Tumayo ang pulis at sinabi, “Ang totoo, tapos ko nang i-record ang kanyang salaysay. Iyon lang ay pinagpipilitan pa rin niya na arestuhin namin ang kanyang boss…” Nginitian siya ni Joshua. “Maraming salamat sa inyo, officer.” Pagkatapos, yumuko siya para tignan si Irene. “Ms. Cook, maaari na ba tayong umalis?” Tuwang tuwa na nga si Irene sa katunayan na si Joshua Lynch, ang pinakamayaman na lalake sa Banyan City, ay gusto siyang ihatid pauwi, pero nung direkta siyang kinakausap nito, pakiramdam niya ay nasa langit na siya. Tumayo siya na parang lutang at sumagot, “Sige…” Dahil sa malubha siyang nabugbog, samahan pa ng sobrang niyang tuwa, muntikan nang matumba si Irene nung tumayo siya.Kaagad siyang hinawakan ni Joshua. “Mag-ingat ka.” Sa sobrang tuwa ni Irene sa reaksyon nito ay pakiramdam niya tuloy ay gumaan ang buo niyang katawan na para bang lulutang na siya na parang isang lobo anumang oras. Panaginip lang ba ito? Bakit tatratuhin siya ni Joshua Lynch ng ganito ng
”Alice Gibson?” Tinignan ni Irene si Joshua na puno ng pagtataka. “Sino yun?” Naningkit ang mga mata ni Joshua at ipinakita kay Irene ang screen, na kung saan naka-display ang pangalan na ‘Alice’ dito. Nagsalubong ang kilay ni Irene. “Inadd niya ako mula sa company group chat ngayong gabi pagkatapos kong ibunyag ang mga kamalian ni Luna. “Sinabi niya sa akin na kaaway siya ni Luna, kaya tinanggap ko ang friend request niya at nakipagkwentuhan ako sa kanya ng mga ilang sandali… Nagtsismisan kami at pinag-usapan namin ang tungkol kay Luna.” Napasimangot si Joshua nang marinig niya ito. “Nasaan ang chat history?” “Binura ko rin kaagad.” tinikom ni Irene ang kanyang labi. “Ang taong ito na nagngangalang Alice ay sinabi sa akin na si may kilala si Luna na isang magaling na hacker at baka i-pahack niya ang mga phone namin. Sinabi niya sa akin na burahin ko ang aming chat history, kaya ginawa ko.” Bahagyang sumingkit ang mga mata ni Joshua. Ang taong nagngangalang ‘Alice’ ay ma
Matagumpay na sinent ni Alice ang text habang nag-uunat at humihikab. Pagkatapos, pinatay niya ang bak-up phone, lumabas sa may hardin, at binato ang phone sa may man-made lake sa likod ng Blue Bay Villa. Ayan. Wala nang ebidensya. “Anong ginagawa mo?” Ng bigla, isa malamig na boses ang narinig niya sa kanyang likuran. Kaagad na nanigas si Alice, at natagalan bago siya lumingon ng medyo naninigas ang kanyang mga kilos. Nakatayo si Joshua sa kanyang likuran at nakasandal ito sa isa sa mga haligi ng gazebo. Ang kanyang malamig at walang emosyon na mga mata ay nakatuon sa mukha ni Alice. Biglang nagpasalamat si Alice na tinext lang niya si Irene sa halip na tinawagan ito. May…napansin kaya siya? Bahagyang umubo si Alice at sinubukan na itago ang kanyang pagkatanranta. “Isa lang yung back-up phone na ginagamit ko sa pag-asikaso ng mga negosyo sa labas ng bansa. Nahanap ko lang ito ngayon at nalaman ko na sira na pala ito, kaya hindi na ito magagamit pa. Tinapon ko tuloy ito
Ang biglaang paglingon ni Luna ay gumulat sa lahat ng mga empleyadong nakatayo sa kanyang likuran. Isa sa kanila ang nakatingin sa Bluetooth earphones na suot ni Luna at maingat na nagtanong, “Naririnig…mo kami?” Kumunot ang kilay ni Luna. Syempre naririnig niya ang pinag-uusapan ng mga ito. Suot niya ang Bluetooth earphones dahil sa tinawagan niya si Neil habang papunta siya sa Lynch Group Tower at nakalimutan niyang hubarin ang mga ito nung bumababa siya sa taksi. Ang mga taong ito ay naisip na hindi sila naririnig nito, kaya may lakas sila ng loob na pagtsismisan siya sa kanyang likuran. Ayaw sanang masangkot ni Luna, pero hindi na niya kaya pang tiisin ang kanilang lumalaking kabastusan. Sumingkit ang kanyang mga mata at tumingin sa babae na nagsalita. “Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong nangyari kay Irene?” Nagdalawang-isip muna sandali ang babae bago inabot kay Luna ang kanyang phone. “Tignan niyo po ito… Ayaw naming maniwala dito nung una, pero tignan ni
Talagang pumunta si Alice doon para makita ang magiging eksena doon. Alam ni Irene na hindi pwedeng gamitin na ebidensya ang chat history sa korte, kaya sa halip, ay pinakalat niya ito online para pasiklabin ang opinyon ng mga tao.At sa mga oras din na iyon, muli nanaman siyang kinontak ni Alice gamit ang ibang numero at kinumbinsi ito na gumawa ng eksena. [Kapag nakaranas ako ng hindi makatarungan na bagay tulad nito, sasamahan ako ng mag kaibigan ko sa laban na ito! Magpapakita ako sa harapan ng Lynch Group Tower na may banner at ipapahiya ko ang babaeng iyon!] Nung naisip niya iyon, tumingin si Alice sa grupo ng mga tao na sumugod paakyat ng hagdanan. Talagang isang kapakipakinabang na kagamitan si Irene sa kanyang laro. Maraming pwedeng gawin sa mga tao na hindi alam kung paano mag-isip para sa kanilang sarili at basta basta na lang sumusunod sa mga utos. Bumuntong hininga si Alice at eleganteng naglakad papunta sa pintuan, habang tumutunog ang takong ng kanyang stileto
"Luna, lumabas ka na!" "Luna, lumabas ka na at humingi ng tawad!" "Lumabas ka na ngayon din! Wag ka nang magpanggap na patay!" …Nasa labas ng design department si Irene kasama ang ilan sa kanyang mga kaibigan at ilang mga inarkilang bodyguard. Nagprotesta ang grupo sa labas ng design department habang hawak nila ang kanilang mga karatula at watawat. Ang lahat ng ito ay nangyayari habang nagliliyab ang galit sa loob nila. Nakaupo si Irene sa gitna ng grupo. Para bang mas lumala ang mga pasa sa kanyang mukha kumpara noong isang araw. Humihikbi siya at lumuluha. "Inaamin ko na hindi ako dapat nagkakalat ng mga hindi kumpirmadong tsismis, pero napakawalang awa mo para gawin mo sa'kin to, Luna! Dapat pupunta ako sa isang blind date ngayong araw. Tignan mo ko ngayon! Hindi lang sa hindi ako makapunta ng blind date, nawalan rin ako ng magandang trabaho na nahanap ko kahapon. Kailangan mong bayaran ang mga nawala sa'kin, Luna! Sa pisikal, mental, at emosyonal! Waa…!" Medyo ma
Sobrang naiinis si Irene. "Totoo ang lahat ng sinabi mo kahapon, tama? Ang lakas ng loob ni Luna na akusahan ako na nagkakalat ng tsismis. Kumuha pa siya ng tao para ipabugbog ako…" Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Celeste, pagkatapos ng isang sandali ay tumawa siya. "Naaawa ako sa'yo. Hindi lang imoral so Luna, mabangis din siya." "Mrs. Allen, nandito ka rin ba para hanapin si Luna?" Ngumiti si Celeste. "Syempre." Nang bumalik siya sa hotel kagabi, aksidenteng narinig ni Theo na binanggit niya kay Nathan ang pagkikita nila ni Luna sa hotel. Kasalukuyang nasa bahay si Theo at nagpoprotesta, pinipilit niya si Celeste na humingi ng tawad kay Luna. Pero hindi naman talaga nandito si Celeste para humingi ng tawad kay Luna. Nagpunta siya para paghiwalayin sina Luna at Theo. Hindi inasahan ni Celeste na magkakaroon ng isang protesta sa labas ng design department ni Luna. Itiningala ni Celeste ang kanyang mga mata at nanood habang hawak ng mga tao ang kanilang mga karatula.
Kaagad na pumangit ang ekspresyon ni Celeste sa mga salita ni Luna. Tinitigan niya ang masama si Luna. "Anong ibig mong sabihin dito? Pinagmamayabang mo ba ang yaman mo sa'kin? Hindi ba ang anak ko ang nagbibigay sa'yo ng pera?" Ngumisi si Luna. "Mrs. Allen, nagkamali ako na tawagin kang baliw na gurang. Nagkamali ako. Patawad." Nagsalubong ang kilay ni Celeste. Bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Luna at humingi ng tawad sa kanya? Malamig siyang suminghal. "Mabuti at alam mo, ikaw…" "Hindi talaga kita dapat na tinawag nang ganun," malamig na pinutol ni Luna si Celeste bago siya makatapos. "Sa mga mata ko, ang mga baliw na gurang ay mayroon pa ring maliit na utak. Ikaw naman, wala ka nun." Nanlaki ang mga mata ni Celeste. Tinaasan niya ang boses niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Anong ibig kong sabihin?" Ngumisi si Luna. Dinampot niya ang tseke na binigay sa kanya ni Celeste at elegante itong pinunit. "Sa palagay mo, ang isang tanyag na artist, na ang isang obra niya