All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1941 - Chapter 1950

3080 Chapters

Kabanata 1941

“Bukod sa, pwede ko rin bisitahin sila nanay at tatay.” Napabuntong hininga si Joshua nang marinig niya ito. “Ang huling beses na nakita natin ang mga magulang mo, akala natin ay gagaling na sila ng mabilis…” Napabuntong hininga din si Luna nang marinig niya ito. Akala niya rin ay gagaling na sina Charles at Rosalyn, at ito rin ang sinabi ni Dr. Liddell. Gayunpaman… Kagabi, nabalitaan ni Luna mula kay Dr. Liddell ang tungkol sa nangyari para hadlangan ang pag galing nila Charles at Rosalyn. May nurse na mahilig makinig sa news station sa radio tuwing binabantayan niya ang dalawa. At sa araw na ‘yun, ang lokal na radio station ay nag balita tungkol sa Merchant City, at natuklasan nila Charles at Rosalyn ang tungkol sa biglang pagbabago ng ugali ni Jim at ang pagaaway nilang dalawa ni Luna. Sumama ang kondisyon ni Rosalyn, at mas madalang na ang pagiging matino ni Charles… Nawala ang lahat ng senyales na gagaling na sila sa loob ng ilang oras, at sa puntong nito, tila s
Read more

Kabanata 1942

Agad na kumunot ang noo ni luna nang marinig niya ito. Mabilis siyang bumaba ng hagdan at lumapit siya kay Malcolm, “Ano ang sinabi mo? Alam mo ba kung nasaan ang anak namin?” Nang makita na interesado pa rin si Luna na malaman ang kinaroroonan ng anak nila ni Joshua, kinagat ni Malcolm ang labi niya at tahimik siyang nakahinga ng maluwag. Salamat sa Diyos at nagplano siya at inutos niya kay Hunter na ipalit ang anak nila Joshua at Luna sa isa pang sanggol. Kung hindi, wala siyang magagamit laban kila Joshua at Luna para tulungan siya sa sitwasyon niya ngayon. Sa sandali na maisip niya ito, lumapit si Malcolm kay Luna, na siyang nakaluhod pa rin, at hinawakan niya ang paa ni Luna. “Alam ko kung nasaan ang anak mo!” Suminghot siya at nagpatuloy siya na may desperado at nagmamakaawang boses, “Pinagpalit nila Hunter at Heather ang anak niyo noong ipinanganak siya… at ang sanggol na pinalit niya ay ang ang anak namin ni Heather, si Riley!” Pagkatapos, may kinuha siya sa bulsa
Read more

Kabanata 1943

Pumikit si Malcolm at sinabi niya, “Pagkatapos mamatay ni Heather, gusto kong ibalik sa inyo si Riley para subukan kong makakuha ng pera para makatakas ako sa isang lugar na walang nakakaalam…” “Pero, natuklasan ni Quentin ang tunay na pagkakakilanlan niya mula sa hindi ko malaman, at sinunog niya ang bahay namin ni Heather, pinilit niya kami ni Riley na bumalik sa pamilya Quinn…” “Kinuha nila si Riley at ikinulong nila ako sa basement kung saan madilim. Tuwing tinatanong ko sila kung kailan ako pakakawalan, sinabi nila na pakakawalan nila ako kapag namatay o nabaliw ako balang araw, o…” Lumunok si Malcolm at yumuko siya. “O kung isang araw ay mawalan ng halaga sa kanila si Riley.” “Ang rason kung bakit kinulong nila ako ay dahil natatakot sila na lapitan ko kayo at sabihin ko ang tunay na pagkakakilanlan ni Riley…” Sumingkit ang mga mata ni Luna nang marinig niya ito. Lumingon siya at tumitig siya ng malamig kay Malcolm. “Tulad kung paano mo sinira ang mukha ko at pinilit mo
Read more

Kabanata 1944

“Star?” Lumingon si Malcolm para tumitig kay Joshua ng nalilito. “Wala akong maalala sa pamilya… na may pangalan na ganito.” Ang lahat ng miyembro ng pamilya Quinn ay seryosong mga tao, kaya’t bakit sila pipili ng cute na pangalan? Kahit na palayaw lang ito, hindi ito dapat parang pambata. Sumingkit ang mga mata ni Joshua. “Pag isipan mo ng mabuti.” Halos sigurado na siya na ang tao na umarkila kay Todd para gawin ang malupit na mga bagay ay mula sa mga Quinn. Nitong umaga, nabasa na nila Joshua at Lucas ang lahat ng impormasyon ng pamilya Quinn na pwede nilang makuha. Noong una, isang maliit na pamilya lang ang pamilya Quinn na tila hindi kayang palaguin ang negosyo nila ng maraming taon dahil kakompitensya nila ang pamliya Landry at pamilya Lynch, na namumuno sa merkado ng mga panahong ‘yun. Gayunpaman… may nagbago noong 20 taon na ang nakalipas. Ang pagkamatay ni Lucy Hamilton at ni Colin Landry ay ang rason kung bakit walang tigil na nag aaway ang pamilya Landry at
Read more

Kabanata 1945

“Sinabi ni Nellie na may kakaibang teacher sa kindergarten na kinokolekta ng buhok niya… at sinisante ang teacher na ito pagkatapos niyang matuklasan.” Ngumisi si Joshua at idinagdag niya, “Kilala mo ba kung sino ang taong ito, Master Quinn?” Nawala ang kulay sa mukha ni Malcolm nang marinig niya ito. Ilang sandali siyang nagsalita ng putol putol, hindi siya makaisip ng isasagot niya dito. Hindi niya inaasahan na ang anak ni Joshua ay magiging obserbatibo na tulad ni Joshua. Hindi siya makapaniwala na mapapansin ng anak ni Joshua na kinokolekta ang buhok nito mula sa kindergarten at sinabi pa niya ito kay Joshua tungkol dito! Sa sandali na maisip niya ito, kinagat ni Malcolm ang labi niya at tumawa siya ng awkward. “Ano ang pinagsasabi mo, Mr. Lynch? Sa Merchant City ako nakatira, kaya’t paano ko naman malalaman kung sino ang isang teacher na ito sa Banyan City…” “Sana nga ay totoo ang sinasabi mo.” Dumilim ang ekspresyon ni Joshua habang nagpatuloy siya, “Kung hindi, kap
Read more

Kabanata 1946

Lumaki ang mga mata ni Malcolm sa gulat nang marinig niya ito. Tumigas ang buong katawan niya na para bang tinamaan siya ng kidlat habang nakatitig siya kay Luna. Makalipas ang ilang sandali, tumigil siya sa pagtakas sa pagkakahawak ni Sean. Makalipas ang ilang sandali, kumunot ang noo ni Malcolm at nagsalita na siya. “Hindi ko ginawa ‘yun! Luna, wala akong intensyon na kunin ang anak niyo ni Joshua! Si Heather ang gumawa ng lahat ng ito…” “Plano ito nila Heather at Hunter, at… at natuklasan ko lang ito pagkatapos nila gawin ‘yun…” Hindi mapigilan ni Luna na ngumisi habang nakatitig siya sa maputlang mukha ni Malcolm. “Malcolm, lagi mo akong inaakusahan na malupit at wala akong utang na loob, pero ano ang ginagawa mo ngayon?” “Kahit sa puntong ito, nagsisinungaling ka pa rin sa harap ko!” Dumilim ang ekspresyon ni Luna habang nagpatuloy siya, “Sa tingin mo ba ay wala akong alam katulad ng dati at paniniwalaan ko pa rin ang bawat salita na lumalabas sa bibig mo?” Sumingkit
Read more

Kabanata 1947

Tutal, ang simbahan ay isang lugar ng kabanalan at kadalisayan, at hindi ito tatanggap ng isang tao na maraming pinatay na tulad ni Quentin. Basta’t hindi makakapasok si Quentin, magiging ligtas si Malcolm! Bukod pa dito, kahit na gaano kalakas si Quentin, hindi siya pwedeng pumasok sa simbahan ni Samuel para hulihin si Malcolm! Sa sandali na maisip niya ito, mabilis na lumingon si Malcolm para tumingin kay Joshua at wala siyang tigil sa pagpapasalamat. “Sige na, sige na, tama na. Lumabas ka na!” Si Sean, na tinanggap na kanina bilang empleyado bago ang pangyayaring ito, ay sinubukan na palayasin si Malcolm sa bahay na parang isang responsableng guard. Pagkatapos lumabas ng bahay, tumingin si Malcolm kay Sean, nakakunot ang noo niya. “Pwede ka bang kumuha ng kotse para ihatid ako palabas ng bayan?” Hindi siya pwedeng sumugal na tumawag ng taxi sa takot na mahuli siya ni Quentin habang palabas siya ng bayan. Mas mabuti kung isa sa mga tauhan ni Joshua ang maghahatid sa kan
Read more

Kabanata 1948

Sa loob ng bedroom sa bahay ni Joshua, nakahiga si Luna sa kama at nakatakip ang ulo niya sa kumot, yakap niya ang mga tuhod niya habang umiiyak siya ng tahimik. Naapektuhan siya ng sobra sa lahat ng sinabi ni Malcolm. Hindi niya malagpasan ang konsensya na nararamdaman niya para sa lahat ng ito. Ang lahat ng nangyayari kila Bonnie at Jim ay kasalanan niya lahat! Kung nalaman niya lang na may kakaiba sa pagpapanganak ni Heather sa parehong araw na nanganak siya at may problema sa anak niya, magiging iba ang lahat!Dati, sa hospital, sinabi ni Gwen na medyo kakaiba na nanganganak si Heather sa parehong araw na nanganganak si Luna. Gayunpaman, sa mga oras na ‘yun, naisip ni Luna na pinili ni Heather na manganak sa parehong araw na nanganak si Luna para asarin si Luna at agawin ang atensyon mula sa iba. Tutal, kung may naunang nanganak bago ang isa, walang makakasabi kung papaboran ni Charles ang isang anak niya kaysa sa isa pa. Gayunpaman, kung ipinanganak sila sa parehong
Read more

Kabanata 1949

“Sa totoo lang, ang batang ito…” “Anong problema sa bata?” “Wala.” Sumingkit ang mga mata ni Joshua at nagdesisyon siya na hindi sabihin kay Luna ang mga hinala niya. Sa katotohanan, hindi siya naniniwala kay Malcolm. Kung anak talaga nila si Luna, ang kailangan lang gawin ni Malcolm ay patunayan ang punto niya at dalhin niya ang bata para kumuha ng sample para sa isang DNA test. Bakit magkakaroon ng teacher na may Merchant City accent na kumolekta sa buhok ni Nellie sa kindergarten kung saan siya pumapasok? Bakit busy ang taong ito sa pagkolekta ng buhok ni Nellie at hindi kay Nigel o kay Neil? May isang sagot lang dito, at ito ay— Si Riley ay hindi ang anak nila Joshua at Luna, siya ay isang bata na hindi nila kadugo. Ginamit lang ni Malcolm ang buhok ni Nellie para gumawa ng pekeng DNA report para sabihin niya na mula ito kay Riley. Gayunpaman, hula lang ito ni Joshua. Kahit anong mangyari, dahil sinabi ni Malcolm na anak nila si Riley, iniisip ni Joshua na ang
Read more

Kabanata 1950

“Syempre alam ko.” Tumigil ng ilang sandali si Christopher nang unang marinig kay Jim na buntis si Bonnie sa phone, ngunit makalipas ang ilang sandali, lumamig ang kanyang mga mata. “Buntis siya sa akin.” Alam niya na na buntis si Bonnie sa araw ng aksidente ni Bonnie. Isa siyang mahusay na doctor, at kahit na binigyan niya lang ng pisikal na eksaminasyon si Bonnie, nalaman niya na buntis ito. Nagalit si Christopher sa kahalayan ni Bonnie. Wala pang isang taon simula nang magsama sila ni Jim, at sumiping na sila sa isa’t isa. Hindi lang ‘yun, nabuntis pa siya agad kay Jim! Nagkaroon ng traumatic na aksidente si Bonnie dati, kaya’t may problema siya sa pagbubuntis. Kaya naman, hindi madali para sa kanya na mabuntis. Ngayon at nabuntis siya… ibig nitong sabihin ay maraming beses siguro silang nagsiping ni Jim! Sa sandali na maisip ni Christopher na magkasama sina Bonnie at Jim sa kama… halos hindi niya na matiis ang selos niya. Ito ang rason kung bakit pinilit niya na
Read more
PREV
1
...
193194195196197
...
308
DMCA.com Protection Status