All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2431 - Chapter 2440

3080 Chapters

Kabanata 2431

Hindi mapigilan ni Neil na tumawa nang makita niya na takot na takot si Nellie. May sasabihin sana siya, nang tumingin din sa kanya ng malamig si Nigel. “Ikaw din. May mga bagay na hindi mo dapat gawing biro!” “Alam ko na mahal na mahal nila Daddy at Mommy ang isa’t isa at hindi sila maaapektuhan sa mga biro niyo, pero paano kung narinig ito ng ibang tao? Ano ang iisipin nila kila Daddy at Mommy?” “Paano kung nalaman ni Aunt Yannie ang tungkol dito? Sa tingin mo ba ay makakapag trabaho siya ng payapa para kila Daddy at Mommy kapag natuklasan niya ito? Hindi lang ‘yun, naisip niyo na rin ba ang damdamin ni Mrs. Flores?” “Paano kung umalis ng trabaho si Aunty Yannie dahil sa isang biro, at ganito rin ang gagawin ni Mrs. Flores. Ito ba ang gusto niyong dalawa?” Ang mga salita ni Nigel ay matalas, ngunit parang martilyo ito na tumama sa pako. Nagkatinginan sina Neil at Nellie, pagkatapos ay nagbuntong hininga sila at hinawakan nila ang mga bibig nila ng sabay. Makalipas ang i
Read more

Kabanata 2432

Medyo nalilito pa rin si Luna dahil dito. “Bakit ka naghahanap ng isang babaeng nawalan ng anak na dalawang buwan ang edad?” Ngunit, sa sandali na matapos siyang magsalita, naisip niya na ito. Lumingon siya para tumigin kay Joshua. “Hinahanap mo ba… ang nanay ni Riley?” Tumango si Joshua. “Inimbestigahan ko ito ng matagal na. Plano siguro nila Malcolm at Heather na kunin ang anak natin dati para takutin nila tayo.” “Pero, may nangyari na hindi inaasahan sa prosesong ito, kaya’t napunta si Riley sa kamay nila Malcolm at Heather.” “Sa araw na nanganak ka, nagpanggap sina Malcolm at Heather na ito rin ang ginawa ni Heather para maging kapanipaniwala ang istorya. Kaya naman, sa araw na kinidnap ang anak natin, parehong nasa hospital sina Heather at Malcolm.” “Nakuha ko ang surveillance tape, at pinakita dito na nasa delivery room si Heather sa oras na nanganak ka, habang si Malcolm naman, ay naghihintay sa labas ng operating room kasama si Charles para kay Heather.” Dumilim a
Read more

Kabanata 2433

“Mukhang ikaw pa rin ang maalalahanin sa relasyon na ito.” Akala ni Luna na dahil hiwalay si Riley mula sa kanyang mga magulang, ang tanging obligasyon niya ay ang itrato ang kawawang batang ito na parang sarili niyang anak, ngunit pagkatapos marinig ang paliwanag ni Joshua, hindi niya mapigilan na isipin na tama si Joshua. Balisa silang dalawa sa paghahanap sa anak nila pagkatapos malaman ang tungkol dito, at ito rin siguro ang ginagawa ng mga magulang ni Riley. Mas mabuti ang maibalik nila si Riley sa mga magulang nito kaysa ang manatili si Riley sa tabi nila. Aamin si Luna na minsan, mas mabait at maunawain si Joshua kaysa sa iniisip niya. Habang iniisip ito, lumingon siya para tumingin kay Joshua. “May… nahanap ka na bang mga clue tungkol sa kung sino ang mga magulang ni Riley?” Umiling si Joshua. Ito lang ang tanging bagay na nakakalito para sa kanya: kahit anong paghahanap niya, tila wala siyang mahanap na kahit anong magkasintahan na nawalan ng isang anak na babaen
Read more

Kabanata 2434

"M—Ma'am." Kinaumagahan, pagkatapos bumangon ni Luna at pababa na siya, nakasalubong niya si Mrs. Flores, na siyang papunta sa kabilang direksyon. Si Mrs. Flores ay may hawak na tatlong regalo, para kela Nellie, Neil at Nigel. Hindi inaasahan ni Mrs. Flores na makakasalubong niya si Luna habang paakyat siya, kaya’t nataranta siya at sinabi niya, “Bakit maaga po kayong nagising, Ma’am?” Napatingin si Luna sa mga regalo na hawak ni Mrs. Flores. Sa mga sandaling ito, hawak ni Mrs. Flores ang tatlong mga gift bag na may ribbon, isa ay pink—ang paboritong kulay ni Nellie—at ang isa naman ay asul at dark lilac, na paboritong kulay ni Neil at ni Nigel. Halata na inihanda niya ang mga ito para sa tatlong mga bata. Kumunot ang noo ni Luna sa pagkalito. “Para saan ang mga ito, Mrs. Flores?” Medyo nataranta si Mrs. Flores sa tingin nila. Umubo siya at sinabi niya habang sinusubukang itago ang pagkahiya sa kanyang tono, “Ba… Balak ko pong magresign sa trabahong ito, pero mamimiss k
Read more

Kabanata 2435

Nagbuntong hininga si Mrs. Flores at yumuko siya. “Ako po ang may gusto na mag resign sa trabaho.” Sa katotohanan, ayaw niya ring mag resign sa trabahong ito.” Ang mga boss niya, sina Joshua aat Luna, ay parehong mabait na tao, at ang lahat ng mga bata sa bahay, pati na sina Shelly at Riley, ay mababait at masunurin na mga bata. Dahil mahal siya ng lahat ng tao sa pamilya, inalokan siya ni Lucas ng malaking sahod at magandang benepisyo. Dahil dito, gustong manatili ni Mrs. Flores sa trabaho niya ng matagal, ngunit pagkatapos makipagkita kay Samuel kagabi, matagal siyang nakipag usap kay Yannie at nagdesisyon siya na makinig sa payo ng kaibigan niya. Tutal, halos isang taon siyang hindi kinausap ni Samuel, at nang paalis na si Samuel ng Merchant City ang unang desisyon na ginawa nito ay ang lapitan siya para magpayo na lumayo sa pamilya Landry at pamilya Lynch, pati sa lalaking may pangalan na ‘Howard’. Pagkatapos itong pag isipan ng mabuti, nagdesisyon si Mrs. Flores na bak
Read more

Kabanata 2436

“Bakit ka nandito sa bahay ko?” Mahigpit na hinawakan ni Luna ang phone niya habang kumunot ang kanyang mga noo. “Naaalala ko na nangako ka na sa negosyo lang tayo magtutulungan, wala nang higit pa dito. Bakit ka pala nandito, pumunta ka pa sa bahay ko ng ganito kaaga?” HIndi gusto ni Luna si Thomas. Nalilito rin si Luna kay Thomas. Isang bagay para suhulan si Joey Charles para kausapin si Luna, sinabi niya pa na gusto niya si Nellie. Nang hindi pumayag si Luna sa alok niya, pinilit niya si Luna na pumirma sa kontrata sa paraan ng pananakot gamit ang kaligtasan nila Sean at Kate pagkatapos niyang kidnapin ang mga ito! Pagkatapos ng mga pangyayari, hindi masisisi si Luna kung may masamang impresyon siya kay Thomas, lalo na kung dumating ang lalaking ito sa harap ng pinto niya ng ganito kaaga at kakapirma lang nila ng kontrata kahapon. Mas lalong nasuklam si Luna dahil dito. “Sa tingin mo ba ay gusto ko na nandito ako?” Ngumisi si Thomas mula sa kabilang linya ng phone. Nagbago s
Read more

Kabanata 2437

Gayunpaman, nagdesisyon si Samuel na hanapin ang katulong na ito na higit sa limampung taong gulang na! Ang kutob ni Thomas ay may kinalaman si Mrs. Flores sa babae mula noong isang taon na ang nakalipas. Pangalawa, gusto niyang pumunta sa bahay para suriin ang sitwasyon. Tutal… Sumingkit ang mga mata ni Thomas, at puno ng lamig ang kanyang mga mata. Tutal, sina Joshua at Luna ang responsable kaya’t napunta ang anak niya sa ICU, na laging kailangang binabantayan. Gusto niyang malaman ang tungkol sa ibang mga bata sa bahay para alam niya kung sino ang dudukutin niya kapag dumating ang panahon. Gusto niyang ipaalam kela Joshua at Luna ang pakiramdam na inaapi ang anak nila ng ibang tao. “Sir.” Pinunasan ng assistant ni Thomas ang pawis sa noo niya ng tahimik. “Hindi naman po sa nakikialam ako, pero—ah!” Ngunit, bago pa matapos magsalita ang assistant ni Thomas, sumigaw ito sa sakit, at kumunot ang noo ni Thomas at napalingon siya dito. “Sorry po! Sorry po!” May babaeng may
Read more

Kabanata 2438

Nabigla ng ilang sandali si Thomas dahil sa mga sinabi ni Joshua. Pagkatapos ng ilang sandali, nagawa niyang kumalma at tumingin siya kay Joshua. “Bakit mo naman ito natanong sa akin, Mr. Lynch? Kung tama ang pagkaka alala ko, hindi tayo malapit sa isa’t isa para tawagin natin na kapatid ang isa’t isa.” Umupo ng mas komportable si Joshua. Nakaupo siya sa sofa na parang isang hari habang nakatitig siya kay Thomas, na siyang nagpapanggap na walang alam. “Hindi mo ba alam, o nagpapanggap ka lang na wala kang alam? Sigurado ako na naaalala mo ang apelyido ng nanay mo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Sigurado ako na walang kinalaman sayo apelyido ng nanay ko.” Ang totoo ay, ang nanay ni Thomas, ay ang unang asawa ni Senior Howard. Noon, isang mahirap na lalaki lang si Senior Howard, habang ang nanay ni Thomas ay ang pangalawang anak na babae ng isang makapangyarihang pamilya. Nakilala niya si Senior Howard at naisip niya na soulmate niya ito, ang mahal ng buhay niya. Kaya naman,
Read more

Kabanata 2439

“May natuklasan ako na impormasyon na nakatago sa publiko. Hindi Levine ang apeliyo ng nanay mo—mula siya sa pamilya Moore.” Isang simpleng pangungusap lang ito, ngunit tila tinamaan ng kidlat si Thomas, naiwan siyang nakatayo na parang estatwa. Tumingin siya kay Joshua gamit ang malalim na mga mata niya na hindi makapaniwala. “Ikaw…” ‘Paano niya natuklasan? Ang tunay na apelyido ng nanay ko ay Moore!’ Ang nasa isip ni Thomas. “Hindi lang sa alam ko ang apelyido niya, alam ko rin ang pangalan niya. Eanne Moore.” Umupo ng mas komportable si Joshua at tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. ”Hindi mo kailangang magulat. Walang tao na mula sa pamilya Howard ang nagsabi sa akin nito. Pagkatapos ng lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Senior Howard sa nakalipas na taon, hindi niya sasabihin ang katotohanan, kahit na tutukan ko siya ng baril sa ulo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas at tumingin siya ng malamig kay Joshua. Gumalaw ng kaunti ang mga labi niya, ngunit walang tuno
Read more

Kabanata 2440

Lumaki ang mga mata ni Thomas nang marinig niya ang sinabi ni Joshua, at sumingkit ang mga mata niya. “Nagbibiro ka ba?” May kambal na kapatid si Thomas, ngunit paano ito naging nanay ni Joshua? Kung ang nanay niya at ang nanay ni Joshua ay magkapatid, ibig sabihin ay magpinsan sila ni Joshua! Ang pinsan niya, si Joshua, ay aksidenteng inuwi ang maling bata mula sa hospital at tinanggap ito bilang sariling anak. Nang malaman ni Joshua na buhay pa ang anak niya, inapi niya ang kawawang sanggol na ito, at napunta ang sanggol sa ICU at halos mamatay ito. Nahirapan huminga si Thomas nang maisip niya ito. Kung pinsan niya si Joshua, tunay nga na isa itong demonyo na nagpapanggap. Inulit ito ni Thomas sa puso niya para balaan ang sarili niya na ‘wag mahulog para sa patibong ni Joshua. ‘Patibong siguro ito. Hindi mangyayari ang isang pagkakataon na tulad ng ganito! Nalaman niya siguro ang tungkol sa nanay ko mula sa lalaking ‘yun, at ito ang rason kung bakit niya ito sinabi sa akin
Read more
PREV
1
...
242243244245246
...
308
DMCA.com Protection Status