Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2291 - Kabanata 2300

3080 Kabanata

Kabanata 2291

“Humiling si Bonnie na iligtas ko siya dahil pinilit siya ni Jim na magpakasal sila, sinabi niya pa na magiging huli ang lahat kapag hindi agad ako pumunta. Naglagay pa siya ng mga headline ng dyaryo ng Merchant City para makita ko, mga report na tungkol sa pagpapakasal nila Bonnie at Jim.” Pumikit si Christopher, at ang boses niya ay naging masungit habang nagpatuloy siya, “Sinabi niya rin na papakasalan niya si Jim kung gusto niya, at ang reason na pumipigil sa kanya ay dahil ayaw niya. Ngayon, gusto siyang pagsamantalahan ni Jim habang may sakit siya.” Dumilat si Christopher at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Hindi ko makalma ang sarili ko pagkatapos ko mabasa ang email. Hindi ko ito matanggap. Sa huli, ayaw ni Aunt Rosalyn na bumalik ako dahil ayaw niya na malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal nila Jim at Bonnie. Alam niya na mahal ko rin si Bonnie.” “Kung sinabi niya lang sakin na magpapakasal sina Jim at Bonnie, ibibigay ko pa ang basbas ko sa kanila, pero bakit niya
Magbasa pa

Kabanata 2292

Kumunot ang noo ni Luna sa paliwanag ni Joshua, at matagal bago niya maintindihan kung ano ang pinaplano ni Joshua. “Sinasabi mo ba… na may taong nagpanggap na si Bonnie at nagsend kay Christopher ng isang email para lokohin siya?” Ngumiti si Joshua at hinimas niya ng malambing ang ulo ni Luna. Ang boses niya ay kasing lambing ng hangin habang nagsalita siya, “Ano pa ba sa tingin mo? Naniniwala ka ba talaga na biglang gigising sa gitna ng gabi si Bonnie at magsesend siya ng email kay Christopher?” Pagkatapos pakinggan ang sagot ni Joshua, kinagat ni Luan ang labi niya at napagtanto niya na ang tanong niya… ay walang kwenta sa simula pa lang. “Nakakatawa, ang cute mo talaga.” Nagbuntong hininga si Joshua at niyakap niya ng mahigpit si Luna, sinabi niya, “Matalino at independent ka, inaayos mo ang mga problema ng mag isa. Mabait ka sa akin at wala kang hinihingi ng kapalit. Hindi lang ‘yun, hindi ka pa gumawa ng gulo para sa akin o hinayaan ako na makiramay sa mga problema mo. Hi
Magbasa pa

Kabanata 2293

Tumingin si Luna sa likod ni Joshua at inisip niya ang mga oras na nagtanong siya kay Joshua tungkol sa hacking at kung kaya ni Joshua gawin ito. Nabigla si Luna dahil dito at hindi niya na ulit ito binanggit kay Joshua. Anim na taon na ang nakalipas, nagkita na ulit sila. Gayunpaman, may punto na nabasag ang puso niya nang malaman niya na mahusay si Joshua sa hacking at akala niya na hindi nag abala si Joshua na ipakita ito sa kanya. Kahit na nabanggit niya na naisip niya na astig ang pagiging isang hacker at matutuwa siya kung ang asawa niya ay isang hacker, tumanggi si Joshua na ipakita ito sa kanya. Nasa harap na ni Luna ang katotohanan; inaral ni Joshua ang lahat ng ito dahil kay Luna! Naaalala ni Joshua ang sinabi ni Luna. Hindi lang ‘yun, inaral niya pa ito. Sa mga panahong ito, ito ay isang hindi pagkakaunawaan. Akala ni Luna ay kinamumuhian siya ni Joshua. Habang iniisip ito, naramdaman niya na nilalamon siya ng konsensya. Isa siyang tanga para maniwala sa sinasabi n
Magbasa pa

Kabanata 2294

Hindi nagsisinungaling si Christopher. Nakatanggap siya ng email mula kay Bonnie. Ang taong nagpapanggap na si Bonnie ay nagpaliwanag ng sitwasyon ni Bonnie: tinurukan ng gamot, nasugatan, at pinilit. Gusto niyang tumanggi sa marriage arrangement kay Jim, pero hindi niya alam kung paano tumanggi. Ang tanging pagasa niya ay si Christopher habang humiling siya na pumunta si Christopher sa Merchant City para maligtas siya nito. Ang mga detalye sa email ay tulad ng kondisyon ngayon ni Bonnie, maliban sa parte na nasa coma siya. Hindi lang sa alam ng gumaya kay Bonnie ang kondisyon ni Bonnie, alam pa nila ang relasyon sa pagitan ng pamilya Landry at ni Bonnie. Alam pa ng gumawa nito kung alin sa mga media company ang may alam ng kasal nila Jim at Bonnie! Kahit si Luna ay hindi alam ang mga detalye nito. Paulit ulit na binasa ni Luna ang email para makahanap ng pagkakamali, ngunit wala siyang nakita. Alam ng nagpapanggap ang lahat ng kagawian, mga salita, at tono sa buong email. Madali
Magbasa pa

Kabanata 2295

Tumibok ng mabilis ang puso ni Luna nang mabasa niya ang pinapahiwatig ni Gwen. ‘Si Sean nga ba talaga?’ Sa kasamaang palad, ayaw itong paniwalaan ni Luna. Ilang oras na ang nakalipas, nakatayo si Sean sa pagitan nila Jim at Christopher at pinigilan niya ang pagsaksak ni Christopher na nakakasakit dapat kay Jim. Kung si Sean nga talaga ang may sala, bakit niya kailangan pigilan si Christopher? [Gwen: Baka hindi niya inaasahan na magiging seryoso ito.] [Gwen: Sa tingin ko ay hindi isang masamang tao si Sean. Baka akala niya na kapag sinabi niya ito kay Christopher, mapipigilan niya na magpakasal sina Bonnie at Jim.] [Gwen: Hindi niya inaasahan na mababaliw si Christopher at sinubukan nitong patayin si Jim, sa tingin ko.] [Gwen: Baka pinigilan niya si Christopher dahil nakonsensya at nagsisi siya.] Kinagat niya ang labi niya at hinawakan niya ng mahigpit ang phone niya habang binabasa niya ang mga message. Alam niya na sinusuri lang ni Gwen ang buong pangyayari ng walang katu
Magbasa pa

Kabanata 2296

‘Sa Landry Mansion?’ Biglang bumalik sa sarili si Luna. Tumalon siya mula sa sofa at tumingin siya ng gulat kay Joshua. “Sigurado ka ba?” Ang IP address ba talaga ng email ay mula sa Landry Mansion? “‘Yun ang nakalagay dito.” Uminom ng tsaa si Joshua, at dumilim ang kanyang mga mata. “Maraming beses na pineke ang IP address na ito. Marami akong ginawa para mahanap ito. Ang Landry Mansion ang eksaktong lugar ng tunay na IP address.” Pagkatapos, kumunot ang noo niya at tumingin siya kay Luna. “Sino sa tingin mo ang nag send ng email na ito?” Walang masabi si Luna. Kinagat niya ang labi niya at pumikit siya para mag isip. Simula nang maklaro ang hindi pagkakaunawaan ng pamilya Landry at pamilya Lynch, nakatira na siya sa bahay na ito kasama si Joshua. Sa ibang salita, hindi na siya tumira sa Landry Mansion. Maliban sa butler, mga katulong, at mga bodyguard, sina Jim, Charles, at Rosalyn lang ang nakatira sa mansion. Syempre, hindi naman pwedeng si Jim ang nagsend ng email, at
Magbasa pa

Kabanata 2297

Pagkatapos sabihin ito, nagbuntong hininga si Luna. “Bukod pa dito, ang resulta mula sa IP address ay nagpakita ng email na sinend mula sa Landry Mansion. Nagkataon rin na lumipat si Sean kahapon.” Muling nagbuntong hininga si Luna at tumayo siya para maglakad papunta kay Joshua, tumitig siya sa mga numero sa laptop na hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin. “Kaya ba itong mahanap kung saang kwarto nanggaling ang email?” Kumunot ang noo ni Joshua at mabilis niyang nilabas ang floor plan ng Landry Mansion. “Ito dapat ay mula sa huling kwarto sa ikalawang palapag… Kung saan natutulog dati si Heather?” Nabigla si Luna sa sagot na ito, kaya’t huminga siya ng malalim. Kinagat niya ang labi niya. “Sinabi ni Butler Fred na si Sean ang nakatira sa kwarto kung saan ang dating kwarto ni Heather.” Kumunot ang noo ni Joshua. “Baka may ibang tao na nagsend nito mula sa kwarto niya. Hindi ako naniniwala na siya ‘yun.” Kinurot niya ang noo niya para mabawasan ang sakit ng ulo niya dahil
Magbasa pa

Kabanata 2298

Kumunot ang noo ni Joshua habang tumitig siya sa cute na mukha ni Luna. “Hindi ito dahil magkadugo kami…” “Ano pala?” Ngumisi si Luna. “Gaano katagal na ba kayong magkakilala ni Sean? Pareho lang naman natin, hindi ba? Paano ka nakakasiguro na isa siyang mabuting tao? Ginagawa ko lang ang makakabuti sayo. Ayaw kong makita na malungkot ka kapag tinupad niya ang mga kagustuhan niya, kaya’t gusto kong lumayo ka sa kanya. Hindi lang sa hindi mo pinasasalamatan ang ginagawa ko, sinasabi mo pa sa akin na naniniwala ka sa kanya.” Huminga ng malalim si Luna. Nilabas niya ang phone niya at tumalikod siya. “Sige. Pwede mo siyang paniwalaan. Hindi ko na ulit ito babanggatin!” Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at naglakad siya palayo. Kinurot ni Joshua ang noo niya dahil sa sakit ng ulo habang pinapanood na umalis si Luna.… Ang tanging iniisip ni Luna ay ang sinabi ni Joshua habang umalis siya ng hospital. Habang iniisip niya ito, mas lalo siyang nagalit. Ginawa niya ang lahat ng m
Magbasa pa

Kabanata 2299

‘Alas kwatro ng umaga? Ito ang oras na natanggap ni Christopher ang email! Hiningi niya ang password sa wifi sa sandali na dumating at gumawa siya ng dahilan para magpost sa online… Nagbigay siya ng maraming tanong kay Fred at nanatili pa siyang gising ng hanggang alas kwatro ng umaga…’ Ang bawat impormasyon ay nagsasabi na si Sean nga talaga ang gumaya kay Bonnie at ang nagsend ng email kay Christopher, at nagalit si Luna habang iniisip ito. “Ano pa ang naaalala mo, Butler Fred?” Dahil hindi naniniwala si Joshua na si Sean ay isang tao na gumagawa ng pakana, hindi ito mapapatunayan ni Luna kay Joshua. Pagkatapos, nang makuha nila ang lahat ng impormasyon, gusto niyang humingi ng tawad kay Joshua. “Iisipin ko po…” Tumahimik ng ilang sandali si Fred bago ito dumating sa isip niya. “Tinanong niya po ako kung anong simbahan ang pinili para sa wedding ceremony at kung anong media company ang mga tinawagan. Wala po akong ideya kung ano ang iniisip niya. Kakaiba po talaga.” Nagbunton
Magbasa pa

Kabanata 2300

Biglang sinabi ni Luna kay Gwen ang lokasyon niya nang malaman niya na may bagong impormasyon si Gwen. Makalipas ang ilang sandali, nagkita na ang dalawang babae. May suot na puting dress si Gwen at nakababa ang buhok niya. Maganda siya, parang isang babasagin na manika.Napatingin si Luna sa likod ni Gwen nang mapagtanto niya na mag isa siyang pumunta. “Hinayaan ka ni Luke na umalis ng mag isa?” “Hinanap niya si Joshua.” Nagkibit balikat si Gwen at tumuro siya sa bintana sa ikalawang palapag ng hospital. “Doon.” Tumingin si Luna sa direksyon kung saan nakaturo si Gwen, at nakita niya si Luke, ang suot niya ay itim at nakatayo siya sa tabi ni Joshua. Mukhang may pinag uusapan sialng dalawa. Nakasandal sa railing si Luke gamit ang isang kamay at lumingon siya para tumingin kay Joshua habang may sinasabi. Samantala, nakasandal si Joshua sa mga kamay niya sa railing at tumingin siya kay Luna. Nang makita niya na nakatingin si Luna sa kanya, ngumiti siya at kumaway siya. Samanta
Magbasa pa
PREV
1
...
228229230231232
...
308
DMCA.com Protection Status