Kumunot ang noo ni Theo at tumingin siya kay Luna. “Sino siya?’Inalis ni Luna ang kamay ni Luke sa balikat niya. “Isang kaibigan.”“Paano ka nagkaroon ng kaibigan na tulad niya?” Tumingin ng malamig si Theo kay Luke. Pagkatapos, nilagay niya ang malaking bouquet ng mga rosas sa kamay ni Luna. “Tara na. Matagal na akong naghihintay para sayo.”May mga taong naglalakad pa rin sa daan. Nasa tabi niya pa rin si Luke, nahihiya si Luna na tanggihan ang bouquet ng mga rosas, kaya’t tinanggap niya na lang ito. Lumingon siya para tumingin kay Luke.“Tandaan mo na tumawag sa akin bukas.”Pagkatapos, tumalikod si Luna at umalis na siya kasama si Theo.Paglagpas nila ng kalsada, napatingin sa likod si Theo.Nakatayo pa rin si Luke sa kabilang dulo ng kalsada habang naninigarilyo. Tila may iniisip siya.Ayaw ni Theo sa mga lalaki na tulad ni Luke, na laging naninigarilyo at mukhang maangas. “Bakit hindi ko alam na may kaibigan ka na tulad niya?”Lumingon si Luna para sulyapan ang direksyo
Huminga ng malalim si Luna. Inubos niya ang tsaa ng isang lagukan.“Isa kang mabuti at taos-pusong lalaki. Nararapat sayo ang mas mabuting babae para mas maging masaya ka. Hindi isang babae na umakyat mula sa impyerno.”Pagkatapos, nilapag niya ang tasa sa mesa at tumingin siya ng seryoso kay Theo. “Ang rason kung bakit niyaya kita ngayong gabi…”“Ay para pasalamatan ka sa pagtulong sa akin. Ngayon at lumipas na ang bagyo, wala nang may pakialam sa pribado mong buhay. Wala ra ring tao na may pakialam sa akin. Tayo… Oras na para iannounce natin sa publiko ang breakup natin.”Dumilim ang liwanag sa mga mata ni Theo. Nakanganga siya habang nakatingin kay Luna. Medyo maputla ang mukha niya. “Akala ko…”Yumuko si Theo. “Akala ko niyaya mo ako dahil…”Hindi niya na tinapos ang sasabihin niya.“Pero, naiintindihan ko.” Huminga ng malalim si Theo, tumingala siya at tumingin kay Luna. “Nasaktan ka ng sobra dati. Normal para sayo na hindi tumanggap ng ibang lalaki. ‘Wag kang mag alala, ma
Binuksan na ng driver ang makina ng kotse at umalis na ito,Nakaupo si Luke sa passenger seat sa harapan. Kumunot ang noo niya at tumingin siya sa phone niya. Hindi alam ni Luna kung ano ang tinitingnan niya.Matapos ang mahabang sandali, tinago niya ang phone at tumingin siya kay Luna mula sa rearview mirror, tiningnan ang mga eye bags nito. “Kung inaantok ka, matulog ka muna. Narinig ni Gwen mula sa mga doktor na bibisitahin mo siya ngayon, matino siya sa ngayon.”Pagkatapos, tinawanan ni Luke ang sarili niya, “Kakaiba talaga ang mga babae. Kahit gaano karaming tauhan ko ang magkumbinsi sa kanya, hindi siya nakikinig. Nang marinig niya na bibisitahin mo siya, agad siyang sumunod.”Ngumiti si Luna. “Dahil walang babae sa inyo, hindi niyo maiintindihan ang nararamdaman ng isang babae.”Nagkibit balikat si Luke. “Totoo naman. Kung sabagay, higit sa sampung taon na kayong mag best friends.”“Higit sa sampung taon?”Dahil sa mga sinabi ni Luke, kumunot ang noo ni Joshua at dumilat
Gayunpaman, sino ang mag aakala na ang lalaki na tulad ni Joshua ay maglalaro din ng ganitong laro dati?Habang iniisip ito, ngumiti si Luna. Tumingala siya at humikab. “Luke, gaano katagal pa bago tayo makarating sa Sea City?”Tumingin si Luke sa oras. “Mga limang oras.”Pagkatapos, tumingin siya ng nag aalala kay Luna. “Kung pagod ka talaga, matulog ka muna. Makakarating tayo ng bandang tanghali.”Tumango si Luna. Lumingon siya para tumingin kay Joshua na tila humihingi ng tawad. “Kung naglalaro ka ng Lost dati, baka nagkakilala rin tayo sa online noong maraming taon na ang lumipas. Pag usapan natin pagkagising ko.”Pagkatapos, humikab si Luna at sumandal siya sa leather seat. Pumikit siya at nagpanggap na matutulog.Ang katotohanan, hindi makatulog si Luna.Nakapikip si Luna at sumilip siya kay Joshua sa maliit na butas ng kanyang mga mata.Nakatingin sa kanya ng madilim si Joshua.Maraming emosyon dito na hindi maintindihan ni Luna.Hindi pwedeng mag reakt si Luna kung sa
Humigpit ang pagkakahawak ni Luna sa kanyang phone ng bahagya. Paano mo nalaman?” Sa kabilang linya naman ng phone, huminga ng malalim si Theo. “Kung ganun, pumunta ka talaga ng Sea City kasama si Joshua?” Sumimangot si Luna pero hindi siya sumagot. “Luna, hindi ba’t nagkasundo na tayong dalawa kahapon na pupunta ako kasama mo?”Ang boses ni Theo ay may bahid ng pagkadismaya. “Alam ko na ayaw mong madamay ako sa gulo, pero sinabi ko naman sayo na…” Pagkahinga niya ng malalim, sumimangot siya. “Papunta na ako sa Sea City, sabihin mo sa akin kung nasaan ang hotel na tinutuluyan mo, pupuntahan kita.” Tiignan ni Luna si Luke Jones na nakaupo sa may passenger seat. Nagkibit balikat ito, saka binuksan ang pinto at lumabas ng kotse. Mag-isa na lang si Luna sa loob ng kotse. “Theo.” Huminga siya ng malalim. “Pumunta ako dito dahil may sakit ng kaibigan ko, pumunta ako dito para bisitahin siya, hindi para magbakasyon lang. Kasama ko si Joshua dahil sa kaibigan din niya si Luke. Hindi
”Gagawin ko.” Pagkatapos niyang ipaalala kay Theo ang ilang mahahalagang detalye, ibinaba na ni Luna ang tawag. Nung naitabi na niya ang kanyang phone, pinikit niya ang kanyang mga mata at sumandal sa may leather upholstery ng kotse, magulo ang kanyang isipan. Kung hindi dahil sa nangyari kay Gwen, baka hindi niya… maiisip na maghigant laban kay Alice. Babae din siya, nauunawaan din niya kung gaano kasakit na maranasan kung ano ang pinagdaanan ni Gwen. At ang puno’t dulo ng sakit na ito ay ang galit ni Alice kay Luna. Kung ngayon ay hindi niya pwersahin si Alice na ipakita nito ag tunay niyang kulay at pilitin si Joshua na ilantad ang tunay niyang pagkatao, lahat ng sakit na ito na dinanas ni Gwen ay mababalewala. Sinadya niyang papuntahin si Theo sa ibang bansa para din dito. Isa sa kanyang mga kaibigan ang nagdusa na. Kung mamalasin, na pumalpak siya, ayaw niyang idamay si Theo sa kanyang pagbagsak. “Tungkol saan naman yang iniisip mo?” Ng bigla na lang, narinig niya ang boses
Napahinto si Luna. Naaalala pa rin niya ang ‘love letter’ na binigay sa kanya ni Gwen nung nalasing siya. Nung gabing yun, pagkatapos niyang ihatid si Gwen pauwi, nahuli siya ni Liam Clark na hawak ang sulat na iyon. Pagkatapos, kinuhaan ng litrato ni Liam ang sulat at sinunog ito. Sumunod na araw, napahamak si Gwen. Hindi pa rin niya alam kung ano ang nilalaman ng sulat na iyon. Nung sumunod na araw, dahil sa trauma na natamo ni Gwen, nakaranas ito ng short-term memory loss, at nagkataon na nakalimutan ang nilalaman ng sulat. At ngayon ay sabi ni Gwen na naaalala na niya ito. “Luke.” Nung nakatulala pa rin si Luna, tinaas ni Gwen ang kanyang mga mata at tinignan si Luke. “Pwede mo ba muna kaming iwanan sandali?” Inutusan ni Luke ang caretaker na nagtutulak ng wheelchair ni Gwen. MAbilis na inalis ng caretaker ang kayang mga kamay mula sa hawakan ng wheelchair, saka lumingon ng magalang at umalis. Naglabas si Luke ng sigarilyo mula sa kanyang bulsa at sisindihan na sana i
Nang makita niya na malungkot ito at natatakot, sumakit ang puso ni Luna. Kinagat niya ang kanyang labi, naglakad papunta sa harapan ni Gwen, at hinawakan ang kamay nito. “Gwennie, ikaw… hindi mo talaga balak na buhayin ang bata?” Pinikit ni Gwen ang kanyang mga mata at malakas na tumango. Kinagat niya ang kanyang labi, at naiipit ang boses nito. “Luna, alam mo ba… sa tuwing naiisip ko ang batang dinadala ko, naalala ko ang pangyayari nung araw na iyon. Lima o anim silang nandoon… lahat sila ay mukhang mga halimaw… hindi ko alam kung sino ang ama ng bata, lahat sila ay pinuwersa ako… ng paulit-ulit.” Kahit na nakapikit siya, tahimik na tumutulo ang kanyang mga luha sa kanyang mga mata. “Hindi ako makalagpas dito. Sa loob ng mga lang araw, kahit ang mga doktor o mga nars, o kahit ang psychiatrist, lahat sila ay pinipilit ako, na dahil sa kasalukuyang lagay ng aking katawan, kapag pinilit ko na ipalaglag ang bata, baka mabaog na ako habang buhay… Kapag may nangyaring aksidente habang