Kahit anong mangyari, pwede pa rin itong pakasalan ni Clover nang masaya kahit alam niyang maloko ito. Atsaka, inimbitahan niya pa ang dating asawa ni Ben at sinabi niyang magkaibigan sila, para ipakita ang katotohanang ikinasal siya sa isang mokong. Talagang pambihira siya.Nagpatuloy ang kasal nang walang problema. Sa huli, pagkatapos magpalitan ng singsing ng mga ikakasal, nagagalak na itinaas ni Ben ang mikropono. โAng lahat ng nandito ay masasaksihan ang pagmamahal namin ni Clover para sa isaโt isa. Ngayong araw, gusto kong ianunsyo ang mabuting balitang ito! Buntis si Clover! Malapit nang ipanganak ang bata!โSa sandaling matapos magsalita si Ben, narinig ang palakpak at mga basbas ng mga panauhin sa bulwagan at sumaya ang paligid. Sa halip, sumimangot si Luna at nakaramdam ng pandidiri. Hindi sa isip ang reaksyon niya, kundi pisikal. Magkakasakit na siya. At talagang nagkasakit siya. Inagaw niya ang mga paper towel sa lamesa at hindi mapigilang mapasandal sa lamesa at dumu
Sa sandaling mabanggit ito ni Joshua, umingay ang madla. Tinitigan ng lahat si Joshua at pinag-usapan ng lahat ang pagkatao ng lalaking ito. โSino ba siya, napakabastos at napakayabang naman niyaโฆโโDi mo alam diba? Siya si Mr. Joshua Lynch mula sa Banyan City, ang taong sumira sa Walter family! Nakuha niya ang Larson Group, ngayon kanya na ang Larson Groupโฆ at ang dating asawa ng groom na si Ben Zeller, ay ang anak ng Larson GroupโฆโโSiguradong nandito siya para gumawa ng gulo diba?โโSinong mag-aakalang medyo makatao ang presidenteng ito sa puntong ipaghihiganti niya ang anak ng Larson Group matapos itong makuhaโฆโโLagot na si BenโฆโSa loob ng wedding hall, lumakas ang bulungan ng madla na parang mga alon. Nang makitang nailipat ang atensyon ng lahat mula sa kanyang kasal papunta sa pagkatao ni Joshua, tumayo si Ben sa entablado, habang namumula ang mukha niya sa sobrang galit. โMr. Lynch.โ Habang nakatayo sa tabi ni Ben, ngumiti nang bahagya si Clover. โAlam kong makapang
Totoo palang hindi pa nakakalimutan ni Gwen si Ben. Matagal na niyang mahal ito mula pa noong high school, halos sampung taon na ngayon. Paano niya magagawang makalimutan ito nang ganito kadali? โSiguro hindi dumalo si Gwen para magkaroon kayo ng mapayapa at masayang kasal. Nag-aalala lang siya sa inyong dalawa.โ Hindi mapigilan ni Joshua na ngumisi nang makita niyang natahimik si Luna. โMs. Bailey, huwag mong kalimutan na halos sampung taon nang magkasama si Gwen at si Ben. โNapakatagal ng sampung taon. Malinaw na hindi pa nakakalimutan ni Gwen si Ben, pero paano ka nakakasigurong nakalimutan na siya nito?โ Nagngitngitan ang ngipin ni Clover. โSyempre naman! Sobrang tibay ng relasyon naming dalawa!โNgumisi si Joshua, โDahil siguradong-sigurado kang nakalimutan na ito ni Ben sa loob lamang ng tatlong buwan, kahit na halos sampung taon silang magkasiamaโฆ paano ka nakakasigurong magtatagal ang relasyon niyong dalawa? Kung iisiping halos tatlong buwan pa lang kayong magkasintaha
Nagkaroon ng panandaliang kaguluhan nang mapansin ng mga panauhing nandito si Gwen. Sinong mag-aakalang madami silang masasaksihan sa isang kasal? Sinubukan ng bride na magyabang sa dating asawa ng groom sa pamamagitan ng pagpapadala dito ng imbitasyon sa kasal, ngunit sa halip ay ang mataik na kaibigan ng dating asawa ang dumalo. Gumawa ng kaguluhan ang matalik na kaibigan ng dating asawa at ang kasama nito sa kalagitnaan ng kasal at aksidenteng nailabas ang katotohanan sa pangangaliwa ng bride at groom. At pagatapos, ang dating asawa mismo ang nagpakita sa pinangyarihan ng kasalโฆ Mas madrama pa ito sa kahit anong soap opera! Kaagad na sumimangot si Luna at tumayo. Tapos lumapit siya kay Gwen at hinawakan ang kamay nito. Itinanong niya nang mahina, โGwennie, anong ginagawa mo dito?โSumagot si Gwen habang maputla pa rin ang mukha nito, โGusto akong dalhin dito ni Luke.โ Bumuntong-hininga siya. โTama si Luke. Kung gusto kong makalimutan si Ben, di dapat ikaw ang pinapunta
โPero.โ Tumingala si Gwen at tinitigan nang seryoso si Ben. โBuntis na ako.โ Kaagad na napaatras si Ben nang marinig niya ito. Lumingon siya at tinignan si Clover. Yumuko si Clover ngunit hindi ito nagsalita. Namutla ang mukha niya. Kahit na hindi ito nagsalita para aminin o itanggi ito, sapat na ang reaksyon nito para patunayang tama si Gwen. Subalit, ayaw itong paniwalaan ni Ben! Nagngitngitan ang ngipin niya sa galit. โImposibeโฆ imposible ito!โ Nanatiling tahimik nang matagal si Clover, tapos tumingala siya para titigan nang masama si Gwen. โMs. Larson, dahil sinasabi mong buntis ka na ngayon, edi kaninong anak โyan? Kay Ben ba ito?โ Nanigas si Ben nang marinig niya ito. Tapos sa isang iglap, may napagtanto siya. Tama si Clover. Kahit na si Gwen ang dati niyang asawa, halos tatlong buwan pa lang mula noong nagkahiwalay sila. Kung nagdadalang-tao si Gwen ngayon at anak niya ang batang ito, ibig-sabihin nito wala talagang problema sa kanya! โAng batang nasa tiyan ni
Naningkit ang mata ni Joshua sa nakakatakot na paraan. Tinitigan niya nang seryoso si Luna at sinabi, โKahit paano, oo.โ Talagang may nangyari sa kanila ni Luna noon, hindi lang isang beses, pero maraming beses. Tumawa si Luna. Kahit na basura ang lalaking ito, kahit paano inaamin niya ito. Naaalala niya pa rin na nangaliwa ito sa kanya kasama ni Aura. Suminghal si Luna at tumayo, habang hawak ang regalong ibinigay sa kanya Big Brother. โKung ganoon, dahil tapos na ang palabas, oras na para umuwi at magpahinga.โ Kasabay nito, humikab siya. Kagabi, nagpunta ng ibang bansa si Theo kasama si Neil at Nellie. Subalit, mahaba at malungkot ang biyaheng ito kaya magdamag na nakipag-usap sa dito si Luna para samahan ito. Nitong umaga, tinawagan siya ni Gwen at pinilit siyang maghanda para sa kasal. Ngayong tapos na ang kasal, napagod at nagutom si Luna. โIhatid kaya kita?โ Alok ni Joshua, nang mapansin ang pagod niyang mukha. Mukha siyang makakatulog na anumang oras. Natatako
Hinawakan niya ang kamay ni Luna at kaaya-ayang sinabi, โPaano ka makakatawag ng taxi pabalik kung pagod na pagod ka? Sobrang delikado niyan. Ihahatid ka na lang namin pauwi. Wag kang mag-alala, di ito masyadong matagal.โTapos lumingon siya at tumingin kay Joshua habang may ngiti pa rin sa kanyang mukha. : Tama ba Joshua?โTumango si Joshua, tapos binuksan niya nang elegante ang pinto. โPasok.โSuminghal si Luna. Kahit na ayaw niya, wala siyang magawa kundi ang umupo sa pampasaherong upuan habang si Joshua at Alice ay nasa likuran. Pinaandar ni Lucas ang kotse. Ang biyahe mula sa Ocean View papunta sa Starhill Hotel kung saan nanunuluyan si Luna ay umabot ng halos 40 minuto. Ang 40 minutong ito ay parang pagdurusa para kay Luna. โJoshua, busy ka ba nitong nakaraan? Kailan ka pwede? Gusto kitang dalhin sa ilang mga kainan dito sa Sea City.โโJoshua, ang tagal na nating hindi nakakabiyahe. Labas ba tayo ngayong linggo?โโJoshua, ipinagluto kita ng paborito mong chicken soup
Isang oras na kinalkal ni Alice ang hotel room ni Joshua sa bawat piraso ng papel sa briefcase nito, ngunit wala siyang mahanap.Tila naglaho ang divorce agreement at wala man lang itong kahit isang bakas.Makalipas ang isang oras, narinig niya ang katok mula sa pinto kasunod ng mahinang boses ni Lucas. โSir, oras na po pumunta sa Larson Group para sa meeting niyo.โโSir?โ Pagkatapos maghintay ng matagal at wala siyang narinig na sagot, sumimangot si Lucas at nilabas niya ang backup keys sa kanyang bulsa. Pagkatapos, pinasok niya ito sa handle ng pinto, bubuksan niya na ang pinto.Agad na nagpanick si Alice nang marinig niya ang tunog ng susi sa labas, kayaโt sinabi niya ng malakas, โโWag kang pumasok! Magkasama kami ni Joshua sa kwarto!โAgad na tumigil si Lucas. โMaโam, oras na po para kay Sir na pumunta sa meeting niya. Hinihintay na po siya ng lahat ng mula sa Larson Group.โBalisang ibinalik ni Alice ang mga gamit sa lugar. โSige! Pagkatapos, mabilis siyang lumapit kay Joshu
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya