Hindi matanggihan ni Luna si Shannon. Bukod pa dito… dapat niyang samahan sa pagdiriwang ang mga teammates niya. Kaya humikab siya at sinabi niya, “Isend mo sa akin ang address, pupunta na ako dyan.”“Mabuti po!” Pagkatapos makuha ang pag-apruba ni luna, sabik na binaba ni Shannon ang phone. Hindi nagtagal, ang address kung saan gaganapin ang party ay sinend sa phone ni Luna.“Sasamahan mo ba silang magdiwang?” Sa tabi niya, nagising din si Anne sa pagring ng phone ni Luna, humikab siya at humiga ng mas komportable bago siya nagpatuloy sa idlip niya. PInaalala niya ng may mababang boses. “Pangit ang ugali mo kapag lasing ka, pati bad mood ka ngayong araw, ‘wag ka na lang uminom pagdating mo doon… Bukod pa dito, natatakot ako na ikwento mo sa lahat ang mga pinagdaanan niyo ni Joshua.”Inayos ni Luna ang buhok at damit habang nakangiti. “Sige.” Wala rin naman siyang balak uminom. Nasisira ang mga bagay kapag uminom siya, madalas niya na itong nararanasan. Ngayong gabi, gusto niya lang
Nang marinig ang mga sinabi ni Joshua, agad na tumigas ang katawan ni Luna habang nagpapanggap na lasing.Bakit sasabihin ni Joshua ang mga ganitong bagay kay Luna… ng may malambing at mapagmahal na tono? Bakit niya sasabihin na nasaktan niya ng sobra si Luna dahil sa mga sinabi niya?So… Tama si John?Alam ni Joshua na katabi ni Luna si Jude, ito ang rason kung bakit sinabi niya ang masasamang bagay na ‘yun sa phone, ganun ba?Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Luna at nagpatuloy siya sa pagiging lasing habang nakatitig siya sa maganda at matikas na panga ni Joshua.Naalala niya na ang unang beses siyang hinawakan ni Joshua ng ganito ay noong dinala siya ni Joshua para makita ang pamilya nito. Noon, para tanggihan ang kasal na hinanda ng pamilya niya para kay Joshua, para hindi pakasalan si Hailey Walter, pumayag siya na magpakasal kay Luna.Dinala niya si Luna sa Banyan City, sa bahay ng pamilya Lynch, at inannounce niya sa harap ng lola at tatay niya, si Adrian Lync
“Magmaneho ka na lang.”Umubo ng mahina si Lucas at agad niyang niliko ang rearview mirror at binuksan niya na ang makina.Pagkatapos kumilos ng kotse, huminga ng malalim si Joshua at hinawakan niya ang kamay ni Luna na nakahawak sa tie niya, at napigilan niya na rin sa pag galaw ang babaeng nasa yakap niya.“‘Wag kang gumalaw.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Hindi siya kumikilos ng ganito kapag lasing siya dati.”Tahimik na ngumuso si Luna at tumigil na ang pag galaw ng mga kamay niya.Si Lucas, na busy sa pag drive, ay tumawa rin ng mahina, “Baka po may nainom siyang kakaibang uri ng wine ngayong gabi.”“Naalala ko na madaldal siya kapag lasing siya, pero hindi ko inaasahan na ngayon ay hindi siya masyado madaldal, sa halip ay malikot naman siya.” Tumingin sa baba si Joshua sa babaeng yakap niya.Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumingin sa bintana ng kotse, medyo namamaos ang boses niya habang sinabi niya, “Baka ayaw niya akong kausapin.”Ngayong araw, ang gusto
Habang nakikinig sa pag uusap nila Joshua at FIona sa phone habang yakap siya ni Joshua, pumikit si Luna.Sa katotohanan, sa mga sandaling ito, ang gusto niya gawin ay tulakin ng malamig si Joshua, utusan si Lucas na itigil ang kotse at umalis, isara ang pinto sa likod niya habang paalis.Ngunit hindi niya ito magawa.Kung sabagay, sinabi ni Joshua ang lahat ng ito sa harap ni Luna na hindi niya sasabihin kung matino si Luna. Kung bumangon siya ngayon, malalaman ni Joshua na nagpapanggap lang si Luna na lasing…Mas magiging awkward lang lalo ang relasyon nila kumpara sa dati. Hindi na maipapakita ni Joshua ang malamig at malupit na pagpapanggap niya at wala nang magagawa si Luna kundi harapin ang mababaw na damdamin ni Joshua para sa kanya.Ito ang rason kung bakit nagdesisyon siya na magpanggap na lasing, kailangan niyang magpanggap hangggang sa dulo.“Umuwi ka ng mas maaga kung pwede.” Sa kabilang linya ng phone, ang boses ni Fiona ay malambing at maamo. “Nagluto ako ng masarap
“Kapag gumising po si Ms. Luna, sasabihin ko po ba sa kanya na kayo ang naghatid sa kanya pauwi?”Yumuko si Joshua at tumingin siya sa babaeng pula ang mukha na nakahiga sa sofa. “Hindi. Sabihin mo lang sa kanya na hinatid siya ng mga katrabaho niya.”Muli siyang tumingin ng malalim kay Luna. “Sasakit ang ulo niya kapag hungover siya, maghanda ka ng sabaw para matulungan siya.”Pagkatapos, para bang may naalala siya, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Ako na pala.”Pagkatapos, inalis niya ang tie niya, tinanggal niya ang dalawang pinakataas na butones sa shift niya at pumasok na siya sa kusina.Hindi pa siya gumawa ng sabaw para kay Luna dati. Noong gumawa siya ng sabaw para kay Fiona, palihim pang nirecord ni Fiona sa phone ni Joshua at sinend ito kay Luna para ipagmalaki.Naisip niya kung ano ang naramdaman ni Luna nang mapanood ang video.Sa katotohanan, sa gabi na gumawa siya ng sabaw ay dahil naalala niya na laging may hangover kinabukasan si Luna. Noong una, plano ni
Sa pagbabasa sa screen, sumabog agad sa isip ni Luna ang walang katapusang sari-saring mga posibleng senaryo. Bagama't nawala ang mensaheng ipinadala ng hindi kilalang nagpadala, naalala niya ito nang malinaw. Sinabi ng nagpadala na sila ay 'mabuti' at sila ang mga taong na-miss niya nang husto. Ang email address na ito ang ginamit niya noong nagtatrabaho siya bilang si Moon. Bukod sa mga kasamahan niya sa ibang bansa, sina Nigel at Neil lang ang nakakaalam nito. Nakagat niya ang labi at mabilis na hinanap ang mga litratong ipinadala sa kanya ni Joey noon. Ang kanyang mga mata ay matamang nakatutok sa maliit na batang lalaki na nakahawak sa kamay ni Aura. Isang katawa-tawang ideya ang unti-unting lumabas sa kanyang isipan. Maaaring ito’y…? Totoo ba ang telepathy sa pagitan ng triplets na palaging pinag-uusapan nina Nellie at Nigel? Hindi kaya’t hindi namatay sina Neil at Theo? Ang maliit na batang lalaki na may hawak sa kamay ni Aura ay si Neil? Tungkol naman sa taong nagpa
“Tinutulungan lang kita. Hindi ba matagal mo nang sinabi na aalis ka pagkatapos ng negosyo dito sa lungsod? Ngayong naayos na ang lahat, bakit hindi ka nagmamadaling umalis? May nararamdaman ka ba para sa sinuman o anumang bagay dito?" Pinikit ni Luna ang kanyang mga mata. Alam niya kung ano ang gustong ipahiwatig ni Fiona, ngunit... “Ms. Blake, Natatakot akong mabigo kang marinig na wala akong planong umalis ngayon o bukas, ngunit mangyaring huwag di maintindihan, hindi ako mananatili sa Banyan City dahil sa iyo o kay Joshua man, Meron akong mga rason.” Huminga siya ng malalim. "Oo, salamat sa iyong kabaitan, ngunit ang aking mga anak at ako ay pinutol ang lahat ng relasyon kay Mr. Lynch matagal na ang nakalipas, at hindi niya kailangang maghanda ng isang pribadong jet para sa amin. Kapag naayos na ang mga problema ko, aalis na kami." Kasama noon, binaba na niya ang telepono. Sa kabilang dulo ng telepono, pinakinggan ni Fiona ang tunog ng beep at mahigpit na hinawakan ang tele
Matapos tapusin ang tawag kay Fiona, sinilip ni Luna ang oras. 8:30 a.m na noon. Napahikab siya at muling tumingin sa screen ng computer niya. Hindi lamang siya nabigo na makatanggap ng tugon mula sa hindi nagpapakilalang nagpadala, ngunit maging ang hindi kilalang email na natanggap niya kagabi ay nawala na. Ito ang nangyari sa nakaraang dalawang pagkakataon. Ang email ay masisira pagkatapos ng isang nakapirming panahon. Napabuntong-hininga si Luna. Sa sandaling inabot niya upang patayin ang kanyang laptop, ang katok ni Nigel ay tumunog sa pinto mula sa labas. “Mommy, gising ka na ba? Nagluto kami ni Nellie ng almusal. Gusto mo?" Huminto siya. Nagluto ng almusal sina Nellie at Neil. Paanong hindi siya makakakain, kung gayon? Huminga siya ng malalim, isinara ang laptop at naghilamos ng mukha, saka sumunod kay Nigel pababa. Ang almusal na ginawa nina Nigel at Nellie ay napaka-simple: isang baso ng mainit na gatas at ilang hiwa ng toasted bread, na may pritong itlog na hugis
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya