Tumawa si Luna, “Sa relasyon mo kay Mr. Lynch, kailangan mo pa ba humanap ng paraan para magkaroon siya ng utang na loob sayo?”Eleganteng binaba ni Jude ang tasa. Tumingin siya kay Luna. “Ang katotohanan ang sinasabi ko. Totoo ito.”Pagkatapos, humikab si Jude at tumingin siya kay Theo. “Inimbita mo ako para lang magtanong ang girlfriend mo sa akin?”Tumawa si Theo. Tinawag ni Jude na girlfriend niya si Luna. Natuwa siya ng sobra dahil dito.“Mr. Smith, ‘wag niyo siyang pansinin. Naiintriga lang si Luna.”“Wala namang nakakaintriga.”Eleganteng lumingon si Jude para tumingin kay Luna. “Baka magkaroon din ako ng jewelry business sa susunod. Walang masama kung kilalanin kita, Ms. Luna.”Nilapag ni Jude ang business card niya sa harap ni Luna. “Kung may plano kang lumipat ng kumpanya, tawagan mo ako. Kahit na magkaibigan kami ni Joshua, pwede pa rin gawin ang pag agaw ng empleyado niya.”Pagkatapos, elegantang inayos ni Jude ang necktie niya. Pagkatapos ay tumalikod siya at umali
“Sinabi ni Theo na ang ibig sabihin daw ng bungo na disenyo ay kalungkutan.”“Ang sinabi ni Luna…” Nag isip ng ilang saglit si Jude bago niya sinabi, “Ang bungo ay nangangahulugan ng kasamaan at kalamigan, pati ibig sabihin at matagal na itong patay ngunit nandito pa rin. ‘Yun ang sinabi niya.”Sa sobrang higpit ng hawak niya sa dokumento ay namuti ang kanyang mga kamao.Ang design sketch na kinuha niya mula sa opisina ni Luna ay nasa study room niya pa rin.Akala niya ay magdedesign si Luna ng isang magandang bagay para sa kanya, ginamit ang kamay niya bilang modelo.Gayunpaman, hindi niya inaasahan na may ibig sabihin ito. Masama at malamig.Isang bagay na matagal nang namatay, ngunit nandito pa rin.Sa huli, ito pala ang pananaw sa kanya ni Luna. Humanap pa siya ng paraan para tulungan sila ni Theo sa bagay na ito.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Sinara niya ng malamig ang mga dokumento niya. “Lucas, tara na.”Tumaas ang mga kilay ni Jude. “Aalis na tayo ng ganun lang?”
Pagkatapos ng nangyari kay Irene, hindi na nakita ni Luna si Joshua.Dahil malapit na ang deadline ng project, mas naging busy siya. Wala nang oras si Luna para isipin si Joshua.Sa wakas, natapos sa oras ang project.Naubos ang stock ng mga design ni Luna ng lumabas ito sa merkado.“Tulad ng inaasahan kay Moon na mahusay na designer, mas magaling ka kaysa sa iba!”Habang nakaupo sa sofa, kumakain si Anne ng prutas habang nakikinig sa balita. Lumingon siya para tumingin kay Luna na nageempake.“Ilang araw ng leave ang binigay ni Joshua sayo?”Patuloy sa pag empake si Luna. “Nitong umaga, nagsend sa akin ng message si Lucas. Kalahating buwan.”Kumunot ang noo ni Anne. “Hindi mo pa rin nakikita si Joshua?”Nang mabanggit ito, hindi napigilan ni Luna na kumunot ang noo at magbuntong hininga, “Oo.”Pagkatapos ng press conference ni Irene, sadya na siyang iniiwasan ni Joshua.Kahit na pumunta si Luna sa opisina o sa isang meeting, hindi niya makikita si Joshua.Sinubukan niyang
Habang nakatingin kay Theo mula sa malayo, mukha siyang teenager na in love.Sa kabilang dulo ng kalsada, pagbaba ni Luna ng taxi, agad niyang nakita si Theo na yakap ang bouquet ng mga rosas habang nakangiti ito ng malaki.Lumabas ang ugat sa noo ni Luna.Ang rason kung bakit niyaya niya si Theo kagabi ay para tapusin na ang lahat ng maayos. Sa bulsa niya, may pares ng mga singsing na ginawa niya para basbasan si Theo at ang magiging partner nito na maging masaya sila.Gayunpaman, sa mga sandaling ito, habang nakatingin sa bouquet ng mga rosas na hawak ni Theo, halo halo ang mga nararamdaman niya.“Mag ingat ka!”Habang nakatingin si Luna kay Theo at iniisip kung paano niya itutuloy ang date ngayong gabi, may boses ng lalaki na narinig mula sa likod niya.Kumunot ang noo ni Luna at napatingin siya sa likod.Sa harap ng mga mata niya ay may kinang ng talim ng isang kutsilyo. Nang malapit na ang kutsilyo mula sa ulo niya, tumibok ng malakas ang puso ni Luna. Napaatras siya ng il
Tumaas ang mga kilay ni Joshua at tumingin siya sa mukha ni Luna.Matagal niyang hindi nakita si Luna.Simula nung malaman niya ang ibig sabihin ng design, ginawa niya ang lahat para iwasan si Luna.Dahil sinabi ni Luna na masama at malamig si Joshua, isang tao na matagal nang patay, bakit siya magpapakita sa harap ni Luna kung hindi magiging mabuti ang pakikitungo nila sa isa’t isa?Ngunit ngayon, hindi inaasahan ni Joshua na haharangan siya ng daan ni Luna.Nagsindi ng sigarilyo si Joshua. Tumayo siya ng elegante at medyo maangas.“Iniiwasan kita?”“Hindi ba?”Tumingala si Luna at tumingin siya ng walang takot kay Joshua. “Matagal ko na kitang sinusubukan hanapin, pero lagi akong nabibigo. Kapag pumunta ako sa company meeting, ayaw mong sumama. Kung hindi mo ako iniiwasan, ano ang ginagawa mo?”Humithit ng sigarilyo si Joshua at tumalikod siya para tumingin sa kalsada.Sa labas ng Bamboo Palace, nakasuot si Theo ng puti at nakahawak pa rin sa bouquet ng mga rosas. Yumuko si
Sa mga nakalipas na panahon, busy si Luna sa pagtatrabaho at paghahanap ng pagkakataon na makita si Joshua. Matagal na panahon niyang hindi nakausap si Gwen.“Hindi maganda.” Nagkibit balikat si Luke. “Buntis siya.”Biglang napatingala si Luna. “Buntis?”“Oo.”Kumunot ang noo ni Luke at naglabas siyang isa pang sigarilyo mula sa bulsa niya dahil sa irita.“Sa totoo lang, pumunta ako sa Banyan City para hanapin ka. Gusto kong kumbinsihin mo siya.”Sinindihan ni Luke ang sigarilyo at humithit siya ng malalim.“Ilang buwan nang nasa sinapupunan niya ang bata. Base sa panahon, ang bata ay mula sa mga halimaw na gumahasa sa kanya noon.”Nagyelo ang dugo ni Luna nang marinig niya ang mga sinabi ni Luke.Paano nangyari ito?Namamaos ang boses ni Luna. “Hindi ba siya… uminom ng gamot pagkatapos nung nangyari?”Tumawa si Luke, “Sa tingin mo ba ay mabubuntis siya kung uminom siya ng gamot?”Walang masabi si Luna.Yumuko si Luke. Tila malungkot ang boses niya. “Malala ang mga sugat n
Kumunot ang noo ni Theo at tumingin siya kay Luna. “Sino siya?’Inalis ni Luna ang kamay ni Luke sa balikat niya. “Isang kaibigan.”“Paano ka nagkaroon ng kaibigan na tulad niya?” Tumingin ng malamig si Theo kay Luke. Pagkatapos, nilagay niya ang malaking bouquet ng mga rosas sa kamay ni Luna. “Tara na. Matagal na akong naghihintay para sayo.”May mga taong naglalakad pa rin sa daan. Nasa tabi niya pa rin si Luke, nahihiya si Luna na tanggihan ang bouquet ng mga rosas, kaya’t tinanggap niya na lang ito. Lumingon siya para tumingin kay Luke.“Tandaan mo na tumawag sa akin bukas.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya kasama si Theo.Paglagpas nila ng kalsada, napatingin sa likod si Theo.Nakatayo pa rin si Luke sa kabilang dulo ng kalsada habang naninigarilyo. Tila may iniisip siya.Ayaw ni Theo sa mga lalaki na tulad ni Luke, na laging naninigarilyo at mukhang maangas. “Bakit hindi ko alam na may kaibigan ka na tulad niya?”Lumingon si Luna para sulyapan ang direksyo
Huminga ng malalim si Luna. Inubos niya ang tsaa ng isang lagukan.“Isa kang mabuti at taos-pusong lalaki. Nararapat sayo ang mas mabuting babae para mas maging masaya ka. Hindi isang babae na umakyat mula sa impyerno.”Pagkatapos, nilapag niya ang tasa sa mesa at tumingin siya ng seryoso kay Theo. “Ang rason kung bakit niyaya kita ngayong gabi…”“Ay para pasalamatan ka sa pagtulong sa akin. Ngayon at lumipas na ang bagyo, wala nang may pakialam sa pribado mong buhay. Wala ra ring tao na may pakialam sa akin. Tayo… Oras na para iannounce natin sa publiko ang breakup natin.”Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Theo. Nakanganga siya habang nakatingin kay Luna. Medyo maputla ang mukha niya. “Akala ko…”Yumuko si Theo. “Akala ko niyaya mo ako dahil…”Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya.“Pero, naiintindihan ko.” Huminga ng malalim si Theo, tumingala siya at tumingin kay Luna. “Nasaktan ka ng sobra dati. Normal para sayo na hindi tumanggap ng ibang lalaki. ‘Wag kang mag alala, ma
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya