Sobrang naiinis si Irene. "Totoo ang lahat ng sinabi mo kahapon, tama? Ang lakas ng loob ni Luna na akusahan ako na nagkakalat ng tsismis. Kumuha pa siya ng tao para ipabugbog ako…" Bahagyang nagsalubong ang kilay ni Celeste, pagkatapos ng isang sandali ay tumawa siya. "Naaawa ako sa'yo. Hindi lang imoral so Luna, mabangis din siya." "Mrs. Allen, nandito ka rin ba para hanapin si Luna?" Ngumiti si Celeste. "Syempre." Nang bumalik siya sa hotel kagabi, aksidenteng narinig ni Theo na binanggit niya kay Nathan ang pagkikita nila ni Luna sa hotel. Kasalukuyang nasa bahay si Theo at nagpoprotesta, pinipilit niya si Celeste na humingi ng tawad kay Luna. Pero hindi naman talaga nandito si Celeste para humingi ng tawad kay Luna. Nagpunta siya para paghiwalayin sina Luna at Theo. Hindi inasahan ni Celeste na magkakaroon ng isang protesta sa labas ng design department ni Luna. Itiningala ni Celeste ang kanyang mga mata at nanood habang hawak ng mga tao ang kanilang mga karatula.
Kaagad na pumangit ang ekspresyon ni Celeste sa mga salita ni Luna. Tinitigan niya ang masama si Luna. "Anong ibig mong sabihin dito? Pinagmamayabang mo ba ang yaman mo sa'kin? Hindi ba ang anak ko ang nagbibigay sa'yo ng pera?" Ngumisi si Luna. "Mrs. Allen, nagkamali ako na tawagin kang baliw na gurang. Nagkamali ako. Patawad." Nagsalubong ang kilay ni Celeste. Bakit biglang nagbago ang pakikitungo ni Luna at humingi ng tawad sa kanya? Malamig siyang suminghal. "Mabuti at alam mo, ikaw…" "Hindi talaga kita dapat na tinawag nang ganun," malamig na pinutol ni Luna si Celeste bago siya makatapos. "Sa mga mata ko, ang mga baliw na gurang ay mayroon pa ring maliit na utak. Ikaw naman, wala ka nun." Nanlaki ang mga mata ni Celeste. Tinaasan niya ang boses niya. "Anong ibig mong sabihin?" "Anong ibig kong sabihin?" Ngumisi si Luna. Dinampot niya ang tseke na binigay sa kanya ni Celeste at elegante itong pinunit. "Sa palagay mo, ang isang tanyag na artist, na ang isang obra niya
Tinignan ni Joshua si Celeste na nasa gilid. "Mrs. Allen, bakit di ka rin lumuhod?" Mas lalong pumangit ang ekspresyon ni Celeste sa komento ni Joshua. Kinagat niya ang kanyang labi. "Joshua Lynch, ako ang asawa ni Nathan Allen!" Malamig siyang pinutol ni Joshua. "Ibig sabihin ba nun hindi mo kailangang humingi ng tawad pagkatapos gumawa ng mali dahil lang sa ikaw ang asawa ni Nathan Allen?" "Anong ginawa kong mali?" Nagsalubong ang kilay ni Celeste. Tinaas niya ang kanyang ulo at tinitigan nang masama si Joshua. "Hindi ba totoo ang mga sinabi ko?" Pagkatapos ay ngumisi si Celeste. "Mr. Lynch, alam ko na mayroon kang hindi malinaw na relasyon kay Luna, kaya normal lang na protektahan mo siya. Pero, hindi lang sa natulog ang babaeng ito kasama ng assistant mo, ngunit natulog rin siya kasama ng dalawang bodyguard sa entrance ng Lynch Group! Hindi ka ba nadudumihan sa kanya?" Naningkit ang mga mata ni Joshua at wala siyang sinabi. Tumawa si Luna. Elegante siyang umupo sa u
Malumanay at magaan ang boses ni Alice, ngunit para bang naging bato si Celeste dahil dito. Kinilabutan si Celeste at nagsalita nang may nanginginig na boses, "Mrs. Lynch, a—anong sinasabi mo?" Nahahaluan nang malabong pangungutya ang sagot ni Alice, "Mrs. Allen, hindi mo ba naiintindihan? Sasabihin ko sa'yo ulit: Kahit kailan, hinding-hindi ko tsinismis si Luna sa'yo. Kahit na ayaw ko kay Luna, hindi ako magkakalat ng tsismis. Ayan. Sinabi ko na." Si Alice, na nasa kabilang linya, ay sumandal sa kanyang upuan. Kalmado niyang tinignan si Jason, na nakatingin sa address sa labas ng pinto, at tumawa. "At saka, maganda ang relasyon namin ng asawa ko. Bakit mo sinusubukang siraan ako sa harapan ng asawa ko? Naiinggit ka ba?" Wala man lang pakialam si Alice sa reaksyon ni Celeste pagkatapos nito habang binaba niya ang tawag. Nang marinig niya ang disconnecting beep mula sa phone, nanlambot ang binti ni Celeste. Bago siya bumagsak sa lapag, kaagad siyang hinawakan ni Samson. "M
Madiin na pinagngitngit ni Celeste ang kanyang ngipin. Malinaw na sinusubukang protektahan ni Joshua si Luna at Alice. Wala siyang laban sa kanya! "Mom, umuwi na tayo." Bumuntong-hininga si Theo at bumulong sa tainga ni Celeste, "Ito ang Lynch Group. Kinakatawan mo ang Allen family…" Nagngitngit ang ngipin ni Celeste nang marinig niya ang mga salita ni Theo. Pagkatapos ng isang sandali ay pumikit siya. "Kung ganun… tara na." Sinara ni Theo ang kanyang labi. Lumingon siya kay Luna at mapagpaumanhing ngumiti bago tinulungan si Celeste na tumayo at pumunta sa labasan. "Saglit lang." Nagsalubong ang kilay ni Samson. Sumugod siya paharap at nilahad ang kanyang braso para harangan ang daraanan ni Theo. "Ikaw si Mr. Theo Allen, di ba? Nakita kita sa balita. Kakaaununsyo mo pa lang ng relasyon mo kay Director Luna ilang araw ang nakakaraan." Huminto sandali si Theo at tinignan nang maigi ang 17 o 18 taong gulang na binata sa kanyang harapan. "Matutulungan ba kita?" "Syemp
Nanahimik ang buong opisina sa mga salita ni Theo. Tinignan ni Celeste si Theo sa gulat. "Theo, ikaw…" Kumunot ang noo ni Joshua sa inis, hindi siya natutuwa sa katigasan ni Theo. Naningkit ang kanyang mga mata. "Ganoon ba kaimportante si Luna para sa'yo?" Tinaas ni Theo ang kanyang dibdib. "Oo." "Mas mahalaga pa kaysa sa sarili mong ina na nagpalaki sa'yo?" Tumawa si Theo. "Mr. Lynch, hindi mo yata masyadong alam ang pamilya namin. Palaging nasa ibang bansa ang mga magulang ko at lumaki ako kasama ng lolo at lola ko. Pati ang husay ko sa sining ay sila rin ang nagpalaki nito. Ang mga magulang ko naman…" Tinignan ni Theo si Celeste. "Wala talaga silang pakialam sa'kin. Kung may pagpapahalaga sila sa'kin, hindi nila ako pagbabawalan na makasama si Luna dahil lang sa tsismis ng ibang tao. Hindi sila magkakalat ng tsismis tungkol kay Luna na sumasama raw siya sa ibang lalaki ngayong alam na alam nilang girlfriend ko si Luna." Napakaputla ng mukha ni Celeste. Inisip niya na
"Ganun ba?" Malumanay na tumawa si Luna. Kinuha niya ang kanyang phone at may tinawagan na numero. "Officer James, pwede mo bang sabihin sa'kin ulit ang mensahe na pinadala mo sa'kin ngayon lang?" Si Officer James, na nasa kabilang linya, ay tahimik bago kalmadong nagsabi, "Mrs. Luna, nagtanong ka tungkol sa mga taong bumugbog kay Irene Cook kagabi. Nahuli na namin sila. Inamin nila na may nag-utos sa kanila na sadyaing sabihin ang pangalan mo habang binubugbog nila siya para magkamali ang biktima. Tungkol naman sa kung sino ang nag-utos sa kanila na bugbugin si Irene, nalaman namin na nagmula ito sa isang numero mula sa katabing Sea City. Sinusubukan namin ngayong hanapin ang taong ito gamit ng kanilang IP address…" "Sige, salamat, Officer James." Sa sandaling binaba ni Luna ang tawag, ngumisi siya at tinignan si Irene na nakatulalang nakaluhod sa lapag. "Itong buong umaga, nagprotesta ka sa harapan ng design department ko. Hindi naman parang wala akong ginawa." "Personal
Nagsalubong ang kilay ni Luna. Kung may kinalaman ito kina Neil at Nellie, hindi niya gugustuhing makipagtalo pa kay Joshua. Kalmadong tinignan ni Luna si Arianna. "Mauna na kayong tatlo. May pag-uusapan lang kami ni Mr. Lynch." "Sige po." Tumango si Arianna, pagkatapos ay sinama niya sina Samson at Zayne at umalis. Habang naglalakad ang tatlo, nagtanong si Samson nang pabulong. "Sino ba ang Neil at Nellie na binanggit ni Mr. Lynch?" Kaagad na sumagot si Arianna, "Sila ang kambal na anak ni President Lynch." "Anong kinalaman nila kay Director Luan?" "Mahabang storya…" Lumayo nang lumayo ang mga boses nila. Nang tuluyan silang maglaho sa paningin ni Luna ay doon lamang siya bumuntong-hininga at sinara ang pinto. "Mr. Lynch, pwede mo nang sabihin sa'kin." Ngumiti si Joshua. Tumalikod siya at umupo sa upuan ni Luna, may pangungutya sa kanyang mga titig. "Hindi ko inakala na nakakaakit ka pala talaga na handang putulin ni Theo ang ugnayan niya sa mga magulang niya."