“Sinabi niya talaga ‘yun?”Sumingkit ang mga mata ni Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Lucas sa president’s office.Ang babaeng ito ay hindi marunong magpasalamat.Ang lakas ng loob niya para magalit kay Joshua.Sinabi lang ni Joshua nung nakaraan na wala siyang pakialam kung ano ang ginawa ni Hailey kay Luna, ngunit sinabi ni Luna kay Lucas na maliban sa trabaho, ayaw ni Luna ng pakikialam ni Joshua!Tumikhim ng malamig si Joshua, “Hindi ko na pala siya aabalahin.”Magkakaroon ng press conference si Irene bukas. Hindi naniniwala si Joshua na kung wala ang tulong niya, haharapin ito ni Luna ng matino at walang problema.…Pagsapit ng gabi, nang makalabas na si Luna nga main entrance ng opisina, pinalibutan siya ng grupo ng mga reporter.“Ms. Luna, alam niyo ba na tumalon si Irene Cook mula sa isang bulding?”“Tumalon ang isang babae mula sa building dahil sa inyo, pinagsisisihan niyo ba ito?”“Magkakaroon ng press conference si Irene bukas, pupunta ba kayo dito?”“
Nung gabing ‘yun, nagkaroon siya ng panaginip na parang totoo.Napanaginipan niya na nahulog si Alice sa Bay Bridge, ang lugar kung saan siya nahulog.Bago pa siya mahulog sa dagat, nakatitig ng malupit si Alice kay Luna.“Kung hindi mo ako hahayaang mabuhay, kalimutan mo na ang pangarap niyo ng mga anak mo na mabuhay!”Pagkatapos, pinindot ni Alice ang remote control sa kamay niya.Sa tulay, ang tatlong bata na tumatakbo papunta kay Luna ay sumabog.“Hindi!”Nagising sa panaginip si Luna habang pinagpapawisan ng malamig.Huminga ng malalim ang gulat na babae. Bumaba siya ng kama, pumunta ng kusina para ipagsalin ang sarili niya ng tubig, at pumunta siya sa balkonahe.Gusto niyang pakalmahin ang sarili nung una, ngunit nagulat siya nang makita niya ang itim na Maserati sa baba.Ito ay si Joshua.Napatingin siya sa oras. Halos 2 a.m. na.Anong ginagawa niya dito ng ganitong oras?Kinuha ng nalilitong Luna ang kanyang phone at hinanap niya ang numero ni Joshua.Nung tatawag
Natahimik ng ilang saglit si Luna.“Kung ganun, Mr. Lynch, gusto mo bang umakyat dito para mag tsaa?”Ang boses ni Joshua ay malamig at mababa. “Kalimutan mo na. Sinabi mo na sa akin na ‘wag akong makialam sayo. Pumunta ako para tulungan ka ngayong gabi, dahil lang pinadala ni Lucas ang mga tao niya para sumubaybay kay Jason ng buong araw. Tapos na tayo dito. Mula ngayon, maliban sa trabaho, hindi na ako makikialam sayo.”Pagkatapos, binaba na ni Joshua ang phone.Nakatayo si Luna sa balkonahe, nakatingin sa itim na Maserati na nagbukas ng makina at umalis.Sa huli, naging isang itim na tuldok na lamang ito sa mga mata ni Luna.Nagulat si Luna. Hindi niya alam kung bakit galit si Joshua. Nagkaroon siya ng kagustuhan na ibunyag nung hapon kay Joshua na si Alice ay si Hailey.Gayunpaman, hindi lang sa hindi siya pinaniniwalaan ni Joshua, sinabi pa ni Joshua na kung magpapatuloy siya sa pagtago ng sikreto ni Hailey, wala nang pakialam sa kanya si Joshua sa susunod.Nung hapon na ‘
Tumawa lang si Luna, “Oo na, Anne. Alam kong nag aalala ka sa akin. Naghanda na ako.”Pagkatapos pagaanin ang loob ni Anne, humikab si Luna at binaba niya ang phone.Habang nagtu-toothbrush, binuksan niya ang phone niya at binasa ang mga balita ng araw na ‘yun.Ang media company ng pamilya Walter ay nilalagay ang lahat ng pera nila para umingay ang balita ni Irene.Halos lahat ng headlines sa Banyan City ay puno na ng pagaaway nila Luna at Irene.Klaro na plano ni Alice na sirain na ng tuluyan ang reputasyon ni Luna.Ngumiti si Luna ng malamig at tumawag siya kay Theo.…10 a.m.Sa loob ng sports arena sa bayan ng Banyan City, masiglang masigla dito.May banner na nakalagay sa lugar na kitang kita ng lahat. Nakasulat dito, [Hustisya Para Kay Irene Cook, Labanan Ang Kasamaan].Maraming grupo ng mga reporter.Ang bawat isa sa kanila ay nakayuko. Busy sila sa paghahanda ng mga tanong na ibabato nila.Sa isang sulok, may suot na face mask at sombrero si Luna habang katabi si T
“Sana ay tulungan niyo akong lahat na makakuha ng hustisya. Dahil hindi ako nagtagumpay sa pagpapakamatay, maswerte ako. Dapat kong ipagpatuloy ang buhay ko, pero naniniwala ako na napunta na dito ang sitwasyon, hindi ako hahayaan lang ni Luna. Wala akong sapat na ebidensya para ipakulong siya. Kaya’t ito lang ang tanging naisip kong solusyon. Sana ay bigyan niyo siya ng mataas na pamantayang moral, para hindi niya na ako puntiryahin sa susunod.”Sinabi ito ni Irene ng malungkot, may mga ilang reporter na lumuha. Malungkot ang mga manonood para sa kanya.Galit at tahimik na nag uusap ang mga reporter.“Kawawa naman siya. Sino ba itong si Luna?”“Mukhang siya ang kabit ni Joshua Lynch na tinatago niya sa opisina niya.”“Hindi lang ‘yun, may sikat pa siyang artist na boyfriend. Ang galing ng mga taktika niya…”Ang mga komento ay malupit at pangit. Palala ito ng palala.Si Luna, na nasa mata ng bagyo ay pinag uusapan ng lubos, yumuko siya at nagsulat sa kanyang papel sa kanyang pag
Dahil sa mga salitang ito, lumingon ang lahat para tumingin kay Luna.Ngayon lang nila napansin na ang babaeng reporter ay si Luna mismo!“Peke ang mga litratong ito, gawa gawa lang ang mga ito! Si Luna rin ang gumawa ng pekeng kontrata!”Dumiin ang ngipin ni Irene at tumingin siya ng malupit kay Luna. “Hindi ko inaasahan na hanggang ngayon, hindi ka pa rin nagbabago. Gusto mo pa gumamit ng mga ganitong taktika para siraan ako!”Pagkatapos, kinagat ni Irene ang mga labi niya. Hindi niya mapigilan na tumulo ang mga luha sa kanyang mga mata. “Luna, alam ko na makapangyarihan ka.”Pinunasan ni Irene ang mga luha niya. “Para sa isang tao na tulad mo, ang pag peke nito ay sobrang dali lang. Sinabi mo na gumagawa lang ako ng ingay, pero sino ang magsusugal ng buhay nila para gumawa ng balita? Sa mga oras na ‘yun, talagang ayaw ko nang mabuhay, kung hindi, hindi sana ako tumalon mula sa building. Nabali pa ang parehong binti ko. Nakikita mo naman…”Tumaas ang mga kilay ni Luna. “Ms. Coo
Sa katotohanan, simula nung pumasok sila, napansin na ni Luna ang babaeng kasama ni Irene.Kahit na may suot itong face mask, ang mga mata nito ay natatangi.Ang mga mata ng babae ay maliit at mahaba, at nakaturo pataas ang dulo ng mga mata nito. Sa pagitan rin ng mga kilay at mata nito, may isang malaking nunal.Naalala ni Luna ang ganitong mga mata pagkatapos niya itong makita ng minsan. Nang malapit na sila sa isa’t isa, mas sigurado na siya na ang babaeng nakasuot ng mask ay si Yvonne Walter, ang tao na binugbog ng mga tao ni Joshua noong nakalipas na isang buwan dahil kinidnap niya sina Neil at Nellie!Ang anak ni Mr. Walter, ang butler.Mukhang halos naubos na nila Joshua at Theo ang mga tauhan ni Mr. Walter nung nakaraan.Kahit ang isang hindi mahalagang gawain na tulad ng pagtulak ng wheelchair para sa isang hindi mahalagang tao na tulad ni Irene, kailangan na itong gawin ni Yvonne ng personal.Habang nakaharang si Luna, kumunot ang noo ni Yvonne. “Tumabi ka.”“Paano ku
Palihim na humigpit ang kamao ni Irene.Nung una, pinangako sa kanya ng entertainment company na pagkatapos ng press conference, magsisimula silang maghanda ng live show para sa kanya. Ipapadala rin nila si Irene para sumailalim sa maliliit na cosmetic procedures at kumuha ng mga advertisement.Magkakaroon sana siya ng magandang kinabukasan!Salamat kay Luna, nawala ang lahat sa kanya…Hindi! Hindi ito pwedeng mangyari!Ginitgit ni Irene ang ngipin niya. Isa siyang mahirap na estudyante na lumaki sa probinsya. Pinaghirapan niya na makuha ang oportunidad na umakyat ng lipunan. Hindi siya susuko! Malapit na siya, ilang hakbang na lang!Tumingin si Irene kay Luna ng may sama ng loob. Puno ng pagkamuhi ang kanyang mga mata.Sa loob ng maikling panahon, umiyak ulit siya.“Oo, tama.” Pinunasan ni Irene ang mga luha niya at sinabi niya habang umiiyak. “Hindi bali ang mga binti ko, pero… hindi ko sinasadya na magsinungaling sa inyong lahat!”Tumahimik ang buong venue.Tinutok ng mga
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya