All Chapters of Mahirap hanapin ang Ex-Wife Ko: Chapter 1021 - Chapter 1030

3080 Chapters

Kabanata 1021

Pagkatapos dalhin ni Luna si Janice sa florist para kumuha ng bulaklak, tumawag sila ng taxi at pumunta ng sementeryo.Dahil wala ang lapida ni Violet sa sementeryo, nakatayo lang silang dalawa sa dulo ng sementeryo para magdasal at bumisita.Sa ilalim ng madilim na ilaw, nakita ni Luna ang pagod at kalungkutan sa mukha ni Janice.Tila naisip niya ang sarili niya. Noong pumanaw si Neil, pareho rin siguro sila ni Janice, hindi ba?Walang mas masakit kaysa sa pumanaw ang taong mahal mo.“Violet…”Habang nakaupo sa isang bato, tumingin si Janice sa kalangitan. Hindi niya na mapigilan ang mga luha niya.“Patawad, patawad…”Hindi rin mapigilan ni Luna na malungkot kasama ni Janice, habang umiiyak ito.Matagal na umiyak si Janice sa sementeryo. Sinamahan siya ni Luna.Baka dahil naramdaman ni Luna na matino at mabait si Luna, pati pumanaw din ang kaibigan niya sa araw na ito, kaya’t may tiala si Janice kay Luna. Umiyak siya at kwinento niya ang nakaraan ni Violet kay Luna.Nang ma
Read more

Kabanata 1022

Ngumiti si Luna at tumingin siya sa lalaking nasa tabi ni Janice.“Buong araw akong naghihintay. Gusto ko kayong makita para sa isang medical consultation.”Agad na kumunot ang noo ni Robert dahil sa mga sinabi ni Luna. Lumingon siya at tumikhim siya ng malamig.“Buong araw mo akong hinintay at naging malapit sa asawa ko para lang makakuha ng medical consultation mula sa akin? Bata ka pa, pero magaling ka magmanipula!”Gulat na tumingin si Janice kay Luna habang nasa tabi siya ni Robert. “Ikaw…”Mabait si Luna. “Nabalitaan ko na dumating kayo sa Banyan City nitong umaga, kaya’t naghintay ako dito. Para kay Aunty Janice, nagkataon lang na nakilala ko siya. Hindi ko alam na asawa mo siya. Dahil asawa niyo si Aunty Janice, nagkataon na nagkita kami. Sana ay magbigay kayo ng ilang minuto para magbigay ng medical consultation, pwede po ba?”Tumikhim ng malamig si Robert. May gusto siyang sabihin nang hinila ni Janice ang braso niya at nagbuntong hininga, “Bigyan mo lang siya ng oras.”
Read more

Kabanata 1023

Biglang lumamig at mabigat ang mood sa buong sala.Sinabi ni Robert ng may mahinang tono. Mapanganib ang tingin niya kay Luna.“Ano pa ang alam mo?”Kanina, akala niya ay sinasadya ng babaeng ito na maging malapit kay Janice para makita siya.Ngunit, noong nilabas ni Luna ang medical records ni Fiona para makita siya at sabihin ang ganito…Agad na nalaman ni Robert na may masamang intensyon ang babaeng ito!Tumawa si Luna, “Old Mr. Jenson, ano pa sa tingin niyo ang alam ko tungkol sa inyo?”Eleganteng sumandal si Luna at tumingin siya sa lalaking may gray na buhok. “Ang mahulog para sa estudyante mo pero pinilit maghiwalay dahil sa agwat ng edad niyo. Noong nakalipas na mga taon, napunta sa mga kamay niyo ang buhay ng anak at asawa niya, pero nabigo kayo na iligtas sila. Ngayon, kasala na kayo, pero tinatakot ka ni Fiona, pinilit ka niya na gumawa ng pekeng medical records…”Sumingkit ang mga mata ni Luna. “Old Mr. Jenson, tama ba ako?”Tumingin si Robert sa kwarto ni Janice s
Read more

Kabanata 1024

Agad na namutla ang mukha ni Fiona dahil sa sinabi ni Luna. Kinagat niya ang mga labi niya at sinabi niya ng mahina at agrabyado na boses. “Nandito ako para humingi ng tawad. Kasalanan ko ang nangyari kagabi. Hindi ko dapat… nilason ang pagkain.”Yumuko si Fiona. Mahina at agrabyado ang boses niya. “Hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko. Mabuti na lang at allergic si Granny Lynch sa mani, kaya’t naglagay ka ng maraming mani sa pagkain niya. Kung hindi, at kinain ni Granny Lynch ang pagkain na nilason ko. Pagsisisihan ko ‘yun ng buong buhay ko!”Ang sabi ni Fiona habang nagpupunas ng luha. “Kaya, Luna, hindi lang ako nandito para humingi ng tawad sayo. Nandito rin ako para magpasalamat. Halos ginawa ko ang pinakamalaking pagkakamali ng buhay ko.”Pagkatapos, napatingin siya kay Joshua mula sa sulok ng kanyang mga mata.Nang mapansin niya na pinatay na ni Joshua ang sigarilyo at may kausap na ito sa phone, sumingkit ang mga mata niya at nagpatuloy
Read more

Kabanata 1025

“Joshua…”Habang nakatingin na pumasok si Luna sa villa, pinigilan siya ni Fiona.Kinagat niya ang mga labi niya at maingat niyang nilapitan si Joshua. Yumuko siya at umamin siya sa pagkakamali niya.“Hindi niya tinanggap ang paghingi ko ng tawad, tuanggi rin siya na sumunod sa atin para sa isang check-up bukas.”Kalmadong tumingin si Joshua kay Fiona. Tinabi niya ang phone niya. “Ganun ba.” Sa totooo lang, inaasahan niya na ito.Hindi madaling tatanggapin ni Luna ang paghingi ng tawad ni FIona, hindi rin siya aamin na may sakit siya sa pag iisip.Ngunit, sa mga nakalipas na araw, sa sobrang normal niya ay nagduda pa si Joshua kung mali ang desisyon nito.Gayunpaman, totoo ang mga sugat ni Nigel. Umiiyak si Nigel at ang sinabi niya na binugbog siya ay totoo rin.Ngunit pagkatapos, pinagdudahan ni Nigel ang sinabi niya…Huminga ng malalim si Joshua, binuksan niya ang pinto ng kotse, at pinapasok niya si Fiona.“Sinubukan mo na. Kung hindi niya tinanggap ang paghingi mo ng tawa
Read more

Kabanata 1026

“Ang hula ko ay sa tingin mo ay wala kang sakit, kaya’t hindi ka lang tumangi na makita ang mga doctor, iiwasan mo rin ako, kaya’t ako na ang unang umaksyon.”Sa sobrang galit ni Luna ay lumaki ang mga mata niya.“Joshua! Sinabi ko na sayo na wala akong sakit! Maganda ang kondisyon ng pag iisip ko. Kayo ni Fiona ang may sakit sa pag iisip. Hindi ako magkakaroon ng mental breakdown!”“Pero, ang Luna na kilala ko, na walang sakit sa pag iisip, ay hindi aabusuhin si Nigel.”Nabigla si Luna, “Hindi ko ginawa ‘yun!”“Saan pala nanggaling ang mga sugat ni Nigel? Sinaktan niya ang sarili niya?” Malamig ang boses ni Joshua.“Papunta na ako sa Blue Bay Villa kasama si Dr. Robert Jenson at ang medical team niya. Dahil ayaw mo kaming makita, kami ang pupunta sayo. Kung sa huli, normal ang pag iisip mo, wala kaming gagawin sayo.”Pagkatapos, binaba na ni Joshua ang phone.Natulala sa gulat si Luna. Hindi siya makagalaw. Nagyelo ang dugo niya.Si Robert Jenson.Dadalhin ni Joshua and medi
Read more

Kabanata 1027

Gusto rin malaman ni Luna ang sagot sa tanong ni Fiona. Tinapat niya ang tainga niya para marinig ang mga tunog sa labas. Huminga siya ng maingat na para bang natatakot na kapag huminga siya ng mabigat, hindi niya maririnig ang sagot ni Joshua.Makalipas ang mahabang sandali, tumunog ang malamig na boses ni Joshua mula sa labas. “Kung may sakit siya, aalagaan ko siya. Kung seryoso ito, ipapadala ko siya sa hospital.”Pumikit si Luna. Agad na lumubog ang puso niya. Ang hospital na tinutukoy ni Joshua ay hindi isang ordinaryong hospital. Ito ang mental hospital na parang kulungan kung saan kinulong sina Aura at Bonnie dati.Kinagat niya ang mga labi niya. Nakatali ang mga kamay niya. Dumii ang kuko niya sa balat niya. Dumudugo siya, ngunit hindi ito maramdaman ni Luna.Nalunod ang puso niya sa kawalan ng pagasa. Mahigpit na binabantayan ang mental hospital. Kahit ang isang kriminal na tulad ni Jason Lane ay hindi makakatakas!Kapag kinulong siya, makukuha niya pa rin ba ang kalayaan
Read more

Kabanata 1028

Sa katotohanan, hindi alam ni Neil kung may sakit sa pag iisip ang babaeng ito o hindi. Sinabi ni Aura na may sakit siya sa pag iisip at araw araw niyang inabuso ang anak niya, ngunit tinitiis lang ito ng anak niya, walang balak sabihin sa iba. Ito ang rason kung bakit tumulong siya para kay Aura.Sa mga oras na ‘yun, hindi niya pa kilala si Luna, ngunit ginawa niya pa rin ito.Gayunpaman, sa nakalipas na ilang gabi, nang makita niya na naglalakad ng magisa si Luna sa ilalim ng ulan, hindi niya mapigilan na pasakayin si Luna sa kotse.Pagkatapos, nakipag kwentuhan din siya sa babaeng ito. Naramdaman niya na hindi ito ang uri ng babae na magiging depressed at magiging bayolente at nananakit ng ibang tao.Sa mga sandaling ito, sinabi ni Luna na ikukulong na siya sa mental hospital…“K-Kung wala kang oras, ayos lang pala.”Tahimik ng ilang sandali si Neil. Sa huli, nagbuntong hininga siya at sinabi niya, “Sana ay gumaling ka na, magandang babae.”Bumukas ang bibig ni Luna. Nasa lal
Read more

Kabanata 1029

Tumingala si Luna at tumingin siya kay Robert na nasa harap niya. Puno ng gray na buhok ang ulo niya. Mukha siyang istrikto at marangal, may awa as mga mata niya.Gayunpaman, sino ang mag aakala na ang isang magaling na doctor sa larangan ng medisina ay sadyang magkakamali at papatayin sina Violet at ang tatay nito para lang makasama si Janice?May kasamaan sa puso niya. Sa sobrang kadiri nito ay nakakasuka! Gayunpaman, kahit na kinamumuihan ni Luna si Robert, kailangan niya pa rin yumuko dito.Tinikom niya ang mga labi niya at tumingin siya sa matandang lalaki na nasa harap niya.“Old Mr. Jenson, sa tingin ko ay pwede pa natin itong pag usapan.”Suminghot siya at gumalaw ang mga binti niya ng kaunti. “Ang gusto niyo, kaya kong…”“Nakuha ko na ang gusto ko.”Inayos ni Robert ang salamin niya na may gintong rim, ngumiti siya ng mayabang at masama.“Sa mga nakalipas na taong ito, ang bagay na kinaaayawan ko sa lahat ay ang pagtingin ng mababa sa akin ng mga magulang ni Janice dah
Read more

Kabanata 1030

Kinagat ni Luna ang mga labi niya. Tila nawawalan na siya ng pagasa.Kung hindi niya kayang kumbinsihin si Robert na patunayan na peke ang diagnosis ni Fiona, hindi niya mapapabagsak si Fiona. Hindi niya maipapakita ang tunay na kulay ni Fiona kay JoshuaIbig sabihin ay hindi niya mapapalabas sa pagtatago si Aura. Hindi niya rin mapapabalik sa kanya sina Neil at Theo.Kahit na naimbestigahan nila ni Christian ang pinaka nakakatakot na mga sikreto ni Robert, sa mga sandaling ito, mukhang masasayang ang lahat ng ginawa nila.Magkakampi sina Robert at Fiona. Mula sa simula pa lang, wala na silang pag asa. Hindi niya ito magawan ng solusyon.Nang makita na nawawalan na ng liwanag ang mga mata ni Luna, mayabang na tumawa si Robert. Tumayo siya at tinabi ang kanyang folder.“Nabalitaan ko na mahigpit ang mental hospital ng Banyan City. Walang may kayang tumakas dito. Ms. Luna, sana ay kayanin mo.”Pagkatapos, binuksan ni Robert ang pinto at umalis na siya.Nakahiga sa kama si Luna, m
Read more
PREV
1
...
101102103104105
...
308
DMCA.com Protection Status