All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 2421 - Chapter 2430

3080 Chapters

Kabanata 2421

Baka nga tama si Joshua; dapat nang umalis si Samuel. Kapag nanatili siya sa Merchant City, patuloy lang siyang aabalahin ng anak niyang si Malcolm… kailangan niya pa rin mag-ingat kay Thomas. Hindi niya mapigilan na isipin na hindi siya hahayaan ni Thomas ng basta-basta pagkatapos nang nangyari kanina. Nagbuntong hininga si Samuel at tumingin siya sa boarding time sa ticket. Ito ay isang flight ticket para bukas, kaya’t may isang araw pa siya para makapag paalam sa lahat. Habang iniisip ito, kinurot ni Samuel ang noo niya at pinag isipan niya ito ng matagal. Sa huli, kinuha niya ang phone niay at nagdial siya sa kanyang phone.… Sa bahay ni Joshua. Sa mga sandaling ito, tinutulungan ni Mrs. Flores si Nellie na mag ayos ng mga design sketch. “Ang galing ng mga sketch na ito! May natural na talento kayo para dito, Princess Nellie!” Tumingin si Nellie sa kanya, ngumiti siya nang marinig niya ang papuri. “Mrs. Flores, gusto niyo po ba na mag design ako ng jewelry para sa
Read more

Kabanata 2422

Hindi mapigilan ni Luna na tumawa habang nakikinig siya sa ‘report’ ng anak niya. Sa restaurant, sinabi niya kila Nellie na si Mrs. Flores at ang anak nitong si Yannie ay parehong mga mababait na tao. Naalala ito ni Nellie, at mas nagbigay pa siya ng atensyon kay Mrs. Flores, sa punto na pinapanood niya ang bawat galaw nito. Napuno ng init ang puso ni Luna nang mapagtanto niya kung gaano kabait at maunawain ang anak niya. Habang iniisip ito, ang boses ni Luna ay mas naging maamo at malambing kaysa kanina, at ibinaba niya na ang phone pagkatapos pagaanin ang loob ni Nellie. Pagkatapos niyang itabi ang phone niya, sumandal si Luna sa balikat ni Joshua at sinabi niya ng tila nagmamalaki, “Narinig mo ba ang sinabi ni Nellie? Isa siyang mabuting bata; nakikinig at nagbibigay atensyon siya sa bawat sinasabi natin.” Tumango si Joshua at hinawakan niya ang kamay ni Luna. Gayunpaman, ang mga mata ni Joshua ay nakasingkit habang nakatingin sa harap, tila malayo ang kanyang tinitingna
Read more

Kabanata 2423

Kaya’t nagbuntong hininga si Luna, hinawakan niya ang kamay ni Joshua, at sinabi niya ng maamo, “Nag aksaya na tayo ng maraming oras, at nag aalala ako na baka galit na si Sean at Jim sa atin dahil dito.” Isang oras na ang nakalipas, sinabihan sila na nahanap na si Sean, at sinabi pa nila na pupunta agad sila sa hospital sa madaling panahon. Isang oras na ang nakalipas simula nang mangyari ito, ngunit hindi sila nagpakita sa hospital room ni Sean. Kahit na mabait si Sean para hindi ito banggitin, sigurado si Luna na hindi masaya si Sean dahil natagalan sila. Ito ang rason kung bakit naiinip siya na lumabas ng kotse. “Hindi sila magagalit.” Tumawa si Joshua at naglakad siya papunta sa hospital habang magkahawak ang kamay nila ni Luna. Sa loob ng kwarto, inilalarawan ni Sean kay Jim ng puno ng detalye kung paano siya kinidnap. “Sinabi sa akin ni Kate na kailangan niyang umidlip, kaya’t pumayag ako na matulog siya. Tutal, mga kamay ko lang naman ang may sugat, at maayos ang b
Read more

Kabanata 2424

Gulat na kumunot ang noo ni Luna. “Ang mga taong ‘yun… ay kinidnap sina Sean at Kate habang binabantayan mo sila?” Dumilim ang ekspresyon ni Luke nang marinig niya ito. Umupo siya ng mas komportable sa upuan niya, nilagay niya ng elegante ang braso niya sa likod ng upuan, pagkatapos ay tumingin siya ng malamig kay Luna. “Bakit gulat na gulat ka?” Tumingin siya sa bintana, kung saan makikita si Kate na sinusuri ng mga doctor sa kabilang kwarto, at kalmado niyang sinabi, “Sinabi ko na kila Jim at Joshua ang tunay na pagkakakilanlan ni Kate, kaya’t sigurado ako na alam mo na rin?” Huminto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. Narinig niya nga talaga si Joshua at ang iba na binanggit ang background ni Kate dati. Si Kate ay mula sa isang mayaman at marangal na pamilya sa Europa, at kahit na umalis na siya ng bayan niya, palihim siyang binabantayan ng pamilya niya. Kapag natuklasan nila na nawawala o kinidnap si Kate, lilipad sila papunta sa Merchant City at hin
Read more

Kabanata 2425

“Dapat siyang mag ingat sa kilos niya.” Pagkatapos, tumayo si Luke, binuksan niya ang pinto, at naglakad siya palabas ng kwarto. Naka-soundproof ang bintana sa pagitan ng dalawang kwarto, at kahit na hindi marinig ni Luna ang tunog mula sa kabilang kwarto, nakikita niya na gumugulong sa sakit si Kate habang sinusuri ng mga doctor ang sugat nito. Gayunpaman, sa sandali na pumasok si Luke, huminto si Kate. Sa sandali na makita ni Kate si Luke, ang ekspresyon niya na puno ng sakit ay nawala at napalitan ito ng isang maamong ngiti. Nakikita ni Luna na kalmadong kinakausap ni Kate si Luke mula sa bintana. Kumunot ang noo ni Luna nang makita niya ito. Kahit na hindi niya gusto si Luke, ito pa rin ang boyfriend ni Gwen. Gayunpaman, base sa pagkilos ni Kate sa harap ni Luke… alam niya na gusto ni Kate si Luke. Lumubog ang puso ni Luna dahil sa kanyang napagtanto. Nang tumalikod siya, nakaharap niya si Sean. Sa mga sandaling ito, pinapanood ni Sean sina Kate at Luke mula sa
Read more

Kabanata 2426

“May ibang mga tao na sumusunod sa kanya?” Kumunot ang noo ni Joshua at tumingin siya kay Jim. “Nagpadala ka ba ng mga tauhan mo para sumunod kay Samuel Quinn?” Tumingin ng nalilito si Jim. “Para saan?” Pagkatapos, pinag isipan niya ito ng ilang sandali bago siya lumingon nang may mapagtanto siya. “Hindi kaya’t ang pagkidnap kay Kate ay may kinalaman kay Father Samuel?” Habang iniisip ito, sumingkit ang mga mata ni Jim at tumingin siya kay Joshua. “Nasaan si Samuel Quinn ngayon? Ano ang ginagawa niya?” Sumingkit ang mga mata ni Joshua. Hindi na dapat siya nagtanong kay Jim. Hindi alam ni Jim ang kahit anong ginawa ni Malcolm sa kay Joshua o kay Luna, kaya’t bakit siya maghihinala kay Samuel? Nagbuntong hininga si Joshua, pagkatapos ay pinalubag niya ang loob ni Jim. “Walang kinalaman si Samuel sa pagkidnap kila Sean at Kate. Pinadala ko lang ang mga tauhan ko para bantayan siya dahil sa isang potensyal na business opportunity. Naisip ko na baka ito rin ang ginawa mo para tu
Read more

Kabanata 2427

“Paano mo naman nasabi na may gusto si Kate kay Luke?” Sa opinyon ni Joshua, isa lang itong pag-uusap sa pagitan ng isang boss na sumesermon at isang empleyado na pinagtatanggol ang kanyang sarili. “HIndi mo ba makita?” Itinikom ni Luna ang mga labi niya at tumingin siya kay Joshua. “Halata naman!” Ang ekspresyon sa mukha ni Kate ay ang ekspresyon ng bawat babae na pinapakita lang nito sa harap ng lalaking mahal nila. Pamilyar si Luna dito! Kumunot ang noo ni Joshua at sinuri niya ito ng mas matagal, pagkatapos ay umiling siya. “Hindi ko makita.” Kumunot ang noo ni Luna at nagdesisyon siya na hindi na ituloy ang pinag uusapan nila. “Sige. Umuwi na tayo.” Tumango si Joshua, kinuha niya ang kamay ni Luna, at umalis na sila. Sa sandali na umuwi sila, pumunta sa bedroom si Luna para magpahinga. Pagod siya mula sa pagharap sa butler ng pamilya nitong umaga at ang paghaharap niya kay Thomas nitong hapon. 5 p.m. na sa oras na bumalik si Joshua sa study room pagkatapos patu
Read more

Kabanata 2428

Nabigla si Mrs. Flores kay Samuel, hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit si Samuel nang mabanggit ang pamilya Lynch. Sa pagkakaalala niya, si Father Samuel ay isang mabait at madaling pakisamahan na lalaki, at kahit na siya ay ang tagapagmana ng pamilya Quinn dati, trinato niya ang lahat ng kabaitan pagkatapos maging isang pari. Trinato niya ng mabuti sina Mrs. Flores at Yannie kahit na alam niya kung gaano kahirap silang lumaki. Ito ang rason kung bakit, sa lahat ng mga pari sa simbahan, si Samuel lang ang kumakausap pa rin sa kanila sa mga nakalipas na taon. Gayunpaman, ang maamo at madaling pakisamahan na lalaki ay biglang naging malupit nang marinig na may kinalaman sina Mrs. Flores at Yannie kila Joshua at Luna. “‘Wag ka nang magtanong kung bakit!” Kumunot ang noo ni Samuel at tumingin siya kay Mrs. Flores. Kung isang kaibigan pa rin ang tingin mo sa akin, mas mabuti nang tanggapin mo ang payo ko at lumayo kayo mula sa pamilya Lynch at pamilya Landry!” Pagk
Read more

Kabanata 2429

Kaya naman, pagkatapos umalis ng Merchant City, nangako siya na hindi na siya babalik sa miserableng lugar na ito. Nagbuntong hininga si Samuel at lumingon siya para tumingin kay Mrs. Flores. “‘Wag kang mag alala. Kapag dumating ang oras ng pagpanaw ko, sisiguraduhin ko na magpadala ako ng tao para sabihan ka ng balitang ito para makapag paalam ako sayo ng huling beses.” Pagkatapos, ngumiti siya kay Mrs. Flores, umatras siya, at kumaway siya bago siya tumalikod at naglakad palayo. Nanatiling walang kibo si Mrs. Flores, pinapanood niyang umalis si Samuel, bago siya nagbuntong hininga. Nang mawala na si Samuel sa paningin niya, nagbuntong hininga siya at nagdial siya ng number ni Yannie at naglakad siya palayo ng tulay. “Yannie… Ngayon lang, pinuntahan ako ni Father Samuel para magpaalam sa akin dahil aalis na siya ng Merchant City.” “Gusto niyang sabihin sayo na dapat ka nang lumayo sa pamilya Landry at pamilya Lynch. Hindi lang ‘yun, pero gusto niya rin na lumayo tayo sa isan
Read more

Kabanata 2430

Ang isip ni Luna ay puno ng mga katanungan nang mapansin niya ang pagkakaiba ng ugali ni Joshua ngayon at ang ugali nito kanina. Nitong hapon, pinakita ni Joshua na ayaw niya kay Yannie, kaya’t bakit nagbago ang isip niya sa loob lang ng ilang oras? “Napansin po siguro ni Daddy na maganda si Aunt Yannie, kaya gusto niya na nasa tabi siya ni Mommy.” Si Neil, na kanina ay tahimik na kumakain, ay tinikom ang kanyang mga labi nang mapansin niya ang pagkalito ni Luna. “Pare pareho lang po ang lahat ng mga lalaki! Kahit na po ang isang tao na tulad ni Daddy ay pagod na sa pagtitig kay Mommy ng matagal!” Nagbuntong hininga siya at idinagdag niya, “Dismayado po kami sayo, Daddy. Kahit na po maganda si Aunt Yannie, hindi ka dapat humanap ng mga dahilan para mapunta siya sa tabi ni Mommy.” “Kapag sa susunod po ay binisita mo sa trabaho si Mommy, walang paraan para ipaliwanag kung nandoon kayo para bisitahin si Mommy o Aunty Yannie!” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua nang marinig niya it
Read more
PREV
1
...
241242243244245
...
308
DMCA.com Protection Status