“Basta’t makipag tulungan ka sa amin, magkakaroon ka ng mabuti at magandang kinabukasan.”Sa press conference, sa malaking screen, tumunog ang malupit na tono ni Yvonne kasama ang malupit niyang ekspresyon.“Kailangan mong maging matatag na pinupuntirya ka ni Luna.”Si Irene, na nakaupo sa harap niya, ay sinabi ng mahiyain, “Pero, sinigurado na ng mga pulis na ang nangyari ay plano ng isang tao mula sa Sea City. Walang kinalaman ito kay Luna…”Umirap si Yvonne kay Luna. “Isang tao mula sa Sea City? Kaya mo bang hanapin ang taong ‘yun? Ano ba ang gagawa ng mas malaking balita, isang kung sino lang na tao mula sa Sea City o si Luna, ang pinag uusapan ng bayan? Tumalon ka mula sa isang building bukas. Pagkatapos, sabihin mo na pinilit ka na tumalon sa building dahil kay Luna!”Kinagat ni Irene ang mga labi niya. “K-Kailangan ko talagang… tumalon mula sa building? Natatakot ako…”Nangutya si Yvonne, “Kung natatakot ka, paano ka aasa na mabuhay ng mataas sa lipunan? May mga bagay ba n
Kahit na tinakot na siya ni Joshua na wala na itong pakialam sa kanya, nagbigay pa rin sa kanya ng atensyon si Joshua.Kanina lang, sinadya ni Luna na ibunyag ni Irene si Yvonne sa live broadcast,“Maganda ang relasyon nila Yvonne at Alice. Naniniwala si Luna na kung nakita ni Joshua ang broadcast nung araw na ‘yun, magkakaroon na ng sagot si Joshua sa puso niya, hindi ba?”“Ms. Luna, ano ang gagawin natin sa babaeng ito?” Ang tanong ng assistant ni Theo, na siyang hawak pa rin si Yvonne.Kumunot ang noo ni Luna at pinasa niya ang USB stick sa assistant niya.“Isa siya sa mga tao na nagkokontrol ng media company na nagsara kanina. Hinahanap pa rin siya ng mga pulis. Dalhin mo siya sa police station. Siguro, naka may pabuya pa para sa kanya.”Agad na kuminang ang mga mata ng assistant at mabilis niyang dinala si Yvonne habang paalis niya.Nang umalis na sila, sina Theo at Luna na lang ang natira sa malaking venue.Umupo ng mas komportable si Theo at sumandal siya sa upuan sa fro
Biglang tumigas ang buong katawan ni Alice.Kinagat niya ang mga labi niya, tumalikod siya at umupo siya sa tabi ni Joshua. Hinawakan niya ang mga kamay ni Joshua. “Joshua, ano ang pinagsasabi mo? Hindi ko maintindihan.”“Hindi mo maintindihan?” Ngumiti si Joshua. Nilabas niya ang lumang cellphone mula sa bulsa niya at nilapag niya ito sa harap ni Alice.“Ngayon, naiintindihan mo na?”Tinikom ni Alice ang mga labi niya. Tumalikod siya para tumingin, agad na naging maputla ang mukha niya.Ang cellphone na ito…Ay ang cellphone na hinagis niya sa lawa nung nakaraan.Gayunpaman…Nakita ni Joshua na tinapon niya ang phone sa lawa nung nakaraan. Nagaalala siya na baka mag isip si Joshua at pinakuha niya ang phone. Nung gabing ‘yun, sa kalagitnaan ng gabi, nag utos si Alice ng mga tao na hanapin ito.Naalala ni Alice na inutusan niya ang mga tauhan niya para kunin ang phone. Pagkatapos, tinunaw niya ng asido ang phone bago niya ito tinapon sa basurahan sa labas.Paanong nangyari…
May hangganan rin ang pasensya at pagtitiis niya.Kaya niyang pagbigyan ng isa o dalawang beses ang mga pakana at plano ni Alice.Ngunit, paano kung nangyari ito ng higit pa dito?Kung nagbago na siya at hindi na siya ang dating Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon, magpapatuloy pa rin ba si Joshua sa pagtitiis?”“Joshua…”Dumulas si Alice at nakaluhod siya sa rug sa sahig mula sa sofa. Kumapit siya sa pantalon ni Joshua ng luhaan.“Joshua… Alam ko na mali ang ginawa ko. Ginawa ko ito dahil masyado kang malapit kay Luna. Insecure lang talaga ako, ito ang rason kung bakit…“Pati, hindi na ako sang ayon sa planong ito simula pa nung una. Si Yvonne at Mr. Walter, sila ang gumawa ng planong ito para sa akin. Nung una ay gusto kong tanggihan ang plano, pero napagtanto ko na palagi mong kasama si Luna. Mas marami kang oras kasama siya kaysa sa akin. Nagseselos talaga ako.“Matagal na akong nalayo sayo. Natatakot ako na baka mawala ka sa akin. Hindi ko ito matanggap, ito ang ra
Kumunot ang noo ni Joshua, tumingin siya sa mukha ng babae na minsan niyang minahal. May namuong halo halong damdamin sa dibdib niya.“Joshua!” Kumapit si Alice sa pantalon ni Joshua. Sumigaw siya, “Hindi ako makikipag divorce! Ayaw ko ng divorce! May relasyon tayo ng maraming taon. Paano mo natitiis na bitawan ito ng basta basta?”Pumikit si Joshua. “Matagal ko nang pinag iisipan ito.”Tinanong niya sa sarili niya ng maraming beses. Balak niya pa rin ba na ipagpatuloy ito?Ang taong minahal niya sa lahat ay naging ang taong kinamumuhian niya sa lahat. Kahit gaano karami pang pagkakataon ang ibigay niya, hindi magbabago ang taong ito. Magpapatuloy lang ba siya ng ganito?Magpapatuloy lang ba siya na tulad ng sinabi ni Luna, patuloy na tinitiis at pinapamihasa si Alice?“Joshua.”Sa sobrang lala ng iyak ni Alice ay hindi siya makahinga ng maayos. “Ikaw lang ang meron ako! Hindi mo ako pwedeng tratuhin ng ganito! Hindi mo ako pwedeng tratuhin ng ganito! Hindi maganda ang pagtrato
Nagbuntong hininga si Joshua at tumingin siya sa babaeng nasa bisig niya. Gusto niyang itaas ang kamay niya para himasin ang likod ni Alice. Ngunit, tinaas niya ang kamay niya at tumigil lang ito sa ere. Hindi niya magawa na idikit ang kamay niya.Sa huli, nagbuntong hininga na lang si Joshua, “Alice, prinotektahan na kita ng matagal. Sana ay wala na talagang susunod.”“Wala na.”Yumakap si Alice sa loob ng bisig ni Joshua. Sa lugar kung saan hindi makikita ang mukha niya, malupit na sumingkit ang mga mata niya.Ang tanging rason kung bakit pumayag siya na pumirma sa divorce papers ay para tumahimik si Joshua sa ngayon.Sa loob ng ilang araw, kapag tumahimik na ang balita tungkol sa mga nangyari, kailangan niyang humanap ng pagkakataon para makuha ang divorce papers!Kung kinakailangan, susunugin niya ang lugar kung saan tinago ni Joshua ang divorce papers!Sa ganun, kapag nawala ang divorce papers, hindi na siya kayang idivorce ni Joshua.…Si Theo at ang misteryosong tao ay
Tumawa si Luna, “Sa relasyon mo kay Mr. Lynch, kailangan mo pa ba humanap ng paraan para magkaroon siya ng utang na loob sayo?”Eleganteng binaba ni Jude ang tasa. Tumingin siya kay Luna. “Ang katotohanan ang sinasabi ko. Totoo ito.”Pagkatapos, humikab si Jude at tumingin siya kay Theo. “Inimbita mo ako para lang magtanong ang girlfriend mo sa akin?”Tumawa si Theo. Tinawag ni Jude na girlfriend niya si Luna. Natuwa siya ng sobra dahil dito.“Mr. Smith, ‘wag niyo siyang pansinin. Naiintriga lang si Luna.”“Wala namang nakakaintriga.”Eleganteng lumingon si Jude para tumingin kay Luna. “Baka magkaroon din ako ng jewelry business sa susunod. Walang masama kung kilalanin kita, Ms. Luna.”Nilapag ni Jude ang business card niya sa harap ni Luna. “Kung may plano kang lumipat ng kumpanya, tawagan mo ako. Kahit na magkaibigan kami ni Joshua, pwede pa rin gawin ang pag agaw ng empleyado niya.”Pagkatapos, elegantang inayos ni Jude ang necktie niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at umali
“Sinabi ni Theo na ang ibig sabihin daw ng bungo na disenyo ay kalungkutan.”“Ang sinabi ni Luna…” Nag isip ng ilang saglit si Jude bago niya sinabi, “Ang bungo ay nangangahulugan ng kasamaan at kalamigan, pati ibig sabihin at matagal na itong patay ngunit nandito pa rin. ‘Yun ang sinabi niya.”Sa sobrang higpit ng hawak niya sa dokumento ay namuti ang kanyang mga kamao.Ang design sketch na kinuha niya mula sa opisina ni Luna ay nasa study room niya pa rin.Akala niya ay magdedesign si Luna ng isang magandang bagay para sa kanya, ginamit ang kamay niya bilang modelo.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may ibig sabihin ito. Masama at malamig.Isang bagay na matagal nang namatay, ngunit nandito pa rin.Sa huli, ito pala ang pananaw sa kanya ni Luna. Humanap pa siya ng paraan para tulungan sila ni Theo sa bagay na ito.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Sinara niya ng malamig ang mga dokumento niya. “Lucas, tara na.”Tumaas ang mga kilay ni Jude. “Aalis na tayo ng ganun lang?”