Home / Romance / Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko / Chapter 111 - Chapter 120

All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 111 - Chapter 120

3080 Chapters

Kabanata 111

“Daddy, Auntie, ano po ang pinag uusapan niyo?”Napansin ni Nellie na nakatingin sina Luna at Joshua sa kanya. Lumapit siya at ngumiti siya ng mas maliwanag pa sa araw.Tumingin si Joshua kay Luna. Tumaas ang kamay niya at hinimas niya ang ulo ni Nellie. “Wala naman. Nagustuhan mo ba ang dress?”“Opo!” kasing saya ng bell ang boses ni Nellie. “Ginawa po ito ni Mommy para sa akin. Gustong gusto ko po ‘to!”Habang gumagalaw si Nellie, may maliit na dekorasyon mula sa likod ng dress niya na nalaglag.Kumunot ang noo ni Luna. “‘Wag kang kumilos ng basta basta.”Sumunod si Nellie at tumigil siya sa pagkilos.Pinulot ni Luna ang nalaglag na dekorasyon. “Dalhin mo sa akin ang kahon.”“Hmm!” tumakbo si Nellie para kunin ang kahon.“Dapat ko po bang tanggalin ang dress?” ang inosenteng tanong ni Nellie nakatabingi ang ulo.“Hindi na kailangan.” Inilabas ni Luna ang karayom at sinulid sa ilalim ng kahon ng walang problema.“Tumalikod ka.” sumunod naman si Nellie.Mahusay na pinasok n
Read more

Kabanata 112

Binaba ni Joshua ang tingin niya. Habang nakatingin sa kumikinang na mga mata ng anak niya, lumambot ang puso niya.Niyakap niya si Nellie na nasa mga kamay niya. “Masyado ka pang inosente.”Paano magiging malungkot si Luna dahil aalis na siya?Siya ang nagpilit na aalis na siya. Hindi naman siya tinganggalan ni Joshua ng pagkakataon na manatili dito. Naghintay si Joshua para sa kanya kagabi, pero hindi siya nagpakita.Bakit siya nagpapanggap ngayon na ayaw niyang umalis at bad mood siya ngayon?Habang iniisip ito, nagbuntong hininga siya. “Kumain na tayo. Pagkatapos ng tanghalian, tatawagin ko si Lucas para pumili ka ng bago mong katulong, okay?”Kinagat ni Nellie ang mga labi niya at tumango siya. “Okay po.”Pag umalis na ang Mommy niya, kailangan niya na ng tao na mag aalaga sa kanya. Kahit na pakiramdam ni Nellie na independent na siya, pinilit ng mga kapatid at Mommy niya na magkaroon siya ng mag aalaga sa kanya.Pagkatapos ng tanghalian, dinala ni Lucas pababa si Nellie p
Read more

Kabanata 113

Nung dinala ni Nellie si Lily pabalik ng kwarto niya, pumunta si Luna sa hardin sa backyard para tawagan si Malcolm.Nung sinagot na ni Malcolm ang tawag, tumawa siya mula sa kabilang linya ng phone. “Nakita mo si Lily?”Nagbuntong hininga si Nellie, “Hindi ko inaasahan na ikaw mismo ang magdadala dito sa kanila.”“Nagkataon lang na may business meeting ako sa bansang ito, kaya’t dinala ko rin sila. Hindi ko sila sadyang dinala dito.”“Nagkataon lang?”Tahimik ng ilang saglit si Malcolm. Pagkatapos, tumawa siya. “Hindi, hindi talaga. Namiss ko lang si Neil at si Nellie. Namiss din kita ng kaunti.”Tumibok ng mabilis ang puso ni Luna.Pagkatapos manahimik ng matagal, nagbuntong hininga siya, “Pupunta ka rin ba sa birthday party ni Granny Lynch mamayang gabi?”“Hmm.” Ngumiti ng bahagya si Malcolm. “Gusto kong makita ang mga tao na umaapi sayo dati.”Pumikit si Luna. Marami siyang gustong sabihin kay Malcolm, ngunit nung sinagot nito ang tawag, wala siyang mabuo na mga salita.M
Read more

Kabanata 114

Nung binuhat siya sa mga balikat ni Joshua, napagtanto ni Luna na seryoso na ito.Nanglaban siya gamit ang buong lakas niya, pero sa isang galit na lalaki, ang panlalaban niya ay nagpapalakas lang sa kagustuhan nito na pangibabawan siya.Dinala siya ni Joshua sa kwarto nito.Ito ang unang pagkakataon na pumasok si Luna sa kwarto ni Joshua makalipas ang anim na taon. Nagulat siya dahil ang lahat ng nasa kwarto ni Joshua ay pareho pa rin noong nakalipas na anim na taon.Pati ang mga halaman sa bintana ay pareho pa rin sa uri ng halaman na minsang itinanim ni Luna.Gayunpaman, maraming taon na ang lumipas, matagal na dapat namatay at nalanta ang mga halaman niya. Ang halaman na ito ay buhay pa rin at mabuti ang kondisyon, kaya’t paminsan minsan bang pinapalitan ni Joshua ang halaman na ito?Marami siguro siyang oras sa mga kamay niya.Subalit, hindi ito ang tamang panahon para isipin ito.Bang!Sumara ang pinto ng kwarto.Nabigla pa rin si Luna habang tinulak siya ni Joshua sa l
Read more

Kabanata 115

Naging tahimik si Lucas. Hindi niya alam kung ano ang isasagot.“Sir, hi-hi… hindi ko pa po nakita si Ma’am dati.”Napahinto ng ilang saglit si Joshua sa paghihilamos ng mukha.Matapos ang ilang saglit, tumawa siya ng mapait. “Pasensya na.”Lilimang taon pa lang pala na nagtatrabaho si Lucas para sa kanya.Anim na taon nang wala si Luna Gibson. Natural lang na hindi pa siya nakita ni Lucas dati.Nang mapansin ni Lucas ang pagkabigo sa mga mata ng boss niya, nagbuntong hininga siya. “Sir, sa tingin niyo po ba na dahil pakiramdam niyo na pareho sina Luna at si Ma’am, kaya’t tinatrato niyo po siya ng mas mabuti kaysa sa iba?”Sinubukan ni Lucas ang lahat para gumaan ang loob ni Joshua. “Kung ganun po, wala po kayong ginagawang masama. Hindi niyo po dapat saktan ang sarili niyo…”Pumikit si Joshua. Wala na siyang sinabi.May pagkakapareho ba sa Luna na katulong at kay Luna Gibson?Oo.Maraming beses itong naramdaman ni Joshua dahil kay Luna. Tulad ni Luna Gibson. Gayunpaman, alam
Read more

Kabanata 116

Naglakad palayo si Joshua.…Gaganapin ang birthday party ni Granny Lynch ngayon sa Starhill Hotel.Mayaman ang pamilya Lynch. Nagbook sila ng isang buong hotel. Hindi lang ang buong ballroom, pero lahat rin ng mga kwarto.Ang mga matutulog dito ay mga kamag anak, kaibigan, at mga business partner ng pamilya Lynch.Dahil ito ang ika-80 na kaarawan ni Granny Lynch, nag imbita ng maraming tao ang pamilya Lynch sa birthday party.Nung dinala ni Luna si Nellie sa hotel, puno na ang lobby ng maraming tao.Ito ang unang pagkakataon ni Nellie na makita ang ganito karaming tao.Lumaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Sinabi niya ng pabulong, “Marami po bang… mga kaibigan ang pamilya natin?”Tumango si Luna. “Mukha nga.”Hindi niya alam kung gaano karaming kaibigan at kamag anak ang pamilya Lynch, dahil noong kinasal sila ni Joshua, nagpadala lang ng representative ang pamilya Lynch.Sa sobrang simple ng kasal niya ay nakakaawa ito. Gayunpaman, noon, si Joshua lang ang mahalaga sa k
Read more

Kabanata 117

Medyo nabigla si Luna sa mga sinabi ni Aura.Matapos ang ilang saglit, ngumiti si Luna. “Congratulations, Ms. Gibson.”“Alam ko na hindi ka makapaniwala.” binaba ni Aura ang cocktail glass sa mesa. Tumingin siya kay Luna gamit ang mga mata niya na may make-up.“Hindi mo lang kasi iniisip ang mangyayari. Hindi mo ‘to kasalanan. Gaano katagal ka na bang nagtatrabaho para kay Joshua?” Ngumiti ng mayabang si Aura. “Alam mo ba kung bakit ang duwag na si Luna Gibson ay kaya lang ipadala ang anak niya at hindi ang sarili niya?”Bumaba ang tingin ni Luna at pinaglaruan niya ang cocktail glass sa mesa. “Hindi ko po alam.”“Dahil wala siyang lakas ng loob na bumalik. Alam niya na ang aksidente dati ay hindi isang aksidente. May taong nagplano nun.”“Ganun ba?” tumaas ang mga kilay ni Luna. Tumingin siya kay Aura. “Paano niyo po alam ito, Ms. Gibson?”“Dahil si Joshua ang nagplano ng aksidente. Syempre, alam ko ang tungkol dito.”Kalmado pa rin ang boses ni Aura, pero mayabang ang ngiti
Read more

Kabanata 118

“Hindi.”Huminga ng malalim si Luna. Tinabi niya ang mga malungkot na emosyon na naging grabe dahil kay Aura. Umusog siya para paupuin si Malcom sa tabi niya.“Kailan ka dumating?”“Kani-kanina lang.”Ngumiti ng bahagya si Malcolm. Uminom siya ng wine habang inoobserbahan ang madla. “Medyo malaking event ito.”Tumango si Luna. “Kung sabagay, ito ang ika-80 na taon ni Granny Lynch.”Umupo si Malcolm ng mas komportable na posisyon. Ngumiti siya. “Kung hindi ko pa inimbestigahan ang pamilya, hindi ako maglalakas loob na labanan si Joshua, habang nakatingin ang madla dito ngayon.”Napahinto ng kaunti si Luna. “Ikaw… gusto mong kalabanin si Joshua?”“‘Yun ang balak ko.”“Hindi na kailangan, Malcolm.”Nagbuntong hininga si Luna, “Ako na ang bahala sa sarili ko. Hindi ko kailangan ng tulong mo.”“Isang business competition lang ito.” ngumiti ng bahagya si Malcolm. “Pero, kung kailangan mo ako, nandito lang ako para suportahan ka.”Masyadong mapagmahal ang mga salita niya. Naging m
Read more

Kabanata 119

Nagtaka ang madla. Kung isa itong marriage announcement, dapat nandito ang lalaking ikakasal. Bakit wala si Joshua doon? Bakit sina Aura at Granny Lynch lang ang nagaannounce ng kasal?“Dahil wala dito si Joshua.”Nakaupo si Malcolm sa sofa at nakatingin siya sa entablado. Ngumiti siya ng bahagya. “Kanina lang, nakatanggap ng tawag si Joshua. Nasa airport ang tatay niya at nagpasundo siya kay Joshua.”Kumunot ang noo ni Luna. “Dadating ang tatay ni Joshua?”Maraming taon na silang kasal, pero hindi niya nakita ang tatay nito kahit minsan.May balita na namatay ang nanay ni Joshua noong ipinanganak siya, simula noon, lagi nang malungkot ang tatay niya. Nalulong ang tatay niya sa pag inom. Hindi niya man lang niya tiningnan si Joshua.Sa mga mata niya, malas si Joshua. Kung wala si Joshua, hindi sana namatay ang asawa niya, kaya’t hindi siya naging parte ng buhay ni Joshua kahit minsan.Hindi rin madalas banggitin ni Joshua ang tatay niya.Noon, nagtanong si Luna sa mga matandang
Read more

Kabanata 120

Nasa lima o anim na taong gulang ang batang babae. Maliit at maganda siya. Lalo na ang mukha niya! Kamukha ito ni Joshua!Tinakpan ng mga tao ang bibig nila sa gulat.Maganda rin pala ang mukha ni Joshua sa isang babae!Walang pagdududa na ang batang babae na karga niya ay ang anak niya.Ito ang problema. Pumanaw na ang ex-wife niya noong nakalipas na anim na taon. Limang taon na silang engaged ni Aura.Saan… nanggaling ang bata?Patuloy pa rin sa paghula ang mga tao sa baba ng entablado habang dinadala ni Joshua si Nellie sa entablado.Habang nakatingin sa gulat na ekspresyon nila Granny Lynch at Aura, ngumiti ng bahagya si Joshua. “Lola, noong pinapasundo mo sa akin si tatay, alam ko na may binabalak kayo.”Hindi lang sa hindi inaasahan ni Joshua na maging matapang si Aura! Ginawa pa nitong iannounce ang ganitong bagay kasama si Granny Lynch habang wala si Joshua!Naghinala siguro si Aura na desperado na si Granny Lynch, kaya’t kaya niyang gawin ang ganito.Agad na namutla
Read more
PREV
1
...
1011121314
...
308
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status