Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 2281 - Kabanata 2290

3080 Kabanata

Kabanata 2281

“Naniniwala ako sayo.” “Luna, Joshua!” Habang nag uusap silang dalawa, lumingon si Charles para ibigay kay Rosalyn ang mansanas na binalatan niya, at nakita niya sila Luna at Joshua. Ngumiti siya at sinabi niya, “Kailan pa kayo dumating? Bakit hindi kayo pumasok para batiin kami? Bakit nagtatago kayo sa sulok na parang mga batang magkasintahan?” Lumingon din si Rosalyn sa direksyon ni Luna nang marinig niya ito. Ngumiti siya nang makita niya na magkayakap ang anak at manugang niya. “Sige na, alam namin na sweet kayo sa isa’t isa, kaya sumama na kayo sa amin!” Namula ang mukha ni Luna at inalis niya ang mga kamay ni Joshua sa baywang niya at pumunta siya sa direksyon nila Rosalyn at Charles. Gayunpaman, lumalakad pa lang siya ng ilang hakbang nang humawak si Joshua sa kamay niya. Mabilis na inunahan ni Joshua si Luna at hinila niya ito sa likod niya habang papunta sa backyard. “Nakita po kayo ni Luna na masayang magkasama, kaya’t ayaw niya po kayong abalahin. Ano pa po ba ang
Magbasa pa

Kabanata 2282

Tumahimik ang lahat nang marinig ito. Tumitig sina Luna, Joshua, at Charles kay Rosalyn. Sa huli, si Joshua ang unang bumalik sa sarili. “Paano… nakuha ni Nikki ang gamot na ginawa niyo?” Kung iisipin ng lohikal, hindi alam nila Rosalyn at Charles na buhay si Lucy dati, kaya bakit nila malalaman kung sino si Nikki, at paano pa kaya ang hayaan na makuha ni Nikki ang gamot na ginawa ni Rosalyn? Paano nakuha ni Nikki ang gamot na ito? “May kaibigan ako dati…” Nagbuntong hininga si Rosalyn bago siya nagpaliwanag, “Matagal na itong nangyari, pero isang araw, ang isa sa mga kaibigan kong doctor ay kinausap ako at sinabi sa akin na may pasyente siya na sa sobrang lungkot sa pagkamatay ng asawa nito na nakunan ang pasyente niya.” “Kahit na ang pasyente niya ay may inampon na anak pagkatapos nito, nadepress pa rin ang pasyente niya at gusto nito na magpakamatay.” “Bukod pa dito, may punto na lumala ang kalusugan ng pasyente, kaya mas naging determinado siya na magpakamatay dahil s
Magbasa pa

Kabanata 2283

Madalas itong nangyayari dati at pati ngayon. Dati, sa sobrang lungkot ni Charles dahil sa ‘pagkamatay’ ni Lucy ay hindi niya na inasikaso ang Landry Group noong nasa kamay niya ang kapalaran nito. Si Rosalyn ang sumuporta sa bigat ng family business sa balikat niya, at habang ginagawa niya ito, napilitan siya na harapin ang galit ni Granny Lynch at ginamit niya pa ang karamihan ng oras niya para makontrol ang mood ni Charles. Habang nasa isang psychotic state si Charles, hindi niya naiintindihan si Rosalyn at sa halip ay naisip niya na isang tanga si Rosalyn na pinapakialaman ang problema ng ibang tao. Gayunpaman, sa oras na kumalma na siya, hindi niya mapigilan ang sarili niya na makonsensya sa kung paano niya trinato si Rosalyn. Kung hindi para kay Rosalyn… hindi mapupunta si Charles at ang pamilya Landry sa kinatatayuan nila ngayon. Malaki ang utang niya kay Rosalyn. Kaya naman, hindi niya matiis na makita na sinisisi ni Rosalyn ang sarili nito sa mga pagkakamali ng
Magbasa pa

Kabanata 2284

Muling nagbuntong hininga si Rosalyn. Kung hindi niya pinili na magsinungaling kay Jim na pitong araw na lang ang natitira para kay Bonnie, hindi sana tatawagin ni Jim si Christopher pabalik sa Merchant City dahil sa pagiging desperado. Kung hindi bumalik si Christopher, hindi sana siya mababaliw, at hindi sana masasaktan si Sean. Kasalanan niya ang lahat ng ito. Masyado siyang kampante, at iniisip niya na makokontrol niya ang lahat at mapagtatanto ni Jim ang tunay na nararamdaman niya para kay Bonnie. Gayunpaman, hindi niya naisip na may ibang paraan si Jim para harapin ang lahat ng ito. Hindi lang ‘yun, hindi niya pa naisip na hindi susundin ni Christopher ang payo niya at bumalik si Christopher ng hindi sinasabihan ang kahit sino at nagkaroon pa ito ng psychotic episode. “Tumutulong lang po kayo,” Nagbuntong hininga si Joshua para palubagin ang loob ni Rosalyn nang makita niya na nakokonsensya na ito. “Nawalan na tayo ng kontrol sa sitwasyon, at hindi niyo po ito kasal
Magbasa pa

Kabanata 2285

“Hindi ka sasaktan ni Uncle Christopher, kaya bakit hindi natin siya bisitahin? Hindi ka niya sasaktan ngayon at nandito ako.” “Pero natatakot ako…” Sa sobrang pag iyak ni June, ang isip niya ay hindi maalis ang imahe ni Christopher na sinasakal siya at dinedemanda na malaman kung paano siya nasaktan. Natakot siya sa tatay niya. Hindi ito ang lalaki na tinatawag niya na isang tatay! Parang mata ng isang baliw ang mga mata ni Christopher at hindi mapigilan na isipin ni June na ibang tao na ang tatay niya! Wala siyang lakas ng loob para muling harapin ang lalaking ito, ngunit sinasabi ni Harvey sa kanya na gusto ng Uncle Joshua at Aunt Luna niya na bisitahin nila ang tatay niya. Ayaw niyang pumunta! Hindi niya tatay ang lalaking ito; isa siyang demonyo, isang halimaw! “‘Wag kang makulit, June. Anim na taon ka at matandang babae ka na, kaya hindi pwedeng makulit ka na parang ganito.” Tinapik ni Harvey ang likod ni June na para bang isa siyang matanda na pinapanatag ang isang
Magbasa pa

Kabanata 2286

Hindi napunta sa isip ni Luna na sasabihin ni Harvey ang lahat ng ito sa harap ni June. Nabigla siya ng ilang sandali, at pagkatapos ay umiling siya. “Harvey, hindi ito ang oras para kumilos ka ng basta basta. Ang sitwasyon ni Uncle Christopher ay mas seryoso pa kaysa sa iniisip mo. Kung pinuntahan mo siya sa halip na si June, baka talunan ka niya.” Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Luna sa direksyon kung saan nakatayo si June at nakita niya na nakatingin sa kanya si June, halatang problemado. Pagkatapos, nagbuntong hininga siya. “Ayos lang; hindi niyo kailangan umalis. Dadalhin ko sa kanya ang cauliflower herb soup na ginawa ni Nellie at susubukan ko siyang pakalmahin.” Magiging ayos lang ang lahat kung bumalik sa sarili si Christopher pagkatapos matikman ang soup na niluto ni Nellie. Ngunit, kung nabigo siya… masasayang lang ang lahat kahit na dinala ni Luna si Nellie doon. Umupo siya at tinapik niya ang balikat ni Harvey. “Maghintay ka para sa balita.” Lumingon si Luna a
Magbasa pa

Kabanata 2287

“Pagkatapos mawala ang mga alaala ni Uncle Jim, akala niya ay isang tuso na babae si Aunt Bonnie kahit na wala siyang ebidensya. Sinabi niya pa na ang lahat ng ginawa ni Aunt Bonnie ay para lokohin siya.” Tinaas ni Nigel ang salamin niya sa ilong niya. “Namana ito ni Harvey mula kay Uncle Jim.” Habang nakatingin sa kalmado at mature na kapatid niya, tumakbo papunta sa itaas si Nellie, kagat niya ang kanyang labi. “Nigel, Nigel! Kung talentado ka talaga, pwede mo ba malaman kung si Aunt Bonnie si Number-9?” Pinasa ni Nigel ang mga dokumento kay Nellie at lumingon siya para tumingin sa malayo. “Kung makumbinsi mo si Neil na gumawa ng mas maraming cake para sa akin, pwede pa akong kumuha ng mas maraming impormasyon para sayo.” Nabigla si Nellie ng ilang sandali bago siya tumawa ng malakas. “Sige. Hahanapin ko siya ngayon!” Gumaling na sa pagluluto si Neil, at may mga panahon na ang pagkain na ginawa niya ay mas masarap pa kaysa sa mga kinakain nila sa mga restaurant. Sina Nellie
Magbasa pa

Kabanata 2288

Tumibok ang puso ni Luna nang makita niya na masama ang tingin ni Christopher sa kanya. Agad na hinila ni Joshua si Luna. “‘Wag kang matakot.” Ginamit niya ng mga braso niya para protektahan si Luna at lumingon siya para tumingin kay Christopher mula sa mga rehas gamit ang malamig na mga mata. “Bakit hindi ka pwedeng bisitahin ni Luna? Kahit anong mangyari, pinalaki ka ni Rosalyn simula pa noong bata ka. Mahina na ang katawan niya para bisitahin ka, kaya nandito si Luna.” “Anong problema? Mula sa obserbasyon ko, mukhang hindi mo siya gusto dito.” Ngumisi si Christopher at tumingin siya ng masama kay Luna, ang mga mata niya ay puno ng paghamak. “Tama ka; ayaw ko siya dito. Ayaw ko ng mga malas dito!” Kumunot ang noo ni Luna dahil dito. ‘Isa akong malas?’ “Oo, isa kang malas!” Nabasa siguro ni Christopher ang isip ni Luna at galit niyang sinabi, “Isipin mo ang lahat ng ginawa mo. Kailangan mo ba na ilista ko ito lahat para sayo?” “Noong bumalik ka sa Banyan City, ang pamily
Magbasa pa

Kabanata 2289

Ito ay ang lasa ng cauliflower herb soup na laging ginagawa ni June para sa kanya! Bumalik ng kaunti sa sarili si Christopher dahil sa pamilyar na lasang ito. Kumunot ang noo niya at inubos niya ang soup. Sa huli, ibinaba niya ang container nang maubos niya na ito. “Ito lang ba ang meron ka?” “Meron pa kami dito.” Habang nababawasan ang pagkabaliw sa emosyon ni Christopher, huminga ng malalim si Joshua at idinagdag niya, “May gusto pa akong itanong. Kung gusto mo pa ng soup, kailangan mong sagutin ang mga ito.” “Sige,” Pumayag si Christopher habang tinikom niya ang mga labi niya. Pagkatapos ay tumingin siya ng maingat kay Luna, na halatang maputla. Nag isip siya ng mga tamang salita para humingi ng tawad kay Luna, kahit na wala siyang mabuo na salita. “Wala ka sa sarili mo. Naiintindihan ni Luna na hindi mo sinasadya ang sinabi mo,” Ang sabi ni Joshua habang nakasimangot pagkatapos basahin ang isip ni Christopher base sa ekspresyon nito.Napagtanto na ni Luna kung bakit nakati
Magbasa pa

Kabanata 2290

“Sinabi ni Bonnie na bumalik ka?” Ang agad na sinabi ni Luna, nakakunot ang noo niya nang marinig niya ang sagot ni Christopher. “Paano nangyari ‘yun? Christopher, alam mo ba ang sinasabi mo?” Nasa coma si Bonnie ng dalawang araw na. Nang tawagan nila Jim at Rosalyn si Christopher kahapon, nakahiga na si Bonnie sa kama at wala na siyang kakayahan na magsalita o gumalaw. Nagdesisyon siguro si Christopher para suwayin si Rosalyn at bumalik ng Merchant City ng palihim, ngunit sinabi niya na si Bonnie ang nagsabi sa kanya na gawin ito. Imposible ito! Nawala ang awa ni Luna para kay Christopher pagkatapos malaman ang kung anong klase ng tao si Christopher. “Hindi namin kailangan maniwala sa sinasabi mo. Kung ayaw mong maging tapat sa amin, walang punto para sayangin mo ang oras namin.” Noong una, hindi makapag desisyon si Luna kung dadalhin niya si June o Harvey para bisitahin si Christopher, pero nakapag desisyon na siya, napagtanto niya na isang baliw si Christopher na hirap makip
Magbasa pa
PREV
1
...
227228229230231
...
308
DMCA.com Protection Status