Basta’t mamatay si Jim, ang puso ni Bonnie ay mamamatay kasama ni Jim, at matatanggap na ni Bonnie ang pagmamahal ni Christopher. Basta’t mamatay si Jim, mawawalan ng tatay si Harvey, at makukuha na ni Christopher si Harvey at si Bonnie. Sa ganun, hindi na tatanggi na umalis si June dahil kay Harvey! Kailangan niya itong gawin. Kailangan niyang patayin si Jim. Ang pagpatay kay Jim ay ang solusyon sa lahat! Tumingin si Christopher sa mukha ni Jim at ngumisi siya. “Jim, alam mo kung paano ka makaka bayad sa mga kasalanan mo? Bakit kaya hindi kita tulungan?” “Ang pagpapakasal mo kay Bonnie ay hindi makakatulong sa konsensya mo sa kanya. Ang tanging paraan para makapagbayad ka ay kapag namatay ka, mas magiging mabuti ang buhay ng lahat kapag nangyari ‘yun!” Agad na napaatras si Jim nang marinig niya ito. Sa ikinagulat niya, ang unang ginawa niya nang makita niya nang tumakbo si Christopher palapit habang hawak ang kutsilyo ay hindi ang tumakbo o magtago. Tama… si Christophe
Ang taong tumalon sa harap ni JIm at ang pumigil sa atake ni Christopher ay walang iba kundi si Sean, na masama ang loob noong nakaraan dahil gustong pakasalan ni Jim si Bonnie. Hawak niya ang patalim ni Christopher gamit ang kamay niya, gayunpaman, sa sobrang lakas niya ay kahit anong subok ni Christopher, hindi niya makuha ang patalim niya. Sa huli, walang magawa si Christopher kundi ang sumuko. Binitawan niya ang kutsilyo at sa halip ay humawak siya sa leeg ni Jim, tinulak niya ito sa sa poste. “Kailan ka pa nagkaroon ng kapatid? Hindi ako makapaniwala na maraming tao ang ayaw kang makita na mamatay, tarantado ka, pero wala akong pakialam; papatayin kita ngayon dito!” “Papatayin kita, para kay Bonnie, at para kay June!” Ang likod ni Jim ay nakatulak sa pader, at habang pinapanood niyang lumapit ng mabilis sina Luna at Joshua, habang hawak ni Sean ang kutsilyo gamit ang madugo niyang mga kamay… Hindi niya mapigilang isipin na may malaking bilang ng mga tao na nagpapahalag
Lumuhod si Jim na para bang gusto niyang buhatin si Sean, ngunit tumingin ng masama sa kanya si Sean. “Lumayo ka sa akin! Kaya kong maglakad ng mag isa!” Pagkatapos ay tinulak niya si Jim gamit ang siko niya at sinubukan niyang tumayo ng mag isa. Gayunpaman, dahil may sugat ang mga palad niya, hindi niya pwedeng lagyan ng bigat ito, at hindi niya magamit ang mga kamay niya para tumayo mula sa sahig. Kahit matapos ang ilang subok, hindi niya magawa na tumayo. Nagbuntong hininga si Jim, hindi niya pinansin ang mga protesta ni Sean, at tumayo siya gamit ang mga kamay niya. “‘Wag mo nang patunayan ang sarili mo! Hindi mo na dapat ako niligtas kanina, kung alam mo na masasaktan ka ng ganito!” Pagkatapos, tumingin siya kila Luna at Joshua, pagkatapos ay tumingin siya kay Bonnie, na siyang nakaupo ng tahimik sa wheelchair. Nagbuntong hininga siya. “Pakiusap, tulungan niyo akong alagaan siya; kailangan kong dalhin si Sean si hospital.” Hindi mapigilan ni Luna na maaliw nang makita
Humigpit ang hawak ni Luna sa phone niya nang marinig niya ang mga sinabi ni Rachel, pagkatapos ay tinanong niya ng may nanginginig na boses, “Dr. Liddell, sigurado… ka ba?” Kahit na nanay niya si Rosalyn, hindi mapigilan na hilingin ni Luna, na kahit ngayon lang, mali si Rosalyn. Kung mali si Rosalyn, ibig sabihin ay tama si Rachel, at hindi mamamatay si Bonnie. Walang mas mahalaga kaysa sa kalusugan ni Bonnie! “Sigurado ako,” Ang kamapante na sagot ni Rachel. “Luna, nagaaral na ako ng medisina simula pa noong labing limang taong gulang palang ako, at pagkatapos ng sampung taon ng karanasan sa larangan ng medisina, sigurado ako na magiging ayos lang si Bonnie!” “Hindi siya mamamatay, lalo na sa loob ng pitong araw. Hindi lang ‘yun, natuklasan ko pa ang espesyal na gamot sa blood report ni Bonnie.” Huminga ng malalim si Rachel at sinabi niya, “Ang gamot na ito ay may kakayahan na pagandahin ang kondisyon ng katawan sa loob ng madaling panahon, pero may masamang side effect
Hindi kaya? Sa simula pa lang, alam na kaya ni Rosalyn na magiging ayos lang si Bonnie at nagsinungaling siya kay Jim para mapagtanto ni Jim ang tunay na nararamdaman niya para kay Bonnie? Tutal… base sa pagiging dalubhasa ni Rosalyn, malabo na magkakaroon siya ng pagkakamali tulad ng isang baguhan. Kahit na hindi isang tunay na doctor si Rosalyn, may higit sa 20 taon na karanasan siya sa paggawa ng mga gamot, kaya’t maaaring may hindi nakitang isang halatang senyales si Rosalyn nang makita ito ni Rachel. Habang iniisip ito, mabilis na nilabas ni Luna ang phone niya. Ngunit, bago niya pa ito gawin, tinawagan siya ni Rosalyn.Hindi inaasahan ni Luna na tatawag sa kanya si Rosalyn ngayon, kaya’t napahinto siya ng ilang sandali bago niya ito sinagot. “Hello po, nanay.” “Lulu, ayos lang… ba ang lahat?” Ang boses ni Rosalyn ay medyo namamaos mula sa kabilang linya. “Kasalanan ko ang lahat…” “Sina Jim, Bonnie… at Christopher… Ayos lang ba sila? Gusto kong pumunta ng simbahan, pe
Tumigas ang buong katawan ni Luna habang hinila siya ni Joshua. Gayunpaman, makalipas ang ilang sandali, may napagtanto siya at tumitig siya kay Joshua gamit ang malaking mga mata. “Kaya… nahulaan mo na ito noong unang beses mong marinig ang sinabi ni Rachel tungkol sa lab results?” Tumango si Joshua. “Hindi ito dahil nagdududa ako sa pagiging dalubhasa niya; gusto ko lang na bigyan niya ako ng kumpletong sagot kung nilason si Bonnie o hindi.” “Kung sigurado siya na hindi nilason si Bonnie, malalaman ko kung nagsisinungaling ang biyenan ko kay Jim para mapagtanto ni Jim ang tunay na nararamdaman niya para kay Bonnie. Pero…” Nagbuntong hininga siya at tumingin siya sa paligid niya. “Hindi ko inaasahan na tatawagin ni Jim si Christopher papunta sa Merchant City dahil kay Bonnie.” Tutal, nakapag desisyon na si Christopher na manatili sa Lincoln City para gumawa ng antidote para bumalik ang mga alaala ni Jim, ngunit tinawag ni Jim si Christopher papunta sa Merchant City ng hindi
“Naniniwala ako sayo.” “Luna, Joshua!” Habang nag uusap silang dalawa, lumingon si Charles para ibigay kay Rosalyn ang mansanas na binalatan niya, at nakita niya sila Luna at Joshua. Ngumiti siya at sinabi niya, “Kailan pa kayo dumating? Bakit hindi kayo pumasok para batiin kami? Bakit nagtatago kayo sa sulok na parang mga batang magkasintahan?” Lumingon din si Rosalyn sa direksyon ni Luna nang marinig niya ito. Ngumiti siya nang makita niya na magkayakap ang anak at manugang niya. “Sige na, alam namin na sweet kayo sa isa’t isa, kaya sumama na kayo sa amin!” Namula ang mukha ni Luna at inalis niya ang mga kamay ni Joshua sa baywang niya at pumunta siya sa direksyon nila Rosalyn at Charles. Gayunpaman, lumalakad pa lang siya ng ilang hakbang nang humawak si Joshua sa kamay niya. Mabilis na inunahan ni Joshua si Luna at hinila niya ito sa likod niya habang papunta sa backyard. “Nakita po kayo ni Luna na masayang magkasama, kaya’t ayaw niya po kayong abalahin. Ano pa po ba ang
Tumahimik ang lahat nang marinig ito. Tumitig sina Luna, Joshua, at Charles kay Rosalyn. Sa huli, si Joshua ang unang bumalik sa sarili. “Paano… nakuha ni Nikki ang gamot na ginawa niyo?” Kung iisipin ng lohikal, hindi alam nila Rosalyn at Charles na buhay si Lucy dati, kaya bakit nila malalaman kung sino si Nikki, at paano pa kaya ang hayaan na makuha ni Nikki ang gamot na ginawa ni Rosalyn? Paano nakuha ni Nikki ang gamot na ito? “May kaibigan ako dati…” Nagbuntong hininga si Rosalyn bago siya nagpaliwanag, “Matagal na itong nangyari, pero isang araw, ang isa sa mga kaibigan kong doctor ay kinausap ako at sinabi sa akin na may pasyente siya na sa sobrang lungkot sa pagkamatay ng asawa nito na nakunan ang pasyente niya.” “Kahit na ang pasyente niya ay may inampon na anak pagkatapos nito, nadepress pa rin ang pasyente niya at gusto nito na magpakamatay.” “Bukod pa dito, may punto na lumala ang kalusugan ng pasyente, kaya mas naging determinado siya na magpakamatay dahil s