Lahat ng Kabanata ng Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Kabanata 1921 - Kabanata 1930

3080 Kabanata

Kabanata 1921

Ngumiti si Bonnie at tinanggal niya ang mask niya, nakita ang magandang mukha niya. Pagkatapos, ngumiti siya kay Jim, na siyang nagulat sa biglang nakita nito, at sinabi niya, “Tinatanong kita: ibibigay mo lang ang singsing ng nanay mo kay Luna ng basta basta lang?” Patuloy sa pagtitig si Jim, nalilito siya sa babaeng nakatayo sa harap niya. “Bonnie?” Ano ang ginagawa niya dito? “Kung ikaw si Bonnie, sino pala ang babaeng kasama ni Charlotte—” “Si Gwen ‘yun.” Sa sandali na marinig niya ito, kumunot ang noo ni Jim at tila may napagtanto siya. Naintindihan niya kung bakit pinilit ni Charlotte na dalhin ang babaeng ‘yun sa pantry. Ito ay dahil pagkatapos takutin nila Luna at Luke, hindi natutuwa si Charlotte sa hindi patas na pagtrato na ito, kaya’t gusto niyang ilabas ang galit niya sa babaeng akala niya ay isang katulong lang.” Tutal, hindi niya pwedeng saktan si Luna, Luke o kahit si Gwen, kaya’t ang tanging pwede niyang labasan ng galit ay ang taong nahanap niya na h
Magbasa pa

Kabanata 1922

Gayunpaman, hindi alam ni Bonnie kung paano niya ipapaalam kay Jim ang lungkot niya, paano pa kaya ang bumalik ang mga alaala ni Jim sa nakalipas na taon nilang magkasama. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ang lalaking mahal niya ay hindi na siya nakikilala, at sa halip, ang isip nito ay puno ng pekeng delusyon sa ibang babae at sinabihan pa siya nito ng masasakit na salita. Walang ordinaryong babae ang magiging kalmado pagkatapos nito. Hindi naiiba si Bonnie. Tutal, isang ordinaryong babae lang siya… Nang makita na paalis na si Jim, huminga ng malalim si Bonnie at kinuha niya ang lahat ng lakas niya para habulin si Jim. Pagkatapos, hindi niya pinansin ang sakit ng tiyan at baling daliri niya, niyakap niya sa likod si Jim at tinanong niya, “Nabasa mo ba ang note na binigay ko sayo nitong umaga?” Ginagamit niya ang buong lakas niya para yumakap siya sa baywang ni Jim. “Sinabi ko na sayo. Basta’t imbestigahan mo ang mga petsa na sinulat ko para sayo, malalaman mo kung nagsama
Magbasa pa

Kabanata 1923

Tumigas ang buong katawan ni Jim nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya at tumingin siya ng malamig kay Bonnie. Gumanda na ang impresyon niya sa babaeng ito kanina pagkatapos niya humingi ng tawad dahil aksidenteng nasugat ang babaeng ito dahil sa kanya. Pagkatapos lang ng ilang segundo, tumalikod ang babaeng ito at sinabi na buntis siya at nagpanggap pa sa pagiging inosente. Hindi lang ‘yun, sinasabi pa ng babaeng ito na ang anak niya ay kay Jim! Wala bang hiya ang babaeng ito? Ang kabaitan ba ni Jim ay isang dahilan para kay Bonnie na sumakay sa tagumpay ni Jim? Nang maisip ito ni Jim, dumilim ang kanyang ekspresyon. Naglakad siya papunta kay Bonnie at sinabi niya ng may ngisi sa kanyang mga labi, “Sinasabi mo ba na buntis ka?” Hinawakan niya ang baba ni Bonnie, pinilit niya itong tumingin sa mga mata niya. “Humingi na ako ng tawad dahil nasaktan ka at mali ang pag unawa ko sayo… pero ngayon, sinasabi mo na buntis ka nga talaga? At sa akin ang bata?” Tumingi
Magbasa pa

Kabanata 1924

Sumingit ng malamig si Jim kay Bonnie bago pa matapos magsalita si Bonnie. Tumingin siya ng malamig sa maputlang mukha ni Bonnie at sinabi niya ng may malamig at walang emosyon na boses, “Kahit na mangyari talaga ito, hindi ako papayag na isilang mo ang bata sa mundong ito, baka gamitin mo pa siya para takutin ako.” Pagkatapos, pwersahan niyang inalis ang braso ni Bonnie. Nawalan ng balanse si Bonnie, at ang buong katawan niya ay tatama sa poste. Nang tatama na siya sa poste, nilabas niya ang kamay niyang may sugat at hinawakan niya ito para ibalanse ang katawan niya. May tumunog na may nabali, ang buong katawan niya ay dumagan sa dating baling daliri, at muli itong nabali. Ngayon naman, mas masakit ito kaysa sa dati. Mabagal na nilipat ni Bonnie ang bigat niya palayo sa kamay niya, at kumapit ang mga braso niya sa poste, Kumirot ang buong katawan niya, at ang mukha niya ay mas maputla pa kaysa sa pader na nasa likod niya. Tumingin siya ng galit kay Jim habang patuloy
Magbasa pa

Kabanata 1925

Samantala, sa loob ng pantry sa Landry Mansion, nakahalukipkip si Charlotte at tumuro siya sa kumukulong takure ng tubig sa kalan. “Kunin mo ‘yun para sa akin. Hindi mo ba alam na dapat kang gumawa ng tsaa para sa mga bisita?” Suot pa rin ni Gwen ang cap at mask niya, kumunot ang noo niya nang marinig niya ito. Kahit na medyo naiirita siya sa pagtrato sa kanya, alam niya na tinatrato siya ng ganito ni Charlotte dahil napagkamalan siya nito na si Bonnie. Gusto niyang alamin ang plano ng babaeng ito para kay Bonnie! Sa sandali na sabihin niya ito, lumapit si Gwen at mabagal niyang hinawakan ang kumukulong takure mula sa kalan. Gayunpaman, sa sandali na hawakan niya ang hawakan ng takure, tinulak siya sa likod ng malakas ni Charlotte, napunta ang buong katawan ni Gwen papunta sa mainit na kalan. Hindi niya napigilan sa oras, humawak si Gwen sa dulo ng kalan gamit ang isang kamay at tumama ang isang kamay sa mainit na takure. May nakakabingi na sigaw na tumunog mula sa loob n
Magbasa pa

Kabanata 1926

Makalipas ang ilang sandali, tumitig si Charlotte kila Luna at Luke, na silang nakatayo sa harap niya. Kanina lang, sa sala… Pagkatapos hilahin si Gwen, ang mga taong natira lang sa kwarto ay sina Luna, Luke, Jim, at… si Bonnie na may disguise. Ngayon at nakatayo dito sina Luna at Luke, ibig sabihin ay magkasama sina Jim at Bonnie! Kinagat ni Charlotte ang labi niya at naintindihan niya na ang lahat; pakana ito lahat ni Luna! Nahulaan ni Luna na iisipin ni Charlotte na ang taong nakatayo sa likod ni Luna ay si Bonnie at na sadyang hihilahin ni Charlotte si Bonnie palabas ng kwarto para saktan ito, kaya’t pinagpalit niya ng pwesto sina Gwen at Bonnie bago ang lahat ng ito. Dahil aksidenteng sinaktan ni Charlotte si Gwen, hindi lang sa may atraso siya kay Luke, gumawa pa siya ng pagkakataon para magkita ng pribado sina Bonnie at Jim! Nang malaman niya na ang nangyayari, kinagat ni Charlotte ang ngipin niya sa galit. Balang araw, papatayin niya ang mapang lokong si Luna!
Magbasa pa

Kabanata 1927

Tumigas ang katawan ni Luna nang marinig niya ito. Tumitig siya ng galit kay Charlotte, na siyang umiiyak na. Ano ang ginagawa ng babaeng ito, nagpapanggap na inosente kahit na wala si JIm sa paligid? Sinabi niya ba na wala siyang mas kinakatakutan sa mundo kundi si Luna? Sino ang niloloko niya? “‘Wag ka nang umarte.” Ngumisi si Luna. “Sinasabi mo na takot ka sa kin? Magaling na actress ka siguro, dahil hindi ko pa ito nakita.” Pagkatapos, lumapit siya kay Charlotte at sinabi niya, “Bakit hindi mo ipakita sa akin kung ano ang kinakatakutan mo?” Kinagat ni Charlotte ang labi niya at napaatras siya, napuno ng takot ang kanyang mukha. “Ikaw… ‘Wag mong gawin ito sa akin, Luna…” Muli siyang umiyak at sinabi niya, “Alam ko na iniisip mo na pera at kapangyarihan lang ang hanap ko kay Jim, pero hindi ito totoo, Luna.” “Mag-sweethearts kami ni Jim simula pa noong bata kami, at kilala namin ang isa’t isa simula pa noong bata kami. Ako…” Hindi mapigilan ni Luna na ngumisi nang m
Magbasa pa

Kabanata 1928

Habang sinasabi ito, umiyak ulit si Charlotte. “Pwede kong ibigay ang lahat ng gusto mo, pero pakiusap… ‘Wag niyong kunin si Jim mula sa akin…” “Para sa akin, walang ibang bagay na mas mahalaga sa mundo kaysa kay Jim!” Ang tila madamdamin na pag amin ni Charlottee ay tila panlalait sa mga mata ni Luna. Alam ni Charlotte na sa puntong ito, paniniwalaan ni Jim ang lahat ng sinasabi niya. Kaya naman, noong sinabi niya na ang tanging tao na gusto at mahalaga sa kanya ay si Jim… pinapakita niya lang ang kapangyarihan niya. Bukod pa dito, kahit na umiiyak si Charlotte, ang mga mata niya ay puno ng tagumpay at ligaya. Kumunot ang noo ni Luna at sinabi niya, “Ang taong nakilala ni Jim sa bahay ampunan at nangako na pakasalan ay si Bonnie! Walang hiya ka para nakawin ang pagkakakilanlan niya at binali mo ang katotohanan. Saan ka nakakuha ng lakas ng loob para umiyak sa harap ko ngayon?” Pagkatapos, naglakad siya papunta kay Charlotte. Gayunpaman, bago pa man siya makapagsalita,
Magbasa pa

Kabanata 1929

Hindi mapigilan ni Luna na huminga ng malalim para ayusin ang tayo niya nang makita niya na determinado si Jim. Huminga siya ng malalim at tumitig siya ng malamig sa lalaking nasa harap niya. “May ideya ka ba kung ano ang sinasabi mo?” Nasaksihan ni Luna kung gaano kamahal ni Jim si Bonnie sa nakalipas na taon. May ilang beses na pagkatapos makipagtalo kay Bonnie, lalapit si Jim kay Luna, malungkot at may hawak na bote ng alak sa mga kamay niya, humihingi ng payo kay Luna. Gayunpaman, sa mga oras na ‘yun, buntis pa rin si Luna, kaya’t hindi siya pwedeng uminom kasama si Jim. Ang tanging magagawa niya lang para makatulong ay ang gawing panatag ang loob ni Jim na mahal talaga ni Bonnie si Jim tulad ng pagmamahal ni Jim dito. Minsang may panahon na si Bonnie ang pinakamahalagang tao para kay Jim. May isang beses pa na palihim na sinabi ni Jim kay Luna habang lasing na naisip niya pa na basagin ang pangako niya kay Harvey para kay Bonnie. Ito ay dahil nangako siya dati kay Ha
Magbasa pa

Kabanata 1930

“Kahit alam niyo ito, nilagay niyo pa rin sa panganib si Ms. Larson.” “Kaya naman, kahit na dapat managot si Charlotte sa pananakit kay Ms. Larson, hindi siya ang dapat sisihin dito.” Sa huli, tumitig ng malamig si Jim sa mukha ni Luna at marahang sinabi, “Bilang mastermind ng scheme na ito, dapat lang na masisi rin si Luna sa nangyari.” Sumingkit ang mga mata ni Luna at lumingon siya para salubungin ang tingin ni Jim. Kalmado ang tingin sa mga mata niya tulad ng dati, ngunit sa halip na malambing ang tingin niya tulad ng isang kapatid, puno ng pagkamuhi ang mga mata ni Jim.” Humalukipkip si Luke at sinabi niya, “Paano kung sinabi ko sayo na wala akong pakialam kung ano ang nangyari bago ang lahat ng ito?” “Si Charlotte ang nagtulak kay Gwen papunta sa kalan noong sinubukan niyang kunin ang takure kanina, kaya’t ang gusto ko lang malaman ay paano mo paparusahan si Charlotte para sa ginawa niya.” “Sa tingin mo ba ay paparusahan ko ang babaeng pinakamahal ko sa mundong ito?
Magbasa pa
PREV
1
...
191192193194195
...
308
DMCA.com Protection Status