Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Kabanata 591 - Kabanata 600

Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 591 - Kabanata 600

3080 Kabanata

Kabanata 591

Tahimik ang opisina sa loob ng ilang segundo. Ngumiti si Luna. Hindi niya mapigilang matawa. “Mr. Lynch, tingin mo hindi magiging tanga ang asawa mo para gamitin ang pangalan niya, pero ako oo. Ganun ba?” Nagdilim nang kaunti ang mukha ni Joshua. Muntik na niyang makalimutan. Ang babaeng pangalan ang ay Alice sa chat noong umagang iyon ay nagsabing siya mismo si Luna. Blangko ang tingin ni Joshua. “Di ‘yan ang ibig-sabihin ko.” “Ano palang ibig-sabihin mo, Mr. Lynch?” Ngumisi si Luna habang bumabagsak sa sofa sa harap ni Joshua. “Di gagamitin ni Alice ang pangalan niya para gumawa ng gulo, pero siguradong-sigurado kang ako si Hailey, na gagamitin ko si Mr. Walter mula sa Sea City para tulungan ako sa Banyan City.” Tumingin sa kanya si Joshua nang di nagsasalita. Kalmadong nagpatuloy si Luna, “Nakalimutan mo na ba Mr. Lynch? Pagkatapos ng libing ng impostorang Hailey sa Sea City, sinabi mo sa akin na may hinala ka nang impostora ang babaeng iyon.“Sabihin mo pala sa a
Magbasa pa

Kabanata 592

Sa cafe sa ibaba ng Lynch Group. Ngumiti si Alice at tinignan ang lalaki sa harap niya, “Kung ganon, ang taong kumuha sa’yo ay sinabihan kang sabihin sa akin na si Mr. Lynch ang nagpapatay sa akin?” Hawak ni Jason ang pera sa kanyang kamay. Tumawa siya. “Syempre. Pero Mrs. Lynch, mahal niyo pa rin ni Mr. Lynch ang isa’t isa kahit na hindi mo alam kung siya ba ang gumawa nito o hindi. Saludo ako sa’yo. Aakalain ko na kahit paano magagalit ka sa kanya. Noon, ang babaeng nagsabi sa akin na ipahamak ka ay inutusan akong sabihin na si Mr. Lynch ang nag-utos sa aking gawin ito.” Itinaas ni Jason ang kanyang tingin at tinignan ang mukha ni Alice. “Kahit isang beses ba pinagdudahan mo si Mr. Lynch?” Tumawa si Alice. “Syempre hindi. Siya ang asawa ko, at imposibleng pagdududahan ko siya.” Ngumiti siya at tinignan si Jason. “Nakita mo ba ang babaeng iyon?” Umiling si Jason. “Alam ko lang na babae siya. Wala akong ibang alam tungkol sa kanya.” “Ahhh ganun.” Suminghal si Alice. “Bago
Magbasa pa

Kabanata 593

Nakatanggap si Luna ng tawag mula kay Theo nitong tanghali. Nanghingi muna siya ng tawad kay Luna para kay Celeste bago siya imbitahan na kumain noong gabing iyon. “May iba akong gagawin mamaya.” Kumain si Luna habang nakatingin sa memo sa kanyang phone. Noong gabing iyon, kailangan niyang sunduin si Bonnie mula sa ospital kasama ni Jason. Nang maisip si Jason, hindi niya mapigilang mapakunot ang kanyang noo. Kinikilabutan pa rin siya pag naiisip niya ang lalaking ito. Gayunpaman, ayaw niyang sukuan ang pagkakataong makilala si Jason. Higit sa lahat… Naningkit ang mata ni Luna. Syempre alam ni Jason na gusto siyang ipapatay ni Joshua noon. Siya ang sandatang ginamit ni Joshua laban sa kanya. Kapag ipinaalam niya sa publiko ang insidente noon, ang ipakita sa ahat kung gaano kasama si Joshua, si Jason ay madali lang itapon! “Anong oras ka pala matatapos mamayang gabi? Sunduin kita?” Napakamaalalaaning pakinggan ng boses ni Theo sa kabilang linya. “May business gatheri
Magbasa pa

Kabanata 594

Kumunot ang noo ni Samson at umiling siya. “Hindi ko lang basta alam, pero inilista ko pa ito,” Walang-bahalang sinabi ni Luna, “Lahat kami ay nagtatrabaho sa iisang kompanya at lagi naming nakikita ang isa’t isa. Kung hindi nila ako mapalayas sa Lynch Group, pagbabayaran nila ito kalaunan. Bakit ko ibababa ang sarili ko sa lebel nila at haharapin ko sila na parang baliw?” Natulala si Samson. Sa sandaling iyon, bumukas ang pinto ng elevator at naglakad si Luna papunta sa design department. Natahimik nang matagal si Samson bago maningkit ang mata niya habang nakangiti. Si Luna ay isang nakaktuwang babae. Ang desisyon niyang maglakbay ng napakalayo para magpunta sa Banyan City para magtrabaho bilang assistant nito ay hindi para sa wala. …Nitong buong hapon, maibabalik na ni Luna sa wakas sa ayos ang trabaho niya. Napakaganda ng pinagmulan ni Samson at Zayne, lalo na s Samson. Mukhang may karanasan din siya sa pagdidisenyo ng alahas. Ang mga pabor na naisip ni luna, kaag
Magbasa pa

Kabanata 595

Nainis si Luna sa bawat salita ni Jason. Nagsalubong nang maigi ang kilay niya. Kahit paano, dapat hindi siya makikilala ni Jason dahil sa kasalukuyan niyang pagkatao at itsura. Ngunit mula noong makapasok sila ng taxi, kanina pa sinasadya, o hindi sinasadya, na binabanggit ni Jason ang insidente noong nakaraang anim na taon. Ang galing niya sa pagmamaneho, ang truck, at pati noong sinabi niya na ‘naaalala niya ang masamang alaala’.Nagkataon lang ba ang lahat ng sinabi niya, o… alam na ba niya? Nagsimulang magmaneho ang taxi driver. Umupo si Luna sa likod at nagpanggap na natutulog. Mula sa siwang ng kanyang mata, palihim niyang pinagmasdan si Jason mula sa rearview mirror. Nakatingin din si Jason sa rearview mirror at pinagmamasdan siya. Sobrang tahimik ng paligid at medyo nakakasakal na ito. “Girlfriend mo ba siya?” Siguro sobrang tahimik kaya sinimulan ng driver na makipag-usap kay Jason. “Hindi.” Tinignan ulit ni Jason si Luna bago ialis ang kanyang titig at
Magbasa pa

Kabanata 596

Tinikom ni Luna ang bibig niya. Sinadya ni Jason na banggitin ang insidente noong nakaraang anim na taon sa harapan niya. Sinabi pa nito na nagkaroon siya ng masamang alaala, kaya siguradong akala ni Jason may kinalaman siya sa insidente noon. Dahil hindi siya ang biktima, siguro siya ang may pakana. Nang maisip ito, naisip ni Luna na nakakatawa ito. Dati, noong inutusan ni Joshua si Jason na patayin siya, muntik na siyang mamatay kasama ng mga anak niya. Nakaligtas siya.Makalipas ang anim na taon, sa mga mata ni Jason, bigla siyang naging kasabwat ni Joshua?Talagang pinaglaruan siya ng buhay. Di nagtagal, nakarating ang taxi sa isang mental asylum. Nang huminto ang kotse, kaagad na binuksan ni Jason ang pinto at bumaba ng kotse. Hindi inasahan ng taxi driver na hindi gigisingin ni Jason ang kasama niya, kaya kailangan nitong lumabas ng kotse, pumunta sa likod, at gisingin si Luna. Talagang kanina pa gising si Luna. Nakikita niya ang pagkamuhi ni Jason para sa kanya. Nata
Magbasa pa

Kabanata 597

Pinili ni Luna ang isang restaurant sa malapit. Ang restaurant ay punong-puno ng tao. Si Bonnie, na kakalabas lang mula ng mental asylum, ay malinaw na hindi kinakaya ang ingay makikita dahil nakakunoy ang noo niya. "Luna, bakit pinili mo ang ganitong lugar para kumain? Di ba mas maganda kung lumipat tayo sa mas tahimik na lugar para mag-usap?" Ngumiti nang bahagya si Luna. Dinampot niya ang kanyang tasa at uminom. “Akala ko gugustuhin mo ang isang maingay na lugar pagkatapos mong makulong doon nang matagal.” Sa totoo lang, may isa pa siyang dahilan kung bakit pinili niya ang lugar na ito: Maingay at puno ng tao, hindi magandang gumawa ng kahit ano dito. Medyo nag-aalala si Luna na baka may masamang gawin si Jason sa kanya. Di nagtagal, dumating ang pagkain. Si Luna, na kanina pa nagrereklamo, ay tumahimik na sa wakas at masayang kumain. “Luna, hindi ka mula sa Banyan City diba? Ang putaheng ito ay isang specialty ng Banyan City. Kaming mga tao sa Banyan City ay kinakain
Magbasa pa

Kabanata 598

“Nagbabago ang damdamin!” Kumunot ang noo ni Luna. Malinaw niyang nakikita ang inis sa kilay ni Jason nang hawakan ni Bonnie ang kamay nito. Nakapagtataka. Kung hindi gusto ni Jason si Bonnie, bakit siya magsisikap para ilabas ito sa mental asylum?Kung hindi niya hinanap si Bonnie, hindi sana malalaman ni Bonnie na nakabalik na siya sa bansa dahil nakakulong ito. Sa sandaling ito, nailabas niya si Bonnie sa mental asylum, pero tumatanggi pa rin siya na mapalapit si Bonnie sa kanya.Anong binabalak niya? Habang puno ng tanong ang isipan niya, kaagad na tinawagan ni Luna si Neil sa sandaling makauwi siya. Narating na ni Zach at Yuri ang summer camp kung nasaan si Neil at Nellie. Naatasan silang alagaan ang mga bata araw-araw kasama ng mga bodyguard na ipinadala dito nitong nakaraan. “Tinutukoy mo ba si Jason at Bonnie? Siguradong hindi niya gusto ‘yun.” Nang marinig ni Zach sa kabilang linya na nagtatanong si Luna tungkol kay Bonnie, tumawa siya nang naaawa. “Simula pa
Magbasa pa

Kabanata 599

“Kailangan kong humingi ng pabor sa’yo.” Huminga nang malalim si Luna. “Kaibigan ko si Bonne at nagkaroon siya ng problema. Umaasa akong mauutusan mo ang mga tauhan mo na maibalik siya sa mental asylum, Mr. Lynch.” Matagal na natahimik si Joshua habang nasa kabilang linya ng tawag. “Kalagitnaan pa ng gabi. Kakalabas lang niya ngayong gabi pero gusto mo na kaagad siyang pabalikin. Talaga bang kaibigan mo siya?” Pwedeng ganito rin para sa mga kaaway. Kinagat ni Luna ang labi niya. “Hindi ako makakapagpaliwanag masyado pero kailangan mo ang tulong mo dito. Magdadagdag ako ng isa pang design sa project na ito.” Nang marinig ni Joshua na binanggit ito ni Luna, kumunot ang noo niya. “May tanong ako sa’yo. Kapag nagdidisenyo ka ba at nagguguhit ng mga bahagi ng katawan tulad ng kamay o leeg, sinong pinagbabasehan mo?” Huminto saglit si Luna. Hindi niya alam kung bakit niya ito itatanong sa kanya. Ngunit sumagot pa rin siya nang matapat, “Madalas gawa-gawang kamay lang ito, pero
Magbasa pa

Kabanata 600

Hindi siya laging magkakaroon ng kontrol sa lalaking bumangga sa kanya nang madali at sinipa siya pababa ng tulay. Kailangang makahanap agad ni Luna ng pruweba sa pagpatay ni Jason. Ngunit nangyari ang insidente noong nakaraang anim na taon. Walang nakunan at kahit sinong testigo. Naayos na din ang tulay. Sobrang hirap nito kung gusto niyang humanap ng pruweba. Pumikit si Luna at bumuntong-hininga. Hindi… niya alam kung saan magsisimula. …Dahil hindi siya nakatulog nang maayos noong gabing iyon, kinabukasan, nagsimulang magtimpla si Luna para sa kanyang sarili sa sandaling makarating siya sa opisina. Makatapos uminom ng dalawang tasa ng kape, nabawasan na ang antok niya. Binuksan niya ang computer at nakita niya ang isang email sa kanyang inbox. Isa itong email mula kay Jason. Ito ang recording ng pag-uusap nila ni Alice nitong isang araw. Sa sandaling makita ni Luna ang usapan, hindi niya mapigilang sumimangot. Maaaring hindi inaasahan ni Alice na poprotektahan din n
Magbasa pa
PREV
1
...
5859606162
...
308
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status