"Sabi na nga ba maganda siya! Alam ko na isa siyang napakagandang babae! Wag mong kalimutan na kumuha ng mas marami pang pictures at ipakita mo to sa'kin pagbalik mo! Oo nga pala, nakita mo na ba ang clan member?" Huminto si Luna, pagkatapos ay napatingin siya sa wedding hall. Walang laman ang Table number 55. Binasa niya ang kanyang labi. "Pinadalhan niya ako ng picture na nasa wedding hall na siya… pero sa tingin ko lumabas siya saglit…" "Buti na lang nandiyan siya! Nag-aalala ako na baka mabagot ka sa pagdalo mo nang mag-isa sa kasal. Ngayong may kausap ka para alalahanin ang nakaraan, sigurado ako na hindi ka malulungkot! Hindi ako kasing swerte mo, pinadalhan ako ulit ni Luke ng gamot para palusugin ang bata…" Bumuntong-hininga si Luna habang pinapakinggan ang mahinang boses ni Gwen. Bigla na lang, hindi niya masabi sa kanya ang totoo. Malinaw na hinahangaan ni Gwen ang babaeng clan leader. Kung malaman niya na si Ben ang groom….l hindi kayang isipin ni Luna ang magiging kah
[Gaano pa ba katagal ang kailangan mo?] Matagal na naghintay si Luna sa table number 55 pero hanggang ngayon, wala pa ring dumarating. Hindi niya mapigilan ang kanyang sarili at nagpadala siya ng mensahe sa kanya para magtanong tungkol dito. Hindi nagtagal, isang sagot ang nagmula sa lalaki. [Pasensya ka na, may biglang lumitaw na emergency sa trabaho, nasa airport na ako.] Mula sa hindi kalayuan, malinaw na nakita ni Joshua na bumaba ang balikat ni Luna pagkatapos niyang ipadala ang mensahe. Pero kahit na ganun, nakahanap siya ng smiley face sa messaging app. [Ayos lang, mas importante ang trabaho. Masaya na ako na natanggap ko ang regalo mo para sa'kin.] Baka nandito na siya, pero nadismaya siya sa kanya at hindi niya siya gustong makita? Hindi na isang inosenteng dalaga si Luna, alam niya na mayroon sigurong dahilan sa likod ng ganitong palusot. Pero dahil hindi niya gustong sabihin sa kanya, hindi na siya magtatanong pa. Baka magandang ideya rin na hindi sila magkita sa t
Kahit anong mangyari, pwede pa rin itong pakasalan ni Clover nang masaya kahit alam niyang maloko ito. Atsaka, inimbitahan niya pa ang dating asawa ni Ben at sinabi niyang magkaibigan sila, para ipakita ang katotohanang ikinasal siya sa isang mokong. Talagang pambihira siya.Nagpatuloy ang kasal nang walang problema. Sa huli, pagkatapos magpalitan ng singsing ng mga ikakasal, nagagalak na itinaas ni Ben ang mikropono. “Ang lahat ng nandito ay masasaksihan ang pagmamahal namin ni Clover para sa isa’t isa. Ngayong araw, gusto kong ianunsyo ang mabuting balitang ito! Buntis si Clover! Malapit nang ipanganak ang bata!”Sa sandaling matapos magsalita si Ben, narinig ang palakpak at mga basbas ng mga panauhin sa bulwagan at sumaya ang paligid. Sa halip, sumimangot si Luna at nakaramdam ng pandidiri. Hindi sa isip ang reaksyon niya, kundi pisikal. Magkakasakit na siya. At talagang nagkasakit siya. Inagaw niya ang mga paper towel sa lamesa at hindi mapigilang mapasandal sa lamesa at dumu
Sa sandaling mabanggit ito ni Joshua, umingay ang madla. Tinitigan ng lahat si Joshua at pinag-usapan ng lahat ang pagkatao ng lalaking ito. “Sino ba siya, napakabastos at napakayabang naman niya…”“Di mo alam diba? Siya si Mr. Joshua Lynch mula sa Banyan City, ang taong sumira sa Walter family! Nakuha niya ang Larson Group, ngayon kanya na ang Larson Group… at ang dating asawa ng groom na si Ben Zeller, ay ang anak ng Larson Group…”“Siguradong nandito siya para gumawa ng gulo diba?”“Sinong mag-aakalang medyo makatao ang presidenteng ito sa puntong ipaghihiganti niya ang anak ng Larson Group matapos itong makuha…”“Lagot na si Ben…”Sa loob ng wedding hall, lumakas ang bulungan ng madla na parang mga alon. Nang makitang nailipat ang atensyon ng lahat mula sa kanyang kasal papunta sa pagkatao ni Joshua, tumayo si Ben sa entablado, habang namumula ang mukha niya sa sobrang galit. “Mr. Lynch.” Habang nakatayo sa tabi ni Ben, ngumiti nang bahagya si Clover. “Alam kong makapang
Totoo palang hindi pa nakakalimutan ni Gwen si Ben. Matagal na niyang mahal ito mula pa noong high school, halos sampung taon na ngayon. Paano niya magagawang makalimutan ito nang ganito kadali? “Siguro hindi dumalo si Gwen para magkaroon kayo ng mapayapa at masayang kasal. Nag-aalala lang siya sa inyong dalawa.” Hindi mapigilan ni Joshua na ngumisi nang makita niyang natahimik si Luna. “Ms. Bailey, huwag mong kalimutan na halos sampung taon nang magkasama si Gwen at si Ben. “Napakatagal ng sampung taon. Malinaw na hindi pa nakakalimutan ni Gwen si Ben, pero paano ka nakakasigurong nakalimutan na siya nito?” Nagngitngitan ang ngipin ni Clover. “Syempre naman! Sobrang tibay ng relasyon naming dalawa!”Ngumisi si Joshua, “Dahil siguradong-sigurado kang nakalimutan na ito ni Ben sa loob lamang ng tatlong buwan, kahit na halos sampung taon silang magkasiama… paano ka nakakasigurong magtatagal ang relasyon niyong dalawa? Kung iisiping halos tatlong buwan pa lang kayong magkasintaha
Nagkaroon ng panandaliang kaguluhan nang mapansin ng mga panauhing nandito si Gwen. Sinong mag-aakalang madami silang masasaksihan sa isang kasal? Sinubukan ng bride na magyabang sa dating asawa ng groom sa pamamagitan ng pagpapadala dito ng imbitasyon sa kasal, ngunit sa halip ay ang mataik na kaibigan ng dating asawa ang dumalo. Gumawa ng kaguluhan ang matalik na kaibigan ng dating asawa at ang kasama nito sa kalagitnaan ng kasal at aksidenteng nailabas ang katotohanan sa pangangaliwa ng bride at groom. At pagatapos, ang dating asawa mismo ang nagpakita sa pinangyarihan ng kasal… Mas madrama pa ito sa kahit anong soap opera! Kaagad na sumimangot si Luna at tumayo. Tapos lumapit siya kay Gwen at hinawakan ang kamay nito. Itinanong niya nang mahina, “Gwennie, anong ginagawa mo dito?”Sumagot si Gwen habang maputla pa rin ang mukha nito, “Gusto akong dalhin dito ni Luke.” Bumuntong-hininga siya. “Tama si Luke. Kung gusto kong makalimutan si Ben, di dapat ikaw ang pinapunta
“Pero.” Tumingala si Gwen at tinitigan nang seryoso si Ben. “Buntis na ako.” Kaagad na napaatras si Ben nang marinig niya ito. Lumingon siya at tinignan si Clover. Yumuko si Clover ngunit hindi ito nagsalita. Namutla ang mukha niya. Kahit na hindi ito nagsalita para aminin o itanggi ito, sapat na ang reaksyon nito para patunayang tama si Gwen. Subalit, ayaw itong paniwalaan ni Ben! Nagngitngitan ang ngipin niya sa galit. “Imposibe… imposible ito!” Nanatiling tahimik nang matagal si Clover, tapos tumingala siya para titigan nang masama si Gwen. “Ms. Larson, dahil sinasabi mong buntis ka na ngayon, edi kaninong anak ‘yan? Kay Ben ba ito?” Nanigas si Ben nang marinig niya ito. Tapos sa isang iglap, may napagtanto siya. Tama si Clover. Kahit na si Gwen ang dati niyang asawa, halos tatlong buwan pa lang mula noong nagkahiwalay sila. Kung nagdadalang-tao si Gwen ngayon at anak niya ang batang ito, ibig-sabihin nito wala talagang problema sa kanya! “Ang batang nasa tiyan ni
Naningkit ang mata ni Joshua sa nakakatakot na paraan. Tinitigan niya nang seryoso si Luna at sinabi, “Kahit paano, oo.” Talagang may nangyari sa kanila ni Luna noon, hindi lang isang beses, pero maraming beses. Tumawa si Luna. Kahit na basura ang lalaking ito, kahit paano inaamin niya ito. Naaalala niya pa rin na nangaliwa ito sa kanya kasama ni Aura. Suminghal si Luna at tumayo, habang hawak ang regalong ibinigay sa kanya Big Brother. “Kung ganoon, dahil tapos na ang palabas, oras na para umuwi at magpahinga.” Kasabay nito, humikab siya. Kagabi, nagpunta ng ibang bansa si Theo kasama si Neil at Nellie. Subalit, mahaba at malungkot ang biyaheng ito kaya magdamag na nakipag-usap sa dito si Luna para samahan ito. Nitong umaga, tinawagan siya ni Gwen at pinilit siyang maghanda para sa kasal. Ngayong tapos na ang kasal, napagod at nagutom si Luna. “Ihatid kaya kita?” Alok ni Joshua, nang mapansin ang pagod niyang mukha. Mukha siyang makakatulog na anumang oras. Natatako
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya