โKung ayaw kong mas marami kaming oras ni Fiona, bakit ko isesend ang mga email kay Bonnie? Para kay Luna? Kalokohan. Hindi mo ba alam? Ayaw ko siya sa simula pa lang, sa loob ng anim na taon. Walang nagbago!โโฆPaulit ulit na tumunog sa tainga ni Luna ang mga sinabi ni Joshua. Pagkatapos umalis ng opisina ni Jude, sinakyan niya ang unang bus na nakita niya. Ang maraming tao ang sumakay at bumaba ng bus ay tila walang kinalaman sa kanya. Noong dumating na ang bus sa terminal, doon lang bumaba si Luan ng tulala.Pagbaba niya ng bus, tumingin siya sa kapaligiran at hindi niya inaasahan na dumating siya sa bahay ni Anne.Araw at oras ng trabaho ngayon, nasa hospital dapat ngayon si Anne, hindi ba? Ngunit busy si Anne nitong mga nakaraan dahil sa engagement niya kay John Young, baka nagleave siya at nasa bahay siya ngayon.Habang iniisip ito, umakyat siya ng hagdan at pinindot niya ang doorbell ni Anne. Sa hindi inaasahan, nasa bahay si Anne. Hindi lang siya ang nasa bahay, pati ang b
Tumawa si John sa itsura ng girlfriend niya. Pumasok siya sa loob at binaba niya ang pagkain sa mesa habang tumingin siya kay Anne.โIkaw ang unang tao na nakita ko na umiyak habang pinapagaan ang loob ng kaibigan niya.โPinunasan ni Anne ang mga luha niya at gumulong ang mga mata niya. โHindi ako nagiging emosyonal, sumosobra na si Joshua Lynch! Alam mo ba? Kahit na nanalo si Luna sa kompetisyon kahapon, set up lang pala โyun ni Joshua! Sinadya niyang magsend ng dalawang email sa kaibigan ni Luna, at inutusan niya โyun na pumasok sa mahalagang punto para ibunyag ang pagpapanggap ni Fiona, para matalo si Fiona ay para marami na silang oras na magkasama! Nararapat sumpain ang lalaking โyun, hindi ba!โBahagyang sumimangot si John. Yumuko siya at inayos ang mesa para sa kanilang tatlo at sinabi niya, โMay mali sa rason niya kung sinuri ito ng mabuti.โNabigla si Anne. โAnong ibig mong sabihin?โHabang nakaupo sa sofa, tumaas ang kilay ni Luna at tumingin siya ng tahimik kay John.N
Dahil sa sagot ni John, walang masabi si Anne. Sa huli, nilapag niya ng malakas ang tinidor sa mesa at sinigaw niya, โJohn Young, kanino ka ba kumakampi? Bakit mo ba pinagtatanggol si Joshua?โNagbuntong hininga si John at sinabi niya, โSinabi ko lang sayo ang lahat ng ito dahil ayaw ko na maloko ang kaibigan mo.โ Tumingin siya sa problemadong ekspresyon ni Luna at nagdalawang isip siya bago niya binuka ang bibig niya at sinabi, โSigurado ako na ginawa ni Joshua ang lahat ng isa sa araw na naging chief designer si Fiona dahilโฆ dahil sa babaeng โyun, si Charmaine Ross. Pinsan niya ang katrabaho ko, siya ang tanging pamilya niya dito sa Banyan City.โDalawang araw na ang nakalipas, noong sinisante si Charmaine, hindi siya nakatanggap ng pera na hinihiling niya para umalis ng bayan. Noon, hiniling ng katrabaho ko na dalhin siya palabas ng bayan.โNang marinig ang mga sinabi ni John, tumingala si Luna. Kinagat niya ang labi niya. โAno pala ang nangyari?โโPagkataposโฆโ Nagbuntong hining
Hindi matanggihan ni Luna si Shannon. Bukod pa ditoโฆ dapat niyang samahan sa pagdiriwang ang mga teammates niya. Kaya humikab siya at sinabi niya, โIsend mo sa akin ang address, pupunta na ako dyan.โโMabuti po!โ Pagkatapos makuha ang pag-apruba ni luna, sabik na binaba ni Shannon ang phone. Hindi nagtagal, ang address kung saan gaganapin ang party ay sinend sa phone ni Luna.โSasamahan mo ba silang magdiwang?โ Sa tabi niya, nagising din si Anne sa pagring ng phone ni Luna, humikab siya at humiga ng mas komportable bago siya nagpatuloy sa idlip niya. PInaalala niya ng may mababang boses. โPangit ang ugali mo kapag lasing ka, pati bad mood ka ngayong araw, โwag ka na lang uminom pagdating mo doonโฆ Bukod pa dito, natatakot ako na ikwento mo sa lahat ang mga pinagdaanan niyo ni Joshua.โInayos ni Luna ang buhok at damit habang nakangiti. โSige.โ Wala rin naman siyang balak uminom. Nasisira ang mga bagay kapag uminom siya, madalas niya na itong nararanasan. Ngayong gabi, gusto niya lang
Nang marinig ang mga sinabi ni Joshua, agad na tumigas ang katawan ni Luna habang nagpapanggap na lasing.Bakit sasabihin ni Joshua ang mga ganitong bagay kay Lunaโฆ ng may malambing at mapagmahal na tono? Bakit niya sasabihin na nasaktan niya ng sobra si Luna dahil sa mga sinabi niya?Soโฆ Tama si John?Alam ni Joshua na katabi ni Luna si Jude, ito ang rason kung bakit sinabi niya ang masasamang bagay na โyun sa phone, ganun ba?Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Luna at nagpatuloy siya sa pagiging lasing habang nakatitig siya sa maganda at matikas na panga ni Joshua.Naalala niya na ang unang beses siyang hinawakan ni Joshua ng ganito ay noong dinala siya ni Joshua para makita ang pamilya nito. Noon, para tanggihan ang kasal na hinanda ng pamilya niya para kay Joshua, para hindi pakasalan si Hailey Walter, pumayag siya na magpakasal kay Luna.Dinala niya si Luna sa Banyan City, sa bahay ng pamilya Lynch, at inannounce niya sa harap ng lola at tatay niya, si Adrian Lync
โMagmaneho ka na lang.โUmubo ng mahina si Lucas at agad niyang niliko ang rearview mirror at binuksan niya na ang makina.Pagkatapos kumilos ng kotse, huminga ng malalim si Joshua at hinawakan niya ang kamay ni Luna na nakahawak sa tie niya, at napigilan niya na rin sa pag galaw ang babaeng nasa yakap niya.โโWag kang gumalaw.โ Kumunot ang noo ni Joshua. โHindi siya kumikilos ng ganito kapag lasing siya dati.โTahimik na ngumuso si Luna at tumigil na ang pag galaw ng mga kamay niya.Si Lucas, na busy sa pag drive, ay tumawa rin ng mahina, โBaka po may nainom siyang kakaibang uri ng wine ngayong gabi.โโNaalala ko na madaldal siya kapag lasing siya, pero hindi ko inaasahan na ngayon ay hindi siya masyado madaldal, sa halip ay malikot naman siya.โ Tumingin sa baba si Joshua sa babaeng yakap niya.Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya para tumingin sa bintana ng kotse, medyo namamaos ang boses niya habang sinabi niya, โBaka ayaw niya akong kausapin.โNgayong araw, ang gusto
Habang nakikinig sa pag uusap nila Joshua at FIona sa phone habang yakap siya ni Joshua, pumikit si Luna.Sa katotohanan, sa mga sandaling ito, ang gusto niya gawin ay tulakin ng malamig si Joshua, utusan si Lucas na itigil ang kotse at umalis, isara ang pinto sa likod niya habang paalis.Ngunit hindi niya ito magawa.Kung sabagay, sinabi ni Joshua ang lahat ng ito sa harap ni Luna na hindi niya sasabihin kung matino si Luna. Kung bumangon siya ngayon, malalaman ni Joshua na nagpapanggap lang si Luna na lasingโฆMas magiging awkward lang lalo ang relasyon nila kumpara sa dati. Hindi na maipapakita ni Joshua ang malamig at malupit na pagpapanggap niya at wala nang magagawa si Luna kundi harapin ang mababaw na damdamin ni Joshua para sa kanya.Ito ang rason kung bakit nagdesisyon siya na magpanggap na lasing, kailangan niyang magpanggap hangggang sa dulo.โUmuwi ka ng mas maaga kung pwede.โ Sa kabilang linya ng phone, ang boses ni Fiona ay malambing at maamo. โNagluto ako ng masarap
โKapag gumising po si Ms. Luna, sasabihin ko po ba sa kanya na kayo ang naghatid sa kanya pauwi?โYumuko si Joshua at tumingin siya sa babaeng pula ang mukha na nakahiga sa sofa. โHindi. Sabihin mo lang sa kanya na hinatid siya ng mga katrabaho niya.โMuli siyang tumingin ng malalim kay Luna. โSasakit ang ulo niya kapag hungover siya, maghanda ka ng sabaw para matulungan siya.โPagkatapos, para bang may naalala siya, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, โAko na pala.โPagkatapos, inalis niya ang tie niya, tinanggal niya ang dalawang pinakataas na butones sa shift niya at pumasok na siya sa kusina.Hindi pa siya gumawa ng sabaw para kay Luna dati. Noong gumawa siya ng sabaw para kay Fiona, palihim pang nirecord ni Fiona sa phone ni Joshua at sinend ito kay Luna para ipagmalaki.Naisip niya kung ano ang naramdaman ni Luna nang mapanood ang video.Sa katotohanan, sa gabi na gumawa siya ng sabaw ay dahil naalala niya na laging may hangover kinabukasan si Luna. Noong una, plano ni
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya