All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1881 - Chapter 1890

3080 Chapters

Kabanata 1881

Sa buong biyahe mula sa bus station pabalik ng bahay ni Joshua, ang tanging bagay na naiisip ni Luna ay ang malungkot na tingin sa mga mata ni Gwen noong dinala siya ni Luke. Napansin ni Luna ang kawalan ng pag asa na nararamdaman ni Gwen. Gayunpaman, tuwing titingin siya kay Luna, sinubukan niyang gawing kalmado ang ekspresyon niya at sumenyas siya na ayos lang siya. Gayunpaman… habang sinusubukan maging malakas ni Gwen, mas nakonsensya si Luna. Wala siyang tapang para sabihin kay Gwen na kasalanan niya kaya’t nahuli ito. Kasalanan niya ang lahat. Pinaalam niya kay Joshua ang tungkol sa plano ni Gwen at hinayaan niya na ipaalam ito ni Joshua kay Luke, kaya’t nahuli si Gwen. Pumikit si Luna at humigpit ang mga kamao niya. Dumating na ang kotse sa bahay ni Joshua. Mabilis na lumabas ng kotse ang tauhan ni Luke para buksan ang pinto para kay Luna. Sa sandali na gawin niya ito, naglagay siya ng flash drive sa mga kamay ni Luna. “Ms. Luna, ito po ang bagay na gustong ibig
Read more

Kabanata 1882

Naramdaman ni Luna na sumikip ang dibdib niya habang iniisip niya ito. Mas lalo siyang nagalit dahil sa mapaglarong tono ni Joshua habang biniro nito si Luke, “‘Wag kang mag alala sa akin. Alagaan mo lang si Gwen, ako na ang bahala kay Luna. Hindi kami mag aaway tungkol dito, ‘wag kang mag alala.” “Sige pala, hihintayin ko ang magandang balita mula sayo, at sana, makatanggap ako ng imbitasyon sa kasal niyo sa madaling panahon.” Naramdaman ni Luna na tumaas ang blood pressure niya nang marinig niya ito. Umakyat ang lahat ng dugo sa katawan niya papunta sa ulo niya. Ang lakas ng loob ng lalaking ito na magsabi ng ganitong bagay. Sinasabi niya kay Luke na alagaan si Gwen at ‘wag itong mag alala dahil may paraan siya para harapin si Luna ng mag isa. Sinabi niya pa na umaasa siya na makatanggap ng imbitasyon sa kasal nila Gwen at Luke sa madaling panahon. Huminga ng malalim si Luna at lumapit siya kay Joshua. “Joshua Lynch!” Kumunot ang noo ni Joshua nang mapansin niya ang
Read more

Kabanata 1883

Agad na kumunot ang noo ni Joshua nang marinig niya ito. Nasa phone call nga talaga siya kasama si Luke habang nasa bus station, ngunit hindi niya tinawagan si Luke para isumbong si Gwen. Tumawag siya kay Luke dahil nag aalala siya na sisisihin ni Luke si Luna dito, ngayon at siguradong magkakasalubong sina Luke at Luna sa station. Sa sandali na marinig niya na papunta si Gwen sa station para makipagkita kay Luna, tumawag siya kay Caleb para siguraduhin kung pupunta si Luke sa Lincoln City. Tutal, plano ni Luke na pumunta doon para sa isang business trip, at teritoryo ni Caleb ang Lincoln City. Kaya naman, kung dumating si Luke doon, siguradong sasabihin ni Caleb ang pagdating ni Luke. Dahil dito, sa oras na sinabi ni Caleb hindi dumating ng Lincoln City si Luke, agad na nalaman ni Joshua na hindi nagpakita si Luke sa plano nitong makipagkita para sa business opportunity. Ang rason kaya’t ginawa niya ito ay para mahuli ulit si Gwen, ang ibon na sinubukan tumakas para huma
Read more

Kabanata 1884

Sa sobrang gulat ni Luna sa balitang ito ay lumamig ang dugo niya. Pagkatapos ng limang segundo, yumuko siya para muling suriin ang report na binigay ni Joshua. Klarong nakasulat na buntis si Bonnie, at isang buwan na rin siyang buntis. Kinagat ni Luna ang labi niya. Isang buwan na ang nakalipas… Hindi ba’t ito ang panahon noong nagpapagaling si Luna dahil kakapanganak niya pa lang sa sanggol niya? Naalala niya na tila hindi niya matawagan si Jim sa mga panahong ito. Pagkatapos, nabalitaan niya na ang anak ni Jim, si Shelly, ay may lagnat sa mga panahong ito, at sinsisi ni Bonnie ang sarili niya dahil hindi niya naalagaan ng mabuti si Shelly. Dahil dito, lumipad si Jim papunta sa Banyan City para bisitahin si Bonnie, kaya’t nalagpasan ni Bonnie ang konsensya niya. Ibig sabihin ay… ang sanggol sa tiyan ni Bonnie ay nabuo siguro sa mga oras na ‘yun. Nang makita na hindi na nakapokus si Luna kela Luke at Gwen, kinurot ni Joshua ang noo niya at sinabi niya, “Pumunta ako
Read more

Kabanata 1885

Naipit ang hininga ni Luna sa lalamunan niya sa sandali na banggitin ni Joshua ang paglipat ng gamit niya sa kwarto ni Joshua. Nitong umaga, hindi niya inaasahan na tatratuhin siya ng malamig ni Joshua. Nang gumising siya nitong umaga, hindi niya mapigilan na matuwa, kahit na pagod na pagod siya at wala na siyang lakas na natitira sa katawan niya. Akala niya ay sinabi ni Joshua ang katotohanan nang sabihin nito sa kanya na namimiss na siya nito. Akala niya noong dinala siya ni Joshua sa kama noong gabing ‘yun, ito ay dahil hindi na na mapigilan ni Joshua ang kagustuhan at pagnanasa niya kay Luna. Hindi lang ‘yun, nang maalala ni Luna na mabait ang pakikitungo ni Joshua sa kanya nitong nakaraan, pati na rin ang kagustuhan niytong imbestigahan ang pagkamatay ni Colin para matapos na ang paghihiganti sa dalawang pamilya, hindi niya mapigilan na matuwa kaya’t nilipat niya ang mga gamit niya sa kwarto ni Joshua. Sa mga oras na ‘yun, akala ni Luna ay may mga bagay na hindi na kai
Read more

Kabanata 1886

Sa loob ng painting, may isang elegante at mukhang matalino na babae na nakatayo sa hardin ng dilaw na mga bulaklak. Lumingon sina Theo at Bonnie sa sandali na pumasok si Luna. “Nakabalik ka na.” “Oo.” Umupo si Luna sa dulo ng kama at tumingin siya sa drawing ni Theo. “Mukhang pamilyar ang babaeng ito.” Huminga ng malalim si Theo at tumawa siya ng mahina. “Tumawag sa akin si Roanne nitong umaga, at gusto niya na magpaint ako ng litrato niya at iregalo ko ito sa kanya sa susunod na pagkikita namin.” Pagkatapos sabihin ito, tumuro siya sa painting at tinanong niya, “Nakasuot siya ng puti nang makita natin siya kahapon, kaya’t drinawing ko siya sa damit na ito. Kamukha niya ba ang nasa litrato?” Tumingin siya sa painting, kumunot ang noo niya, pagkatapos ay umiiling siya. “Hindi. Mukha siyang…” Si Dr. Rachel. Syempre, hindi ito sinabi ng malakas ni Luna. “Ganun ba?” Mabilis na tumayo si Theo at niligpit niya ang gamit niya. “Kung ganun, tatanungin ko si Joshua kung may m
Read more

Kabanata 1887

Tumahimik ang buong kwarto. Tumitig ng blanko si Bonnie sa mukha ni Luna, tumigas ang buong katawan niya sa gulat. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya ng mapait. “Paano naman nangyari ‘yun…” Paano naman siya mabubuntis? Nang magpa check up siya sa hospital, sinabi sa kanya ng doctor na dahil sa komplikasyon niya habang nanganganak noong anim na taon na ang nakalipas, nawala na ang kakayahan niyang manganak at mas mababa pa sa sampung porsyento ang chansa para mabuntis siya ng natural. Dahil sa mababang chansa na ito, inisip ni Bonnie na baog na siya. Dahil dito, gusto niya na ang dalawang anak ni Jim at trinato niya pa na parang anak niya ang mga ito. Naisip niya na mahal siguro ni Jim ang mga bata, lalo na at may dalawang anak si Jim bago pa magpakasal. Ngunit, walang kakayahan mabuntis si Bonnie. Gayunpaman, akala niya pa rin ay basta’t tratuhin niya ng mabuti ang mga anak ni Jim, mababawi nito ang pagiging baog niya. Kaya naman, hindi siya naniniwala sa si
Read more

Kabanata 1888

Hindi inaasahan ni Bonnie na pagkatapos masira ang relasyon nila ni Jim, makakatanggap siya ng balita na buntis siya. Tila pinaglaruan ulit siya ng tadhana. Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya sa pregnancy kit na nasa kamay ni Bonnie. “Binigay ba ito sayo ni Jim dahil gusto ka niyang mabuntis?” Bumalik sa katotohanan si Bonnie dahil sa boses ni Luna. Tumango siya ng seryoso at ngumiti siya ng mapait. “Oo, pero mukhang hindi dumating sa tamang oras ang batang ito.” Kinagat ni Luna ang labi niya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Bonnie. “Baka ang batang ito ang susi sa pagbabalikan niya ni Jim.” Tumitig siya ng tapat kay Bonnie at nagpatuloy siya, “Kahit na kapatid ako ni Jim, sa tingin ko ay sayo dapat ang desisyon na ito.” “Kung gusto mo ang batang ito, aalagaan natin siya, at kahit na hindi ka tratuhin ni Jim ng mabuti sa susunod, ako ang mag aalaga sayo.” “Balang araw, babalik ang mga alaala niya sayo.” “Kahit na…” Nawala ang liwanag sa mga mata
Read more

Kabanata 1889

“Pero mula sa itsura mo ngayon…” Hindi mapigilan ni Luna na kumunot ang noo habang tumingin siya sa daliri ni Bonnie na puno ng bandage. “Sa tingin ko ay dapat kang manatili sa bahay para magpahinga.” Hindi pa gumagaling ang sugat sa tiyan ni Bonnie, at nabali pa ang daliri niya. Base sa lala ng mga sugat niya, dapat talaga manatili ni Bonnie sa bahay para magpahinga. Gayunpaman, umiling si Bonnie. “Ayos lang ako. Binigyan ako ng gamot ni Dr. Laura bago siya umalis, kaya’t maganda na ang pakiramdam ko ngayon.” Pagkatapos, tumuro siya sa ubos na IV drip sa itaas ng ulo niya at inalok niya ang kamay niya kay Luna. “Dahil kay Jim ang batang ito… Gusto kong sumubok ng isa pang beses, para sa sanggol.” Pinanood ni Luna habang tinatanggal ni Bonnie ang cannula mula sa kamay niya at ngumiti siya ng mahina. “ Kumunot ang noo ni Luna. “Pero…” Si Bonnie na mismo ang nagsabi na ang pag uugali ni Jim sa kanya ay masama simula nang magkita sila sa hospital nitong umaga. Kaya naman,
Read more

Kabanata 1890

“Kumain ka; tapos na ako kumain.” Pagkatapos, tumayo si Joshua at umalis siya. Nang lagpasan niya si Luna, pwersahan na tumama ang balikat ni Joshua kay Luna at halos bumagsak si Luna sa sahig. Gayunpaman, hindi man lang siya tumalikod at sa halip ay umakyat siya pataas na para bang hindi niya ito naramdaman. Nanatiling walang kibo si Luna, tumingin siya ng masama habang paalis si Joshua habang hawak ni Luna ang masakit niyang balikat. Bakit galit si Joshua? Hindi ba’t ito ang eksaktong mga salita na sinabi niya kay Lucas nitong umaga? “Bakit mo siya kinausap ng ganun?” Tumingin si Theo kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya sa pagkain sa mesa, na hindi pa ginagalaw ni Joshua. “Nawalan siya ng ganang kumain nitong umaga dahil sa away niyong dalawa, at ngayon ay ayaw niyang kumain…” “Kapag nagpatuloy pa ito, hindi na ito kakayanin ng katawan niya.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya, at pagkatapos paupuin si Bonnie, umupo rin siya. “Wala akong ginawa para magalit siya, pe
Read more
PREV
1
...
187188189190191
...
308
DMCA.com Protection Status