Gayunpaman, hindi alam ni Joshua kung ano ang ibig sabihin ni Luna at sa halip ay mali ang naisip niya.Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Magpapakamatay ka at ituturo mo na ako ang pumatay sayo… dahil pinigilan kita na magpakasal kay Theo?”Nabigla si Luna, pagkatapos ay tumawa siya. “Maganda ang imahinasyon mo, Mr. Lynch. Parang magandang ideya nga ‘yun.” Nagbuntong hininga siya at tumingin siya sa malayo. “Kung ang pagkamatay ko ay ang dahilan para matanggap mo ang kaparusahan na nararapat para sayo, mukhang maganda nga ‘yun.”Gayunpaman, alam ni Luna na hindi mangyayari ‘yun.Muntik na siyang mamatay noong nakalipas na maraming taon, ngunit hindi naapektuhan si Joshua dahil dito, nakipag engage pa siya kay Aura.Hindi lang nakakuha ng bagong babae si Joshua, nakakuha pa siya ng reputasyon na isang tapat at mapagmahal na asawa.Kaya naman, ayaw mamatay ni Luna. At least hindi bago mamatay si Joshua!“Gusto mong isugal ang buhay mo para lang maghiganti sa akin,” Ang malamig na
“Hindi na siya pwedeng magtamo ng isa pang sugat,” Ang babala ng doctor kay Joshua pagkatapos ulit tahiin ang sugat ni Luna. Dinagdag niya, “Narinig ko na isang jewelry designer si Ms. Luna. Dalawang beses niyang napunit ang tahi niya… Kapag nasaktan pa siya ng isang beses… baka hindi na muli siya makahawak ng pencil.”Nagbuntong hininga si Joshua at tumingin siya kay Luna, na nawalan ng malay dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya. Nawala ang kulay sa mukha ni Luna, at ang kanang braso niya ay muling nakabalot ng makapal na bandage.Nagbuntong hininga si Joshua at umalis na siya ng ward.“Lucas, maglabas ka ng job recruitment notice ngayong gabi. Gusto kong kumuha ng ilang jewelry design assistant na may matatag na pundasyon, o kahit mga artist.”Nabigla si Lucas. “Hindi po ba’t kinuha na ni Luna ang boyfriend niya na si Theo bilang assistant? Bakit niyo po gusto—”Ngunit, bago niya matapos ang sasabihin , tumingin sa kanya ng masama si Joshua, agad na tumahimik si Lucas.Nan
“Sa tingin mo ba ay isa akong masamang boss na natutuwa na pinapahirapan ang buhay ng mga empleyado ko? O hindi kaya…” Tumitig si Joshua kay Luna ng may masamang ngiti. “Sa tingin mo ba ay ginagawa ko ito dahil mahal kita?”Tumigil sa paghinga si Luna.Gusto niyang sabihin kay Joshua na ayos sa mga nangyari kagabi, may isa pang posibilidad—isang baliw si Joshua na natutuwa na paglaruan ang mga tao.Para kay Joshua, si Luna ay isang tao na laging nandyan kapag tinawag niya, ngunit ngayon, kay Theo na si Luna. Kaya naman, ginawa ni Joshua ang lahat ng ito dahil sa sama ng loob.Gayunpaman, hindi ito kayang sabihin ni Luna.Hindi siya pwedeng mapunta sa masamang panig ni Joshua. Hindi pwede, bago siya mabuntis kay Joshua.“Sige pala, iisipin ko na lang na nag aalala si Mr. Lynch na magkaroon ng kompetisyon.” Nagbuntong hininga si Luna at yumuko siya. “Oras na ngayon para pumunta sa trabaho.”Sumimangot si Joshua, pagkatapos ay tumayo siya at inabot ang kamay niya kay Luna para tulu
“Magpakamatay…?”Nawala ang galit ni Theo nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Nawalan na siya ng gana na makipagtalo kay Joshua.Tumalikod siya para hawakan ang mga braso ni Luna. “Luna, bakit mo… Bakit mo sinubukang magpakamatay? Dahil ba sa mga sinabi ng mga magulang ko kagabi? Ibang bagay ba…? Anong problema?”Sa sobrang pag iling ni Theo ay nahilo siya. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya. “Ayos lang ako. Kasi…”“Theo!” May matining na boses na na sumingit kay Luna. Sumimangot siya at tumingin siya sa direksyon na pinanggalingan ng boses.May itim na BMW na nakapark sa tabi ng kalsada. Balisang lumabas ng kotse sina Celeste at Nathan at pumunta sila sa direksyon nila Luna.“Theo, nang oras na malaman namin na wala ka, alam namin na tumakas ka para hanapin ang p*ta na ‘to!” Hinawakan ni Celeste ang braso ni Theo at hinila niya ang lalaki papunta sa tabi niya. “Anong pinangako mo kagabi? Pinangako mo sa akin na hindi ka na ulit makikipagkita sa p*ta na ‘y
Sumimangot si Nathan. “Dahil empleyado mo si Luna, hindi ba’t dapat niyong pagalitan si Luna sa pagiging malandi niya at sa magulong personal na buhay niya?”Tumawa si Joshua. “Hindi ko naman siya asawa, bakit ko siya papakialaman sa mga bagay na ito?”Nabigla ang lahat pagkatapos niyang sabihin ito, kahit si Luna. Dumilim ang ekspresyon niya. Sa huli…Iniisip pa rin ni Joshua na malandi siya at hindi puro.Ang rason kung bakit prinotektahan ni Joshua si Luna sa harap ng mga Allen ay hindi dahil may tiwala siya dito, ngunit dahil—Wala siyang pakialam kay Luna.Mahigpit ang hawak ni Luna sa damit niya.Matagal niya nang alam na walang pakialam sa kanya si Joshua. Kahit na meron man, panandalian lang ito dahil gusto lang nito na makipaglaro sa kanya.Gayunpaman, hindi pa rin mapigilan ni Luna na masaktan ang puso niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Naramdaman niya na para bang tinusok ng karayom ang puso niya, at umagos ang dugo niya palabas.Samantala, sa sobrang pagk
Hindi mapigilan ni Joshua na ngumisi ng marinig niya ang sinabi ni Nathan. Tumalikod siya para tumingin. “Mukhang hindi mo alam na binibili namin ang mga mineral na ito mula sa inyo dahil sa hiling ni Luna, Mr. Allen.“Ayon sa mga senior executive ng Lynch Group, pwede naman naming baguhin at gawing mga dyamante ang gagamitin sa project na ito. Pero, si Luna ang pilit na gustong gamitin ang mga mineral niyo. Iniisip niya na bagay ang mga ito sa design niya. Kung binawin niyo ang kontrata, pwede kong kumbinsihin si Luna na magbago ang isip at dyamante na lang ang gamitin sa mga produkto niya, pero…”Tumitig ng malupit si Joshua kay Nathan. “Sigurado ba kayo na gusto niyo ‘yun, Mr. Allen? Sa tingin ko ay ayaw niyong malaman ang kahihinatnan kapag kinalaban niyo ang Lynch Group o ang kahit sino sa mga empleyado namin.”Namutla ang mukha ni Nathan, pagkatapos ay namula ito. Humigpit ang mga kamao niya at tumitig siya kay Joshua. “Mr. Lynch, sa tingin ko ay hindi natin dapat bawiin ang k
[Pakiusap, ‘wag kayong madismaya, Mrs. Allen. Hindi niyo ito kasalanan. Magaling lang talaga magmanipula ng tao si Luna. Pero, ‘wag kayong mag alala. Magpokus lang kayo kay Theo sa ngayon, siguraduhin niyo lang na hindi na siya lumapit kay Luna.]Sa mga sandaling ito, pabalik na si Celeste sa hotel niya. Tumingin siya kay Theo, na ang mga kamay ay hawak ng tatay niya. [Mrs. Lynch, bakit sa tingin mo… may gusto si Luna kay Theo?][Baka dahil sa kayamanan niya. Isa siyang magandang babae, kaya’t syempre inaakit niya ang mga lalaki na mayaman at makapangyarihan. Imposibleng pag ibig ito, hindi ba?]Kumunot ang noo ni Celeste at tumitig siya sa reply ni Alice.…Lahat ng mga kandidato na pinili ni Lucas para sa posisyon ng assistant ni Luna ay bukod tangi.Sa sandali na dumating si Luna sa palapag niya, agad niyang ininterview ang lahat sa kanila at pumili siya ng tatlong kandidato na naramdaman niya na may matatag na pundasyon.Ang dalawa sa kanila ay lalaki, at may isang babae. Ka
Nanatiling nakaupo si Luna sa cubicle ng banyo. Sa sandali na marinig niya ang mga reklamo ni Celeste, kumunot ang mga noo niya.Kahit na ininsulto siya ni Celeste kagabi at kaninang umaga, hindi isinapuso ni Luna ang mga insulto sa kanya, malamang dahil sa may respeto siya sa nanay ni Theo.Gayunpaman, habang hinahayaan niya na apakan lang siya ni Celeste, mas napuno siya ng galit.Hindi makapaniwala si Luna na nagkakalat ng tsismis si Celeste na kasiping niya sina Zach at Yuri!Nang marinig niya na tila kausap ni Celeste sa phone ang isang ‘Mrs. Lynch’, ang hula ni Luna ay malamang ay gawa ito lahat ni Alice.“Paano ko hahayaan ang isang malanding babae na pakasalan ang mahal kong Theo?” Tumunog ang boses ni Celeste sa labas ng pinto ng cubicle. “Balak kong ipacheckup si Theo bukas. Nagaalala ako na baka nakakuha na siya ng sakit mula sa babaeng ‘yun…”Ngunit, bago pa siya matapos, narinig niya na bumukas ng malakas ang pinto ng cubicle sa likod niya.Kumunot ang noo ni Celest