Nakipagkita na naman si Joshua sa p*ta na si Luna!‘Nakasiping' niya si Theo dalawang araw lang ang nakalipas kahit na ibinalita sa publiko na sila ay nagde-date noong nakaraang araw lang!Bakit hanggang sa ngayon ay nakatutok pa rin si Joshua sa babaeng ito?Napalitan ng galit at selos ang mukha ni Alice. Anim na taon niyang pinagsikapan para mabago ang kanyang itsura upang makuha niya ang mukha ni Luna at kunin ang kanyang pagkakakilanlan, ang lahat ng ito ay gusto niyang makuha ang pag-ibig at pagmamahal ni Joshua.Lahat ng iyon, at obsessed pa rin siya sa p*ta na iyon!Habang iniisip ito ni Alice, mas lalo siyang nagalit, kaya kinuha niya ang kanyang phone at tinawagan ang butler ng mga Walter.“Richard, tulungan mo akong patayin si Luna! Gusto ko siyang mamatay!"Tumawa si Richard sa kabilang linya. "Ms. Walter, anong meron? Bakit ka ba galit na galit? Kahit na patayin mo si Luna ngayon, hindi pa rin babalik si Joshua sa tabi mo."Gumulong ang mga mata ni Alice. "Kung gan
Sinigaw ng lalake ang kanyang sagot sa kanilang direksyon. At nang makita ni Luna ang mukha ng lalake, pakiramdam niya ay lumamig ang kanyang dugo. Tama nga siya. Ang lalakeng nagngangalang Jason…ay ang taong bumangga sa kanya sakay ng trak at ang nagtanggal ng kamay niya sa railing. Ito ang lalake na naging dahilan kaya siya nahulog sa dagat! “Kamusta, Ms. Luna.” Inangat ni Jason ang kanyang ulo at ngumiti, na nagpakita ng hilera ng maputi nitong mga ngipin. Ang itsura niya ay ganun pa rin sa pagkakaalala niya. Hindi mapigilan ni Luna ang tili na kumawala sa kanyang bibig ng biglaang umatras mula sa lalake. Mabilis na nilagay ni Joshua ang kanyang kamay sa likuran nito at tinanong, “Anong problema?” Binuka ni Luna ang kanyang bibig para magsalita, pero walang lumabas. sa sobrang takot niya ay hindi siya mkautal kahit na isang salita. Ito ang lalake na muntikan nang pumatay sa kanya!Siya ang pinaka kinatatakutan niya!“Baka si Ms. Luna ay masyado lang natuwa na ma
Nangangahulugan lang ito na…na tama ang hinala niya. Si Joshua ang nag-utos kay Jason para ipapatay siya. Kung hindi, hindi niya sasabihin ang bagay na iyon. Nag-usap pa sila ng mga ilang sandali bago sinilip ni Jason ang kanyang relos at sinabi, “Mukhang oras na para ihatid sila Zach at Yuri sa paliparan ngayon.”Inalog niya ang susi ng kotse sa kanyang kamay at inimbitahan sila Luna at Joshua. “Meron pang bakanteng upuan sa loob ng van. Gusto niyo bang ihatid sila sa paliparan?” Nginitian pa nga niya si Luna. “Magaling ako magmaneho. Gusto niyo bang makita, Ms. Luna?” Napasimangot si Luna at kaagad na umiling. “Malapit na ring dumilim ngayon. Kailangan ko nang umuwi at magpahinga.” At doon, nilapitan niya sila ZAch at Yuri at kinamayan ang mga ito. “Tulungan niyo akong alagaan sila Neil at Nellie.”Ngumiti sila at kinamayan pabalik si Luna. “Huwag kayong mag-alala, Ms. Luna. Amo namin si Neil, at si Nellie ay ang kanyang kapatid. Aalagaan namin sila ng maigi!” Pagkatapos
Naging tahimik ang buong kotse. .Napangiti si Luna at tinitigan si Joshua ng malinaw nitong mga mata. “Mr. Lynch, anong klase ng lalake ang sa tingin mo ay mahuhulog ang loob ko?” Tinitigan siya ni Luna ng matindi at malamig kaya pakiramdam tuloy ni Joshua ay siya ang lalake na bumigo sa kanya. Hindi niya mapigilan na mailang sa mga titig nito. Tinabingi niya ang kanyang ulo palayo kay Luna at humalakhak. “Alam ko naman na ang lalake na tinutukoy mo ay hindi katulad ko.” Gustong matawa ni Luna sa sagot ni Joshua. Sa halip, lumingon siya palayo kay Joshua at sa halip ay tumitig sa kanyang harapan. “Tama ka. Hindi siya katulad mo. Iresponsable siya, makasarili, at hindi inako ang responsibilidad sa mga taong nasa paligid niya.”Palihim na tinitigan ng makahulugan ni Luna ang lalake na nasa kanyang tabi at hindi mapigilan na mapansin ang makisig na itsura ni Joshua habang nakatagilid. “Malaki ang pagkakaiba ninyong dalawa, Mr. Lynch. Isa kang responsableng tao at tapat sa pamilya
Nagpanggap siyang inosente at tinanong si Joshua, “Bakit mo tinatanong sa akin ito, Mr. Lynch?”Naningkit ang mga mata ni Joshua. “Wala namang dahilan.” At doon, sinara niya ng malakas ang pinto ng kotse, at kaagad na umalis ang kotse.Tinignan ni Luna ang direksyon na kung saan dumaan ang Maserati at kumunot ang kanyang kilay. Hindi ba…napasobra ata siya kanina doon? …“Saan po tayo pupunta, Sir?” tanong ni Lucas habang minamaneho ang kotse palabas ng Swan Lake Residence. Si Joshua, na nakaupo sa may likuran, ay hinimas ang kanyang mga kilay at sinabi, “Pumunta tayo sa bahay ni Jude.”Huminto si Lucas. “Sir… Sigurado ba kayo?” 10 p.m. nung mga oras na iyon at si Jude ay maagang gumigising, kaya malamang ay natutulog na ito. “Oo, sigurado ako,” walang buhay na tugon ni Joshua, saka kinuha ang kanyang phone at tinawagan ang numero ni Jude. “Kamusta, papunta nga pala ako sayo ngayon. Ayos lang naman, diba?” “Hindi ayos sa akin, sobra,” tugon ni Jude na may kasamang hika
Ngumiti si Joshua at naupo sa harapan ni Jude. “Ang sinasabi mo ay inutusan ni Luna ang mga lalakeng ito para bugbugin si Irene para makaganti dito?” “Sino pa ba ang gagawa nito?” Ngumiti si Jude at nagpatuloy sa pagsasalita, “Sabi ng munting babae na ito ay wala naman siyang ibang nakaalitan bukod kay Luna. Bakit siya bubugbugin ng mga tauhan ng mga Walter, kung hindi sila inutusan ni Hailey Walter?”Bahagyang pumikit si Joshua at sumagot, “Tama ka sa isang bagay. Ang mga taong ito ay talagang kumilos sa utos ni Hailey, pero hindi ibig sabihin nito ay si Luna…si Hailey Walter.” At doon, minulat niya ang kanyang mga mata para tignan si Jude. “Nabanggit mo na ang mga tauhan mo ang nagdala kay Irene sa istasyon ng pulis?”“Oo.” Yumuko si Jude para tignan ang oras sa kanyang relos. “Andoon na sila marahil sa mga oras na ito.” “Sige.” Ngumiti si Joshua at tumayo mula sa sopa. “Lucas, pumunta tayo sa istasyon ng pulis.” Nanigas ang buong katawan ni Jude nung narinig niya ang mga s
Tumayo ang pulis at sinabi, “Ang totoo, tapos ko nang i-record ang kanyang salaysay. Iyon lang ay pinagpipilitan pa rin niya na arestuhin namin ang kanyang boss…” Nginitian siya ni Joshua. “Maraming salamat sa inyo, officer.” Pagkatapos, yumuko siya para tignan si Irene. “Ms. Cook, maaari na ba tayong umalis?” Tuwang tuwa na nga si Irene sa katunayan na si Joshua Lynch, ang pinakamayaman na lalake sa Banyan City, ay gusto siyang ihatid pauwi, pero nung direkta siyang kinakausap nito, pakiramdam niya ay nasa langit na siya. Tumayo siya na parang lutang at sumagot, “Sige…” Dahil sa malubha siyang nabugbog, samahan pa ng sobrang niyang tuwa, muntikan nang matumba si Irene nung tumayo siya.Kaagad siyang hinawakan ni Joshua. “Mag-ingat ka.” Sa sobrang tuwa ni Irene sa reaksyon nito ay pakiramdam niya tuloy ay gumaan ang buo niyang katawan na para bang lulutang na siya na parang isang lobo anumang oras. Panaginip lang ba ito? Bakit tatratuhin siya ni Joshua Lynch ng ganito ng
”Alice Gibson?” Tinignan ni Irene si Joshua na puno ng pagtataka. “Sino yun?” Naningkit ang mga mata ni Joshua at ipinakita kay Irene ang screen, na kung saan naka-display ang pangalan na ‘Alice’ dito. Nagsalubong ang kilay ni Irene. “Inadd niya ako mula sa company group chat ngayong gabi pagkatapos kong ibunyag ang mga kamalian ni Luna. “Sinabi niya sa akin na kaaway siya ni Luna, kaya tinanggap ko ang friend request niya at nakipagkwentuhan ako sa kanya ng mga ilang sandali… Nagtsismisan kami at pinag-usapan namin ang tungkol kay Luna.” Napasimangot si Joshua nang marinig niya ito. “Nasaan ang chat history?” “Binura ko rin kaagad.” tinikom ni Irene ang kanyang labi. “Ang taong ito na nagngangalang Alice ay sinabi sa akin na si may kilala si Luna na isang magaling na hacker at baka i-pahack niya ang mga phone namin. Sinabi niya sa akin na burahin ko ang aming chat history, kaya ginawa ko.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Joshua. Ang taong nagngangalang ‘Alice’ ay ma