Pero...Hindi kapanipaniwala na kayang magdesign ng isang anim na taong gulang bata ang isang magandang koleksyon ng mga alahas.“Ako po ang nag design niyan.” Tumango ng seryoso si Nellie. Tinulak niya palayo si Joshua at bumaba siya mula sa sofa.“Auntie!” agad na tumayo si Luna. Lumapit siya kay Nellie habang dala ang mallit na bag ni Nellie."Tumingin si Joshua kay Luna. May gusto siyang sabihin, ngunit hindi niya ito tinuloy.“Nagdala rin po ako ng sarili kong jewelry design para ibigay kay lola.” kinalkal ni Nellie ang kanyang bag. Ngumiti siya at tumingin siya kay Granny Lynch. “Pero, binigay na po ni tita Aura ang Stargazing kay lola, kaya’t hindi ko na po pwedeng ibigay ito.”Pagkatapos, naglabas siya ng kahon sa kanyang bag. Binuksan ni Nellie ang kahon.May koleksyon ng magandang mga alahas sa loob.Ang disenyo, ang detalye, pati ang kulay ng hiyas ay halos pareho sa mga alahas na nasa kamay ni Granny Lynch.Halata na mas maganda ang mga alahas na nasa kamay ni Nell
Medyo nahiya si Aura dahil nabunyag siya ng tatay ni Joshua.“Apo niyo po si Nellie, syempre, kakampihan niyo po siya! Hindi po ako naniniwala na kayang gumawa ng bata ang isang sikat na design! Hindi rin po ako naniniwala na ang nasa kamay niya ang tunay!”Kinagat ni Aura ang mga labi niya. Bigla siyang may naisip.“Opo, ang koleksyon ko ng alahas ay ang tunay! Nakuha ko po ‘yun mula kay Malcolm Quinn! Alam ng lahat na may nagbigay kay Mr. Quinn ng koleksyon ng alahas! Baka nga po peke ang alahas ng ibang tao, pero ang koleksyon ni Mr. Quinn ay ang tunay! Binili ko ‘yun mula sa kanya!”Kahit na peke ang binili niya, gumawa na siya ng kasunduan kay Malcolm, sinabi na ang binili niya ay ang tunay.Pwede niyang gamitin si Malcolm!“Pero,” si Malcolm, na pinapanood ang kaganapan, ay hindi inaasahan na madadamay siya dito.Tumayo siya at nagkibit balikat siya. “Naalala ko nung binigyan kita ng presyo, Ms. Gibson, namahalan ka dito. Hindi ko binenta ang koleksyon sa inyo.”Napuno ng
Ngumiti ng bahagya si Adrian. “Baka nga.”Sa katotohanan, maliit na bagay lang ang talento. Pinagsikapan siguro ito ni Nellie, sa tulong ng gabay ng kanyang guro, siya lang ang kayang gumawa ng nakakabighani na design sa ganitong edad.Habang nagkakasundo ang pamilya, samantala, si Aura naman ay tinapon na ang pekeng koleksyon ng alahas. Tatakas na sana siya.“Ms. Gibson!”Sa sandali na tumalikod siya, may narinig siyang kalmado ngunit malupit na boses. Nanginig si Aura.Narinig niya na ito ay ang boses ni Luna.“Ms. Gibson.” Naglakad si Luna papunta sa entablado. “Hindi kayo pwedeng umalis ng ganun lang. May dapat pa tayong tapusin.”Dapat niya nang harapin si Aura ngayon. Kung hindi, ang pagbubunyag sa kanya ni Nellie ay sapat na para magalit si Aura kay Nellie at maghiganti.Kumunot ang noo ni Aura at tumingin siya ng malupit kay Luna. “Wala na akong sasabihin sayo!”“Wala na kayong sasabihin sa akin, paano kay Ms. Nellie?”Umismid si Luna at umakyat siya ng entablado. “Na
Tumingala si Aura. Nakita niya ang malamig na mga mata ni Joshua. Medyo nabalisa siya.“Joshua, anong ibig mong sabihin?”“Wala.” mababa at malamig ang boses ni Joshua. “Tandaan mo. Ako ang bayaw mo, ang tatay ni Nellie.”Pagkatapos, hinagis niya palayo ang kamay ni Aura. Tumingin siya ng malamig kay Luna sa likod niya. “Ipagpatuloy mo.”Kinagat ni Luna ang mga labi niya at nagpatuloy siya, “Akala ko na pagkatapos ng nangyari sa Ferris Wheel, ‘yun na ang huli, pero hindi ko inaasahan na nung dinala ko si Ms. Nellie sa bahay ko, may isa pang aksidenteng nangyari. Nakulong kami ni Nellie sa kwarto. May nagsimula ng sunog sa bahay namin.“Kung hindi dahil kay… Mr. Lynch na dumating sa tamang oras para iligtas kami, hindi sana kami nakatayo ngayon dito para ipagdiwang ang kaarawan ni Granny Lynch.”Nang marinig ito ni Adrian, sumimangot siya at tumingin siya kay Joshua. “Totoo ba ‘yun?”Hindi nagsalita si Joshua. Lumingon si Adrian at tumingin siya kay Granny Lynch. “Ma, alam mo ba
“Joshua Lynch, ‘wag mo akong bibiguin!”Sa huli, mabagal na tumingala si Joshua. Kalmado ang mga mata niya. “Narinig ko ang mga tsismis tungkol dito, pero wala akong katibayan na may kinalaman si Aura dito.”Clank!Nahulog sa sahig ang tasa ng tsaa sa kamay ni Neil.Si Luna, na nasa entablado, ay napaatras dahil hindi siya makapaniwala.Paano nangyari ito? Isang mahusay at makapangyarihang tao si Joshua. Kung kaya itong matuklasan ni Neil, kaya niya rin dapat ito.Paano niya...Ganun ba kahalaga sa kanya si Aura?Nabigla si Luna sa kinalabasan nito. Kahit si Aura ay matagal na natulala, bago niya napagtanto ang mga sinabi ni Joshua!Agad siyang tumingala at tumingin ng mayabang kay Luna. “Narinig mo ba ‘yun? Walang katibayan! Kapag nagsabi ka pa ng mga kalokohan, irereport kita sa pulis!”Habang nakatingin sa kayabangan ni Aura, lumamig ang puso ni Luna.Sa huli, prinotektahan pa rin ni Joshua si Aura. Bakit? Ayos lang ba sa kanya kahit na masaktan si Nellie?Kinagat ni Lun
Lintik.Sinampal ni Neil ang ulo niya. Hinahanap siya ng Mommy para ipakita ang katibayan na gustong hamakin ni Aura si Nellie.Ngunit, binigay niya ang lahat ng ebidensya niya kay Joshua.Ang rason kung bakit binigay niya kay Joshua ang lahat ng ebidensya ay hindi dahil sa malaki ang tiwala niya kay Joshua, kung hindi dahil sumusugal lamang siya.Kung gagamitin ni Joshua ang mga ebidensya kay Aura, ibig sabihin ay mapagkakatiwalaan pa rin si Joshua.Kung hindi niya naman ito ginamit, ito ay isang leksyon na maaalala niya ng habang buhay! Hindi mapagkakatiwalaan si Joshua Lynch!Sa mga sandaling ito, nagiging masama na ang sitwasyon.Gayunpaman, wala siyang ebidensya para tulungan si Luna. Matagal na panahon na walang tunog sa booth sa itaas.Huminahon na rin ang puso ni Aura na natataranta. Tumingin siya ng mayabang kay Luna. “Nagkukunwari ka lang. Sa tingin ko ay nanghuhula ka lang. Kung wala kang ebidensya, pwede kitang kasuhan ng defamation!”Tumayo si Luna sa isang lugar,
Sinampal ni Neil ang hita niya sa loob ng booth sa ikalawang palapag. “Ang kapatid ko nanaman ang tagapagligtas ng araw!”Agad siyang tumayo ng sabik. “Zach, Yuri, sundan niyo ako!”Nabigla ang dalawang bodyguard na kumakain pa rin. “Boss, saan tayo pupunta?”“Para protektahan ang computer sa backstage! Kung sakaling may balak na pumatay ng power!”Agad na hinabol nila Zach at Yuri si Neil. “Tama kayo, Boss!”Narinig din ni Nigel ang sinabi ni Neil. Tumawa siya ng mahina, “Salamat naman at may konsensya ka pa.”Ngumuso si Neil at pinulot niya ang necklace. “Kung sabagay, ako ang nagkamali! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, pero niligtas mo ako, kapatid!”“Ikaw lang ang magtitiwala sa masamang lalaking ‘yun.”Pagkatapos makipag kwentuhan kay Neil, tumingin si Nigel sa malaking screen mula sa surveillance ng venue.Kontrolado niya na ang screen. Huminga siya ng malalim at pinalabas niya ang video sa kanyang desktop.“Ito ang recording at resibo ng unang transaksyon ni Ms. Au
Sumingkit ang mga mata ni Joshua at tumingin siya ng malamig kay Luna. “‘Wag ka maging bastos.”Tumingala si Joshua at kinuha niya ang microphone. “Pasensya na po sa lahat at nakita niyo ito. Pero, may sariling paraan ang pamilya Lynch sa pagharap ng ganitong mga problema.”Nagpatuloy siya, “Nagtitipon tayo lahat dito para ipagdiwang ang kaarawan ni Granny Lynch. Ang lahat ng nandito ay kaibigan o kamag anak ng pamilya Lynch, kaya’t sigurado ako na pamilyar kayo lahat kung paano namn hinaharap ang mga bagay. Kapag may nakalabas na kahit isang salita mula dito…”Naging malupit ang tingin ni Joshua. “Sigurado ako na alam niyo ang mangyayari.”Agad na tumahimik ang madla. Nagkatinginan ang lahat sa isa’t isa, hindi nila alam ang gagawin nila.Halata ang gustong ipahiwatig ni Joshua: hindi niya gusto na tumawag sila ng pulis, at ayaw niya rin na maparusahan si Aura. Sa halip, gusto niyang maging isang lihim lamang ito.Nalito ang lahat ng nasa venue. Pinilit ni Joshua na walang namam