Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 931 - Kabanata 940

3080 Kabanata

Kabanata 931

Malalim ang gabi.Maliwanag ang Blue Bay Villa. Halos lahat ng mga katulong sa villa ay pinaalis nila Nellie at Lily. Ang mga natitira na lang sa villa ay sina Luna at ang dalawang mga bata, si Christian Moore, at si Lily na nakabantay sa pinto.“Kaya…”Habang nakaupo sa sofa, nahirapan si Luna na maniwala sa mga nakita at narinig niya. “May ebidensya si Fiona sa pagpatay mo sa isang babae na aksidente mong pinatay noon?”Malungkot na nagbuntong hininga si Christian. “Oo. Noon, magkasintahan kami ni Fiona na kinainggitan ng lahat, masaya kami dati. Ang patay na babae, si Violet Lewis, ay isang roommate ni Fiona. Mula siya sa isang masayang pamilya, ang tatay niya ay isang businessman at ang nanay niya ay isang dancer. Ito ang rason kung bakit mababa ang tingin niya kay Fiona na ipinanganak na ulila at pinalaki sa probinsya.”Habang nasasalita siya, napahawak siya sa mukha niya para itago ang ekspresyon niya. “Hindi ko sinasadyang patayin si Violet. Noong araw na ‘yun, sinabi ni Fi
Magbasa pa

Kabanata 932

“Pero si Daddy pa rin po ang tunay kong tatay… Simula po nung umuwi ako, mabuti po ang pagtrato sa akin ni Daddy… Gusto ko pong gumawa ng bagay para sa kanya bago po tayo umalis…”Habang nagsasalita, tumingala siya at tumingin kay Luna ng may seryosong mga mata, “Kapag umalis na po ako sa Banyan City kasama niyo, hindi na po siya ang Daddy ko, isang estranghero na lang po siya.”Tumigil ng ilang saglit si Luna dahil sa mga sinabi ng bata. Pagkatapos magsalita ni Nellie, tumahimik agad ang kwarto.Umupo si Nigel sa sofa habang hawak ang laptop at tumingin siya ng tahimik kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya kay Nellie, at sa huli, tumingin naman siya kay Christian.“Sa ngayon, ikaw ang dapat na maging desperado para mabunyag ang pekeng sakit ni Fiona, tama ba?”Tumigil si Christian, pagkatapos ay tumago siya at ngumiti siya ng kakaiba. “Isa pa rin ako sa pinakamalaki niyang biktima.”Basta’t maging sikreto ang pagpepeke ng sakit ni Fiona, ibig sabihin ay kailangan pa rin itago ni
Magbasa pa

Kabanata 933

Sumakay si Christian sa passenger seat ng kotse ni Joshua ng may mabilis na tibok ng puso.“Uncle Joshua, hayaan niyo akong magpaliwanag…”Sa sandali na pumasok siya ng kotse, tinikom niya ang mga labi niya dahil sa malamig na kapaligiran. Binuksan niya ang bibig niya at sinabi niya, “Hindi tama ang iniisip niyo! Hindi ako pumunta ng gabi dito para doon! Pumunta ako dito… para… magpaalam kay Luna at sa mga bata!”Nakaisip na rin ng magandang dahilan si Christian at hirap niya itong ipinaliwanag.“Tama, pumunta ako dito para magpaalam sa kanila! Dahil sinabi niya na paalis na siya ng Banyan City kasama ng mga bata pagkatapos ng kompetisyon. Alam ko na hindi ko na siya makikita ulit ng buong buhay ko pagkatapos niyang umalis, kaya… pumunta ako dito para magpaalam sa kanila.”Ang hangin mula sa lalaking nakaupo sa backseat ay mas naging malamig, mas naging mabigat.Hindi mapigilan ni Christian na manginig. Umubo siya. “Joshua, pumunta lang talaga ako dito para magpaalam sa kanila…”
Magbasa pa

Kabanata 934

“Para imbestigahan si Fiona para malaman kung nagpapanggap lang siyang may sakit o hindi.”Tumingin si Joshua kay Christian ng naghihinala, pagkatapos ay tumingin siya sa direksyon ng Blue Bay Villa.Nakapatay na ang ilaw sa kwarto ng mga bata. Sa mga sandaling ito, madilim na ang buong villa, ang may ilaw na lang ay ang maliwanag na bedroom ni Luna.Mula sa hugis sa bintana, tila nakaupo lang si Luna sa harap ng mesa at nakayuko, nagtatype sa kanyang laptop.Nagbuntong hininga siya ng mahina, hindi ito masyadong marinig.Ang lokong babaeng ito. Trinato niya si Luna ng ganito, pero, gusto ni Luna pa rin gumawa ng mabuti para kay Joshua bago siya umalis ng bayan. Kahit na mainit ito sa damdamin, malamig pa rin ang ekspresyon ni Joshua.“Ano ang sinabi mo nung sinabi sayo ni Luna na gusto niyang imbestigahan si Fiona?”“Sinabi ko… mag imbestiga siya kung gusto niya.”Lumingon siya at sumandal siya sa leather seat ng kotse, may malamig na ngiti sa kanyang mga labi. “Kalokohan. Mag
Magbasa pa

Kabanata 935

“Kahit na gusto mo akong pasalamatan, hindi mo ako kailangan tawagan ng ganito kaaga, hindi ba?”Pagsapit ng umaga, nakaupo si Bonnie sa loob ng coffee shop na pagmamay ari ng pamilya niya, patuloy siya sa paghikab.Habang nakaupo sa harap niya, ngumiti ng maliit si Luna. “Syempre, hindi kita niyayaya para lang pasalamatan kita.” Nakita niya ang litrato na sinend sa kanya ni Joey Charles kahapon at inabot niya ito kay Bonnie. “Tingnan mo.”Kumunot ang noo ni Bonnie at nilabas niya ang phone niya, pagkatapos, lumaki ang mga mata niya. “Hindi ba’t ito si Aura Gibson?”Para imbestigahan ang kuya niya, ang pagkawala ni Jason, matagal na nagkaroon ng follow-up reports si Bonnie kay Aura. Sa huli, niloko siya ni Aura at nanatili siya sa mental hospital ng matagal sa halip na si Aura.Pero…Pinadala ni Joshua si Aura sa ibang bansa para sa pag aaral niya at ipinagbawal siya na bumalik sa Banyan City, hindi ba? Kaya bakit nasa litrato si Aura sa airport ng Banyan City?Pati…Bakit kamu
Magbasa pa

Kabanata 936

Inilabas niya ang phone niya habang nagsasalita siya. “Ang mga bagay na sinabi ko sa kompetisyon kahapon ay galing sa email. Maingat ang sender, kung hindi ikaw, sino pala ‘yun? Ang ginawa ko lang ay ang ilabas ang mga binigay mo sa akin, at bigkasin ang iskrip na hinanda mo at dinagdagan lang ito ng kaunti.”Habang nagsasalita siya, binuksan niya ang mailbox. May dalawang email na nasa inbox niya. Ang isa ay may laman ng lahat ng mga video at litrato, ang isa naman ay may mahabang liham.Gulat na tumingin si Luna sa phone at binasa niya ang lahat ng laman ng email.Hindi lang nagsend ang sender kay Bonnie ng walang pangalan, sinuri at nahulaan pa nito ang mangyayari kahapon.Kilala ng sender ang kilos ni Luna. Bukod sa alam nito ang pagsisikap na binuhos ni Luna sa kompetisyon, alam din ng sender na gagamitin din ni Fiona ang mga tsismis na kumakalat sa online tungkol sa pangit na pag uugali ni Luna.Kaya’t sinabi ng sender kay Bonnie ang mga tugmang isasagot at sinabi nito na da
Magbasa pa

Kabanata 937

Paglabas ng hospital, naramdaman ni Luna na para bang nalilito ang buong katawan at isip niya.Kahit gaano niya ito katagal pag isipan, hindi niya pa rin maintindihan.Kung silang dalawa lang talaga ang nakakita ng litratong ito at binili ito ni Joshua sa huli, kahit na ang nagsend ng email kay Bonnie ay hindi si Joshua, at least malalaman ni Joshua ang tungkol dito.Ngunit kung si Joshua ang sender…Ano pala ang pakay niya?Ang mga dokumento at ebidensyang ito ay hindi mabuti para kay Fiona. Mahal ni Joshua si Fiona, kaya niya pang samahan si Fiona sa mga nahuhuling araw nito, bakit pala ipapahiya niya si Fiona sa harap ng publiko na tulad ng kahapon?Nalilito talaga si Luna.Sa loob ng Blue Bay Villa, matagal niyang pinag isipan ang tungkol dito, sinabi niya kay Nigel ang tungkol sa mga email. Nagsend din siya ng email address ng sender.Agad na naintindihan ng batang lalaki ang ibig sabihin ni Luna. Kumurap si Nigel. “Mommy, gusto niyo po bang hanapin ko ang address ng taong
Magbasa pa

Kabanata 938

“Hindi magtatagal, malalaman din po natin ang lokasyon kung saan huling nagsend ng email ang email address na ito!”Nabigla si Luna at mabilis siyang lumapit sa anak niya. Tumingin siya sa mga numero sa codes sa screen, tinikom niya ang mga labi niya at wala siyang magawa kundi ilayo ang tingin niya, sa halip, tumahimik na lang siyang tumitig sa sagot ni Nigel.Ngunit… Hindi niya ito maintindihan.Nang makita ang nalilitong tingin ni Luna, tinakpan ni Nigel ang bibig niya gamit ang kamay niya at tumawa siya. “Mommy, mahusay ang mga tao sa kanya kanyang propesyon, pareho po kayong designer nila Nellie, normal lang po na hindi niyo po alam ito! Kung magaling po kayo sa lahat, hindi ko na po kayo matutulungan!”Habang nagsasalita, kumunot ang noo ng batang lalaki at tumingin siya sa address sa computer screen. “Sa Smith Group… Saan po ‘yun?”Nabigla si Luna.“Sinasabi mo ba, ang email address na nagsend ng email kay Bonnie ay huling naglogin sa Smith Group?”“Opo.” Tumango ng seryo
Magbasa pa

Kabanata 939

Pagpunta ni Luna sa kumpanya ni Jude, pinigilan siya ng secretary nito.Pasensya na, Ms. Luna, wala dito si Mr. Smith.”Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Luna. Yumuko siya at tumingin sa oras. Lagpas 9 a.m. na ng umaga, oras ng trabaho. Pati Lunes ngayon, saan mapupunta si Jude kundi sa opisina niya?Habang iniisip ni Luna ang lokasyon ni Jude, may executive ng Smith Group na dumating sa labas ng opisina.“Secretary Colleen, tinawag ako ni President Smith, sinabi niya na pumunta ako para mag report sa kanya, siya…”Sumingit ang secretary sa mga salita ng executive. “Wala po dito si Director Smith ngayon.”Kumunot ang noo ng executive. “Pero tinawag ako ni President Smith kaninang kalahating oras lang ang lumipas. Pati nakita ko ang kotse ni President Smith sa baba, nasa kumpanya pa dapat siya, hindi ba?”Naging balisa ang secretary, sumenyas siya sa executive gamit ang mga mata niya at binantayan niya si Luna. “Kakaalis lang si President Smith…”Nabigla ang executive, pagkata
Magbasa pa

Kabanata 940

Sinundan niya dapat ang payo ni Joshua at tumakas na siya mula sa back door! Habang nag uusap sila kanina, sinabi ni Joshua na tumakas si Jude, ngunit bilang President ng Smith Group, nakakahiya masyado kung tumakas siya sa oras na dumating si Luna. Akala niya ay hindi siya mahahanap ni Luna basta’t magtago siya sa tagong pinto sa opisina niya. Ngunit minaliit niya ang kakayahan nila Luna at ng anak niya!Nakapatay ang phone niya, ngunit sa hindi malamang rason, bumukas ito ng mag isa at nagpatugtog ng music. Higit pa dito, kahit anong gawin niya para patayin ito, hindi niya magawa!Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Jude na ngumiti kay Luna habang binulong niya sa sarili niya, “Anak nga talaga ni Joshua si Nigel… Hindi lang ang kakayahan niya sa hacking, pero pareho sila ng ugali ni Joshua…”“Bakit ka nagtatago mula sa akin, Mr. Smith?”Pagkatapos umupo kasama si Jude sa sofa, hindi na nag paligoy ligoy si Luna at dumiretso na siya sa punto niya. Dahil iniiwasan na siya ni Jud
Magbasa pa
PREV
1
...
9293949596
...
308
DMCA.com Protection Status