Parehong napalingon sila Luna at Gwen nung narinig nila ang boses ng lalake. Nung nakita na si Joshua ang nagsalita, naging pangit ang ekspresyon ng mukha ni Gwen. Si Luna sa kabilang banda naman, ay napangiti. “Sabi ni Luke ay ligtas ang palapag na ito, na walang ibang tao dito maliban sa aming dalawa. Kaya sa paningin niya, hindi ka tao?” Napangiti si Joshua, pati ang kanyang mga mata ay nakangiti. “Hindi ko alam kung ako ba ay iniinsulto mo o si Luke sa pananalita mo.” Elegante siyang tumayo at naglakad papalapit kay Luna. “Narinig ko na ang una mong ginawa nung nagising ka sa kotse ay ang magtanong tungkol sa akin. Akala ko ay may nangyari na, kaya kaagad akong umakyat dito.” At doon, naging ngisi ang kanyang ngiti, saka niya tinignan ng malamig si Luna. “Mukhang hindi na dapat ako pumunta.” “Alam mo na hindi ka na dapat pumunta pa dito pero andito ka pa rin?” Sumimangot si Gwen, at mukhang hindi ito natutuwa. Nung una, tulad ng lahat, kala niya ay isang tapat at mapagmahal
Kahit pati ang kanilang itsura, ang kanilang hubog, at pagkatao ay malaki ang pagkakaiba. Pero ang mga matang iyon, at ang pamilyar na pakiramdam na dala niya sa kanya, ay pareho.Binulong niya at binuka niya ang kanyang bibig, “Lulu…” Biglang huminto si Luna. Matagal na panahon na rin nung narinig niya na sabihin ni Joshua ang salitang iyon… Lulu ang palayaw na binigay sa kanya ni Gwen. Tawag sa kanya ni Gwen ay Lulu, at ang tawag naman niya kay Gwen ay Gwennie. Hindi nagtagal, sinoman na napapalapit sa kanya ay Lulu na ang tawag sa kanya. At si Joshua ay isa sa mga taong iyon. At nung pagkatapos niyang maging Luna, ito ang pangalawang pagkakataon na binanggit ni Joshua ang palayaw na ito. Hindi kaya… may nalaman siya?Tinikom niya ang kanyang labi, pinigilan ang kalituhan sa kanyang puso, at tinignan si Joshua, ang kanyang labi ay nakaarko at naging isang ngiti. “Mr. Lynch, anong sinabi mo?” At doon lang bumalik sa sarili si Joshua. Naiilang siyang ngumiti. “Wala akong sin
Muntik nang matawa si Luna. Gaano ba kakapal ang mukha niya? Noon, muntik na niya siyang mapatay pati ang kanilang tatlong anak, tapos ngayon na binanggit niya ang nakaraan, sigurado pa rin siya, sobrang kampante na kahit na wala pang pulso ang mga bata ay papalakihin pa rin niya sila. Dahil mahal pa rin niya siya. Saan nanggaling ang kumpyansang ito, para isipin na ang babaeng halos itulak niya sa impyerno ay mamahalin pa rin siya? Malinaw na nabasa ni Joshua ang pagkamuhi sa mga mata niya. Kumunot ang kanyang mukha at sumandal sa upuan sa inis. "Mukhang masyado mong pinagdududahan ang mga salita ko?" "Hindi naman," bahagya siyang ngumiti. "Iniisip ko lang kung magiging pareho pa rin ang kalalabasan kung nangyari ang aksidente kay Luna noong wala pang pulso ang mga ipinagbubuntis niya." Noon, sobra niyang kinamumuhian si Joshua, pinagdasal niya na mapagpiyestahan niya ang kanyang laman at pukawin ang kanyang uhaw gamit ng kanyang dugo para pakalmahin ang poot sa kanyang p
Bahagyang ngumiti si Joshua, binaba niya ang kanyang tingin habang pinaglaruan niya ang kanyang mug. "Noong una, gusto kong bayaran mo ang kabutihan ko sa pamamagitan ng pagpapatuloy mo na pamunuan ang proyekto sa susunod na season ng jewelry design. Sa hindi inaasahan… mali ang ideya mo, Ms. Luna." Tinaas niya ang kanyang ulo at tinignan siya na para bang maganda ang timpla niya. "Kung ganun, nagpasya na ako. Tutulungan kitang pakiusapan si Luke, at tutulungan mo ako…" Sobrang nahiya si Luna na gusto na niyang ibaon ang ulo niya sa lapag at mamatay, nagaalala siya na sasabihin niya talagang gusto niyang magkaanak sa kanya, kaya nagmamadalo niyang binuka ang kanyang bibig para putulin siya. "Tutulungan kita sa jewelry projects para sa susunod na season." Ngumiti si Joshua, ang kanyang mga mata ay bahagyang dumaan sa kanyang mukha. "Syempre, hindi kita hihingian ng iba pang bagay para bayaran ang kabutihan ko, maliban sa mga bagay na may kaugnayan sa trabaho." Pagkatapos nito, tum
Nagulat si Luke na matanggap ang pakiusap ni Luna. Malamig siyang ngumiti, tinitigan niya nang maigi si Luna mula taas hanggang baba. "Nandiyan si Joshua, bakit kailangan mo ng proteksyon ko?" Nanatiling tahimik si Luna. Tinaas ni Luke ang kanyang kilay. "Bakit, nag-away ba kayo?" "Luke." Nang mapansin ni Gwen ang masamang ekspresyon ni Luna, pinutol niya siya kaagad. "Bakit ang dami mong tanong? Hindi naman ganun kahirap para sa'yo na magpadala ng ilang tao para protektahan si Luna." Sa sandaling sinabi ito ni Gwen, tinigil na nga ni Luke ang kanyang pagtatanong. Bahagya siyang ngumiti. "Hindi problema yun, ipapadala ko ang taong pinagbantay ko para kay Gwen para siguruhin na hindi siya ulit magpapakamatay para protektahan ka." Kumunot ang noo ni Gwen. "Sapat na ba yun?" Sa kung anong paraan, naalala niya na nagdala lang siya ng isang medyo may edad na caretaker para bantayan siya at pigilan siya na magpakamatay ulit. "Hindi pa rin sapat ang walong tao?" Niyuko ni Luke a
Tinanggap ni Luna ang imbitasyon at tumawa habang pinunit niya ito, "Baka matagal na akong nakalimutan ng clan member na yun." Sa highschool, para makalaro niya si Gwen, nag-download si Luna ng larong Lost at nagrehistro ng account, at gumawa rin siya ng character. Bilang isang baguhan sa laro, nahirapan siya; maski paglalakad ay mahirap para sa kanya. Hindi nagtagal, nakilala niya ang clan member mula sa clan na lumaon ay sinalihan niya. Tinuruan siya nito kung paano laruin ang laro, tinulungan rin siya nito na magpataas ng level at lumalaban ng mga boss sa dungeon. Masaya silang dalawa na naglaro noon. Sa panahong iyon, unti-unting nagkaroon ng nararamdaman si Luna para sa kanya, at sinabi sa kanya nito na espesyal siya. Hindi nagtagal, sinabi niya na nilaro niya lang ang laro para subukan ito, masyado siyang aligaga sa trabaho niya sa totoong buhay at titigil na siya sa paglalaro. Simula noon, hindi na siya nag-online muli. Pagkatapos niyang umalis, nalungkot si Luna nang
Sa sumunod na araw, biglang ginising ni Gwen si Luna nang maaga. "Wag mong kalimutan na mayroon kang kasala na dadaluhan ngayon! Tandaan mo na magdamit ka nang maayos, makikipagkita ka pa sa mga clan member mo!" Natawa si Luna nang makita niya kung gaano siya kasabik. "Base sa kung gaano ka kasabik ngayon, nagtataka na ako na baka ikaw ang ikakasal ngayon." Umirap si Gwen. "Ikaw kamo." Kumibit-balikat si Luna at bumaba ng kama para maghilamos. "Gusto mo bang dalhan kita ng pag-uwi, souvenir o kahit na ano?" Sandaling pinag-isipan ni Gwen ang tanong na iyon. "Kumuha ka ng mga larawan para sa'kin, at ibigay mo sa'kin ang door gift na binibigay nila sa mga panauhin!" "Sige." Pagkatapos niyang pumayag, nagpalit ng damit si Luna at sumakay sa taxi papunta sa Ocean View Hotel. Sa daan, binuksan niya ang kanyang phone at nahanap niya ang numero na dinagdag niya kagabi. Nagpadala siya sa kanya ng mensahe. "Papunta na ako, kailan ka makakarating doon?" Ang sagot niya ay isang la
"Sabi na nga ba maganda siya! Alam ko na isa siyang napakagandang babae! Wag mong kalimutan na kumuha ng mas marami pang pictures at ipakita mo to sa'kin pagbalik mo! Oo nga pala, nakita mo na ba ang clan member?" Huminto si Luna, pagkatapos ay napatingin siya sa wedding hall. Walang laman ang Table number 55. Binasa niya ang kanyang labi. "Pinadalhan niya ako ng picture na nasa wedding hall na siya… pero sa tingin ko lumabas siya saglit…" "Buti na lang nandiyan siya! Nag-aalala ako na baka mabagot ka sa pagdalo mo nang mag-isa sa kasal. Ngayong may kausap ka para alalahanin ang nakaraan, sigurado ako na hindi ka malulungkot! Hindi ako kasing swerte mo, pinadalhan ako ulit ni Luke ng gamot para palusugin ang bata…" Bumuntong-hininga si Luna habang pinapakinggan ang mahinang boses ni Gwen. Bigla na lang, hindi niya masabi sa kanya ang totoo. Malinaw na hinahangaan ni Gwen ang babaeng clan leader. Kung malaman niya na si Ben ang groom….l hindi kayang isipin ni Luna ang magiging kah
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya