Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2271 - Kabanata 2280

3080 Kabanata

Kabanata 2271

Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ang mga sinabi ni Rosalyn, pagkatapos ay sinabi niya, “‘Wag na kayong magpadala ng mga tao para pigilan si Christopher. Ako na ang bahala dito.” “Para naman kila June at Harvey, kailangan niyo kami tulungan na alagaan at pagaanin ang loob nila. Papunta kami ni Luna sa simbahan ngayon. ‘Wag kang mag alala; kami na ang bahala dito.” Pagkatapos, ibinaba niya ang kanyang phone. “Nahanap ko na po ang taxi na sinakyan ni Uncle Christopher,” Ang kalmadong sinabi ni Nigel sa sandali na ibinaba ni Joshua ang kanyang phone. “Dalawang kanto lang po ang layo ng kotse sa simbahan, at base sa layo nila, baka makarating po siya sa loob ng sampung minuto.” “Nakausap ko na po ang simbahan, at ayon sa kanila, ang lahat ng wedding quests nila ay nakaupo na. Nakuha na po ni Tito Jim ang marriage certificate at naghahanda na po siya sa seremonya sa backstage.” Habang nanonood ng live stream ng kasal, biglang sumingit si Neil, “Sa oras na makarating
Magbasa pa

Kabanata 2272

Kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ang boses ni Luna, ngunit hindi siya tumalikod. “Masyadong mapanganib, Luna. Dapat kang manatili sa bahay kasama ang mga bata at maghintay kayo sa balita ko.” Pagkatapos, naglakad siya palabas ng pinto. Agad na hinawakan ni Luna ang braso ni Joshua, kumunot ang noo niya sa pagprotesta. “Ang lahat ng may kinalaman kay Christopher ay may kinalaman sa pamilya Landry, at parte rin ako ng pamilya Landry.” Tumitig siya kay Joshua ng may tapat ngunit seryosong tingin. “Gusto kong sumama sayo.” Kumunot ng malalim ang noo ni Joshua nang makita niya na mahigpit ang hawak ni Luna sa braso niya. “Luna, alam mo ba kung ano ang haharapin natin ngayong araw? Tinutukoy natin ang isang lalaking malapit nang mabaliw, at may patalim siyang dala!” “Hindi natin pwedeng saktan si Christopher dahil sa relasyon niya sa pamilya Landry, at ang tanging magagawa natin ay ang kumbinsihin siya na ibaba ang kutsilyo.” “Alam mo ba kung gaano kahirap ito? May ide
Magbasa pa

Kabanata 2273

“Miyerkules ngayon! HIndi naman Lunes, kung saan papunta sa trabaho ang lahat, o kaya ay Sabado, kung saan labas pasok ang mga tao sa kalsada, kaya’t bakit may traffic?” Habang sinasabi ito, tumingin siya mula sa rearview mirror para tingnan ang lalaking mukhang agresibo na nakaupo sa backseat.”Sir, pasensya na po. Alam kong nagmamadali ka, at nagshortcut na ako para makarating agad, pero tingnan mo ang traffic sa labas. Hindi naman sa ayaw kitang tulungan…” Ngumisi si Christopher habang nakatitig siya sa labas ng bintana sa mabigat na traffic. “Magpapakasal na sila; syempre magkakaroon ng mabigat na traffic.” Pagkatapos, binigay niya ang pera sa taxi driver at sinabi niya, “Ayos lang. Bababa na ako dito at maglalakad na lang ako.” Pagkatapos, binuksan niya ang pinto at lumabas siya ng kotse, dala niya ang backpack niya. Kinurot ng driver ang noo niya sa inis habang pinapanood na umalis ang lalaki. ‘Ang bait niya naman,’ Hindi niya mapigilan na isipin sa sarili niya. ‘Hindi
Magbasa pa

Kabanata 2274

May suot na puting shirt si Christopher at puno ito ng dugo, nakatayo siya sa entrance ng simbahan, hawak niya ang isang green canvas backpack. Sa kalagitnaan ng pagsigaw ng mga bisita ng kasal, binuksan niya ang backpack, at nilabas niya ang isang kutsilyo na halos kalahating metro ang haba. Puno ng dugo ang patalim, at mabagal itong nilabas ni Christopher mula sa bag, tumulo ang mga dugo papunta sa sahig. Nagsigawan sa takot ang mga bisita ng kasal, at makalipas ang ilang sandali, nagkagulo ang buong hall habang nag takbuhan ang lahat, sinusubukan nilang tumakas. Sa entablado, kumunot ang noo ni Jim habang nakatitig siya ng malamig kay Christopher. “Ano ang nangyari sayo?” Dahil kilala niya ng maraming taon si Christopher, alam niya na may mali. Ang pag uugali ni Christopher, pati na rin ang nababaliw na tingin sa kanyang mga mata, ay nagmungkahi na may kakaibang nangyari. “Ano ang nangyari sa akin?” Mabagal na lumapit si Christopher sa entablado, hawak niya ang kutsily
Magbasa pa

Kabanata 2275

Basta’t mamatay si Jim, ang puso ni Bonnie ay mamamatay kasama ni Jim, at matatanggap na ni Bonnie ang pagmamahal ni Christopher. Basta’t mamatay si Jim, mawawalan ng tatay si Harvey, at makukuha na ni Christopher si Harvey at si Bonnie. Sa ganun, hindi na tatanggi na umalis si June dahil kay Harvey! Kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang patayin si Jim. Ang pagpatay kay Jim ay ang solusyon sa lahat! Tumingin si Christopher sa mukha ni Jim at ngumisi siya. “Jim, alam mo kung paano ka makaka bayad sa mga kasalanan mo? Bakit kaya hindi kita tulungan?” “Ang pagpapakasal mo kay Bonnie ay hindi makakatulong sa konsensya mo sa kanya. Ang tanging paraan para makapagbayad ka ay kapag namatay ka, mas magiging mabuti ang buhay ng lahat kapag nangyari ‘yun!” Agad na napaatras si Jim nang marinig niya ito. Sa ikinagulat niya, ang unang ginawa niya nang makita niya nang tumakbo si Christopher palapit habang hawak ang kutsilyo ay hindi ang tumakbo o magtago. Tama… si Christophe
Magbasa pa

Kabanata 2276

Ang taong tumalon sa harap ni JIm at ang pumigil sa atake ni Christopher ay walang iba kundi si Sean, na masama ang loob noong nakaraan dahil gustong pakasalan ni Jim si Bonnie. Hawak niya ang patalim ni Christopher gamit ang kamay niya, gayunpaman, sa sobrang lakas niya ay kahit anong subok ni Christopher, hindi niya makuha ang patalim niya. Sa huli, walang magawa si Christopher kundi ang sumuko. Binitawan niya ang kutsilyo at sa halip ay humawak siya sa leeg ni Jim, tinulak niya ito sa sa poste. “Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid? Hindi ako makapaniwala na maraming tao ang ayaw kang makita na mamatay, tarantado ka, pero wala akong pakialam; papatayin kita ngayon dito!” “Papatayin kita, para kay Bonnie, at para kay June!” Ang likod ni Jim ay nakatulak sa pader, at habang pinapanood niyang lumapit ng mabilis sina Luna at Joshua, habang hawak ni Sean ang kutsilyo gamit ang madugo niyang mga kamay… Hindi niya mapigilang isipin na may malaking bilang ng mga tao na nagpapahalag
Magbasa pa

Kabanata 2277

Lumuhod si Jim na para bang gusto niyang buhatin si Sean, ngunit tumingin ng masama sa kanya si Sean. “Lumayo ka sa akin! Kaya kong maglakad ng mag isa!” Pagkatapos ay tinulak niya si Jim gamit ang siko niya at sinubukan niyang tumayo ng mag isa. Gayunpaman, dahil may sugat ang mga palad niya, hindi niya pwedeng lagyan ng bigat ito, at hindi niya magamit ang mga kamay niya para tumayo mula sa sahig. Kahit matapos ang ilang subok, hindi niya magawa na tumayo. Nagbuntong hininga si Jim, hindi niya pinansin ang mga protesta ni Sean, at tumayo siya gamit ang mga kamay niya. “‘Wag mo nang patunayan ang sarili mo! Hindi mo na dapat ako niligtas kanina, kung alam mo na masasaktan ka ng ganito!” Pagkatapos, tumingin siya kila Luna at Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakaupo ng tahimik sa wheelchair. Nagbuntong hininga siya. “Pakiusap, tulungan niyo akong alagaan siya; kailangan kong dalhin si Sean si hospital.” Hindi mapigilan ni Luna na maaliw nang makita
Magbasa pa

Kabanata 2278

Humigpit ang hawak ni Luna sa phone niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Rachel, pagkatapos ay tinanong niya ng may nanginginig na boses, “Dr. Liddell, sigurado… ka ba?” Kahit na nanay niya si Rosalyn, hindi mapigilan na hilingin ni Luna, na kahit ngayon lang, mali si Rosalyn. Kung mali si Rosalyn, ibig sabihin ay tama si Rachel, at hindi mamamatay si Bonnie. Walang mas mahalaga kaysa sa kalusugan ni Bonnie! “Sigurado ako,” Ang kamapante na sagot ni Rachel. “Luna, nagaaral na ako ng medisina simula pa noong labing limang taong gulang palang ako, at pagkatapos ng sampung taon ng karanasan sa larangan ng medisina, sigurado ako na magiging ayos lang si Bonnie!” “Hindi siya mamamatay, lalo na sa loob ng pitong araw. Hindi lang ‘yun, natuklasan ko pa ang espesyal na gamot sa blood report ni Bonnie.” Huminga ng malalim si Rachel at sinabi niya, “Ang gamot na ito ay may kakayahan na pagandahin ang kondisyon ng katawan sa loob ng madaling panahon, pero may masamang side effect
Magbasa pa

Kabanata 2279

Hindi kaya? Sa simula pa lang, alam na kaya ni Rosalyn na magiging ayos lang si Bonnie at nagsinungaling siya kay Jim para mapagtanto ni Jim ang tunay na nararamdaman niya para kay Bonnie? Tutal… base sa pagiging dalubhasa ni Rosalyn, malabo na magkakaroon siya ng pagkakamali tulad ng isang baguhan. Kahit na hindi isang tunay na doctor si Rosalyn, may higit sa 20 taon na karanasan siya sa paggawa ng mga gamot, kaya’t maaaring may hindi nakitang isang halatang senyales si Rosalyn nang makita ito ni Rachel. Habang iniisip ito, mabilis na nilabas ni Luna ang phone niya. Ngunit, bago niya pa ito gawin, tinawagan siya ni Rosalyn.Hindi inaasahan ni Luna na tatawag sa kanya si Rosalyn ngayon, kaya’t napahinto siya ng ilang sandali bago niya ito sinagot. “Hello po, nanay.” “Lulu, ayos lang… ba ang lahat?” Ang boses ni Rosalyn ay medyo namamaos mula sa kabilang linya. “Kasalanan ko ang lahat…” “Sina Jim, Bonnie… at Christopher… Ayos lang ba sila? Gusto kong pumunta ng simbahan, pe
Magbasa pa

Kabanata 2280

Tumigas ang buong katawan ni Luna habang hinila siya ni Joshua. Gayunpaman, makalipas ang ilang sandali, may napagtanto siya at tumitig siya kay Joshua gamit ang malaking mga mata. “Kaya… nahulaan mo na ito noong unang beses mong marinig ang sinabi ni Rachel tungkol sa lab results?” Tumango si Joshua. “Hindi ito dahil nagdududa ako sa pagiging dalubhasa niya; gusto ko lang na bigyan niya ako ng kumpletong sagot kung nilason si Bonnie o hindi.” “Kung sigurado siya na hindi nilason si Bonnie, malalaman ko kung nagsisinungaling ang biyenan ko kay Jim para mapagtanto ni Jim ang tunay na nararamdaman niya para kay Bonnie. Pero…” Nagbuntong hininga siya at tumingin siya sa paligid niya. “Hindi ko inaasahan na tatawagin ni Jim si Christopher papunta sa Merchant City dahil kay Bonnie.” Tutal, nakapag desisyon na si Christopher na manatili sa Lincoln City para gumawa ng antidote para bumalik ang mga alaala ni Jim, ngunit tinawag ni Jim si Christopher papunta sa Merchant City ng hindi
Magbasa pa
PREV
1
...
226227228229230
...
308
DMCA.com Protection Status