“Kumain ka; tapos na ako kumain.” Pagkatapos, tumayo si Joshua at umalis siya. Nang lagpasan niya si Luna, pwersahan na tumama ang balikat ni Joshua kay Luna at halos bumagsak si Luna sa sahig. Gayunpaman, hindi man lang siya tumalikod at sa halip ay umakyat siya pataas na para bang hindi niya ito naramdaman. Nanatiling walang kibo si Luna, tumingin siya ng masama habang paalis si Joshua habang hawak ni Luna ang masakit niyang balikat. Bakit galit si Joshua? Hindi ba’t ito ang eksaktong mga salita na sinabi niya kay Lucas nitong umaga? “Bakit mo siya kinausap ng ganun?” Tumingin si Theo kay Luna, pagkatapos ay tumingin siya sa pagkain sa mesa, na hindi pa ginagalaw ni Joshua. “Nawalan siya ng ganang kumain nitong umaga dahil sa away niyong dalawa, at ngayon ay ayaw niyang kumain…” “Kapag nagpatuloy pa ito, hindi na ito kakayanin ng katawan niya.” Tinikom ni Luna ang mga labi niya, at pagkatapos paupuin si Bonnie, umupo rin siya. “Wala akong ginawa para magalit siya, pe
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito. “Kailan ko sinabi ‘yun?” Umikot ang mga mata ni Bonnie at mabilis niyang nilabas ang phone niya para ipakita kay Luna ang pag uusap nila kagabi. “Tingnan mo!” Tumingin si Luna sa screen, nakakunot pa rin ang noo niya. Totoo nga, ang nakalagay sa message ay, [Kung wala na ang paghihiganti sa pagitan ng pamilya Landr at pamilya Lynch, papayag ka ba na makipagbalikan kay Joshua?] Pagkatapos basahin ng mga salitang ito ng ilang beses, kinatok ni Luna ang noo niya. “Mali ba ang pag kakabasa ko sa message mo?” Naalala niya na tinanong siya ni Bonnie kung papayag siya na makipagbalikan kay Joshua kung nagpatuloy ang paghihiganti sa pagitan ng mga pamilya nila. Kaya naman, direktang humindi si Luna. Bakit pala biglang nagbago ang tanong? Bakit hindi niya gugustuhin na makipagbalikan kay Joshua kung hindi na sila magkaaway? Marami silang pinagdaanan at may apat na anak na sila, bakit siya tatanggi na sumama kay Joshua? Umikot a
“Bababa ako para kumuha ng pagkain.” “Hindi na kailangan.”Hinawakan ni Joshua ang braso ni Luna, at may bahid ng tuwa sa boses niya, sinabi niya, “Natapon mo ang pagkain; hindi naman sa hindi na ito pwedeng kainin.” Pagkatapos, hinila niya si Luna papunta sa kwarto niya at sinara niya ang pinto. Elegante na tinanggal ni Joshua ang suit jacket at shirt niya, tumingin siya kay Luna. “Ilagay mo na lang ang tray sa mesa.” Tumingin si Luna sa mesa, may mga nakakalat dito na mga papel at folder tungkol sa impormasyon ng Landry Group. Hindi lang ‘yun, may handwritten note pa na plano ni Joshua na talunin ang Landry Group sa mga susunod na pag paglalaban sa negosyo. Kumunot ang noo ni Luna, nilinis niya nag mesa ni Joshua, at nilagay niya ang tray dito. “Plano mo bang pabagsakin na ng tuluyan ang Landry Group?” “Oo.” Tinanggal ni Joshua ang shirt niya, nalantad ang maskuladong katawan niya. Pinaiwanag niya habang nililinis niya ang kanyang sarili gamit ang tuwalya, “Makikipagkit
Tumigil ang kamay ni Joshua na nakahawak sa tinidor nang marinig niya ito. Makalipas ang ilang sandali, lumingon siya at ngumiti siya kay Luna. “Sige.” Matagal na simula nang natikman niya ang luto ni Luna. Matagal na simula nang… maramdaman niya ang saya na ito. Higit sa isang taon na ang nakalipas simula nang kidnapin ni Hunter si Luna para dalhin sa Merchant City. Dahil dito, higit sa isang taon na ring nakatira si Joshua sa Merchant City. Ilang kilometro ang layo ng Merchant City sa Banyan City, at ang pagkain at paniniwala nila ay malaki ang pinagkaiba. Sa katotohanan, nahihirapan si Joshua na masanay sa bagong pamumuhay niya, ngunit kaya niya itong tiisin para kay Luna. Ngayon at nag aalok si Luna na magluto para sa kanya, wala siyang rason para tumanggi. Tinikom ni Luna ang mga labi niya at matagal siyang tumitig siya kay Joshua, na siyang kumakain pa rin, at sinabi niya, “Sa totoo lang… ang nakita mo na pag uusap namin ni Bonnie kagabi…” “Hindi ‘yun ang bala
Ngayon naman, narinig na ni Luna si Joshua. Kinagat niya ang labi niya, at lumabas na ang sagot sa bibig niya. “Oo.” Sa sandali na sabihin niya ito, napagtanto ni Luna na hindi agad dapat siya sumagot ng mabilis, ng hindi man lang nagdadalawang isip. Gayunpaman, dahil lumabas na ang mga salitang ito, wala nang lugar para pagsisihan niya ito. Bukod pa dito, ito ang katotohanan. Huminga ng malalim si Luna at tumitig siya sa mukha ni Joshua. “Joshua, kung natapos na ang paglalaban ng pamilya Lynch at pamilya Landry, papayag na ako na sumama sayo.” Alam ng lahat kung gaano niya kamahal si Joshua. “Dati, pumayag pa ako na iwanan ang lahat sa Sea City at pumunta sa Banyan City para pakasalan ka.” “Simula sa araw na ‘yun, alam ko na wala nang ibang tao sa mundo na mamahalin ko ng higit sayo.” Huminga ng malalim si Luna at nagpatuloy siya, “Dati, hindi ko naunawaan ang mga kilos mo, at akala ko ay hindi mo ako mahal, pero pagkatapos ng lahat…” Tumingin siya sa mga notes n
Medyo tulala si Luna sa sandali na lumabas siya ng kwarto ni Joshua. Dinala niya sa kusina ang dalawang ubos na plato at kutsara at tinidor at nilagay niya ito sa lababo. Habang ginagawa niya ito, hindi niya mapigilan na isipin ang sinabi ni Joshua sa kanya noong umakyat siya. ‘Mamamatay si Gwen sa oras na iwanan niya si Luke.’ Bakit? Paulit ulit ang tanong na ito sa isip ni Luna sa sandali na buksan niya ang gripo para maghugas ng plato. Bakit mamamatay si Gwen kapag iniwan niya si Luke? Ito ba ay dahil magpapadala ng tao si Luke para patayin si Gwen sa oras na umalis si Gwen ng Merchant City? Kahit na hindi ito imposible… akala pa rin ni Luna na hindi magiging malupit si Luke para patayin si Gwen, kahit na mukha siyang walang awa. "Luna." May tumunog na boses mula sa pinto ng kusina, at bumalik sa katotohanan. Tumalikod siya. May maptulang Bonnie na nakasandal sa salamin na pinto, may madilim na ekspresyon sa kanyang mga mata. “Ma… Masama ba ang itsura ko ngayon
“Kahit… kahit na makita ko lang siya mula sa malayo.” Nang makita na determinado si Bonnie, kinagat ni Luna ang labi niya, hindi siya sigurado sa sasabihin niya. “Hayaan mo siyang pumunta.” Biglang may boses na tumunog mula sa mga hagdan. Lumingon ang dalawang babae sa kusina at lumingon sila para tumingin sa direksyon ng boses— Habang suot ng buong itim, elegante na bumaba ng hagdan si Joshua at sinabi niya, “Hindi makakapag pahinga ng maayos si Bonnie kung hindi niya makikita si Jim, pero…” Tumingin ng istrikto si Joshua kay Bonnie. “Dapat kang mangako kay Luna na habang sinusundan mo siya sa Landry Mansion, kailangan mong magpanggap na isa kang katulong, at hindi mo pwedeng kausapin o makipagkita ng pribado kay Jim.” “Hindi mo pwedeng ipaalam sa kanya na buntis ka at siya ang tatay.” Nang makababa na ng hagdan si Joshua, pumunta siya sa sala, at umupo siya sa sofa. “May ideya na ako ng sitwasyon ni Roanne ngayon.” “Sa ngayon, hindi lang nawala ang mga alaala ni Jim,
Nawala ang kulay sa mukha ni Bonnie nang marinig niya ang mga salita ni Luna. Kinagat niya ang labi niya at yumuko siya para tumitig sa daliri niya, hindi siya sigurado sa gagawin niya. Alam ni Bonnie na ang inihanda ni Joshua ay para sa ikabubuti ni Bonnie at ng anak niya. Sang ayon din siya na ang plano ni Joshua ay ang pinakamagandang pagpipilian niya ngayon. Para bumalik sa Banyan City, kung saan kayang tumulong si Jude na alagaan ang Craig Group habang makakapag pahinga si Bonnie at hintayin para ipanganak ang bata… Ito ang pinakamagandang pwede niyang gawin para masigurado na sa loob ng walong buwan, isisilang ng walang problema ang anak niya. Kahit gaano kalakas sina Charlotte at Jim, hindi nila masusundan si Bonnie sa Banyan City. Gayunpaman, nagising siya sa katotohanan dahil sa mga sinabi ni Luna. Kapag umalis si Bonnie ng Merchant City ng walong buwan… Maaalala pa ba ni Jim si Bonnie pagkatapos ng matagal na panahon? Hindi sigurado si Bonnie sa sagot niya,