Naipit ang hininga ni Luna sa lalamunan niya sa sandali na banggitin ni Joshua ang paglipat ng gamit niya sa kwarto ni Joshua. Nitong umaga, hindi niya inaasahan na tatratuhin siya ng malamig ni Joshua. Nang gumising siya nitong umaga, hindi niya mapigilan na matuwa, kahit na pagod na pagod siya at wala na siyang lakas na natitira sa katawan niya. Akala niya ay sinabi ni Joshua ang katotohanan nang sabihin nito sa kanya na namimiss na siya nito. Akala niya noong dinala siya ni Joshua sa kama noong gabing ‘yun, ito ay dahil hindi na na mapigilan ni Joshua ang kagustuhan at pagnanasa niya kay Luna. Hindi lang ‘yun, nang maalala ni Luna na mabait ang pakikitungo ni Joshua sa kanya nitong nakaraan, pati na rin ang kagustuhan niytong imbestigahan ang pagkamatay ni Colin para matapos na ang paghihiganti sa dalawang pamilya, hindi niya mapigilan na matuwa kaya’t nilipat niya ang mga gamit niya sa kwarto ni Joshua. Sa mga oras na ‘yun, akala ni Luna ay may mga bagay na hindi na kai
Sa loob ng painting, may isang elegante at mukhang matalino na babae na nakatayo sa hardin ng dilaw na mga bulaklak. Lumingon sina Theo at Bonnie sa sandali na pumasok si Luna. “Nakabalik ka na.” “Oo.” Umupo si Luna sa dulo ng kama at tumingin siya sa drawing ni Theo. “Mukhang pamilyar ang babaeng ito.” Huminga ng malalim si Theo at tumawa siya ng mahina. “Tumawag sa akin si Roanne nitong umaga, at gusto niya na magpaint ako ng litrato niya at iregalo ko ito sa kanya sa susunod na pagkikita namin.” Pagkatapos sabihin ito, tumuro siya sa painting at tinanong niya, “Nakasuot siya ng puti nang makita natin siya kahapon, kaya’t drinawing ko siya sa damit na ito. Kamukha niya ba ang nasa litrato?” Tumingin siya sa painting, kumunot ang noo niya, pagkatapos ay umiiling siya. “Hindi. Mukha siyang…” Si Dr. Rachel. Syempre, hindi ito sinabi ng malakas ni Luna. “Ganun ba?” Mabilis na tumayo si Theo at niligpit niya ang gamit niya. “Kung ganun, tatanungin ko si Joshua kung may m
Tumahimik ang buong kwarto. Tumitig ng blanko si Bonnie sa mukha ni Luna, tumigas ang buong katawan niya sa gulat. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya ng mapait. “Paano naman nangyari ‘yun…” Paano naman siya mabubuntis? Nang magpa check up siya sa hospital, sinabi sa kanya ng doctor na dahil sa komplikasyon niya habang nanganganak noong anim na taon na ang nakalipas, nawala na ang kakayahan niyang manganak at mas mababa pa sa sampung porsyento ang chansa para mabuntis siya ng natural. Dahil sa mababang chansa na ito, inisip ni Bonnie na baog na siya. Dahil dito, gusto niya na ang dalawang anak ni Jim at trinato niya pa na parang anak niya ang mga ito. Naisip niya na mahal siguro ni Jim ang mga bata, lalo na at may dalawang anak si Jim bago pa magpakasal. Ngunit, walang kakayahan mabuntis si Bonnie. Gayunpaman, akala niya pa rin ay basta’t tratuhin niya ng mabuti ang mga anak ni Jim, mababawi nito ang pagiging baog niya. Kaya naman, hindi siya naniniwala sa si
Hindi inaasahan ni Bonnie na pagkatapos masira ang relasyon nila ni Jim, makakatanggap siya ng balita na buntis siya. Tila pinaglaruan ulit siya ng tadhana. Kinagat ni Luna ang labi niya at tumitig siya sa pregnancy kit na nasa kamay ni Bonnie. “Binigay ba ito sayo ni Jim dahil gusto ka niyang mabuntis?” Bumalik sa katotohanan si Bonnie dahil sa boses ni Luna. Tumango siya ng seryoso at ngumiti siya ng mapait. “Oo, pero mukhang hindi dumating sa tamang oras ang batang ito.” Kinagat ni Luna ang labi niya at mahigpit niyang hinawakan ang kamay ni Bonnie. “Baka ang batang ito ang susi sa pagbabalikan niya ni Jim.” Tumitig siya ng tapat kay Bonnie at nagpatuloy siya, “Kahit na kapatid ako ni Jim, sa tingin ko ay sayo dapat ang desisyon na ito.” “Kung gusto mo ang batang ito, aalagaan natin siya, at kahit na hindi ka tratuhin ni Jim ng mabuti sa susunod, ako ang mag aalaga sayo.” “Balang araw, babalik ang mga alaala niya sayo.” “Kahit na…” Nawala ang liwanag sa mga mata
“Pero mula sa itsura mo ngayon…” Hindi mapigilan ni Luna na kumunot ang noo habang tumingin siya sa daliri ni Bonnie na puno ng bandage. “Sa tingin ko ay dapat kang manatili sa bahay para magpahinga.” Hindi pa gumagaling ang sugat sa tiyan ni Bonnie, at nabali pa ang daliri niya. Base sa lala ng mga sugat niya, dapat talaga manatili ni Bonnie sa bahay para magpahinga. Gayunpaman, umiling si Bonnie. “Ayos lang ako. Binigyan ako ng gamot ni Dr. Laura bago siya umalis, kaya’t maganda na ang pakiramdam ko ngayon.” Pagkatapos, tumuro siya sa ubos na IV drip sa itaas ng ulo niya at inalok niya ang kamay niya kay Luna. “Dahil kay Jim ang batang ito… Gusto kong sumubok ng isa pang beses, para sa sanggol.” Pinanood ni Luna habang tinatanggal ni Bonnie ang cannula mula sa kamay niya at ngumiti siya ng mahina. “ Kumunot ang noo ni Luna. “Pero…” Si Bonnie na mismo ang nagsabi na ang pag uugali ni Jim sa kanya ay masama simula nang magkita sila sa hospital nitong umaga. Kaya naman,
“Kumain ka; tapos na ako kumain.” Pagkatapos, tumayo si Joshua at umalis siya. Nang lagpasan niya si Luna, pwersahan na tumama ang balikat ni Joshua kay Luna at halos bumagsak si Luna sa sahig. Gayunpaman, hindi man lang siya tumalikod at sa halip ay umakyat siya pataas na para bang hindi niya ito naramdaman. Nanatiling walang kibo si Luna, tumingin siya ng masama habang paalis si Joshua habang hawak ni Luna ang masakit niyang balikat. Bakit galit si Joshua? Hindi ba’t ito ang eksaktong mga salita na sinabi niya kay Lucas nitong umaga? “Bakit mo siya kinausap ng ganun?” Tumingin si Theo kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya sa pagkain sa mesa, na hindi pa ginagalaw ni Joshua. “Nawalan siya ng ganang kumain nitong umaga dahil sa away niyong dalawa, at ngayon ay ayaw niyang kumain…” “Kapag nagpatuloy pa ito, hindi na ito kakayanin ng katawan niya.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya, at pagkatapos paupuin si Bonnie, umupo rin siya. “Wala akong ginawa para magalit siya, pe
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Kailan ko sinabi ‘yun?” Umikot ang mga mata ni Bonnie at mabilis niyang nilabas ang phone niya para ipakita kay Luna ang pag uusap nila kagabi. “Tingnan mo!” Tumingin si Luna sa screen, nakakunot pa rin ang noo niya. Totoo nga, ang nakalagay sa message ay, [Kung wala na ang paghihiganti sa pagitan ng pamilya Landr at pamilya Lynch, papayag ka ba na makipagbalikan kay Joshua?] Pagkatapos basahin ng mga salitang ito ng ilang beses, kinatok ni Luna ang noo niya. “Mali ba ang pag kakabasa ko sa message mo?” Naalala niya na tinanong siya ni Bonnie kung papayag siya na makipagbalikan kay Joshua kung nagpatuloy ang paghihiganti sa pagitan ng mga pamilya nila. Kaya naman, direktang humindi si Luna. Bakit pala biglang nagbago ang tanong? Bakit hindi niya gugustuhin na makipagbalikan kay Joshua kung hindi na sila magkaaway? Marami silang pinagdaanan at may apat na anak na sila, bakit siya tatanggi na sumama kay Joshua? Umikot a
“Bababa ako para kumuha ng pagkain.” “Hindi na kailangan.”Hinawakan ni Joshua ang braso ni Luna, at may bahid ng tuwa sa boses niya, sinabi niya, “Natapon mo ang pagkain; hindi naman sa hindi na ito pwedeng kainin.” Pagkatapos, hinila niya si Luna papunta sa kwarto niya at sinara niya ang pinto. Elegante na tinanggal ni Joshua ang suit jacket at shirt niya, tumingin siya kay Luna. “Ilagay mo na lang ang tray sa mesa.” Tumingin si Luna sa mesa, may mga nakakalat dito na mga papel at folder tungkol sa impormasyon ng Landry Group. Hindi lang ‘yun, may handwritten note pa na plano ni Joshua na talunin ang Landry Group sa mga susunod na pag paglalaban sa negosyo. Kumunot ang noo ni Luna, nilinis niya nag mesa ni Joshua, at nilagay niya ang tray dito. “Plano mo bang pabagsakin na ng tuluyan ang Landry Group?” “Oo.” Tinanggal ni Joshua ang shirt niya, nalantad ang maskuladong katawan niya. Pinaiwanag niya habang nililinis niya ang kanyang sarili gamit ang tuwalya, “Makikipagkit