“Hindi ka sasaktan ni Uncle Christopher, kaya bakit hindi natin siya bisitahin? Hindi ka niya sasaktan ngayon at nandito ako.” “Pero natatakot ako…” Sa sobrang pag iyak ni June, ang isip niya ay hindi maalis ang imahe ni Christopher na sinasakal siya at dinedemanda na malaman kung paano siya nasaktan. Natakot siya sa tatay niya. Hindi ito ang lalaki na tinatawag niya na isang tatay! Parang mata ng isang baliw ang mga mata ni Christopher at hindi mapigilan na isipin ni June na ibang tao na ang tatay niya! Wala siyang lakas ng loob para muling harapin ang lalaking ito, ngunit sinasabi ni Harvey sa kanya na gusto ng Uncle Joshua at Aunt Luna niya na bisitahin nila ang tatay niya. Ayaw niyang pumunta! Hindi niya tatay ang lalaking ito; isa siyang demonyo, isang halimaw! “‘Wag kang makulit, June. Anim na taon ka at matandang babae ka na, kaya hindi pwedeng makulit ka na parang ganito.” Tinapik ni Harvey ang likod ni June na para bang isa siyang matanda na pinapanatag ang isang
Hindi napunta sa isip ni Luna na sasabihin ni Harvey ang lahat ng ito sa harap ni June. Nabigla siya ng ilang sandali, at pagkatapos ay umiling siya. “Harvey, hindi ito ang oras para kumilos ka ng basta basta. Ang sitwasyon ni Uncle Christopher ay mas seryoso pa kaysa sa iniisip mo. Kung pinuntahan mo siya sa halip na si June, baka talunan ka niya.” Pagkatapos sabihin ito, tumingin si Luna sa direksyon kung saan nakatayo si June at nakita niya na nakatingin sa kanya si June, halatang problemado. Pagkatapos, nagbuntong hininga siya. “Ayos lang; hindi niyo kailangan umalis. Dadalhin ko sa kanya ang cauliflower herb soup na ginawa ni Nellie at susubukan ko siyang pakalmahin.” Magiging ayos lang ang lahat kung bumalik sa sarili si Christopher pagkatapos matikman ang soup na niluto ni Nellie. Ngunit, kung nabigo siya… masasayang lang ang lahat kahit na dinala ni Luna si Nellie doon. Umupo siya at tinapik niya ang balikat ni Harvey. “Maghintay ka para sa balita.” Lumingon si Luna a
“Pagkatapos mawala ang mga alaala ni Uncle Jim, akala niya ay isang tuso na babae si Aunt Bonnie kahit na wala siyang ebidensya. Sinabi niya pa na ang lahat ng ginawa ni Aunt Bonnie ay para lokohin siya.” Tinaas ni Nigel ang salamin niya sa ilong niya. “Namana ito ni Harvey mula kay Uncle Jim.” Habang nakatingin sa kalmado at mature na kapatid niya, tumakbo papunta sa itaas si Nellie, kagat niya ang kanyang labi. “Nigel, Nigel! Kung talentado ka talaga, pwede mo ba malaman kung si Aunt Bonnie si Number-9?” Pinasa ni Nigel ang mga dokumento kay Nellie at lumingon siya para tumingin sa malayo. “Kung makumbinsi mo si Neil na gumawa ng mas maraming cake para sa akin, pwede pa akong kumuha ng mas maraming impormasyon para sayo.” Nabigla si Nellie ng ilang sandali bago siya tumawa ng malakas. “Sige. Hahanapin ko siya ngayon!” Gumaling na sa pagluluto si Neil, at may mga panahon na ang pagkain na ginawa niya ay mas masarap pa kaysa sa mga kinakain nila sa mga restaurant. Sina Nellie
Tumibok ang puso ni Luna nang makita niya na masama ang tingin ni Christopher sa kanya. Agad na hinila ni Joshua si Luna. “‘Wag kang matakot.” Ginamit niya ng mga braso niya para protektahan si Luna at lumingon siya para tumingin kay Christopher mula sa mga rehas gamit ang malamig na mga mata. “Bakit hindi ka pwedeng bisitahin ni Luna? Kahit anong mangyari, pinalaki ka ni Rosalyn simula pa noong bata ka. Mahina na ang katawan niya para bisitahin ka, kaya nandito si Luna.” “Anong problema? Mula sa obserbasyon ko, mukhang hindi mo siya gusto dito.” Ngumisi si Christopher at tumingin siya ng masama kay Luna, ang mga mata niya ay puno ng paghamak. “Tama ka; ayaw ko siya dito. Ayaw ko ng mga malas dito!” Kumunot ang noo ni Luna dahil dito. ‘Isa akong malas?’ “Oo, isa kang malas!” Nabasa siguro ni Christopher ang isip ni Luna at galit niyang sinabi, “Isipin mo ang lahat ng ginawa mo. Kailangan mo ba na ilista ko ito lahat para sayo?” “Noong bumalik ka sa Banyan City, ang pamily
Ito ay ang lasa ng cauliflower herb soup na laging ginagawa ni June para sa kanya! Bumalik ng kaunti sa sarili si Christopher dahil sa pamilyar na lasang ito. Kumunot ang noo niya at inubos niya ang soup. Sa huli, ibinaba niya ang container nang maubos niya na ito. “Ito lang ba ang meron ka?” “Meron pa kami dito.” Habang nababawasan ang pagkabaliw sa emosyon ni Christopher, huminga ng malalim si Joshua at idinagdag niya, “May gusto pa akong itanong. Kung gusto mo pa ng soup, kailangan mong sagutin ang mga ito.” “Sige,” Pumayag si Christopher habang tinikom niya ang mga labi niya. Pagkatapos ay tumingin siya ng maingat kay Luna, na halatang maputla. Nag isip siya ng mga tamang salita para humingi ng tawad kay Luna, kahit na wala siyang mabuo na salita. “Wala ka sa sarili mo. Naiintindihan ni Luna na hindi mo sinasadya ang sinabi mo,” Ang sabi ni Joshua habang nakasimangot pagkatapos basahin ang isip ni Christopher base sa ekspresyon nito.Napagtanto na ni Luna kung bakit nakati
“Sinabi ni Bonnie na bumalik ka?” Ang agad na sinabi ni Luna, nakakunot ang noo niya nang marinig niya ang sagot ni Christopher. “Paano nangyari ‘yun? Christopher, alam mo ba ang sinasabi mo?” Nasa coma si Bonnie ng dalawang araw na. Nang tawagan nila Jim at Rosalyn si Christopher kahapon, nakahiga na si Bonnie sa kama at wala na siyang kakayahan na magsalita o gumalaw. Nagdesisyon siguro si Christopher para suwayin si Rosalyn at bumalik ng Merchant City ng palihim, ngunit sinabi niya na si Bonnie ang nagsabi sa kanya na gawin ito. Imposible ito! Nawala ang awa ni Luna para kay Christopher pagkatapos malaman ang kung anong klase ng tao si Christopher. “Hindi namin kailangan maniwala sa sinasabi mo. Kung ayaw mong maging tapat sa amin, walang punto para sayangin mo ang oras namin.” Noong una, hindi makapag desisyon si Luna kung dadalhin niya si June o Harvey para bisitahin si Christopher, pero nakapag desisyon na siya, napagtanto niya na isang baliw si Christopher na hirap makip
“Humiling si Bonnie na iligtas ko siya dahil pinilit siya ni Jim na magpakasal sila, sinabi niya pa na magiging huli ang lahat kapag hindi agad ako pumunta. Naglagay pa siya ng mga headline ng dyaryo ng Merchant City para makita ko, mga report na tungkol sa pagpapakasal nila Bonnie at Jim.” Pumikit si Christopher, at ang boses niya ay naging masungit habang nagpatuloy siya, “Sinabi niya rin na papakasalan niya si Jim kung gusto niya, at ang reason na pumipigil sa kanya ay dahil ayaw niya. Ngayon, gusto siyang pagsamantalahan ni Jim habang may sakit siya.” Dumilat si Christopher at tumingin siya ng masama kay Joshua. “Hindi ko makalma ang sarili ko pagkatapos ko mabasa ang email. Hindi ko ito matanggap. Sa huli, ayaw ni Aunt Rosalyn na bumalik ako dahil ayaw niya na malaman ko ang tungkol sa pagpapakasal nila Jim at Bonnie. Alam niya na mahal ko rin si Bonnie.” “Kung sinabi niya lang sakin na magpapakasal sina Jim at Bonnie, ibibigay ko pa ang basbas ko sa kanila, pero bakit niya
Kumunot ang noo ni Luna sa paliwanag ni Joshua, at matagal bago niya maintindihan kung ano ang pinaplano ni Joshua. “Sinasabi mo ba… na may taong nagpanggap na si Bonnie at nagsend kay Christopher ng isang email para lokohin siya?” Ngumiti si Joshua at hinimas niya ng malambing ang ulo ni Luna. Ang boses niya ay kasing lambing ng hangin habang nagsalita siya, “Ano pa ba sa tingin mo? Naniniwala ka ba talaga na biglang gigising sa gitna ng gabi si Bonnie at magsesend siya ng email kay Christopher?” Pagkatapos pakinggan ang sagot ni Joshua, kinagat ni Luan ang labi niya at napagtanto niya na ang tanong niya… ay walang kwenta sa simula pa lang. “Nakakatawa, ang cute mo talaga.” Nagbuntong hininga si Joshua at niyakap niya ng mahigpit si Luna, sinabi niya, “Matalino at independent ka, inaayos mo ang mga problema ng mag isa. Mabait ka sa akin at wala kang hinihingi ng kapalit. Hindi lang ‘yun, hindi ka pa gumawa ng gulo para sa akin o hinayaan ako na makiramay sa mga problema mo. Hi