Nainis si Luna sa bawat salita ni Jason. Nagsalubong nang maigi ang kilay niya. Kahit paano, dapat hindi siya makikilala ni Jason dahil sa kasalukuyan niyang pagkatao at itsura. Ngunit mula noong makapasok sila ng taxi, kanina pa sinasadya, o hindi sinasadya, na binabanggit ni Jason ang insidente noong nakaraang anim na taon. Ang galing niya sa pagmamaneho, ang truck, at pati noong sinabi niya na ‘naaalala niya ang masamang alaala’.Nagkataon lang ba ang lahat ng sinabi niya, o… alam na ba niya? Nagsimulang magmaneho ang taxi driver. Umupo si Luna sa likod at nagpanggap na natutulog. Mula sa siwang ng kanyang mata, palihim niyang pinagmasdan si Jason mula sa rearview mirror. Nakatingin din si Jason sa rearview mirror at pinagmamasdan siya. Sobrang tahimik ng paligid at medyo nakakasakal na ito. “Girlfriend mo ba siya?” Siguro sobrang tahimik kaya sinimulan ng driver na makipag-usap kay Jason. “Hindi.” Tinignan ulit ni Jason si Luna bago ialis ang kanyang titig at
Tinikom ni Luna ang bibig niya. Sinadya ni Jason na banggitin ang insidente noong nakaraang anim na taon sa harapan niya. Sinabi pa nito na nagkaroon siya ng masamang alaala, kaya siguradong akala ni Jason may kinalaman siya sa insidente noon. Dahil hindi siya ang biktima, siguro siya ang may pakana. Nang maisip ito, naisip ni Luna na nakakatawa ito. Dati, noong inutusan ni Joshua si Jason na patayin siya, muntik na siyang mamatay kasama ng mga anak niya. Nakaligtas siya.Makalipas ang anim na taon, sa mga mata ni Jason, bigla siyang naging kasabwat ni Joshua?Talagang pinaglaruan siya ng buhay. Di nagtagal, nakarating ang taxi sa isang mental asylum. Nang huminto ang kotse, kaagad na binuksan ni Jason ang pinto at bumaba ng kotse. Hindi inasahan ng taxi driver na hindi gigisingin ni Jason ang kasama niya, kaya kailangan nitong lumabas ng kotse, pumunta sa likod, at gisingin si Luna. Talagang kanina pa gising si Luna. Nakikita niya ang pagkamuhi ni Jason para sa kanya. Nata
Pinili ni Luna ang isang restaurant sa malapit. Ang restaurant ay punong-puno ng tao. Si Bonnie, na kakalabas lang mula ng mental asylum, ay malinaw na hindi kinakaya ang ingay makikita dahil nakakunoy ang noo niya. "Luna, bakit pinili mo ang ganitong lugar para kumain? Di ba mas maganda kung lumipat tayo sa mas tahimik na lugar para mag-usap?" Ngumiti nang bahagya si Luna. Dinampot niya ang kanyang tasa at uminom. “Akala ko gugustuhin mo ang isang maingay na lugar pagkatapos mong makulong doon nang matagal.” Sa totoo lang, may isa pa siyang dahilan kung bakit pinili niya ang lugar na ito: Maingay at puno ng tao, hindi magandang gumawa ng kahit ano dito. Medyo nag-aalala si Luna na baka may masamang gawin si Jason sa kanya. Di nagtagal, dumating ang pagkain. Si Luna, na kanina pa nagrereklamo, ay tumahimik na sa wakas at masayang kumain. “Luna, hindi ka mula sa Banyan City diba? Ang putaheng ito ay isang specialty ng Banyan City. Kaming mga tao sa Banyan City ay kinakain
“Nagbabago ang damdamin!” Kumunot ang noo ni Luna. Malinaw niyang nakikita ang inis sa kilay ni Jason nang hawakan ni Bonnie ang kamay nito. Nakapagtataka. Kung hindi gusto ni Jason si Bonnie, bakit siya magsisikap para ilabas ito sa mental asylum?Kung hindi niya hinanap si Bonnie, hindi sana malalaman ni Bonnie na nakabalik na siya sa bansa dahil nakakulong ito. Sa sandaling ito, nailabas niya si Bonnie sa mental asylum, pero tumatanggi pa rin siya na mapalapit si Bonnie sa kanya.Anong binabalak niya? Habang puno ng tanong ang isipan niya, kaagad na tinawagan ni Luna si Neil sa sandaling makauwi siya. Narating na ni Zach at Yuri ang summer camp kung nasaan si Neil at Nellie. Naatasan silang alagaan ang mga bata araw-araw kasama ng mga bodyguard na ipinadala dito nitong nakaraan. “Tinutukoy mo ba si Jason at Bonnie? Siguradong hindi niya gusto ‘yun.” Nang marinig ni Zach sa kabilang linya na nagtatanong si Luna tungkol kay Bonnie, tumawa siya nang naaawa. “Simula pa
“Kailangan kong humingi ng pabor sa’yo.” Huminga nang malalim si Luna. “Kaibigan ko si Bonne at nagkaroon siya ng problema. Umaasa akong mauutusan mo ang mga tauhan mo na maibalik siya sa mental asylum, Mr. Lynch.” Matagal na natahimik si Joshua habang nasa kabilang linya ng tawag. “Kalagitnaan pa ng gabi. Kakalabas lang niya ngayong gabi pero gusto mo na kaagad siyang pabalikin. Talaga bang kaibigan mo siya?” Pwedeng ganito rin para sa mga kaaway. Kinagat ni Luna ang labi niya. “Hindi ako makakapagpaliwanag masyado pero kailangan mo ang tulong mo dito. Magdadagdag ako ng isa pang design sa project na ito.” Nang marinig ni Joshua na binanggit ito ni Luna, kumunot ang noo niya. “May tanong ako sa’yo. Kapag nagdidisenyo ka ba at nagguguhit ng mga bahagi ng katawan tulad ng kamay o leeg, sinong pinagbabasehan mo?” Huminto saglit si Luna. Hindi niya alam kung bakit niya ito itatanong sa kanya. Ngunit sumagot pa rin siya nang matapat, “Madalas gawa-gawang kamay lang ito, pero
Hindi siya laging magkakaroon ng kontrol sa lalaking bumangga sa kanya nang madali at sinipa siya pababa ng tulay. Kailangang makahanap agad ni Luna ng pruweba sa pagpatay ni Jason. Ngunit nangyari ang insidente noong nakaraang anim na taon. Walang nakunan at kahit sinong testigo. Naayos na din ang tulay. Sobrang hirap nito kung gusto niyang humanap ng pruweba. Pumikit si Luna at bumuntong-hininga. Hindi… niya alam kung saan magsisimula. …Dahil hindi siya nakatulog nang maayos noong gabing iyon, kinabukasan, nagsimulang magtimpla si Luna para sa kanyang sarili sa sandaling makarating siya sa opisina. Makatapos uminom ng dalawang tasa ng kape, nabawasan na ang antok niya. Binuksan niya ang computer at nakita niya ang isang email sa kanyang inbox. Isa itong email mula kay Jason. Ito ang recording ng pag-uusap nila ni Alice nitong isang araw. Sa sandaling makita ni Luna ang usapan, hindi niya mapigilang sumimangot. Maaaring hindi inaasahan ni Alice na poprotektahan din n
Tumaas ang mga kilay ni Luna at tumingin siya sa direksyon ng tunog.Sa entrance ng opisina niya, nakasandal si Joshua habang may suot na itim mula ulo hanggang paa, nakatingin sa kanya ng malamig. Nakahalukipkip si Joshua.Mukhang matagal tagal na rin siyang nandito.Seryosong sinabi ni Luna, “Gusto ko lang malaman kung nasaang hospital siya, para matulungan ako ni Theo na makahagilap ng balita tungkol sa kanya.”Sa mga sandaling iyon, sinusubukang buhayin si Irene, lubos na mataas na siguro ang mga emosyon at pagkamuhi ng lahat kay Luna. Baliw na siguro si Luna para personal na pumunta sa hospital.Ngunit sa huli, ang lahat ng mga ginawa ni Irene ay para puntiyahin siya.Kailangan malaman ni Luna ang kondisyon ni Irene, kaya’t ang pinakamagandang gawin ay utusan niya si Theo na tingnan si Irene. Kung tama ang pagkakaalala ni Luna, may ilang mga kaibigan si Theo sa mga ospital ng Banyan City.Bahagyang kumunot ang noo ni Joshua. “Malaki talaga ang tiwala mo kay Theo?”Hindi mu
Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Luna na kurutin ang noo niya.Kaya pala tinanong sa kanya ni Joshua ang tungkol sa mga modelo ng mga sketch niya sa phone call kagabi. Dahil ito sa sketch na ito.Nang makita niya na tahimik si Luna, ngumisi si Joshua at tumawa siya, “Bakit hindi ka nagsasalita? Palihim mong dinrawing ang kamay ko, nagdesign ng singsing para sa akin, pero sinasabi mo na wala kang tiwala sa akin?”Tinikom ni Luna ang mga labi niya. Hindi na dapat siya pumayag kay Nellie dati para gawin ang design para sa kanya.Huminga ng malalim si Luna. Dumilat siya at tumingin kay Joshua. “Sige na, palihim akong nag design ng singsing para sayo, Mr. Lynch, pero simple lang ang mga rason ko. Bilang isang empleyado ng Lynch Group, maraming beses na akong gumawa ng gulo para sayo, kaya’t gusto kitang gawan ng espesyal na design ng singsing bilang kabayaran.”Pagkatapos, nilabas ni Luna ang phone niya at hinanap niya ang number ni Theo. Tatawag na dapat siya nang tumingin sa ka
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya