Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Luna na kurutin ang noo niya.Kaya pala tinanong sa kanya ni Joshua ang tungkol sa mga modelo ng mga sketch niya sa phone call kagabi. Dahil ito sa sketch na ito.Nang makita niya na tahimik si Luna, ngumisi si Joshua at tumawa siya, “Bakit hindi ka nagsasalita? Palihim mong dinrawing ang kamay ko, nagdesign ng singsing para sa akin, pero sinasabi mo na wala kang tiwala sa akin?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. Hindi na dapat siya pumayag kay Nellie dati para gawin ang design para sa kanya.Huminga ng malalim si Luna. Dumilat siya at tumingin kay Joshua. “Sige na, palihim akong nag design ng singsing para sayo, Mr. Lynch, pero simple lang ang mga rason ko. Bilang isang empleyado ng Lynch Group, maraming beses na akong gumawa ng gulo para sayo, kaya’t gusto kitang gawan ng espesyal na design ng singsing bilang kabayaran.”Pagkatapos, nilabas ni Luna ang phone niya at hinanap niya ang number ni Theo. Tatawag na dapat siya nang tumingin sa ka
Agad na natulala si Luna.Hindi niya inaasahan na agad na mahuhulaan ni Joshua na alam niya kung sino si Hailey, kung kailan noong nakaraan lang ay pinaghihinalaan nito na siya si Hailey.Ang katalinuhan ng lalaking ito… ay higit pa sa imahinasyon ni Luna.Huminga siya ng malalim at nanatili siyang kalmado. Lumingon siya para tumingin kay Joshua. “Hindi ko alam ang tinutukoy mo, Mr. Lynch. Paano ko naman malalaman ang balita tungkol kay Hailey?”Tumawa si Joshua.Sumandal siya sa sofa at elegante siyang nag dekwatro. Kalmado ang tingin niya. “Paulit ulit ka niyang pinupuntirya. Nagsimula ito noong nasa Sea City tayo. Matagal at paulit ulit ka niyang pinuntiya, gusto niyang kunin ang buhay mo. Ayon sa pagkatao mo, imposible para sayo na umupo lang at tumahimik. Pero, mula sa impormasyon na nakuha ko, wala ka pang ginawa kay Hailey, na nagtatago lang sa dilim. Kaya, ang tanging posibilidad lang ay matagal mo nang alam kung nasaan si Hailey. Alam mo rin ang lahat ng sikreto niya. Ito
Paglabas ng banyo, narinig ni Luna ang ilang mga babaeng empleyado na pinag uusapan siya sa pahingahan sa labas ng banyo.Base sa dati niyang pagkatao, kapag nakaharap niya ang ganitong pangyayari, magpapanggap siya na hindi ito narinig at aalis na lang siya.Kahit na seryoso ito, tatandaan niya kung ano ang department nila at pagbabayarin niya ang mga ito sa susunod.Gayunpaman, sa mga sandaling ito, hindi maganda ang mood niya.Huminga siya ng malalim at pumunta siya sa pahingahan suot ang high heels. Humalukipkip siya at tumingin sa mga babaeng ito.“Umaasa lang siya sa mukha niya, wala namang maganda doon…”“Nabalitaan ko na hindi totoo ang mukha niya, sumailalim lang siya sa plastic surgery…”“Kahit ang cosmetic surgery ay binayaran ni Mr. Lynch. Sobrang pangit niya dati…”Nag chichismisan ang mga babae ng hindi nila napapansin.Matapos ang mahabang sandali, may nakapansin na rin kay Luna sa entrance.“Tumigil kayo.” Ang nakapansin kay Luna ay humawak sa manggas nila at
Nakahawak ng mahigpit si Joshua sa phone hangang mamuti ang mga daliri niya.Muli niyang pinanood ang video. Habang naririnig ang boses ni Luna, sumingkit ang mga mata ni Joshua.Wala siyang kwenta?Ito ang unang pagkakataon sa buhay niya na narinig niya na may nagsabi na wala siyang kwenta!Naging sobrang lamig sa loob ng kwarto, puno ng walang hanggang galit ni Joshua.“Sir…” Ang maingat na sabi ni Lucas, “Ang mga empleyado po na tinapunan ng tubig ay dinala na po ito sa mga manager nila. Sinabi po nila na kapag hindi nagbayad at humingi ng tawad sa kanila si Luna, irereport po nila ito sa pulis.”Malamig na tumaas ang mga kilay ni Joshua. Binalik niya ang phone kay Lucas. “Hayaan mo sila na gumawa ng report. Dapat siyang matuto ng leksyon.”Dahil pinapabayaan niya lang palagi si Luna, ito ang rason kung bakit kaya kumilos ni Luna ng ganito. Una ay tinago ni Luna ang tungkol kay Hailey, pagkatapos ay sinubukan niyang gumawa ng problema sa pagitan ni Joshua at Alice. Sinabi niy
“Pero hindi namin pwedeng hayaan lang ng ganito ang problema.”Humalukipkip si Luna. “Ganun ba?”Ngumiti siya ng elegante at naglabas siya ng recording device mula sa bulsa niya. “Sayang, nung siniraan niyo ako, nirecord ko ang lahat ng sinabi niyo. Hahayaan ko kayo na kasuhan ako. Pagkatapos, sisiguraduhin ko na magbabayad kayo.”Namutla ang mukha ng babae. Kumunot ang noo niya. “Oo, hindi ka dapat namin pinag tsismisan, pero ngayon lang ‘yun. Ito ay…”“Ngayon lang?”Sa likod ni Luna, binuksan nila Samson, Zayne, at Arriana ang pinto. Nakatayo ang tatlong assistant sa likod ni Luna at nilabas nila ang sarili nilang mga recording device sa bulsa nila.“Simula nung nagkalat kayo ng mga tsismis tungkol kay Director Luna, iminungkahi ni Samson na magdala kami lagi ng recording device para kumuha ng ebidensya.”Ngumiti si Arianna at tumingin siya sa grupo ng mga babae. “Talagang siniraang-puri niyo si Director Luna ng higit sa isang beses. May tatlong recording ako dito.”Ngumiti s
“Sinabi niya talaga ‘yun?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Lucas sa president’s office.Ang babaeng ito ay hindi marunong magpasalamat.Ang lakas ng loob niya para magalit kay Joshua.Sinabi lang ni Joshua nung nakaraan na wala siyang pakialam kung ano ang ginawa ni Hailey kay Luna, ngunit sinabi ni Luna kay Lucas na maliban sa trabaho, ayaw ni Luna ng pakikialam ni Joshua!Tumikhim ng malamig si Joshua, “Hindi ko na pala siya aabalahin.”Magkakaroon ng press conference si Irene bukas. Hindi naniniwala si Joshua na kung wala ang tulong niya, haharapin ito ni Luna ng matino at walang problema.…Pagsapit ng gabi, nang makalabas na si Luna nga main entrance ng opisina, pinalibutan siya ng grupo ng mga reporter.“Ms. Luna, alam niyo ba na tumalon si Irene Cook mula sa isang bulding?”“Tumalon ang isang babae mula sa building dahil sa inyo, pinagsisisihan niyo ba ito?”“Magkakaroon ng press conference si Irene bukas, pupunta ba kayo dito?”“
Nung gabing ‘yun, nagkaroon siya ng panaginip na parang totoo.Napanaginipan niya na nahulog si Alice sa Bay Bridge, ang lugar kung saan siya nahulog.Bago pa siya mahulog sa dagat, nakatitig ng malupit si Alice kay Luna.“Kung hindi mo ako hahayaang mabuhay, kalimutan mo na ang pangarap niyo ng mga anak mo na mabuhay!”Pagkatapos, pinindot ni Alice ang remote control sa kamay niya.Sa tulay, ang tatlong bata na tumatakbo papunta kay Luna ay sumabog.“Hindi!”Nagising sa panaginip si Luna habang pinagpapawisan ng malamig.Huminga ng malalim ang gulat na babae. Bumaba siya ng kama, pumunta ng kusina para ipagsalin ang sarili niya ng tubig, at pumunta siya sa balkonahe.Gusto niyang pakalmahin ang sarili nung una, ngunit nagulat siya nang makita niya ang itim na Maserati sa baba.Ito ay si Joshua.Napatingin siya sa oras. Halos 2 a.m. na.Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?Kinuha ng nalilitong Luna ang kanyang phone at hinanap niya ang numero ni Joshua.Nung tatawag
Natahimik ng ilang saglit si Luna.“Kung ganun, Mr. Lynch, gusto mo bang umakyat dito para mag tsaa?”Ang boses ni Joshua ay malamig at mababa. “Kalimutan mo na. Sinabi mo na sa akin na ‘wag akong makialam sayo. Pumunta ako para tulungan ka ngayong gabi, dahil lang pinadala ni Lucas ang mga tao niya para sumubaybay kay Jason ng buong araw. Tapos na tayo dito. Mula ngayon, maliban sa trabaho, hindi na ako makikialam sayo.”Pagkatapos, binaba na ni Joshua ang phone.Nakatayo si Luna sa balkonahe, nakatingin sa itim na Maserati na nagbukas ng makina at umalis.Sa huli, naging isang itim na tuldok na lamang ito sa mga mata ni Luna.Nagulat si Luna. Hindi niya alam kung bakit galit si Joshua. Nagkaroon siya ng kagustuhan na ibunyag nung hapon kay Joshua na si Alice ay si Hailey.Gayunpaman, hindi lang sa hindi siya pinaniniwalaan ni Joshua, sinabi pa ni Joshua na kung magpapatuloy siya sa pagtago ng sikreto ni Hailey, wala nang pakialam sa kanya si Joshua sa susunod.Nung hapon na ‘
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya