Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Chapter 601 - Chapter 610

All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 601 - Chapter 610

3080 Chapters

Kabanata 601

Tumaas ang mga kilay ni Luna at tumingin siya sa direksyon ng tunog.Sa entrance ng opisina niya, nakasandal si Joshua habang may suot na itim mula ulo hanggang paa, nakatingin sa kanya ng malamig. Nakahalukipkip si Joshua.Mukhang matagal tagal na rin siyang nandito.Seryosong sinabi ni Luna, “Gusto ko lang malaman kung nasaang hospital siya, para matulungan ako ni Theo na makahagilap ng balita tungkol sa kanya.”Sa mga sandaling iyon, sinusubukang buhayin si Irene, lubos na mataas na siguro ang mga emosyon at pagkamuhi ng lahat kay Luna. Baliw na siguro si Luna para personal na pumunta sa hospital.Ngunit sa huli, ang lahat ng mga ginawa ni Irene ay para puntiyahin siya.Kailangan malaman ni Luna ang kondisyon ni Irene, kaya’t ang pinakamagandang gawin ay utusan niya si Theo na tingnan si Irene. Kung tama ang pagkakaalala ni Luna, may ilang mga kaibigan si Theo sa mga ospital ng Banyan City.Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. “Malaki talaga ang tiwala mo kay Theo?”Hindi mu
Read more

Kabanata 602

Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Luna na kurutin ang noo niya.Kaya pala tinanong sa kanya ni Joshua ang tungkol sa mga modelo ng mga sketch niya sa phone call kagabi. Dahil ito sa sketch na ito.Nang makita niya na tahimik si Luna, ngumisi si Joshua at tumawa siya, “Bakit hindi ka nagsasalita? Palihim mong dinrawing ang kamay ko, nagdesign ng singsing para sa akin, pero sinasabi mo na wala kang tiwala sa akin?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. Hindi na dapat siya pumayag kay Nellie dati para gawin ang design para sa kanya.Huminga ng malalim si Luna. Dumilat siya at tumingin kay Joshua. “Sige na, palihim akong nag design ng singsing para sayo, Mr. Lynch, pero simple lang ang mga rason ko. Bilang isang empleyado ng Lynch Group, maraming beses na akong gumawa ng gulo para sayo, kaya’t gusto kitang gawan ng espesyal na design ng singsing bilang kabayaran.”Pagkatapos, nilabas ni Luna ang phone niya at hinanap niya ang number ni Theo. Tatawag na dapat siya nang tumingin sa ka
Read more

Kabanata 603

Agad na natulala si Luna.Hindi niya inaasahan na agad na mahuhulaan ni Joshua na alam niya kung sino si Hailey, kung kailan noong nakaraan lang ay pinaghihinalaan nito na siya si Hailey.Ang katalinuhan ng lalaking ito… ay higit pa sa imahinasyon ni Luna.Huminga siya ng malalim at nanatili siyang kalmado. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Mr. Lynch. Paano ko naman malalaman ang balita tungkol kay Hailey?”Tumawa si Joshua.Sumandal siya sa sofa at elegante siyang nag dekwatro. Kalmado ang tingin niya. “Paulit ulit ka niyang pinupuntirya. Nagsimula ito noong nasa Sea City tayo. Matagal at paulit ulit ka niyang pinuntiya, gusto niyang kunin ang buhay mo. Ayon sa pagkatao mo, imposible para sayo na umupo lang at tumahimik. Pero, mula sa impormasyon na nakuha ko, wala ka pang ginawa kay Hailey, na nagtatago lang sa dilim. Kaya, ang tanging posibilidad lang ay matagal mo nang alam kung nasaan si Hailey. Alam mo rin ang lahat ng sikreto niya. Ito
Read more

Kabanata 604

Paglabas ng banyo, narinig ni Luna ang ilang mga babaeng empleyado na pinag uusapan siya sa pahingahan sa labas ng banyo.Base sa dati niyang pagkatao, kapag nakaharap niya ang ganitong pangyayari, magpapanggap siya na hindi ito narinig at aalis na lang siya.Kahit na seryoso ito, tatandaan niya kung ano ang department nila at pagbabayarin niya ang mga ito sa susunod.Gayunpaman, sa mga sandaling ito, hindi maganda ang mood niya.Huminga siya ng malalim at pumunta siya sa pahingahan suot ang high heels. Humalukipkip siya at tumingin sa mga babaeng ito.“Umaasa lang siya sa mukha niya, wala namang maganda doon…”“Nabalitaan ko na hindi totoo ang mukha niya, sumailalim lang siya sa plastic surgery…”“Kahit ang cosmetic surgery ay binayaran ni Mr. Lynch. Sobrang pangit niya dati…”Nag chichismisan ang mga babae ng hindi nila napapansin.Matapos ang mahabang sandali, may nakapansin na rin kay Luna sa entrance.“Tumigil kayo.” Ang nakapansin kay Luna ay humawak sa manggas nila at
Read more

Kabanata 605

Nakahawak ng mahigpit si Joshua sa phone hangang mamuti ang mga daliri niya.Muli niyang pinanood ang video. Habang naririnig ang boses ni Luna, sumingkit ang mga mata ni Joshua.Wala siyang kwenta?Ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na narinig niya na may nagsabi na wala siyang kwenta!Naging sobrang lamig sa loob ng kwarto, puno ng walang hanggang galit ni Joshua.“Sir…” Ang maingat na sabi ni Lucas, “Ang mga empleyado po na tinapunan ng tubig ay dinala na po ito sa mga manager nila. Sinabi po nila na kapag hindi nagbayad at humingi ng tawad sa kanila si Luna, irereport po nila ito sa pulis.”Malamig na tumaas ang mga kilay ni Joshua. Binalik niya ang phone kay Lucas. “Hayaan mo sila na gumawa ng report. Dapat siyang matuto ng leksyon.”Dahil pinapabayaan niya lang palagi si Luna, ito ang rason kung bakit kaya kumilos ni Luna ng ganito. Una ay tinago ni Luna ang tungkol kay Hailey, pagkatapos ay sinubukan niyang gumawa ng problema sa pagitan ni Joshua at Alice. Sinabi niy
Read more

Kabanata 606

“Pero hindi namin pwedeng hayaan lang ng ganito ang problema.”Humalukipkip si Luna. “Ganun ba?”Ngumiti siya ng elegante at naglabas siya ng recording device mula sa bulsa niya. “Sayang, nung siniraan niyo ako, nirecord ko ang lahat ng sinabi niyo. Hahayaan ko kayo na kasuhan ako. Pagkatapos, sisiguraduhin ko na magbabayad kayo.”Namutla ang mukha ng babae. Kumunot ang noo niya. “Oo, hindi ka dapat namin pinag tsismisan, pero ngayon lang ‘yun. Ito ay…”“Ngayon lang?”Sa likod ni Luna, binuksan nila Samson, Zayne, at Arriana ang pinto. Nakatayo ang tatlong assistant sa likod ni Luna at nilabas nila ang sarili nilang mga recording device sa bulsa nila.“Simula nung nagkalat kayo ng mga tsismis tungkol kay Director Luna, iminungkahi ni Samson na magdala kami lagi ng recording device para kumuha ng ebidensya.”Ngumiti si Arianna at tumingin siya sa grupo ng mga babae. “Talagang siniraang-puri niyo si Director Luna ng higit sa isang beses. May tatlong recording ako dito.”Ngumiti s
Read more

Kabanata 607

“Sinabi niya talaga ‘yun?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Lucas sa president’s office.Ang babaeng ito ay hindi marunong magpasalamat.Ang lakas ng loob niya para magalit kay Joshua.Sinabi lang ni Joshua nung nakaraan na wala siyang pakialam kung ano ang ginawa ni Hailey kay Luna, ngunit sinabi ni Luna kay Lucas na maliban sa trabaho, ayaw ni Luna ng pakikialam ni Joshua!Tumikhim ng malamig si Joshua, “Hindi ko na pala siya aabalahin.”Magkakaroon ng press conference si Irene bukas. Hindi naniniwala si Joshua na kung wala ang tulong niya, haharapin ito ni Luna ng matino at walang problema.…Pagsapit ng gabi, nang makalabas na si Luna nga main entrance ng opisina, pinalibutan siya ng grupo ng mga reporter.“Ms. Luna, alam niyo ba na tumalon si Irene Cook mula sa isang bulding?”“Tumalon ang isang babae mula sa building dahil sa inyo, pinagsisisihan niyo ba ito?”“Magkakaroon ng press conference si Irene bukas, pupunta ba kayo dito?”“
Read more

Kabanata 608

Nung gabing ‘yun, nagkaroon siya ng panaginip na parang totoo.Napanaginipan niya na nahulog si Alice sa Bay Bridge, ang lugar kung saan siya nahulog.Bago pa siya mahulog sa dagat, nakatitig ng malupit si Alice kay Luna.“Kung hindi mo ako hahayaang mabuhay, kalimutan mo na ang pangarap niyo ng mga anak mo na mabuhay!”Pagkatapos, pinindot ni Alice ang remote control sa kamay niya.Sa tulay, ang tatlong bata na tumatakbo papunta kay Luna ay sumabog.“Hindi!”Nagising sa panaginip si Luna habang pinagpapawisan ng malamig.Huminga ng malalim ang gulat na babae. Bumaba siya ng kama, pumunta ng kusina para ipagsalin ang sarili niya ng tubig, at pumunta siya sa balkonahe.Gusto niyang pakalmahin ang sarili nung una, ngunit nagulat siya nang makita niya ang itim na Maserati sa baba.Ito ay si Joshua.Napatingin siya sa oras. Halos 2 a.m. na.Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?Kinuha ng nalilitong Luna ang kanyang phone at hinanap niya ang numero ni Joshua.Nung tatawag
Read more

Kabanata 609

Natahimik ng ilang saglit si Luna.“Kung ganun, Mr. Lynch, gusto mo bang umakyat dito para mag tsaa?”Ang boses ni Joshua ay malamig at mababa. “Kalimutan mo na. Sinabi mo na sa akin na ‘wag akong makialam sayo. Pumunta ako para tulungan ka ngayong gabi, dahil lang pinadala ni Lucas ang mga tao niya para sumubaybay kay Jason ng buong araw. Tapos na tayo dito. Mula ngayon, maliban sa trabaho, hindi na ako makikialam sayo.”Pagkatapos, binaba na ni Joshua ang phone.Nakatayo si Luna sa balkonahe, nakatingin sa itim na Maserati na nagbukas ng makina at umalis.Sa huli, naging isang itim na tuldok na lamang ito sa mga mata ni Luna.Nagulat si Luna. Hindi niya alam kung bakit galit si Joshua. Nagkaroon siya ng kagustuhan na ibunyag nung hapon kay Joshua na si Alice ay si Hailey.Gayunpaman, hindi lang sa hindi siya pinaniniwalaan ni Joshua, sinabi pa ni Joshua na kung magpapatuloy siya sa pagtago ng sikreto ni Hailey, wala nang pakialam sa kanya si Joshua sa susunod.Nung hapon na ‘
Read more

Kabanata 610

Tumawa lang si Luna, “Oo na, Anne. Alam kong nag aalala ka sa akin. Naghanda na ako.”Pagkatapos pagaanin ang loob ni Anne, humikab si Luna at binaba niya ang phone.Habang nagtu-toothbrush, binuksan niya ang phone niya at binasa ang mga balita ng araw na ‘yun.Ang media company ng pamilya Walter ay nilalagay ang lahat ng pera nila para umingay ang balita ni Irene.Halos lahat ng headlines sa Banyan City ay puno na ng pagaaway nila Luna at Irene.Klaro na plano ni Alice na sirain na ng tuluyan ang reputasyon ni Luna.Ngumiti si Luna ng malamig at tumawag siya kay Theo.…10 a.m.Sa loob ng sports arena sa bayan ng Banyan City, masiglang masigla dito.May banner na nakalagay sa lugar na kitang kita ng lahat. Nakasulat dito, [Hustisya Para Kay Irene Cook, Labanan Ang Kasamaan].Maraming grupo ng mga reporter.Ang bawat isa sa kanila ay nakayuko. Busy sila sa paghahanda ng mga tanong na ibabato nila.Sa isang sulok, may suot na face mask at sombrero si Luna habang katabi si T
Read more
PREV
1
...
5960616263
...
308
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status