‘Alas kwatro ng umaga? Ito ang oras na natanggap ni Christopher ang email! Hiningi niya ang password sa wifi sa sandali na dumating at gumawa siya ng dahilan para magpost sa online… Nagbigay siya ng maraming tanong kay Fred at nanatili pa siyang gising ng hanggang alas kwatro ng umaga…’ Ang bawat impormasyon ay nagsasabi na si Sean nga talaga ang gumaya kay Bonnie at ang nagsend ng email kay Christopher, at nagalit si Luna habang iniisip ito. “Ano pa ang naaalala mo, Butler Fred?” Dahil hindi naniniwala si Joshua na si Sean ay isang tao na gumagawa ng pakana, hindi ito mapapatunayan ni Luna kay Joshua. Pagkatapos, nang makuha nila ang lahat ng impormasyon, gusto niyang humingi ng tawad kay Joshua. “Iisipin ko po…” Tumahimik ng ilang sandali si Fred bago ito dumating sa isip niya. “Tinanong niya po ako kung anong simbahan ang pinili para sa wedding ceremony at kung anong media company ang mga tinawagan. Wala po akong ideya kung ano ang iniisip niya. Kakaiba po talaga.” Nagbunton
Biglang sinabi ni Luna kay Gwen ang lokasyon niya nang malaman niya na may bagong impormasyon si Gwen. Makalipas ang ilang sandali, nagkita na ang dalawang babae. May suot na puting dress si Gwen at nakababa ang buhok niya. Maganda siya, parang isang babasagin na manika.Napatingin si Luna sa likod ni Gwen nang mapagtanto niya na mag isa siyang pumunta. “Hinayaan ka ni Luke na umalis ng mag isa?” “Hinanap niya si Joshua.” Nagkibit balikat si Gwen at tumuro siya sa bintana sa ikalawang palapag ng hospital. “Doon.” Tumingin si Luna sa direksyon kung saan nakaturo si Gwen, at nakita niya si Luke, ang suot niya ay itim at nakatayo siya sa tabi ni Joshua. Mukhang may pinag uusapan sialng dalawa. Nakasandal sa railing si Luke gamit ang isang kamay at lumingon siya para tumingin kay Joshua habang may sinasabi. Samantala, nakasandal si Joshua sa mga kamay niya sa railing at tumingin siya kay Luna. Nang makita niya na nakatingin si Luna sa kanya, ngumiti siya at kumaway siya. Samanta
“Di nagtagal, nalaman namin na nagsisinungaling si Nikki sa amin noon pa man at napagkamalan lang si Terry.”"Dahil dito, Nakonsensya si Luke na kumilos siya nang dahil sa simbuyo sa halip na intindihin muna ang totoong nangyari, kaya ipinadala niya ang ilan sa kanyang mga tauhan sa bahay ni Terry kasama ang isang doktor, umaasa na maililigtas nila ang sitwasyon bago mahuli ang lahat.”"Gayunpaman, pagdating nila doon, nasalubong nila si Sean, na pinalayas sa bahay ni Terry. May dala pa itong regalo, na para bang nandoon siya para humingi ng tawad."Kinagat ni Luna ang kanyang mga labi at nagdududang sumulyap kay Gwen. "Well... Anong oras binisita ng mga tauhan ni Luke si Terry?"Nagkibit balikat si Gwen. "Hindi mo ba alam ang sagot? Laging gabi ang trabaho ng mga gangster, kaya sigurado akong mga hatinggabi na.”"Nakilala ng isa sa mga tauhan ni Luke si Sean at nahulaan niyang naroon siya para humingi ng tawad, kaya kinaladkad nila siya papasok sa bahay kasama nila.”"Una, humin
Sa orthopedics department ng isang ospital sa Merchant City."Mr. Landry, ayon sa x-ray, ang laserasyon sa kamay ng kapatid mo ay napakalalim at tumagos hanggang buto. Kung titingnan mo dito, makikita mo ang isang tulis-tulis na gilid ng sugat…”"Ang maimumungkahi ko ay hayaan siyang maoperahan kaagad, at sana ay gumaling siya kaagad."…Isang kirot ang bumalot sa puso ni Jim habang nakikinig sa paliwanag ng doktor, hawak ang x-ray film ng mga kamay ni Sean. "Maibabalik ba niya ang paggana ng kanyang mga kamay pagkatapos ng operasyon? Well, ibig kong sabihin…..."Natahimik siya saglit bago natapos ang sasabihin. "Magagamit ba niya muli ang kanyang mga kamay sa trabaho?"Tumigil sandali ang doktor, pagkatapos ay nagtanong dahil sa pag-usisa, "Mr. Landry, maaari ko bang malaman kung ano ang trabaho ng iyong kapatid?"Kumunot ang noo ni Jim, sinulyapan ang x-ray sa kanyang kamay. "Siya ay isang driver at mekaniko ng kotse."Isang kislap ng pagkagulat ang sumilay sa mga mata ng dok
"Si Christopher ay isang namumukod-tanging alchemist at nakagawa na siya ng mga panlunas sa lahat ng mga lason na ginawa ng Nanay. Silang dalawa ay palaging nagtutulungan sa ganitong paraan; ang isa sa lason at ang isa sa palunas."Pumikit si Jim at nagpakawala ng mapait na tawa. "Napaka-focus ko sa pagpapapunta kay Christopher para tulungan ako kaya nakalimutan ko na nabigo akong protektahan ang dalawa sa pinakamahalagang babae sa buhay niya. Marahil ito ang paraan ng Diyos para parusahan ako...at karapat-dapat sa akin ito.”"Hindi ako kailanman nangahas na harapin ang aking nararamdaman para kay Bonnie noong siya ay maayos, at kinailangan niya na maaksidente upang mapagtanto ko ang aking tunay na nararamdaman.”"Hindi ko lang maintindihan. Kung gusto ako ng Diyos na parusahan, bakit niya ginawa ang paghihirap na ito kay Bonnie at hindi sa akin..."Nakasandal sa headboard at pinagmamasdan ang pagsisisi sa mukha ni Jim, hindi mapigilan ni Sean na makaramdam ng pait sa sarili.Bigl
Hindi nakita ni Jim ang mapanlinlang na tingin sa mga mata ni Luna.Sa halip, napakunot ang noo niya at nagtataka siyang tumitig kay Luna, bigla niyang napagtantong hindi niya ito maintindihan.Kahit na nawala ang mga alaala niya sa kanilang magkakapatid sa nakalipas na taon, ni minsan ay hindi niya naisip ang babaeng ito bilang isang malupit at hindi mabait na tao.Gayunpaman, ang bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig ay walang iba kundi mga maling akusasyon sa integridad ni Sean.Nasugatan si Sean!Ayon sa doktor, baka maputulan siya ng mga kamay kung hindi kaagad magsasagawa ng emergency surgery sa kanya.Hindi makapaniwala si Jim na sasabihin ni Luna ang mga bagay na tulad nito tungkol sa isang nasugatang pasyente! Nasaan ang kanyang konsensya?Nang makitang hindi nagre-react si Jim sa kanyang mga sinabi, kinagat ni Luna ang kanyang labi at sinulyapan ang fire escape door sa gilid ng kanyang mata.Hindi gumagalaw kahit isang pulgada ang nakatayo doon.Tila kailangan ni
Napatulala si Luna sa determinadong pagmumukha ni Jim. "Jim."Ngumuso siya at taimtim na sinabi, "Isinasaad mo na hindi ka maniniwala sa anumang sasabihin ko nang walang ebidensya, ngunit ginawa mo rin ba ito noong kinukuwestiyon mo si Bonnie noong nakaraan?"Curious siyang malaman ang sagot.Nagdilim ang ekspresyon ni Jim sa narinig.Sumilay ang galit sa kanyang mga mata habang nakatitig kay Luna. "Bakit mo ba bigla-bigla na lang binabanggit si Bonnie? Sinusubukan mo lang ba akong i-distract sa katotohanan na wala kang ebidensya laban kay Sean? Hindi ko akalain na luluhod ka ng ganoon kababa, Luna!" Nakatutok ang kanyang bakal na tingin sa mukha ni Luna habang mas lalong nagagalit. "Walang paraan upang ipaliwanag ang lahat sa pagitan namin ni Bonnie sa isang tagalabas! At saka, kung masyado kang nagmamalasakit kay Bonnie, hindi mo na dapat pagdudahan si Sean; siya ang nagligtas sa buhay niya noon!”"Sinasabi mo na minamanipula tayo ni Sean, ngunit hayaan mong itanong ko ito sa
"Tama ka; si Mickey nga iyon." Sumulyap muna si Joshua kay Jim, pagkatapos ay sa telepono.May isang mensahe mula kay Lucas, na natanggap isang segundo ang nakalipas.[Sinuyod na namin ang buong palapag, at nakalabas na si Mickey sa ospital. Sinusundan pa rin namin siya.]Naningkit ang mga mata ni Joshua nang makita ito, saka inangat ang ulo para titigan ang naguguluhang mukha ni Jim. "Sinusubukan nina Mickey at Butler Fred na gumawa ng bitak sa pagitan ninyong dalawa.”"Para maging eksakto, sinusubukan nilang pag-awayin si Luna, si Sean, at ikaw."Napaawang ang bibig ni Jim sa gulat, ngunit ni isang salita ay walang lumabas.Napatulala siyang nakatitig kay Joshua at Luna, ngunit mas lalong lumalim ang pagkalito sa mga mata nito. "Anong ibig mong sabihin?"Bakit nakikinig si Mickey sa kanilang pagtatalo?Bakit sasabihin ni Joshua na sina Mickey at Butler Fred ay nagsusumikap na gumawa ng bitak sa pagitan nilang tatlo?"Hayaan mo akong magpaliwanag." Nang makita kung gaano nagu
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si ‘Andie Larson’.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, “Salamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.”Tumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, “Oo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?”Kahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. “Sinabi ba talaga ‘yun ni Miss Moore?”Tumango si Robyn. “Nakasalubong ko rin sa elevator ‘yung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!”Huminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, “Talaga? Nagkataon nga naman.”“Tama ka! Maliit ang mundo natin!” Tumango si Robyn. “Hindi lang ‘yun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ay…”Napatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. “Sinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?”Tahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. “Oo.”Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. “Dati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.”“Simula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.”Lumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. “Sinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?”Hindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. “O… Oo.”Bakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, “Miss, kilala… mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?”Sasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. “Syempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.”Pagkatapos, tumingin siya kay Luna. “Hindi ba, Luna?”Napahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. “Oo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.”Pagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. “Kamusta na ang
“Um…”Ngunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. “Hindi ba’t sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.”“Nakidnap silang pareho, at ang lalaki na ‘yun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking ‘yun, patay na dapat siya ngayon.”“Si Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.”Pagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, “Gusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.”Napahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. “Ang ‘kamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?”Alam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
“Hindi ko kailangan ng special treatment.” Ngumiti si John kay Tara. “Ang gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.”Kumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong ‘pinsan’ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?“Hello, Luna.” Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. “Ano ang ginagawa mo dito?”Nandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isa’t isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. “Miss Moore!”Tumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. “Ayos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa oras… Ayos lang ba siya ngayon?”Kahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kaya’t sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, “Nice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.”Pagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. “Nabalitaan ko na may sakit ka?”Tumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. “Opo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. “Sinabi mo ba ito sa lahat? Hindi ba’t sinabi ko sayo na ‘wag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?”Tumawa si John. “Malalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.”Medyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
“Ayos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.” Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking ‘yun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. “Pero John… makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?”Namutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, “Syempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. ‘Wag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.”Pagkatapos, tumingin siya