Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Kabanata 551 - Kabanata 560

Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 551 - Kabanata 560

3080 Kabanata

Kabanata 551

“Anong problema?” Tumayo si Theo nang mapansin niya ang kakaibang ekspresyon ni Luna. “Masakit ba ang sugat mo? Masama ba ang loob mo dahil ayaw mong makita ang mga magulang ko?”May nag aalalang ekspresyon sa mukha ni Theo. “Kung ayaw mong makilala ang mga magulang ko, pwede ko sila agad tawagan…”Umiling si Luna. “Hindi ‘yun ang problema.” Tumingin siya kay Theo at sinabi niya, “Pwede ba tayo magdinner sa ibang lugar na lang? Kasi… ayaw ko sa Bamboo Palace.”Nagaalala si Luna na baka makasalubong niya si Joshua sa dinner. Kapag nagkasalubong silang dalawa sa gabing ‘yun, natatakot si Luna na gagawa ng eksena si Joshua at ipapahiya niya si Theo sa harap ng magulang nito.“Ah, ganun ba?” Halos agad na lumiwanag ang mukha ni Theo at tumayo siya. “Madali lang ‘yun! Darating na ang mga magulang ko sa Banyan City sa loob ng isang oras. Susunduin ko sila at sasabihin ko na sa ibang lugar na lang ang venue.”Tumingin ng sabik si Theo kay Luna at sinabi niya, “Dapat… dapat ka nang magbih
Magbasa pa

Kabanata 552

Nakatayo si Joshua sa hotel entrance suot ang itim na suit at tila may kausap siya sa phone. Nakatayo sa tabi niya si Alice, mukha siyang nakakaakit at makinang sa loob ng navy blue dress.Tumingin si Luna palayo at agad siyang nakaramdam ng kirot sa loob ng puso niya.“Luna?” Tumunog ang boses ni Theo na tila nagtatanong. Agad na bumalik sa sarili si Luna at napagtanto niya na ang pinto ng elevator sa harap niya ay bumukas na.Huminga siya ng malalim at pumasok siya sa elevator na para bang may tinatakasan siya.“Parang kakaibang mga tao ang Mr. at Mrs. Allen na kameeting mo.” Tinikom ni Alice ang mga labi niya ng galit. “Nagpadala na sila ng tao nila para makipagkita sa atin, pero nagbago bigla sila ng isip at nagdesisyon na sila na mismo ang pumunta.”“Pumayag silang makipagkita sa Bamboo Palace, at pinaghandaan ko pang lagyan ng dekorasyon ang buong lugar para salubungin sila, pero nagbago sila ng venue sa huling minuto. Hindi ba’t parang masyado silang mapagmataas? Hindi lang
Magbasa pa

Kabanata 553

Nagkatinginan sina Luna at Theo sa sandali na marinig nila ang boses mula sa kabilang panig ng pinto. Pamilyar sila sa boses na ito.“Ito nga!” Sabik na tumayo si Nathan sa upuan niya, lumapit, at binuksan ang pinto.May batang magkasintahan na nakatayo sa labas ng pinto. Ang lalaki ay matangkad at malalaman na sopistikado siya, habang ang babae ay nakakaakit naman.“Kayo siguro si Mr. Lynch!” Agad na inabot ni Nathan ang kamay niya para makipag kamay kay Joshua. “Pumasok kayo!”Ngumiti ng maliit si Joshua at tumingin siya kay Luna, na nakaupo sa loob ng private room. May suot itong pormal at elegante na palda, at may makeup pa siya. Mukhang nakakabighani si Luna kumpara sa itsura niya sa trabaho.Halata na pinaghandaan talaga ni Luna na magmukhang maganda sa harap ng pamilya ni Theo.Sumingkit ang mga mata ni Joshua at hinila niya si Alice papasok ng kwarto.Pumasok si Alice ng may ngiti sa kanyang mukha, ngunit sa sandali na makita niya sina Theo at Luna sa isang sulok, nabigl
Magbasa pa

Kabanata 554

Sumimangot si Luna at tumingin rin siya kay Joshua. “Ano sa tingin niyo, Mr. Lynch?”Tumitig si Joshua sa mukha ni Luna at naalala niya at sinabi sa kanya ni Jude nitong hapon…“Maraming pwedeng mangyari, pero sana ay ang magandang empleyado mo ay hindi si Hailey Walter. Kung hindi, nakakasuklam para sayo na malaman na kasiping mo ng maraming beses ang babaeng kinamumuhian mo sa lahat.”Patuloy na tumitig si Joshua kay Luna. Walong taon na ang lumipas ng unang magkakilala sina Hailey at Luna Gibson.Tila napansin ni Theo ang kalupitan sa mga mata ni Joshua at agad siyang sumingit, “Hindi ba’t nandito kayo para pag usapan ang negosyo kasama ang mga magulang ko, Mr. at Mrs. Lynch? Bakit hindi ito ang pag usapan natin ngayon? Marami tayong panahon para makipag kwentuhan sa susunod.”Natatakot si Alice na aksidente siyang mabunyag ni Luna, kaya’t mabilis siyang pumayag kay Theo. “Tama siya, nandito sina Mr. at Mrs. Allen para makipag usap tungkol sa negosyo. Pakiusap, ‘wag natin hayaa
Magbasa pa

Kabanata 555

Tumahimik ang buong kwarto dahil sa mga sinabi ni Joshua.Matapos ang mahabang sandali, ngumiti si Nathan at sinabi niya, “Anong pinagsasabi niyo, Mr. Lynch? Magiging partners na tayo sa trabaho. Pati malapit na kaibigan ng asawa niyo si Luna. Hindi ba’t nararapat lang ang kasal? Bakit kayo—”“Dahil,” Sumagot siya habang nakaturo kay Luna, “Hindi siya nababagay kay Theo.”Sa sobrang tahimik ng private room ay maaaring marinig ang pagbagsak ng isang karayom.Nawala ang kulay sa mukha ni Luna, hindi rin maganda ang ekspresyon ni Theo.Nagkatinginan sina Nathan at Celeste, nalilito sila.“Joshua.” Sumimangot si Alice at umupo siya sa tabi ni Joshua. Pagkatapos ay hininaan niya ang boses niya at sinabi, “Nagkaroon na ng boyfriend si Luna, at parehong masaya ang mga magulang ni Theo para sa kanya… Bakit mo sinasabi ang mga ito? Alam mo ba ang mangyayari kapag sinira mo ang isang kasal?”Kahit na mahina ang boses ni Alice at tila bumubulong siya sa tainga ni Joshua, narinig siya ng la
Magbasa pa

Kabanata 556

Sa sandali na marinig nila ito, nagkatinginan sina Celeste at Nathan.“Bukod pa dito, tama si Mr. Lynch.” Huminga ng malalim si Luna. “Hindi ako bagay kay Theo. Isa siyang mabait at maginoong tao; sa tingin ko hindi ako nararapat para sa kanya. Iniisip ko na isang maliit na family dinner lang ito ngayong gabi, hindi ko inaasahan na magiging isang engagement ito. Pasensya na.”Pagkataps, tumalikod si Luna. Gayunpaman, sa sandali na paalis na siya, tumigil siya na para bang may naalala.“Mr. Lynch.” Mabagal na lumapit si Luna kay Joshua at ngumiti siya. “Masaya ka na ba?”Suminghal si Joshua ng galit at mabagal na binaba ang tasa niya. “Oo, masaya ako.”Tumitig si Luna kay Joshua, may bahid ng kasamaan sa kanyang mga mata. Makalipas ang ilang sandali, may sampal na dumapo sa mukha ni Joshua bago pa siya makakilos.Napalingon si Joshua sa sobrang lakas ng sampal.Binalik ni Luna ang kamay niya at sinabi niya, “Pwedeng isipin ng kahit sino na isa akong makati at hindi puro na babae,
Magbasa pa

Kabanata 557

Naramdaman ni Joshua na para bang lumamig ang dugo niya. Mahigpit ang hawak niya sa phone niya at sinabi niya ng mabagal, “Imposible.”“Pero…” Ang balisang boses ni Lucas ay tumunog mula sa kabilang linya ng phone. “Umakyat po siya sa baba ng railing ng Bay Bridge! Sir… dapat po ba akong tumawag ng pulis?”Sinubukan ni Joshua na kumalma, ngunit nang marinig niya ito, natibag ang kalmadong pagpapanggap niya. Sumigaw siya sa phone niya, “Bantayan mo siya!”Pagkatapos, binaba niya ang phone at lumabas siya ng kwarto.“Joshua… Josh—” Sa oras na bumalik na sa sarili si Alice, nawala na si Joshua sa dulo ng hallway.Sa sobrang galit niya ay agad niyang hinampas ang mga plato sa sahig.Luna! Walang hiya ka!Kung gusto niyang mamatay, hayaan na lang dapat siya!Dapat lang na mamatay siya! Namatay na dapat siya noong anim na taon na ang lumipas!Lumabas ng hotel lobby si Joshua at sumakay na siya sa kotse. Malupit niyang inapakan ang pedal ng gas at nagmadali siya papunta sa Bay Bridge
Magbasa pa

Kabanata 558

Gayunpaman, hindi alam ni Joshua kung ano ang ibig sabihin ni Luna at sa halip ay mali ang naisip niya.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Magpapakamatay ka at ituturo mo na ako ang pumatay sayo… dahil pinigilan kita na magpakasal kay Theo?”Nabigla si Luna, pagkatapos ay tumawa siya. “Maganda ang imahinasyon mo, Mr. Lynch. Parang magandang ideya nga ‘yun.” Nagbuntong hininga siya at tumingin siya sa malayo. “Kung ang pagkamatay ko ay ang dahilan para matanggap mo ang kaparusahan na nararapat para sayo, mukhang maganda nga ‘yun.”Gayunpaman, alam ni Luna na hindi mangyayari ‘yun.Muntik na siyang mamatay noong nakalipas na maraming taon, ngunit hindi naapektuhan si Joshua dahil dito, nakipag engage pa siya kay Aura.Hindi lang nakakuha ng bagong babae si Joshua, nakakuha pa siya ng reputasyon na isang tapat at mapagmahal na asawa.Kaya naman, ayaw mamatay ni Luna. At least hindi bago mamatay si Joshua!“Gusto mong isugal ang buhay mo para lang maghiganti sa akin,” Ang malamig na
Magbasa pa

Kabanata 559

“Hindi na siya pwedeng magtamo ng isa pang sugat,” Ang babala ng doctor kay Joshua pagkatapos ulit tahiin ang sugat ni Luna. Dinagdag niya, “Narinig ko na isang jewelry designer si Ms. Luna. Dalawang beses niyang napunit ang tahi niya… Kapag nasaktan pa siya ng isang beses… baka hindi na muli siya makahawak ng pencil.”Nagbuntong hininga si Joshua at tumingin siya kay Luna, na nawalan ng malay dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya. Nawala ang kulay sa mukha ni Luna, at ang kanang braso niya ay muling nakabalot ng makapal na bandage.Nagbuntong hininga si Joshua at umalis na siya ng ward.“Lucas, maglabas ka ng job recruitment notice ngayong gabi. Gusto kong kumuha ng ilang jewelry design assistant na may matatag na pundasyon, o kahit mga artist.”Nabigla si Lucas. “Hindi po ba’t kinuha na ni Luna ang boyfriend niya na si Theo bilang assistant? Bakit niyo po gusto—”Ngunit, bago niya matapos ang sasabihin , tumingin sa kanya ng masama si Joshua, agad na tumahimik si Lucas.Nan
Magbasa pa

Kabanata 560

“Sa tingin mo ba ay isa akong masamang boss na natutuwa na pinapahirapan ang buhay ng mga empleyado ko? O hindi kaya…” Tumitig si Joshua kay Luna ng may masamang ngiti. “Sa tingin mo ba ay ginagawa ko ito dahil mahal kita?”Tumigil sa paghinga si Luna.Gusto niyang sabihin kay Joshua na ayos sa mga nangyari kagabi, may isa pang posibilidad—isang baliw si Joshua na natutuwa na paglaruan ang mga tao.Para kay Joshua, si Luna ay isang tao na laging nandyan kapag tinawag niya, ngunit ngayon, kay Theo na si Luna. Kaya naman, ginawa ni Joshua ang lahat ng ito dahil sa sama ng loob.Gayunpaman, hindi ito kayang sabihin ni Luna.Hindi siya pwedeng mapunta sa masamang panig ni Joshua. Hindi pwede, bago siya mabuntis kay Joshua.“Sige pala, iisipin ko na lang na nag aalala si Mr. Lynch na magkaroon ng kompetisyon.” Nagbuntong hininga si Luna at yumuko siya. “Oras na ngayon para pumunta sa trabaho.”Sumimangot si Joshua, pagkatapos ay tumayo siya at inabot ang kamay niya kay Luna para tulu
Magbasa pa
PREV
1
...
5455565758
...
308
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status