Gayunpaman, nagdesisyon si Samuel na hanapin ang katulong na ito na higit sa limampung taong gulang na! Ang kutob ni Thomas ay may kinalaman si Mrs. Flores sa babae mula noong isang taon na ang nakalipas. Pangalawa, gusto niyang pumunta sa bahay para suriin ang sitwasyon. Tutal… Sumingkit ang mga mata ni Thomas, at puno ng lamig ang kanyang mga mata. Tutal, sina Joshua at Luna ang responsable kaya’t napunta ang anak niya sa ICU, na laging kailangang binabantayan. Gusto niyang malaman ang tungkol sa ibang mga bata sa bahay para alam niya kung sino ang dudukutin niya kapag dumating ang panahon. Gusto niyang ipaalam kela Joshua at Luna ang pakiramdam na inaapi ang anak nila ng ibang tao. “Sir.” Pinunasan ng assistant ni Thomas ang pawis sa noo niya ng tahimik. “Hindi naman po sa nakikialam ako, pero—ah!” Ngunit, bago pa matapos magsalita ang assistant ni Thomas, sumigaw ito sa sakit, at kumunot ang noo ni Thomas at napalingon siya dito. “Sorry po! Sorry po!” May babaeng may
Nabigla ng ilang sandali si Thomas dahil sa mga sinabi ni Joshua. Pagkatapos ng ilang sandali, nagawa niyang kumalma at tumingin siya kay Joshua. “Bakit mo naman ito natanong sa akin, Mr. Lynch? Kung tama ang pagkaka alala ko, hindi tayo malapit sa isa’t isa para tawagin natin na kapatid ang isa’t isa.” Umupo ng mas komportable si Joshua. Nakaupo siya sa sofa na parang isang hari habang nakatitig siya kay Thomas, na siyang nagpapanggap na walang alam. “Hindi mo ba alam, o nagpapanggap ka lang na wala kang alam? Sigurado ako na naaalala mo ang apelyido ng nanay mo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas. “Sigurado ako na walang kinalaman sayo apelyido ng nanay ko.” Ang totoo ay, ang nanay ni Thomas, ay ang unang asawa ni Senior Howard. Noon, isang mahirap na lalaki lang si Senior Howard, habang ang nanay ni Thomas ay ang pangalawang anak na babae ng isang makapangyarihang pamilya. Nakilala niya si Senior Howard at naisip niya na soulmate niya ito, ang mahal ng buhay niya. Kaya naman,
“May natuklasan ako na impormasyon na nakatago sa publiko. Hindi Levine ang apeliyo ng nanay mo—mula siya sa pamilya Moore.” Isang simpleng pangungusap lang ito, ngunit tila tinamaan ng kidlat si Thomas, naiwan siyang nakatayo na parang estatwa. Tumingin siya kay Joshua gamit ang malalim na mga mata niya na hindi makapaniwala. “Ikaw…” ‘Paano niya natuklasan? Ang tunay na apelyido ng nanay ko ay Moore!’ Ang nasa isip ni Thomas. “Hindi lang sa alam ko ang apelyido niya, alam ko rin ang pangalan niya. Eanne Moore.” Umupo ng mas komportable si Joshua at tumingin siya sa lalaking nasa harap niya. ”Hindi mo kailangang magulat. Walang tao na mula sa pamilya Howard ang nagsabi sa akin nito. Pagkatapos ng lahat ng masasamang bagay na ginawa ni Senior Howard sa nakalipas na taon, hindi niya sasabihin ang katotohanan, kahit na tutukan ko siya ng baril sa ulo.” Sumingkit ang mga mata ni Thomas at tumingin siya ng malamig kay Joshua. Gumalaw ng kaunti ang mga labi niya, ngunit walang tuno
Lumaki ang mga mata ni Thomas nang marinig niya ang sinabi ni Joshua, at sumingkit ang mga mata niya. “Nagbibiro ka ba?” May kambal na kapatid si Thomas, ngunit paano ito naging nanay ni Joshua? Kung ang nanay niya at ang nanay ni Joshua ay magkapatid, ibig sabihin ay magpinsan sila ni Joshua! Ang pinsan niya, si Joshua, ay aksidenteng inuwi ang maling bata mula sa hospital at tinanggap ito bilang sariling anak. Nang malaman ni Joshua na buhay pa ang anak niya, inapi niya ang kawawang sanggol na ito, at napunta ang sanggol sa ICU at halos mamatay ito. Nahirapan huminga si Thomas nang maisip niya ito. Kung pinsan niya si Joshua, tunay nga na isa itong demonyo na nagpapanggap. Inulit ito ni Thomas sa puso niya para balaan ang sarili niya na ‘wag mahulog para sa patibong ni Joshua. ‘Patibong siguro ito. Hindi mangyayari ang isang pagkakataon na tulad ng ganito! Nalaman niya siguro ang tungkol sa nanay ko mula sa lalaking ‘yun, at ito ang rason kung bakit niya ito sinabi sa akin
“Bakit? Ayaw hindi mo ba gusto ang sinabi ko?” Ang pang aasar ni Thomas, sumingkit ang mga mata niya kay Luna habang sinubukan nitong ipagtanggol si Joshua. “So alam mo nang oras na para ipagtanggol mo ang asawa mo ngayon?” Sumingkit ang mga mata ni Luna. Mali ba para ipagtanggol niya ang asawa niya kapag sinabi ni Thomas na hindi nararapat si Joshua na magkaroon ng pamilya, habang nakatayo lang siya sa tabi? “Anong problema kung pinagtanggol mo siya habang nagsasalita ka ng masama tungkol sa kanya?” Sumingkit ang mga mata niya at tumingin siya ng masama kay Thomas. “Thomas, alam ko na may ibang motibo ka kaya’t nilalapitan mo kami ni Joshua. Wala akong pakialam kung ano ito, pero hindi ka namin kilala dati ni Joshua. Sinabi ni Joshua sayo kanina na natuklasan niya kagabi na pinsan ka niya.” “Kahapon lang tayo nagkakilala. Wala kaming ginawa para saktan ka o gumawa ng gulo sayo. Hindi mo kailangan maging masama sa amin.” Ngumisi si Thomas dahil dito. Nag dekwatro siya ng elegan
“Sumosobra na ba ako dahil sa sinabi ko? Hindi ba’t nakakadiri at sinabi niya sa sakin na tanggapin ko siya bilang pamilya ko sa oras na dumating ako?” Nabigla si Yannie nang tumuro sa kanya si Thomas. Tumingin siya kay Thomas, pagkatapos ay tumingin siya ng maingat kila Luna at Joshua. Napuno siya ng takot sa mga sandaling ito. Mabilis na tumitibok ang puso niya sa sandali na makabangga niya ang assistant ni Thomas. Tutal, nakita niya na ang assistant na ito dati. Isang taon na ang nakalipas, noong gabi na yun, nakabangga niya ang isang lalaki habang nagmamadali siya na tumakas sa kwarto ni Thomas, at ang lalaking ito ay ang assistant ni Thomas! Noong gabing ‘yun, magulo ang itsura ni Yannie at punit ang mga damit niya. Akala ng assistant ay isa siyang pulubi, kaya’t galit siyang kinausap nito. Natatakot siya na baka makilala siya ng assistant niya ngayon at nabangga niya ito, natatakot siya na baka hanapin siya ni Thomas. Dalawang buwan na ang nakalipas, ipinanganak niy
Hindi nagulat si Thomas sa sagot ni Yannie. Tama lang na kakampi si Yannie kela Joshua at Luna, dahil isa siyang anak ng katulong na nagtatrabaho sa bahay nila. Gayunpaman, hindi niya mapigilan ang sarili niya na manuya, “Akala ko ay ipagtatanggol mo ako dahil nakatitig ka lang sa akin. Mukhang kahit gaano kaganda ang mukha ko at kahit na hinahangaan mo ako, hindi ito sapat para magtaksil sa katapatan mo para sa kanila. Hindi ba?” Sumingkit ang mga mata ni Thomas at galit niyang sinabi, “Tulad ng inaasahan ko, tapat ang lahat ng mga aso ni Joshua.” Tapat sila, tulad ng mga sumunod sa kanya para sundan sina Samuel at Mrs. Flores noong una. Pagkatapos, sinundan ng mga ito ang mga tauhan niya. Ang mga tauhan niya ay gusto sanang makinig sa pag uusap nila Samuel at Mrs. Flores, ngunit wala silang narinig dahil sa pakikialam ng mga tauhan ni Joshua. Kung magaling sa trabaho ang mga tauhan ni Joshua, hindi sana pupunta ng maaga si Thomas dito para hanapin sina Joshua at Luna, pati na
Habang iniisip ito, huminga ng malalim si Yannie at tumingin siya sa malamig na mukha ni Thomas. “Mr. Howard, hindi mo magugustuhan ang susunod kong sasabihin.” “Dahil sa tingin mo ay basta’t may kinalaman ang pera, ibig sabihin ay ang taong tumatanggap ng pera ay isang aso para sa amo nito. Kung tama ang pagkaka alala ko, pumirma ka ng kasunduan kay Ms. Luna kahapon, kaya’t ikaw ay magiging ambassador para sa mga alahas niya habang binabayaran ka niya.” “Ayon sa sinabi mo, hindi ba’t ikaw ay isang aso ni Ms. Luna?” Tumigil sa paghinga ang lahat ng nasa sala nang marinig nila ito. Nabigla si Thomas habang nakatingin siya sa babaeng nasa harap niya. Hindi niya inaasahan na sasabihin nito ang ganitong bagay sa kanya! Ang gwapong mukha niya ay sumimangot dahil dito. “Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?” “Mali ba ako?” Naging matapang si Yannie laban sa malupit na aura ni Thomas, tumitig pa siya ng matapang sa mga mata nito. Bukod pa dito, may bahid ng lamig sa kanyang mga mata