screen sa kabilang building. Nagplay dito ang video na hawak niya ng trophy habang hindi nakangiti.Ngumiti siya ng mapait.Hindi niya alam kung bakit ang eksena ni Joshua na karga si Fiona ay dumating sa isip niya.Hindi niya alam kung ano ang iisipin niya kay Fiona sa ngayon.Kung isang pasyente talaga si Fiona na may nakamamatay na sakit at may kulang sa isang taon na lang ang natitirang buhay…Ang nangyari sa kanya ay makakaapekto sa kanya ng malubha. Lalala ba ang sakit ni
Magbasa pa

Kabanata 923

Ang bata sa litrato ay hindi lang kamukha ni Neil.Parehong pareho talaga ito kay Neil.Sa litrato, maliban sa bata na kamukha talaga ni Neil, may isa pang babaeng mukhang malupit ang itsura.May ilang mga bodyguard pa sa tabi niya.Gayunpaman, namukhaan din ni Luna ang babaeng malupit ang itsura. Ito ay si Aura Gibson.Habang hawak niya ang litrato, kumulo ang dugo sa buong katawan niya.Ang batang nasa litrato ay kamukha talaga ni Neil!Sino ang batang ito? Bakit niya kasama si Aura? Saan nahanap ni Aura ang bata?Bakit nagdala si Aura sa Banyan City ng bata na kamukha nila Neil at Nigel? Anong balak niyang gawin?Sa mga sandaling ito, maraming tanong si Luna sa isip niya.Kinagat niya ang mga labi niya at humawak siya ng mahigpit sa litrato. Nanginig siya.May naisip siya na nakakatakot.Hindi kaya…Hindi kaya’t hindi talaga namatay si Neil at kinidnap lang siya ni Aura? Habang iniisip ito, napailing si Luna.Hindi.Kung kinidnap ni Aura si Neil, paano si Theo?Magka
Magbasa pa

Kabanata 924

Tumigil ng ilang saglit si Luna bago siya tumalikod, tumingin siya ng gulat kay Joey.“Hinanap mo siya at dinala mo ako dito sa cafe…”“Dahil nasa kabilang kanto lang sina Joshua at Fiona.” Bago pa matapos sa pagtatanong si Luna, tumawa ng mahina si Joey at sumingit siya.“Alam ko na makakahanap kayo ng paraan para hanapin ang bata sa litrato at malaman ang relasyon niyo sa kanya pagkatapos niyong magkita ang bata. Pero, wala kayo masyadong kapangyarihan sa Banyan City, kaya’t hahanapin niyo si Joshua para humingi ng tulong. Tutulungan ko kayo na gumawa ng desisyon at piliin ang lugar para magkita tayo.”Tahimik ng ilang sandali si Luna dahil sa mga sinabi ni Joey.Sa huli, ngumiti na lang siya.“Pwede mong gamitin ang titolo na disipulo ko sa susunod. Kung may mga problema kang hindi masolusyonan, pwede mo akong tawagan.”Pagkatapos, umalis na si Luna.Umupo sa lugar si Joey at tumingin siya kay Luna habang paalis ito. Hindi niya mapigilang tumawa.Noong kinuha niya ang litra
Magbasa pa

Kabanata 925

Habang nakatayo pa rin sa labas ng pinto, kumunot ng malalim ang noo ni Luna dahil sa sinabi ni Fiona.Nang marinig niya na sinabi ni Jude na si Fiona ay may nakamamatay na sakit, naisip niya na hindi mukhang isang pasyente na may nakamamatay na sakit si Fiona. Nagpapanggap lang siya.Hindi niya inaasahan na maririnig niya na aamin si Fiona na pinepeke lang nito ang sakit habang nasa hospital.Sa impresyon ni Luna, mabait si Christian. Dadalhin pa siya nito para makipagkarera kapag nasa bad mood siya.Gayunpaman, sa mga sandaling ito…Pinag uusapan nila Christian at Fiona ang plano ni Fiona kay Luna habang nasa kwarto at may pinto lang sa pagitan nila at ni Luna. Hindi inaasahan ni Luna na si Christian, na laging naghihintay para mag invest sa kanya si Joshua, ay sinusuportahan pala si Fiona gamit ang pera.Ang pera na ginamit ni Fiona para kalabanin si Luna ay galing kay Christian.Lumamig ang puso ni Luna sa mainit na gabi nang matuklasan niya ito.Alam niya na hindi na da
Magbasa pa

Kabanata 926

Hinampas ni Christian ang sarili niyang noo nang marinig niya ang sagot ni Luna. Huminga siya ng malalim at tumingin siya ng seryoso kay Luna.“May mga bagay na mali ang pagkakaunawa mo tungkol sa akin. May mga bagay akong kayang ipaliwanag!”Sumingkit ang mga mata ni Luna. Napaatras siya mula kay Christian.“Hindi mo kailangan magpaliwanag sa akin. Hindi tayo malapit.”Tumaas ang mga kilay ni Christian. “Hindi malapit? Luna, bakit hindi tayo malapit?”Nang makita na lumayo sa kanya si Luna, nataranta si Christian. Agad niyang inabot ang kamay niya at hinawakan ang balikat ni Luna, pinatalikod niya si Luna para humarap ito sa kanya.“Kaya kong magpaliwanag. Hindi tama ang iniisip mo! ‘Wag kang magalit. Bigyan mo ako ng pagkakataong magpaliwanag.”Pagkatapos niya itong sabihin, dumating na ang elevator sa unang palapag. Mabagal na bumukas ang mga pinto.Gayunpaman, hindi pa rin pinansin ni Christian ang mga tao sa labas ng elevator. Tinapos niya ang huli niyang gustong sabihin.
Magbasa pa

Kabanata 927

Malakas na tinulak ang likod ni Luna sa malamig at matigas na pintong gawa sa bakal. Sa sobrang sakit nito ay kumunot ang noo niya.Tumingin siya kay Joshua sa harap niya. Ang mga mata ni Joshua ay nakatingin sa kanya at puno ng galit.Para bang nahuli niya na may affair ang asawa niya, na parang pinagtaksilan siya.Natatawa si Luna dito. Minsan nga siyang naging asawa ni Joshua, ngunit hindi ba’t anim na taon na ‘yun noong lumipas?“Mr. Lynch, ang lawak naman ng imahinasyon mo.”Walang takot na tumingin si Luna kay Joshua.“Anong parte ang narinig mo na sinabi ko na gusto kong gumawa ng mga malaswang bagay kay Christian sa bahay?”Mula sa simula pa lang, gusto lang iklaro ni Christian kung narinig nga talaga ni Luna ang pinag usapan nila ni Fiona.Bakit pagdating kay Joshua, naging isang affair na ito nila Luna at Christian at may gustong gawin si Christian kay Luna sa bahay ni Luna?Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Malamig ang boses niya.“Gabing gabi na, sinabi ni Christi
Magbasa pa

Kabanata 928

Habang nagsasalita si Luna, lumaki ang mapanglait niyang ngiti.“Pero, mga baguhan pa rin sila. Hindi nila alam na kahit na walang nakamamatay na sakit si Ms. Blake, basta’t kumilos siya ng malandi, gagawin mo ang kahit ano para sa kanya.”Tumingin at sumingkit ang mga mata ni Joshua sa kanya.Bumagsak ang puso ni Luna dahil sa reaksyon ni Joshua.Ngumiti si Luna. “Mr. Lynch, bakit hindi ka nagsasalita? Natatamaan ka ba?”Tumingin si Joshua kay Luna. Dumilim ang mga mata niya.“Ano sa tingin mo?”“Ako ay…”Bago pa matapos sa pagsasalita si Luna, nagring ang phone ni Joshua.Masyadong madilim ang rooftop, kaya’t nung kinuha ni Joshua ang phone niya, nakakagulat na makita ang pangalan ni Fiona Blake.Kinagat ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya kay Joshua na sinagot ang phone call ni Fiona.Ang boses niya na malamig ay naging mahina.“Babalik na rin ako. Mhm, hindi pa ako kumakain ng hapunan. Sasamahan kita kumain. Ako na ang magbababa ng phone.”Pagkatapos, binaba na
Magbasa pa

Kabanata 929

“Na…Naaabala ko ba kayong dalawa?”Nang mapansin ni Fiona na nakatingin sina Joshua at Luna sa kanya, kinagat niya ang mga labi niya. Namuo ang mga luha sa mga mata niya.“Pa—Pasensya na. Hindi ko sinasadya. Gusto ko lang umakyat ng rooftop para magpahangin.”Suminghot si Fiona at pinunasan niya ang mga luha sa mga mata niya.“Magpatuloy na kayo. Mauuna… na akong bumalik.”Pagkatapos, tumalikod siya at umalis.Dalawang hakbang pa lang ako nalakad niya nang may naisip siya. Tumalikod siya at tumingin kay Joshua.“Oo nga pala, Joshua, kung wala kang oras para kumain kasama ko, kaya kong kumain mag isa.”Agrabyado ang tono ng boses ni Fiona. Namamaos na rin ang boses niya.“Ma—Magpatuloy na kayo.”Sa huli, tumalikod siya at balisa siyang naglakad pababa ng hagdan ng mabagal.Gayunpaman, hindi malaman kung sinasadya niya ito o hindi. Naglakad pa lang siya ng ilang hakbang, nang umapak siya sa kawalan.“Ah!”Umabot sa oras si Joshua at mabilis siyang lumapit para saluhin si Fio
Magbasa pa

Kabanata 930

“Hindi ba’t sinabi mo na gusto mong pumunta sa bahay ko? Tara na.”Ang sabi ni Luna habang nilagpasan niya si Christian at pumasok siya sa kotse nito.“Malaki ang tinitirahan ko, pwede kang matulog doon kung gusto mo.”Nakatayo sa lugar si Christian. Tulala siya ng ilang sandali bago niya sinundan si Luna at pumasok sa kotse.“Papayag ka na na makinig sa paliwanag ko?”Nakaupo sa passenger seat si Luna. Tumingin siya kay Lucas na umakyat ng hagdan. Sumandal siya sa upuan ng may pagod na ekspresyon. Nagbuntong hininga siya ng mahaba.Habang nakatingin sa kanya, tumingin si Christian sa direksyon kung saan siya nakatingin.Nang makita ni Christian na paalis na si Lucas, nagbuntong hininga siya. Umupo siya ng mas komportable at tumingin siya kay Luna.“Kaya pala mabilis kang pumayag. Ginagawa mo ito para makita ni Joshua.”Pumikit si Luna at nagbuntong hininga siya bago siya dumilat para tumingin kay Christian.“Hindi ba’t sinabi mo na gusto mo magpaliwanag? Sige na.”Pumasok n
Magbasa pa
PREV
1
...
9192939495
...
308
DMCA.com Protection Status