Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Kabanata 561 - Kabanata 570

Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 561 - Kabanata 570

3080 Kabanata

Kabanata 561

“Magpakamatay…?”Nawala ang galit ni Theo nang marinig niya ang mga sinabi ni Joshua. Nawalan na siya ng gana na makipagtalo kay Joshua.Tumalikod siya para hawakan ang mga braso ni Luna. “Luna, bakit mo… Bakit mo sinubukang magpakamatay? Dahil ba sa mga sinabi ng mga magulang ko kagabi? Ibang bagay ba…? Anong problema?”Sa sobrang pag iling ni Theo ay nahilo siya. Pagkatapos ng ilang sandali, kumunot ang noo niya. “Ayos lang ako. Kasi…”“Theo!” May matining na boses na na sumingit kay Luna. Sumimangot siya at tumingin siya sa direksyon na pinanggalingan ng boses.May itim na BMW na nakapark sa tabi ng kalsada. Balisang lumabas ng kotse sina Celeste at Nathan at pumunta sila sa direksyon nila Luna.“Theo, nang oras na malaman namin na wala ka, alam namin na tumakas ka para hanapin ang p*ta na ‘to!” Hinawakan ni Celeste ang braso ni Theo at hinila niya ang lalaki papunta sa tabi niya. “Anong pinangako mo kagabi? Pinangako mo sa akin na hindi ka na ulit makikipagkita sa p*ta na ‘y
Magbasa pa

Kabanata 562

Sumimangot si Nathan. “Dahil empleyado mo si Luna, hindi ba’t dapat niyong pagalitan si Luna sa pagiging malandi niya at sa magulong personal na buhay niya?”Tumawa si Joshua. “Hindi ko naman siya asawa, bakit ko siya papakialaman sa mga bagay na ito?”Nabigla ang lahat pagkatapos niyang sabihin ito, kahit si Luna. Dumilim ang ekspresyon niya. Sa huli…Iniisip pa rin ni Joshua na malandi siya at hindi puro.Ang rason kung bakit prinotektahan ni Joshua si Luna sa harap ng mga Allen ay hindi dahil may tiwala siya dito, ngunit dahil—Wala siyang pakialam kay Luna.Mahigpit ang hawak ni Luna sa damit niya.Matagal niya nang alam na walang pakialam sa kanya si Joshua. Kahit na meron man, panandalian lang ito dahil gusto lang nito na makipaglaro sa kanya.Gayunpaman, hindi pa rin mapigilan ni Luna na masaktan ang puso niya nang marinig niya ang sinabi ni Joshua. Naramdaman niya na para bang tinusok ng karayom ang puso niya, at umagos ang dugo niya palabas.Samantala, sa sobrang pagk
Magbasa pa

Kabanata 563

Hindi mapigilan ni Joshua na ngumisi ng marinig niya ang sinabi ni Nathan. Tumalikod siya para tumingin. “Mukhang hindi mo alam na binibili namin ang mga mineral na ito mula sa inyo dahil sa hiling ni Luna, Mr. Allen.“Ayon sa mga senior executive ng Lynch Group, pwede naman naming baguhin at gawing mga dyamante ang gagamitin sa project na ito. Pero, si Luna ang pilit na gustong gamitin ang mga mineral niyo. Iniisip niya na bagay ang mga ito sa design niya. Kung binawin niyo ang kontrata, pwede kong kumbinsihin si Luna na magbago ang isip at dyamante na lang ang gamitin sa mga produkto niya, pero…”Tumitig ng malupit si Joshua kay Nathan. “Sigurado ba kayo na gusto niyo ‘yun, Mr. Allen? Sa tingin ko ay ayaw niyong malaman ang kahihinatnan kapag kinalaban niyo ang Lynch Group o ang kahit sino sa mga empleyado namin.”Namutla ang mukha ni Nathan, pagkatapos ay namula ito. Humigpit ang mga kamao niya at tumitig siya kay Joshua. “Mr. Lynch, sa tingin ko ay hindi natin dapat bawiin ang k
Magbasa pa

Kabanata 564

[Pakiusap, ‘wag kayong madismaya, Mrs. Allen. Hindi niyo ito kasalanan. Magaling lang talaga magmanipula ng tao si Luna. Pero, ‘wag kayong mag alala. Magpokus lang kayo kay Theo sa ngayon, siguraduhin niyo lang na hindi na siya lumapit kay Luna.]Sa mga sandaling ito, pabalik na si Celeste sa hotel niya. Tumingin siya kay Theo, na ang mga kamay ay hawak ng tatay niya. [Mrs. Lynch, bakit sa tingin mo… may gusto si Luna kay Theo?][Baka dahil sa kayamanan niya. Isa siyang magandang babae, kaya’t syempre inaakit niya ang mga lalaki na mayaman at makapangyarihan. Imposibleng pag ibig ito, hindi ba?]Kumunot ang noo ni Celeste at tumitig siya sa reply ni Alice.…Lahat ng mga kandidato na pinili ni Lucas para sa posisyon ng assistant ni Luna ay bukod tangi.Sa sandali na dumating si Luna sa palapag niya, agad niyang ininterview ang lahat sa kanila at pumili siya ng tatlong kandidato na naramdaman niya na may matatag na pundasyon.Ang dalawa sa kanila ay lalaki, at may isang babae. Ka
Magbasa pa

Kabanata 565

Nanatiling nakaupo si Luna sa cubicle ng banyo. Sa sandali na marinig niya ang mga reklamo ni Celeste, kumunot ang mga noo niya.Kahit na ininsulto siya ni Celeste kagabi at kaninang umaga, hindi isinapuso ni Luna ang mga insulto sa kanya, malamang dahil sa may respeto siya sa nanay ni Theo.Gayunpaman, habang hinahayaan niya na apakan lang siya ni Celeste, mas napuno siya ng galit.Hindi makapaniwala si Luna na nagkakalat ng tsismis si Celeste na kasiping niya sina Zach at Yuri!Nang marinig niya na tila kausap ni Celeste sa phone ang isang ‘Mrs. Lynch’, ang hula ni Luna ay malamang ay gawa ito lahat ni Alice.“Paano ko hahayaan ang isang malanding babae na pakasalan ang mahal kong Theo?” Tumunog ang boses ni Celeste sa labas ng pinto ng cubicle. “Balak kong ipacheckup si Theo bukas. Nagaalala ako na baka nakakuha na siya ng sakit mula sa babaeng ‘yun…”Ngunit, bago pa siya matapos, narinig niya na bumukas ng malakas ang pinto ng cubicle sa likod niya.Kumunot ang noo ni Celest
Magbasa pa

Kabanata 566

“Dahil nanay ka ni Theo, hindi ko ilalantad ang recording bilang paggalang. Gayunpaman, kung sakaling mahuli kitang muli na nagkakalat ng mga pekeng tsismis ng walang basehan sa likod ko, hindi lang kita idedemanda para sa paninirang-puri, ngunit ipa-publish ko ang recording na ito at ilalantad ang iyong tunay na kulay para makita ng mundo."Gusto kong malaman ng lahat kung anong kakila-kilabot na tao ang ina ni Theo na si Mrs. Allen ng Allen Group."Kasabay nun, tumalikod na si Luna at lumabas ng banyo.Pinandilatan siya ni Celeste na may galit sa kanyang mga mata. Siya ang ina ng isang sikat na artista sa mundo at asawa ng CEO ng Allen Group. Paano niya hahayaang tratuhin siya ng ganoon ng sinuman?Paano niya hahayaang takutin siya ng isang p*ta na tulad ni Luna?Napakagat labi si Celeste at inalala ang sinabi ni Alice sa kanya kanina.“Sinaktan ng babaeng ito ang sarili niya gamit ang cutting knife. Maliit na sugat lang iyon, ngunit nagpanggap siya at pinilit ang aking asawa
Magbasa pa

Kabanata 567

Nang bumalik na si Luna sa booth, si Arianna at ang isa pang lalaking assistant ni Luna, si Zayne Campbell, ay medyo tuwang-tuwang nakatingin sa kanilang mga phone.Nang makita niya si Luna na pumasok, agad na ibinaba ni Zayne ang phone at bumalik siya sa pagiging matino. Samantala, tinitigan ni Arianna si Luna na para bang may gustong sabihin ngunit sa huli ay nagpasya na hindi ituloy ito.Iniisip pa rin ni Luna ang nangyari kay Celeste kanina, kaya hindi niya napansin ang kakaibang ugali ng mga assistant niya. Pumasok siya sa booth at umupo sa upuan.Bigla nalang siyang nakatanggap ng text mula kay Shannon.[Ang isa po sa tatlong assistant na kinuha niyo ngayon ay nagkakalat ng tsismis tungkol sa inyo.]Napakunot ang noo ni Luna sa text, pero nang magtatanong pa sana siya kay Shannon ay muli siyang nakatanggap ng mensahe mula dito. Ito ay isang ipinasa na pag-uusap mula sa ibang group chat.Mahigpit na hinawakan ni Luna ang kanyang phone at binasa ang lahat ng mga mensahe. Sa s
Magbasa pa

Kabanata 568

Nahulaan ni Luna na kahit papaano, nakarating kay Joshua ang tsismis. Kung hindi, hindi siya nito tatawagan sa ganitong oras nang walang dahilan.Bumuntong-hininga siya, kinuha ang phone, at naglakad palabas ng kwarto. "Hello?""Simula bukas, hindi na magtatrabaho sina Zach at Yuri sa Lynch Group Tower," malamig na sinabi ni Joshua.Huminga ng malalim si Luna. "Bakit?"Dinala ni Neil sina Zach at Yuri sa Lynch Group noong sinubukang patayin ni Aura si Nellie sa amusement park. Kung hindi dahil sa kanila, hindi sana nabuksan ni Neil ang pinto sa control room at napigilan mahulog sa Ferries Wheel silang dalawa ni Nellie.Masasabing nailigtas nina Zach at Yuri ang kanilang buhay.Ang dalawang magkapatid na ito ay pumunta sa city mula sa kanilang bayan upang maghanap ng trabaho. Hindi sila gaanong naghahangad at kuntento na sa pagtatrabaho sa Lynch Group Tower bilang mga security guard.Sisisantihin ba sila ni Joshua dahil lang sa ilang maling tsismis na ikinalat ng isang baguhan?
Magbasa pa

Kabanata 569

Natahimik si Joshua nang marinig ang tanong ni Luna.Pagkaraan ng mahabang sandali, tumawa siya at sinabing, "Sa tingin ko hindi ka ganoon kadesperado."Suminghal si Luna ng galit. "Sige, dahil hindi ka naniniwala na nakikipagtalik ako kina Zach at Yuri, bakit mo sila sinisante?""Sa tingin mo sinisante ko sila?" Yumuko si Joshua para sulyapan ang oras. “Aabot pa tayo kung aalis tayo ngayon. Bakit hindi kita isama para hanapin sila?"Kumunot ang noo ni Luna. "Bakit kailangan natin silang hanapin?""Malalaman mo rin mamaya." Walang ganang magpaliwanag si Joshua sa kanya sa phone. "Nasaan ka? Pupunta kami ni Lucas para sunduin ka."Huminto ng sandali si Luna, pagkatapos ay ibinigay niya kay Joshua ang address ng restaurant kung nasaan siya.Ibinaba niya ang phone, nagbuntong hininga siya, pagkatapos ay bumalik siya sa booth.Ang kapaligiran sa silid ay tahimik.Nakaupo si Samson sa upuan, tinitigan ng mahigpit ang iba sa kanila.Si Irene ay nakaupo sa isang sulok, sa sobrang ka
Magbasa pa

Kabanata 570

Nakipagkita na naman si Joshua sa p*ta na si Luna!‘Nakasiping' niya si Theo dalawang araw lang ang nakalipas kahit na ibinalita sa publiko na sila ay nagde-date noong nakaraang araw lang!Bakit hanggang sa ngayon ay nakatutok pa rin si Joshua sa babaeng ito?Napalitan ng galit at selos ang mukha ni Alice. Anim na taon niyang pinagsikapan para mabago ang kanyang itsura upang makuha niya ang mukha ni Luna at kunin ang kanyang pagkakakilanlan, ang lahat ng ito ay gusto niyang makuha ang pag-ibig at pagmamahal ni Joshua.Lahat ng iyon, at obsessed pa rin siya sa p*ta na iyon!Habang iniisip ito ni Alice, mas lalo siyang nagalit, kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang butler ng mga Walter.“Richard, tulungan mo akong patayin si Luna! Gusto ko siyang mamatay!"Tumawa si Richard sa kabilang linya. "Ms. Walter, anong meron? Bakit ka ba galit na galit? Kahit na patayin mo si Luna ngayon, hindi pa rin babalik si Joshua sa tabi mo."Gumulong ang mga mata ni Alice. "Kung gan
Magbasa pa
PREV
1
...
5556575859
...
308
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status