Nagkagulo ang mga tao sa mga sinabi niya.Pabulong pa kaninang naguusap ang madla tungkol, pero ngayon, wala na silang pakialam kung gaano sila kalakas mag usap.Isang malaking rebelasyon ito!Kanina lang, inannounce nila Granny Lynch at Aura ang tungkol sa araw ng kasal, makalipas ang dalawang minuto, pumasok si Joshua at ang anak niya para iannounce na binabawi niya na ang kasal!“Bakit ikakansela ni Joshua ang kasal?” ngumiti ng bahagya si Malcolm. Tumingin siya kay Joshua sa entablado. “Hindi ba’t maraming taon niya nang gusto si Aura?”“Nagbabago rin ang puso ng isang tao.” Umismid si Luna at tumingin siya kay Joshua sa entablado.“Tatlong taon ko siyang nakasama. Sa sobrang pagkamuhi niya sa akin ay sinubukan niya akong patayin. Halos limang taon niya nang kasama si Aura, baka nagsawa na siya sa babaeng ‘yun.”Sa katotohanan, kahit ano man ang iannounce ni Joshua at ni Aura ng gabing ‘yun, hindi na magugulat si Luna.Mga walang puso sila. Kahit anong gawin nila, maiintind
Narinig ni Luna na naguusap sila sa labas ng kwarto ni Joshua.May pinadalang tao si Joshua para banggain ng sasakyan si Luna sa Bay Bridge, lahat ng ito para sa anak ni Aura.Maraming nagawa na masama si Joshua, pero walang hiya niya pa rin na sinasabi na inosente sila ni Aura.Noong gusto ni Luna dati si Joshua, paano niya hindi nalaman na maikli lang ang pasensya ni Joshua?Nanunuya na tumingala si Luna at tumingin siya sa malamig na tingin ni Joshua. Nagkasalubong ang tingin nila. Naging mas malamig ang tingin ni Joshua.Nasa entablado si Joshua at busy siya sa pagpapaliwanag sa kasal nila ni Aura, ngunit hindi niya napansin na katabi ni Luna ang Young Master ng pamilya Quinn, si Malcolm Quinn!Ang maliit na katawan ni Luna ay katabi ni Malcolm sa sofa. Nakaakbay ito sa likod niya.Mula sa anggulo ni Joshua, mukhang yakap ni Malcolm si Luna!Naningkit ang mga mata ni Joshua. Hindi niya inaasahan na kaibigan ni Luna ang business rival niya.Pati, habang nakatingin sa pagigi
Sa entablado, tumingin si Aura sa lahat ng nakatingin sa kanya. Habang nakatingin sa mga mata ni Granny Lynch na puno ng pagasa, palihim na umikot ang mga mata niya.Mabuti na lang at kaunti lang binayad niya kay Malcolm para sa mga peke. Kung nakuha niya ang tunay na koleksyon, parang ninakawan na rin siya ng matandang babaeng ito!Habang iniisip ito, mapagpanggap na ngumiti si Aura kay Granny Lynch. “Granny, ano po ang sinasabi niyo? Syempre, tutuparin ko po ang pangako ko. Kahit po bawiin ni Joshua ang kasal, magkasundo po kami sa paghihiwalay. Wala pong pag aaway sa pagitan namin, pati…”Ngumiti si Aura at tumingin siya kay Granny Lynch. “Kahit na kanselado na po ang engagement, pamilya pa rin po tayo. Limang taon niyo po akong inalagaan. Tama lang po na ibigay ko ‘to sa inyo.”Pagkatapos, lumingon siya para tumingin sa assistant niya sa malayo. “Dalhin na ang regalo ko dito.”Habang pinupuri ng madla, kinuha ni Aura ang kahon mula sa assistant niya. Marahan niyang binuksan an
Pero...Hindi kapanipaniwala na kayang magdesign ng isang anim na taong gulang bata ang isang magandang koleksyon ng mga alahas.“Ako po ang nag design niyan.” Tumango ng seryoso si Nellie. Tinulak niya palayo si Joshua at bumaba siya mula sa sofa.“Auntie!” agad na tumayo si Luna. Lumapit siya kay Nellie habang dala ang mallit na bag ni Nellie."Tumingin si Joshua kay Luna. May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya ito tinuloy.“Nagdala rin po ako ng sarili kong jewelry design para ibigay kay lola.” kinalkal ni Nellie ang kanyang bag. Ngumiti siya at tumingin siya kay Granny Lynch. “Pero, binigay na po ni tita Aura ang Stargazing kay lola, kaya’t hindi ko na po pwedeng ibigay ito.”Pagkatapos, naglabas siya ng kahon sa kanyang bag. Binuksan ni Nellie ang kahon.May koleksyon ng magandang mga alahas sa loob.Ang disenyo, ang detalye, pati ang kulay ng hiyas ay halos pareho sa mga alahas na nasa kamay ni Granny Lynch.Halata na mas maganda ang mga alahas na nasa kamay ni Nell
Medyo nahiya si Aura dahil nabunyag siya ng tatay ni Joshua.“Apo niyo po si Nellie, syempre, kakampihan niyo po siya! Hindi po ako naniniwala na kayang gumawa ng bata ang isang sikat na design! Hindi rin po ako naniniwala na ang nasa kamay niya ang tunay!”Kinagat ni Aura ang mga labi niya. Bigla siyang may naisip.“Opo, ang koleksyon ko ng alahas ay ang tunay! Nakuha ko po ‘yun mula kay Malcolm Quinn! Alam ng lahat na may nagbigay kay Mr. Quinn ng koleksyon ng alahas! Baka nga po peke ang alahas ng ibang tao, pero ang koleksyon ni Mr. Quinn ay ang tunay! Binili ko ‘yun mula sa kanya!”Kahit na peke ang binili niya, gumawa na siya ng kasunduan kay Malcolm, sinabi na ang binili niya ay ang tunay.Pwede niyang gamitin si Malcolm!“Pero,” si Malcolm, na pinapanood ang kaganapan, ay hindi inaasahan na madadamay siya dito.Tumayo siya at nagkibit balikat siya. “Naalala ko nung binigyan kita ng presyo, Ms. Gibson, namahalan ka dito. Hindi ko binenta ang koleksyon sa inyo.”Napuno ng
Ngumiti ng bahagya si Adrian. “Baka nga.”Sa katotohanan, maliit na bagay lang ang talento. Pinagsikapan siguro ito ni Nellie, sa tulong ng gabay ng kanyang guro, siya lang ang kayang gumawa ng nakakabighani na design sa ganitong edad.Habang nagkakasundo ang pamilya, samantala, si Aura naman ay tinapon na ang pekeng koleksyon ng alahas. Tatakas na sana siya.“Ms. Gibson!”Sa sandali na tumalikod siya, may narinig siyang kalmado ngunit malupit na boses. Nanginig si Aura.Narinig niya na ito ay ang boses ni Luna.“Ms. Gibson.” Naglakad si Luna papunta sa entablado. “Hindi kayo pwedeng umalis ng ganun lang. May dapat pa tayong tapusin.”Dapat niya nang harapin si Aura ngayon. Kung hindi, ang pagbubunyag sa kanya ni Nellie ay sapat na para magalit si Aura kay Nellie at maghiganti.Kumunot ang noo ni Aura at tumingin siya ng malupit kay Luna. “Wala na akong sasabihin sayo!”“Wala na kayong sasabihin sa akin, paano kay Ms. Nellie?”Umismid si Luna at umakyat siya ng entablado. “Na
Tumingala si Aura. Nakita niya ang malamig na mga mata ni Joshua. Medyo nabalisa siya.“Joshua, anong ibig mong sabihin?”“Wala.” mababa at malamig ang boses ni Joshua. “Tandaan mo. Ako ang bayaw mo, ang tatay ni Nellie.”Pagkatapos, hinagis niya palayo ang kamay ni Aura. Tumingin siya ng malamig kay Luna sa likod niya. “Ipagpatuloy mo.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya at nagpatuloy siya, “Akala ko na pagkatapos ng nangyari sa Ferris Wheel, ‘yun na ang huli, pero hindi ko inaasahan na nung dinala ko si Ms. Nellie sa bahay ko, may isa pang aksidenteng nangyari. Nakulong kami ni Nellie sa kwarto. May nagsimula ng sunog sa bahay namin.“Kung hindi dahil kay… Mr. Lynch na dumating sa tamang oras para iligtas kami, hindi sana kami nakatayo ngayon dito para ipagdiwang ang kaarawan ni Granny Lynch.”Nang marinig ito ni Adrian, sumimangot siya at tumingin siya kay Joshua. “Totoo ba ‘yun?”Hindi nagsalita si Joshua. Lumingon si Adrian at tumingin siya kay Granny Lynch. “Ma, alam mo ba
“Joshua Lynch, ‘wag mo akong bibiguin!”Sa huli, mabagal na tumingala si Joshua. Kalmado ang mga mata niya. “Narinig ko ang mga tsismis tungkol dito, pero wala akong katibayan na may kinalaman si Aura dito.”Clank!Nahulog sa sahig ang tasa ng tsaa sa kamay ni Neil.Si Luna, na nasa entablado, ay napaatras dahil hindi siya makapaniwala.Paano nangyari ito? Isang mahusay at makapangyarihang tao si Joshua. Kung kaya itong matuklasan ni Neil, kaya niya rin dapat ito.Paano niya...Ganun ba kahalaga sa kanya si Aura?Nabigla si Luna sa kinalabasan nito. Kahit si Aura ay matagal na natulala, bago niya napagtanto ang mga sinabi ni Joshua!Agad siyang tumingala at tumingin ng mayabang kay Luna. “Narinig mo ba ‘yun? Walang katibayan! Kapag nagsabi ka pa ng mga kalokohan, irereport kita sa pulis!”Habang nakatingin sa kayabangan ni Aura, lumamig ang puso ni Luna.Sa huli, prinotektahan pa rin ni Joshua si Aura. Bakit? Ayos lang ba sa kanya kahit na masaktan si Nellie?Kinagat ni Lun